The Lost Soldier (Savage beas...

By Maria_CarCat

5.9M 232K 48.8K

A battle between love and service. More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 26

79.9K 3.4K 613
By Maria_CarCat

Long lost Daughter






Hindi ko alam kung bakit bigla akong nabato sa aking kinatatayuan. Gusto kong gumalaw at tumakbo paalis duon pero ayaw makisama ng aking katawan. Para bang gusto nilang manatili ako duon.

"Ano nanaman ba ang gusto niya?" Inis na bulong ni Doc kenzo habang nakabusangot ang kanyang mukha.

Maya maya ay napalingon niya sa akin at napansin din niya ang aking pagkabato.

"Jandi, anong nangyari sayo?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

Sobrang bigat ng aking dibdib, parang sasabog iyon dahil sa sobrang bilis at lakas ng kabog nuon.

"Pwede na p...po ba ako...akong umalis?" Nauutal na paalam ko sa kanya kahit pa gusto ko ng dumiretsong tumakbo palabas ng kanyang clinic ay hindi ko pa din magawa.

Mas lalong kumunot ang kanyang noo. "Ayos ka lang ba?" Muling tanong niya sa akin.

Pero hindi na ako nakasagot pa ng may biglang kumatok na sa pintuan. Nanlaki din ang mga mata ni Doc kenzo. Ganuon na lamang ang gulat ko ng bigla niya akong hinila ay pinaupo sa kanyang may gulong na upuan.

"Umupo ka lang diyan" utos niya sa akin.

Iniikot niya ang upuan kaya naman nakaharap na ako ngayon sa mahabang lamesa sa likod ng kanyang office table na mayroong mga family picture nila.

Bayolente akong napalunok ng marinig ko ang tuluyang pagbukas ng pinto. "What do want this time?" Iritadong tanong ni Doc kenzo dito.

"The search ia not yet over kenzo, magsalita ka na...help us in the case" sabi ni Aziel.

Hindi ko mapigilang hindi maging emosyonal ng marinig ko ang kanyang boses. Kahit nakatalikod ay sigurado akong si Aziel nga iyon. Gustong gusto kong pumihit paharap sa kanya. Magpakita sa kanya at tumakbo para mayakap siya. Ngunit naghari ang takot sa aking dibdib na baka tama nga si Ducusin, galit pa din siya sa akin at kinamumuhian pa din niya ang aming lahi.

"I won't help you, because i don't have anything to do with that case Tadeo. Move out..." matigas na sagot ni Doc kenzo sa kanya.

Kahit pa naririnig ko ang kanilang pinaguusapan ay hindi ko naman iyon maintindihan lalo na at hindi ko din naman alam kung ano talaga at sino ang kanilang pinaguusapan.

Tuloy tuloy ang pagtulo ng aking luha kaya naman panay ang punas ko dito. Matagal naghari ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Kahit hindi ko nakikita ay alam kong nagkakasukatan na sila ng tingin. Ramdam na ramdam ko din ang bigat ng tensyon sa buong clinic.

"You're with someone?" Rinig kong tanong ni Azisl kaya naman kaagad na nanlaki ang aking mga mata kaya naman mas lalo akong nagtago.

"Yes. At istorbo ka, pwede bang umalis ka na dito. I have a bussiness here" galit pa ding sagot ni Doc kenzo sa kanya.

Hindi na nagsalita pa si Azile pero narinig ko ang kanyang pag ngisi. "Enjoy then" mapanuyang sabi niya dito tsaka ko narinig ang pag bukas at pagsara ng pintuan.

Duon lamang ako nakahinga ng maluwag. Dahan dahan akong tumayo sa aking kinauupuan at tsaka ko kinuha ang mga gamit ko pang linis.

"Pasencya ka na, narinig mo pa iyon" problemadong sabi ni Doc kenzo sa akin.

"Ayos lang po" nakayukong sagot ko dito, at didiretso na sana ako palabas ng humarang ito sa aking daraanan.

"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Nagaalalang tanong niya sa akin at pilit niyang hinuhuli ang aking mga mata pero pilit ko ding umiiwas.

"Wala po ito Doc kenzo, ayos lang po ako" sagot ko sa kanya pero hindi niya ako hinayaang makalabas.

