Trapped In (COMPLETED)

By AmareFermosa

285K 6.2K 222

WARNING: R18/SPG Chloe married her friend for personal reason. At katulad ni Chloe ay may sarili ring dahilan... More

Trapped In
Author's Note (Please read)
Prologue
Chapter 1: Toxic Manila
Chapter 2: Reunion
Chapter 3: Deadline
Chapter 4: Solution
Chapter 5: So It Begins...
Chapter 6: Mrs. Argonza
Chapter 7: One Room
Chapter 8: My Husband
Chapter 9: Beach Wedding
Chapter 10: Tipsy Night
Chapter 11: Aftermath
Chapter 12: In-laws
Chapter 13: He's Busy
Chapter 14: I Miss You
Chapter 15: Consummate
Chapter 16: Sweet Gestures
Chapter 17: His Dungeon
Chapter 18: Every Woman's Man
Chapter 19: Cold As Ice
Chapter 20: Space...Literally
Chapter 21: Just Right
Chapter 22: His
Chapter 23: Trapped
Chapter 24: Better Be Late
Chapter 25: Night Sky
Chapter 26: I Love You
Chapter 27: In Danger
Chapter 28: On My Knees
Chapter 29: Bommie
Chapter 30: Escape
Chapter 31: His Side
Chapter 32: Gone
Chapter 33: Madly
Chapter 34: Made Love
Chapter 35: Actions & Words
Chapter 36: No Matter What
Chapter 37: Blood
Chapter 38: I Don't Care
Chapter 39: Right Way
Epilogue

Chapter 40: Real

6K 121 4
By AmareFermosa

Naging mabilis ang pangyayari matapos hingin ni Andrew ang kamay ko sa aking mga magulang. Nakakatawa pa nga at pinaghiwalay pa kami ng kwarto matapos nilang malaman na buntis na ako.

Daddy was mad because according to him, its not right to impregnate me first before asking my hand for marriage even if we're already married.

I get his point but it seems ironic. Nangyari na ang nangyari at buntis na ako, hindi naman siguro magiging dalawa ang bata sa aking sinapupunan kahit magtabi kami ni Andrew sa iisang kama. But I chose to respect my dad's decision, I mean, we, especially Andrew, who first answeres willingly to my father's request. Nagpapa-good shot talaga siya sa magulang ko pero sobrang kunot naman ang noo ng kami na lang dalawa kasi ayaw niya talagang matulog na hindi ako katabi pero wala naman siyang nagawa.

Hindi naman kami nagtagal sa L.A. at umuwi agad ng Pilipinas matapos ang tatlong araw. Isa sa dahilan ang naiwan naming trabaho at pati na rin ang hiwalay naming pagtulog sa kwarto. He admitted it to me when I asked him the reason of our earlier flight compared to our initial plan of five days.

Dahil nga sa nalaman ng magulang ko ang aking aking pagbubuntis ay minadali ang aming kasal. Ayaw na raw nilang matagalan pa ito at maglakad ako sa simbahan na malaki na ang umbok ng tiyan.

Sumang-ayon naman kami ni Andrew sa gusto ng magulang ko dahil 'yon din naman ang aming napagkasunduan nang ayain niya ako muling magpakasal.

Napukaw ang atensyon ko nang may narinig akong katok mula sa pinto ng kwarto kung saan ako inaayusan ng make-up artist slash hair stylist na si Freda.

Nakita ko sa repleksyon sa malaking salamin sa aking harap sina Andi, Selene at Roxanne na iniluwa mula rito. All of them are wearing an old rose gown, they look beautiful as usual.

"Hello, iistorbohin muna namin ang bride." Nakangiting saad ni Roxanne.

"Girls!" Ani ko.

Tumigil si Freda sa pag-aayos sa aking buhok.

"Sige, malapit na rin naman kaming matapos. Yo-yosi muna ako sa labas." Paalam ni Freda at lumabas na ng silid.

Agad naman akong tumayo para harapin ang mga kaibigan ko na kapwa may malalapad na ngiti.

"Best wishes, Chloe. I still can't believe that Andrew proposed to you again. I never thought na sweet pala ang isang 'yon." Saad ni Selene.

Napasulyap ako sa gawi ni Andi at nakita ko siya na may malapad ring ngiti.

Napag-usapan namin ni Andrew na hindi na lang sabihin sa iba naming mga kaibigan ang kasunduang naganap sa pagitan naming dalawa. Ayaw na namin silang mag-isip pa tungkol rito. And I think its not important anymore, it didn't start in a good way but it ended wonderfully. We found love in each other despite the fact that we married not out of love.