"Kasalanan ko ba?" Nagaalalang tanong niya sa akin.

Mabilis akong umiling siya kanya. "Hindi po, hindi po. May naalala lang po akong nakakalungkot na bagay" pagtanggi at pagpapalusot ko sa kanya.

Napabuntong hininga siya. "Tss. Akala ko kasalanan ko na" nakahinga ng maluwag na sabi pa niya.

"Aalis na po ako" paalam ko pa.

Buong akala ko ay hahayaan na niya ako pero ganuon na lamang ang gulat ko ng hawakan nito ang palapulsuhan ko at hilahin ako palabas ng kanyang office.

"Tara, ilibre na lang kita ng Ice cream para hindi ka na malungkot" sabi pa niya sa akin bago niya ako hinila palabas ng hospital.

Ilang beses kong sinubukang tanggihan si Doc kenzo pero hindi siya nagpatinag. Pag dating sa hallway ay pinagtitinginan tuloy kami ng mga nurse, at mga pasyente. Halos gusto kong itago ang aking mukha dahil sa hiya. Hindi kasi ako sanay na maraming mata ang nakatingin sa akin.

Hawak hawak pa din ni Doc kenzo ang aking palapulsuhan hanggang sa makarating kami sa isang convienient store. Unang beses kong makakapasok duon kahit pa palagi ko itong natatanaw. Pakiramdam ko kasi ay masyadong mahal ang mga tinda duon. Minsan ngang dumaan ako duon at bumukas ang pinto ay naramdaman ko ang lamig mula sa loob.

Napuno ang aking mga mata dahil sa dami ng mga pagkain duon, iba iba. Ni minsan ay ni hindi pa ako nakatikim ng mga ganuon. Hindi matigil ang pag gala ng aking mga mata sa loob dahil sa dami ng pagpipiliang mga pagkain. Lalong nakakaenganyo pa dahil iba iba ang kulay ng kanilang lalagyanan.

"Hoy jandi!" Pagkuha ni Doc kenzo ng aking atensyon dahil wala sa kanya ang aking paningin.

"P...po?" Tanong ko sa kanya.

"Ano kako gusto mong flavor?" Medyo inis na paguulit niya.

Napatingin ako sa malaking box na tinitingnan niya. Sa loob nuon ay may iba't ibang uri ng ice cream.

"Wag na po Doc, masyado pong mahal" pagtanggi ko pa.

Napangisi si Doc kenzo dahil sa aking sinabi. "Libre ko, sige na kahit ano!" Pagtutulak pa niya sa akin.

Napanguso tuloy ako dahil sa nararamdamang hiya. Sa huli ay siya na din ang kumuha ng ice cream para sa aming dalawa. Tig isa kaming solo pack. Rocky road ang flavor na kinuha niya at cookies and cream naman ang ibinigay niya sa amin. Inaya niya akonh umupo sa may labas nh Convinient store para duon kumain, humingi na din kasi siya sa may cashier ng dalawang kutsara para sa amin.

"Maraming salamat po dito Doc kenzo" sabi ko sa kanya.

"Maliit na bagay yan. Tinulungan mo namam akong mapaalis yung sundalo eh" sabi niya sa akim kaya naman muli kong naalala ang hindi magandang relasyon nila ni Aziel.

"Kung wala ka, hindi aalis yun. Kukulitin nanaman ako" sabi pa niya habang sarap na sarap siya sa kanyang pagkain ng ice cream. Sinimulan ko na din ang pagkain ng sa akin, unang subo ko pa lang ay para na akong lumulutang sa sarap, ngayon lang ako muling nakakain ng ganuong pagkain. Ang huli ay nuong namasyal kami ni Aziel sa may perya sa bayan.

Kahit gusto kong ipakitanna sarap na sarap ako sa pagkain ay hindi ko nagawa dahil nahihiya ako kay Doc kenzo. Pero kung si Ducusin lamang itong kaharap ko ay paniguradong baka napapalakpak pa kaming dalawa.

"Pwede po ba akong magtanong?" Pag singit ko sa katahimikan.

Tumaas ang isang kilay niya, pagkatapos ay tsaka siya tumango sa akin.