Masyado na kaming masaya para balikan ang nakaraang 'yon.

Ngumiti ako kay Selene bago siya sinagot kahit wala naman siyang tanong.

"Andrew might not appear it to be but he's really sweet. Pero kadalasan sweet lang siya pag walang ibang nakakakita." Natatawa kong saad.

Hinawakan ni Andi ang kanang kamay ko kaya napalipat ang atensyon ko sa kanya.

"I'm so happy for you, Chloe. You found the kind of love you deserved. I told you, God has a better plan for you. Hindi ko man inexpect na si Andrew 'yon, nagkaroon man ako ng agam-agam, masaya ako at kita ko kung gaano ka niya kamahal. This is fantastic, I'm glad that my prayers were answered." Maluha-luhang saad ni Andi kaya pati tuloy ako ay napaiyak na.

Si Andi yong kaisa-isang kaibigan ko na nakausap ko tungkol sa paano kami nagsimula ni Andrew. She knew from the start, she knew that for once, I decided about something foolishly. Pero masaya ako dahil kahit minsan di siya nagsalita na parang pinagmukha akong tanga. Siguro dahil may pagkakapareho ng konti ang pinagdaanan namin bago namin nakita ang lalaking nilaan ng Panginoon para sa amin.

Kasunduan.

Isang bagay na nagsimula sa kasunduan ngunit ngayon ay magiging ganap na katotohanan na. Ang kasal namin sa harap ng Diyos ang siyang magpapalakas ng aming kaugnayan ni Andrew. At magsisilbing bagong simula ng isang kabanata ng aming buhay.

"Andi, naman. Pinaiiyak mo kami eh. Ayan tuloy si Chloe naluha na rin, papagalitan tayo ni Freda nito." Pasingot-singot na turan ni Roxanne na siyang nagpatawa sa aming apat.

We cried together but we laughed together, too. Isang iyak na ang dahilan ay kasiyahan.

Matapos ang pag-uusap namin ay agad na ring nagpaalam ang mga kaibigan ko nang dumating si Freda matapos manigarilyo sa labas.

Napagalitan pa ako dahil sa nangyari sa make-up ko matapos maiyak. Humingi ako ng sorry pero inirapan lang ako ng bakla na tinawanan ko lang din naman na mas kinainis niya. Mabuti na lang talaga at smudge proof naman ang ginamit niyang mascara. Konting re-touch lang naman ang ginawa niya at muling pinagtuonan ang aking buhok.

Saktong alas tres ng hapon ay kinatok na ako ng wedding organizer sa kwarto. Alas kwatro kasi ang kasal at babyahe pa ako patungong simbahan. Ang hotel na pinaglagian ko ay ang hotel rin na siyang paggaganapan ng reception kaya hindi naman gaano kalayo ang lokasyon nito mula sa simbahan.

Sumakay ako sa wedding car kasama si Daddy. Si mommy and ate Chirstie at ang pamilya niya ay nauna na sa simbahan. I wanted that both of my parents walk me down the aisle but Mommy refused. Sabi niya kay daddy daw mas importante ang magaganap na paghatid sa akin. It means that he will entrust me with another man beside from himself. At sabi ni mommy mas gugustuhin niya na ma-video ang magaganap na entourage.

"Dy?" Pukaw ko sa kanya ng hindi man lang siya nagpupukol ng tingin sa gawi ko.

"Hhmm?" Maikli niyang sagot ngunit di pa rin ako hinaharap.

"Are you crying, dy?" Tanong ko.

Mas muhigpit ang hawak niya sa kamay ko na kanina niya pa hawak mula ng sumakay kami sa sasakyan.

"Wala 'to. Huwag mo ng pansinin." Sagot niya.

"Dy, naman." Saad ko at mas lumapit pa sa kanya at isinandal ang ulo sa kanyang balikat.

Ever since I was young, mas malapit na talaga ako kay daddy. Sabi nga ni mommy, I'm a daddy's girl.

"I'm crying because I want to take back my approval to Andrew for marrying you. Hindi ko pa nakikilatis yon nang maigi eh. But I need to let go of your hand because you're about to build your own family now. Paano nalang ang apo ko dyan sa tiyan mo." Parang bata nitong sumbong sa akin.

"Dy, naman. Baka umiyak sa simbahan yung si Andrew pag binawi mo yung approval mo sa kanya. Huwag po kayong mag-alala, marami pong bubugbog sa kanya pag niloko at sinaktan niya ako. Hindi lang po ikaw, lahat po ng kaibigan namin. And I'm 100% sure that he's the man I wanna marry. He's the man I wanted to be the father of my future children. Mahal niya po ako, dy, gaya ng pagmamahal ko sa kanya. O mas mahigit pa nga siguro. We love each other, at sigurado ako sa bagay na 'yon."

Humarap siya sa aking gawi at nakita ko ang konting pamumula ng kanyang mata. I was right, he cried.

"I know, I know, anak.  Kaya nga napa-oo niya ako nang gano'n kadali. I saw his eyes gleaming every time he looks at you. He looks at you like you're his entire life, and its very sincere. That time, I knew, he loves you that much, enough reason for me to give your hand to him." He said to me with a genuine smile on his lips.

"Naiiyak lang siguro ako at nakakaramdam ng ganito dahil ang lapit-lapit mo nang ikasal. Nagkaka wedding jitters yata ako." Dagdag pa niya na siyang nagpatawa sa akin.

"Dy! Hindi naman ikaw ang ikakasal? Bakit ikaw ang magkaka-wedding jitters?!" Saad ko na siyang dahilan ng aming tawanan at gumaan na ang atmospera sa loob ng sasakyan.


__________


Malamig na panahon ang bumungad sa amin ni Andrew paglabas na paglabas namin sa airport. Ibang-iba sa klima na kinasanayan namin sa Pilipinas. Dalawang araw na makalipas ng ikasal kaming dalawa sa simbahan ni Andrew at ngayon nga ay nagpunta kami sa bansang 'to para sa aming honeymoon.

Para sa akin ay hindi naman na importante ang honeymoon na mangyayari pero si Andrew ang nagpumilit nito. He said that he wanted me to feel the feeling of a newlywed couple going into their honeymoon after the marriage. Kasi lahat raw ng babae deserve ito.

Who am I to say no, right? I should be thankful that I have a thoughtful husband. So I agreed without any argument.

Lulan na kami ng taxing kanyang pinara para ihatid kami sa hotel kung saan siya nagpa-reserve ng kwarto sa loob ng sampung araw. He was holding my hand tightly while looking straight ahead. Habang ako naman ay tingin nang tingin sa bintana at umaasang makita ang sakura.

Marahil ay napansin niya na di ako mapalagay sa aking kinauupuan kaya niya ako nilingon.

"That can wait, babe. Hindi natin madadaanan patungong hotel ang mga cherry blossom. But I promise to bring you tomorrow in a park full those trees." Aniya.

"Sakura kasi 'yon." Nakalabi kong pagtatama.

Kaya dito namin napagkasunduang gawin ang honeymoon dahil sa spring season. Gustung-gusto ko kasing makita sa personal ang Sakura. I've been here in Japan once but it was during winter so I didn't had a chance to see Sakura personally. Since wala naman siyang specific na bansa na gustong puntahan ay napa-oo agad siya nang piliin ko ang Japan.

"Ha? Sakura and cherry blossoms are the same." He said and the cress on her forehead was defined. He looked confuse but cute as well.

Minsan ko lang naman kasi makita ang gano'ng ekspresyon ng mukha niya.

"But I like to call it Sakura. Cherry blossom is too american. Nandito tayo sa Japan kaya Sakura. At tsaka, I like the sound of Sakura better."

Natawa lang siya sa sinabi ko at kinintalan ng mabilis na halik ang aking sintido.

"Okay, you win." Pagsuko niya.

"Diba?" Nakangiti kong turan at mas sumiksik pa sa tabi niya.

Alas tres ng hapon kami dumating sa hotel na aming paglalagian. Because I felt so tired from the travel and the fact that I am pregnant, I fell asleep instantly when I lay on the bed. Nagising lang ako ng tapikin ako ni Andrew para gisingin.

"Sorry, natulugan kita. Anong oras na ba?"

"Okay lang. I know you're tired. It's eight in the evening. Pinahatid ko na lang dito sa kwarto ang hapunan. I figured you will be hungry once you woke up. Ginising na rin kita kasi baka malipasan ka ng gutom habang tulog." Malambing niyang turan habang inaalis ang kumot sa aking katawan at inalalayan ako para tumayo.

Napatitig ako sa kanya. Di ko maiwasang isipin kung ano ba ang ginawa kong kabutihan sa buhay at binigyan ako ng Panginoon ng lalaking katulad niya. Andrew has a fair share of flaws but his good points can't be denied nor noticed.