"Sino po ba yung bisita niyo kanina? Bakit po galit na galit kayo sa kanya?" Tanong ko dito.

Pinilit kong magmukhang hindi ko kilala si Aziel, na kunwari ay hindi ko alam na mahkapatid sila.

"Kapatid ko yun, at galit ako sa kanya dahil wala siyang kwenta" iritadong sagot niya sa akin kaya naman napaawang ang aking bibig.

Gusto ko pa sanang ipagtanggol si aziel ngunit kaagad na nagsalita si Doc kenzo. "Pwede ba wag na natin siyang pagusapan. Eh ikaw, bakit ka janitress?" Tanong niya sa akin.

Napiwas ako ng tingin. "Wala naman po kasi akong pinagaralan, tsaka bagong salta lang po ako dito sa syudad" sagot ko sa kanya.

"Saan ka galing, sa bundok?" Natatawang tanong niya na para bang akala niya ay nagbibiro lang din ako.

Tiningnan ko siya sa mata at tsaka ako tumango. "Opo sa bundok, kaya nga wala akong alam sa mga ganitong pagkain o kahit mga bagay na sa syudad lang makikita" kwento ko pa sa kanya kaya naman nakita ko ang uwang ng bibig ni sir kenzo.

Kita ko ang pagpinta ng kakaibabg ekspresyon sa kanyang mukha na para bang hindi siya naniniwala sa akin. "Saang bundok? Seriously, nakatago ka lang sa bundok all your life?" Namamanghang tanong pa din niya sa akin.

"Isang hindi kilalang bundok sa bulacan" pagsisinungaling ko.

Napatango ito. "Nakakaamaze naman, kaya pala wala kang alam sa Korean drama, at mukha ka talagang mangmang" sabi pa niya sa akin.

Hindi naman na ako nagbigay pa ng reaksyon. Pero bigla itong napaiktad. "I mean, mangmang in a good way. Don't get me wrong hindi kita minamaliit. But i was just amazed on how innocent you are. Imagine nasa manila ka for goodness sake, madaming nangyayari dito and all you need to do is to be smart and strong. And here you are walking like a fragile glass in the middle of a stone storm" makabuluhang pagpapaliwanag pa niya. Hindi ko masyadong naintindihan ang iba duon pero tipid ko na lamang siyang nginitian.

"Kasama ko naman po ang kaibigan kong si Ducusin, at si teacher ana at si nanay pilar" kwento ko pa sa kanya.

Nakangiti lamang si Doc kenzo habang nakikinig sa akin. "Basta be safe always, hindi lahat ng mabait sa harapan mo ay totoo..." paalala niya sa akin.

Pagkatapos namin maubos ang ice cream ay bumalik na din kami sa loob ng Hospital. Bumalik na ako sa paglilinis ng mga hallway at ilang hospital office. Si Doc kenzo naman ay bumalik sa kanyang clinic.

"Castel!" Sigaw ni rita sa akin ng magkita kami sa may emergency exit stairs.

"Oh, tapos ka na din?" Tanong ko sa kanya dahil ilang minuto na lang ay magaalasais na.

Tuwing biyernes ay hanggang alasais lang ang aking pasok. Hindi katulad sa ibang araw na hanggang alas otso ang aking pasok.

"Hoy bruha, kalat na kalat sa baba yung date niyo ni Doc kenzo ah!" Masungit na sabi niya sa akin kaya naman nagulat ako.

"Hindi kami nag date...nilibre lang niya ako ng ice cream" laban ko kay rita.

Sinimangutan niya ako. "Ganuon din yun! Eh wala ngang pinapansin na kahit nurse iyon eh, depende kung nasa operating room. Napakasungit kaya nuon! Tapos ilaw nilibre pa ng ice cream" sabi pa niya sa akin at halatang nagtatampo.

Kaagad ko siyang nilapitan. "Uy rita, alam ko namang gusto mo si Doc kenzo eh. Wag kang magalala wala akong gusto sa kanya, hindi ako magkakagusto sa kanya kahit kailan. Promise!" Paninigurado ko sa kanya at panunuyo na din.