He's caring and thoughtful. He's attentive on the things I needed. Hindi ko pa man nahihingi sa kanya ay alam na niya kung ano ang kailangan ko. Even the things I don't need, he still doing it without thinking it through. Gaya ng ginawa niya ngayon. Hindi naman niya ako kailangang alalayan sa pagtayo pero ginawa niya pa rin.

He makes me feel like a queen.

Siya yung klase ng lalaki na pag nagmahal ay sobra. At ang swerte ko kasi ako ang babaeng nakatanggap ng sobrang pagmamahal na 'yon.

Napangiti ako sa naisip at hindi namalayang idinampi sa kanyang pisngi ang kanang kamay.

"Mahal na mahal kita, Andrew. Thank you for loving me back, for loving me this much. I'm so lucky to have you, babe." I said as I caressed his cheek.

Hinawakan niya ang kamay kong nasa kanyang pisngi. Mula sa pisngi ay iginiya niya ito sa kanyang labi at masuyong binigyan ng halik.

Ginagap niya ang isa ko pang kamay at parehas na ikinulong ang mga ito ng kanyang mainit na palad at itinapat sa kanyang dibdib.

He looked at my eyes. His eyes staring at me like he's reading my mind. Malalim at serysong titig na siyang nagpangatog ng aking tuhod. The usual reaction of my knees whenever he does it to me.

"No, babe. I'm the one who's lucky to have you. You don't know how much I thank God for letting me love someone and to be loved back. Hindi ko inasahan na sa kabila ng hindi ko paniniwala sa salitang pag-ibig ay binigyan pa rin ako ng pagkakataon ng Diyos na maranasan ito sa piling mo. When you finally said I do infront of our family and friends, I felt like I was the luckiest man on earth. Having you and our baby-...." Idinantay niya ang isang kamay sa aking tiyan. "...-is the most fulfilling life I have ever lived in my twenty nine years of existence. And I wouldn't trade it with anything else. Kung sobra man ako magmahal, ito'y dahil sa piling mo ako nakaramdam ng sapat. You are enough, Chloe, babe. The only enough woman who made this heart of mine beat erratically. I love you so much. I won't promise but I'll do my best to not make you regret falling in love with me, too. Mahal kita." He said sincerely as he kissed my forehead and enveloped me with an embrace.

"Mahal din kita." Ang tangi kong nasambit sa kabila ng maraming salita na gusto kong sabihin.

"Thank you for loving me." Aniya habang mas hinigpitan ang yakap pero niwasang maipit ang aking bandang tiyan.

Matapos ang humigit-kumulang na dalawampung segundo ay kinalas ko ang pagkakayakap sa kanya at tumingkayad para bigyan ng masiil na halik ang kanyang mapupulang labi na agad din niyang tinugunan.

And everything happened after that kiss... is history.




*****

Sorry po 😢

Medyo may kasabawan tong update ko (ito problema pag kailangan madaliin eh). Sorry kung ito lang nakayanan ni power, walang mapiga si braincells. Sana nagustuhan niyo pa rin.

P.S. Huwag na pong umasa na may steamy scene na mangyayari kasi binibilisan ko ang update at malapit na ang deadline, may humigit-kumulang 23 hours na  lang ako kaya wala ng gano'ng scene kasi medyo mabagal ako sa paggawa ng gano'n, di ko gaano gamay. (Hindi ko yata masyadong napanindigan ang pagka-R18 nitong story sa late chapters hahaha.) Well anyways, enjoy reading 😊

Continue Reading

You'll Also Like

130K 1.6K 23
R-18 read at your own risk ♥️ --- Pinagmamasdan ni Trissia 'Tisay' Acuelles ang kataasan ng Dela Roma Building Corp. Ilang buwan na niyang binabalak...
8.6M 141K 53
Sexy, matalino, maganda , mayaman, at higit sa lahat VIRGIN. Yan ang standard ni Malik isang certified playboy sa Babaeng makakapagpatino sa kanya...
18.5K 569 32
Tahimik na minamasdan ni Queen ang asawang nakahiga sa kama na kung sana ay kama nila ngunit hindi. Dahil hindi sila normal na mag asawa gaya ng iba...
526K 8.2K 27
'All I need is your sperm cell but it turns out what I really want is your Love? ' Date started : October 25, 2016 Date finished: June 6, 2017 ( Cre...