Napahalukipkip siya at muli akong inirapan, humaba din ng sobra ang kanyang nguso dahil dito. "Sabagay, ang ganda ganda mo naman kasi talaga kaya siguro napansin ka ni doc kenzo. Sige na sige, marami pa namang ibang gwapong doctor sa surgery department eh" sabi pa niya sa akin kaya naman napangiti ako.

"Wala naman akong gusto kay Doc kenzo. Promise, cross my heart!" Patuloy na pagdidiin ko pa kaya naman muli niya akong inirapan.

"Hay naku bruha ka, tara na at magayos na tayo para makauwi na tayo" pagiiba niya ng usapan kaya naman inayos na namin ang aming mga gamit para makauwi na.

Sabay kaming lumabas ng Hospital. "Saan ang daan mo?" Tanong niya sa akin. Ngayon lang kasi hindi pa madilim ang labas namin. Karaniwan nakikita ko si rita na patagong sinusundo ng iba't ibang kotse. Minsan ay nakita ko ang lalaking may ari ng sasakyan, matanda na iyon gusto ko sanang tanungin si rita kung lolo ba niya iyon o tatay, pero mas pinili ko na lamang ang manahimik.

Hinintay ko si Ducusin sa may sakayan ng jeep. Mabuti na lamang at may upuan duon kaya naman hindi din ako mangangalay kakahintay sa kanya. Pero napatayo ako at napakamot sa aking ulo ng halos magiisang oras na akong naghihintay sa kanya. Wala akong nagawa kundi ang lumakad pabalik, papunta sa kanilang pinagtratrabahuhan.

Muli kong nadaan ang Hospital. Dalawang kanto mula duon ay nakita ko na ang companyang pinapasukan ni Ducusin. Kung sa Hospital ay puri nakaputi ang mga empleyado ay halos puro sila nakasuot ng long sleeve na kulay itim. Coat daw ang tawag duon sabi sa akin ni Ducusin.

Herrer Empire

Makikita mo ang malaking pangalan na nakaukit sa may harapan ng malaking Companya. Ang kwento sa akin ni Ducusin, kakaiba ang building ng mga ito dahil sa loob at labas ay para ka ng nakapunta sa espanya. May lahi kasi silang espanyol, kaya naman makikita mo iyon maging sa pagkakagawa ng kanilang companya.

"Miss saan ka?" Tanong ng guard sa akin.

"Pupuntahan ko lang po yung kaibigan ko. Si ducusin" sabi ko sa kanya.

"Ah si ducusin!" Sagot niya pa kaya naman napangiti ako.

"Kilala niyo po siya?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

"Oo naman, minsan ay dito sa main hall naglilinis iyon eh, sige at mag log ka na lamang diyan. Diretsuhin mo yung hall na yun tapos kaliwa, sa dulong pinto anduon ang head quarters ng mga janitor" sabi pa niya sa akin at pagbibigay ng direksyon.

Napatango tango na lamang ako sa kanya. Pagkapasok na pagkapasok ko ay halos tumulo ang laway ko sa ganda duon. Nagaagaw ang kulay ginto at pula sa buong lugar. Sa bawat parte ng lugar ay may pulang bulaklak. Maging ang sahig na inaapakan ko ay nakakahiyang apakan dahil sa kintab at halatang mamahalin.

Sinundan ko ang turo ng guard na direksyon sa akin. Napapayuko na lamang ako sa tuwing may tumitingin sa akin. Maging ang amoy sa loob ay halatang mamahalin din. Nakakalula ang karangyaan ng lugar, gustuhin ko mang manatili duon ay parang mas gusto ko na lamang lumabas.

"Magandang araw, hinahanap ko si Ducusin, nandyan ba siya?" Tanong ko sa isang lalaking janitor na lumabas mula sa dulong pintuan.

Matagal siyang tumitig sa akin bago niya ako sinagot. "Sa...sa 16th floor siya ngayon" medyo nautal na sagot pa niya sa akin.

"Ah sige salamat" nakangiting sabi ko sa kanya.

Tatalikod na sana ako ng kaagad niya akong pinigilan. "Sige hatid na kita sa elevator" sabi pa niya.

"Talaga? Naku salamat!" Sabi ko pa dito.

Saktong walang taong paakyat kaya naman magisa akong pumasok sa elevator. "Salamat ulit..." sabi ko pa at pagtatanong ko sa kanyang pangalan.

"Junjun" nahihiya pang sagot niya sa akin kaya naman napangiti ako.

"Salamat junjun" nakangiting paguulit ko.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya, pero bigla na lamang itong tumakbo na parang nangingisay. Pasara na sana ang pinto ng elevator ng muli itong bumukas dahil may papasok na isang babae.

Nginitian ko ito. "Magandang araw po" bati ko sa kanya kaya naman nginitian niya ako pabalik.

Nakatitig lamang ako sa aking sariling repleksyon sa pader ng elevator ng kaagad akong nagulat ng mapasandal ang babaeng kasama ko.

"Ayos lang ho ba kayo? Ano pong nararamdaman niyo?" Nagaalalang tanong ko sa kanya.

"Nahihilo ako" nanghihinang sagot niya sa akin.

Nang mukhang hindi niya na kinaya ang pagkahuli ay dahan dahan ko siyang inalalayan para makaupo. Kaagad kong kinuha ang bag ko para kuhanin ang ginawa kong langis.

"Ito po ma'm, amoy amoyin niyo po. Mabisa po iyang gamot sa pagkahilo. Ako po ang may gawa niyan, amoy po iyan ng luha na may kasamang tanglad" pagpapaliwanag ko pa sa kanya.

Hindi naman siya nagreklamo hinayaan niya lamang ako. Kahit nanghihina siya ay pilit kong pinahawak sa kanya ang bote na iyon para mahilot ko ang kanyang sintido. Nasa ganuon kaming posisyon ng tumunog ang elevator sa 12th floor.

"Mrs. Herrer" pagtawag sa kanya ng dalawang lalaking nakauniporme na puti.

Mabilis silang lumapit sa amin at tsaka nila ako tinabig kaya naman halos mapasubsob ako sa sahig. Maingat nilang inalalayan ang babaeng tinawag nilang Mrs. Herrer. Nagkagulo na ang ilang tao sa labas ng elevator dahil sa panguusisa. Maya maya ay may sumulpot na isang babae sa harapan.

"Ma'm maria" tawag niya dito kaya naman napaawang ang bibig ko.

Muli akong napatingin sa babaeng tinulungan ko kanina at duon unti unting bumalik sa akin ang kanyang itsura. Siya ang babaeng itinuro sa akin ni franco. Ang babaeng naghahanap kay aziel sa may bayan. Ang kanyang ina.

Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa gulat. Hanggang sa nailabas na siya ng mga lalaking tumulong sa kanya. At natahimik ang paligid ng tuluyang sumara ang pintuan ng elevator. Nanatili akong nakatulala sa may sahig hanggang sa bumukas na ito sa tamang palapag. Hindi naman na ako nahirapan pang hanapin si Ducusin dahil nakita ko siya kaagad.

"Hay naku, late pumasok yung kapalitan ko. Pero ok na, ibabalik ko lang ito sa baba tapos pwede na akong umuwi" nakangiting kwento sa akin ni ducusin.

"Sige" tipid na sagot ko sa kanya.

"Bakit ang lungkot mo nanaman?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

"Wala to, pagod lang ako" palusot ko.

Nagkibit balikat na lamang siya at hindi na nagsalita pa. Dumiretso ang elevator pababa sa ground floor. Hinintay ko na lamang si Ducusin sa hallway malapit sa kanilang headquarters na sinabi ng guard. Hindi pa din mawala sa isip ko si ma'm maria herrer. Kahit anong pilit kong iwasan si aziel ay pilit pa din akong inilalapit sa mga taong konektado sa kanya.

Mula sa aking pagmumuni muni ay mabilis akong napatago ng makita ko si Aziel na mabilis na naglalakad patungo sa aking gawi. Patungo sa elevator. Mabilis akong nakapagtago. Muli ay hindi ko nanaman naiwasang hindi maging emosyonal habang nakatingin sa kanya.

Wala pa ding pagbabago si Aziel. Makisig pa din ang kanyang tindig. Halos lahat ay hindi maalis ang tingin sa kanya, napapadalawang lingon ang lahat ng naglalakad. Masyadong malakas ang dating nito kahit wala siyang ginagawa. Kahit pa nakatayo lamang siya sa harap ng elevator ay para ka ng hindi makakahinga sa presencya niya. Bumalik ako sa wisyo ng may babaeng lumapit dito.

Nagulat ako sa aking nakita, muling bumalik sa akin ang lahat. Unti unting umusbong ang galit sa aking dibdib. Ang babaeng nasa tabi ngayon ni aziel ay walang iba kundi ang traydor na si Lily.

Sabay silang pumasok ng elevator. Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa nakita. Ang sama ni lily, nagawa niyang traydurin ang nayon. Isa din siya sa may kasalanan kung bakit nangyari ang lahat ng ito. Kung hinayaan niya lamang akong kausapin ng mabuti si ama ay hindi sana aabot sa sukdulan ang lahat.

Ilang araw ko din iyong itinago sa aking sarili. Gustuhin ko mang sabihan si Ducusin na umiwas dito ay hindi ko magawa dahil hindi ko siya kayang pagusapan.

"Nakabusangot ka nanaman diyan. Mapapaalis ka na dito, baka may makakita sayo na nakatunganga" natatawang sabi ni Doc kenzo sa akin ng madaanan niya ako.

"Ay, magandang umaga po doc kenzo" kaagad na bati ko sa kanya kaya naman napangisi siya.

"Darating si Lady Henrietta mamaya, gusto ka niyang makausap" sabi nito sa akin kaya naman kaagad akong kinabahan.

"Po bakit po? May nagawa po ba akong kasalanan?" Nagaalalang tanong ko sa kanya.

Muli ay napangisi siya. "Naikwento kasi kita sa kanya, may ilang tanong lang siya para sayo" sabi pa nito bago niya ako iniwan duon.

Alas diyes ng dumating si lady henrietta agustus sa hospital. Iba ang trato sa kanya ng lahat. Sobrang importanteng tao siya para sa lahat, mahalaga, kailangang ingatan.

"Jandi!" Sigaw ni doc kenzo ng sumilip siya mula sa kanyang clinic. Napatingin sa kanya ang mga pasyenteng naghihintay. Lakad takbo na lamang ang ginawa ko para makapunta duon.

Napatayo si lady henrietta ng pumasok ako. "Magandang araw po" nahihiyang bati ko sa kanya.

Hindi maalis ang tingin nito sa akin habang nakangiti. "Upo ka" pagaalok niya sa akin kaya naman sinunod ko kaagad iyon.

"Humingi ako ng tulong kay kenzo para makausap ka..." paguumpisa nito.

Nagulat ako ng haplusin niya ang aking mukha. "Hindi ko alam kung bakit, pero ilang araw na kitang iniisip. Napakagaan ng loob ko sayo" medyo emosyonal na sabi niya sa akin kaya naman nagtaka na ako.

Napatingin na lamang ako kay Doc kenzo pero sumenyas siya sa akin na hayaan ko na lamang.

"Ayos ka lang ba hija? May kailangan ka ba?" Tanong niya sa akin kaya naman kaagad akong napailing.

"Wala po, ayos na ayos po ako" sabi ko pa.

Naputol lamang ang paguusap namin ng may tumawag sa kanya at kailangan niyang lumabas para sagutin ito.

"Ano pong nangyayari?" Naguguluhang tanong ko kay Doc kenzo.

"She's in a Delusional state right now. Medyo traumatized kasi si Lady henriette sa nangyari sa kanya years ago..." kwento nito sa akin.

Kumunot ang aking noo. "Ano po?" Tanong ko.

"She was kidnapped by a rebel. And ang balibalita she gave birth to a child of a certain pinuno ng hukbo?" Natatawang kwento niya sa akin na para bang maging siya ay hindi din makapaniwala.

"Pero haka haka lang iyon" sabi pa niya.

"Ano pong papel ko dito?" Nagtatakang tanong ko pa.

Tumaas ang isang kilay ni Doc Kenzo. "She saw her long lost daughter with you..." sagot niya sa akin na mas lalong ikinakunot ng noo ko.

"Po?"

Muling napairap si doc kenzo. "Akala niya ikaw ang nawawala niyang anak...so be it, help her recover" sabi pa niya sa akin.



















(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

692K 24.9K 71
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
3.5M 95.1K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
423K 5.7K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...
556K 20.4K 30
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...