The Lost Soldier (Savage beas...

By Maria_CarCat

6M 234K 49.2K

A battle between love and service. More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 10

89.3K 4.1K 698
By Maria_CarCat

Selos





Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi at inalok sa akin ni lily. Para akong biglang nabato sa aking kinatatayuan. Ang lahat ng iyon ay parang isang malaking pasabog sa akin. Dahil sa aking pagkabila ay nakangisi siyang nakatingin sa akin, mukhang naghihintay ng aking isasagot sa kanya.

"Paano mo nalaman, kilala ko ba ang aking ina?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Gusto ko siyang pilitin, gusto kong ibunyag na niya sa akin ang lahat pero alam kong hindi magiging madali iyon, alam kong may malaking kapalit ito. Siguradong hindi gagawing madali ni lily ang lahat para sa akin.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Kilalang kilala, madami ang nakakakilala sa kanya Castel, ikaw na sarili niyang anak na lamang ang hindi" mapanuyang sabi niya sa akin at nangaasar pa.

Hindi ko naiwasang hindi maging emosyonal. Unti unti kong naramdaman ang panunubig ng aking mga mata. Ang aking labi ay nanginginig na din dahil sa pinipigilang pagiyak.

"Nakakainggit noh, kilala siya ng ibang tao. Pero ikaw hindi, hindi mo talaga makukuha ang lahat...may mga bagay na mas lamang ka, pero sadyang may kulang" sabi pa niya sa akin na mas lalong nagpapabigat ng aking dibdib.

Napangisi si Lily ng makita niyang naluha na ako. Halata namang iyon ang gusto niya, ang tuluyan akong maiyak dahil sa pangungulila ko sa aking ina.

"Bakit mo ba ginagawa ito? Akala pa naman namin mabait ka! Hindi pala" akusa ko pa sa kanya.

Lalo lamang siyang napangisi. "Mabait ako sa mabait sa akin castel, totoong mahal ko ang mga bata dito sa nayon. Nagsumikap akong makapagaral para matulungan sila" paguumpisa niya.

Dahan dahan siyang lumapit sa akin. Diretso ang kanyang mga mata na nakatitig sa akin. Naikuyom ko ang aking magkabilang kamao habang patuloy siyang lumalapit sa akin.

"Wala naman akong ginawang masama sa iyo" giit ko sa kanya.

"Akala mo lang iyon castel, akala mo lang iyon" umiiling iling na sabi pa niya sa akin.

"Ikaw lang siguro, pero ang ibang mga taga nayon ay walang problema sa akin" sabi ko pa sa kanya. Ngayon lang naman talaga nangyari ito, simula ng dumating siya dito sa nayon.

Muli niya akong nginisian. "Tinanong mo ba sila castel? O sadyang wala ka lang talagang pakialam sa sinasabi at nararamdaman nila dahil sarili mo lang ang iniisip mo" panlalait pa niya sa akin.

"Sige nga, tulad ng ano? Wala akong ginawang hindi maganda dito sa nayon. Mahal ko ang mga tao dito" laban ko pa din sa kanila.

Bumaba ang tingin niya sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Subukan mong makiramdam castel, makiramdam ka" suwestyon pa niya sa akin tsaka niya hinawakan ang aking balikat.

Mabilis ko iyong inalis mula sa pagkakahawak niya, hindi naman siya natinag. "Kami ni Aziel, nagkakaintindiha kami. Pero dahil sayo..." hindi niya magawang ituloy ang kanyang sasabihin.

"Dahil sa akin ano?" Mapanghamon kong tanong sa kanya pero kumunot ang kanyang noo.

Nanliit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. "May gusto ka ba kay Aziel?" Tanong niya pa sa akin.

Nabigla ako dahil duon, gusto kong sumagot kaagad ng wala, wala akong gusto kay Aziel pero kahit anong pilit kong maglabas ng kahit isang salita sa aking bibig ay hindi ko magawa.

Mas lalo tuloy tumigas ang mukha ni lily. "So totoo nga? May gusto ka kay Aziel" akusa niya sa akin.

Napahigpit ang pagkakakuyom ko sa aking kamao. "Wa...wala, wala akong gusto kay Aziel" matapang na sagot ko pa sa kanya.

Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan namin at sa buong lugar ang natatanging ingay lamang ay ang mga ingay na ginagawa ng mga insekto. Pero nagtaka ako ng unti unti ding lumambot ang mukha ni Lily, ang kaninang galit na galit niyang mukha ay dahan dahang naging malaanghel.

Ang diretsong tingin niya sa akin ay unti unting lumipat sa aking likuran.

"Aziel..." tawag niya dito.

Nanlaki ang aking mga mata at tsaka ko dahan dahang nilingon ito. Di kalayuan sa amin ay ang nakatayong si Aziel. Blanko ang kanyang mukha, pero ang titig niya ay nasa akin. Napakagat ako sa aking labi dahil sa kabang nararamdaman, hindi ko na din kinaya ang bigat ng pagkakatitig niya sa akin kaya naman napayuko na lamang ako at tsaka nilaro ang aking mga daliri.

"May kailangan ka ba Aziel?" Mabait na tanong ni Lily dito. Sa tano ng kanyang pananalita ay parang hindi niya ako inway away kanina.

Hindi ko na nagawa pang lingonin ito. Hindi ko kaya, natatakot akong makita ang kanyang mukha ang blankong tingin nito sa akin at ang bigat ng kanyang titig.

"Wala" matigas pero malumanay na sagot niya.

Hindi ko man siya tinitingnan ngayon ay ramdam ko pa din ang matalim niyang tingin sa akin.

"Uhmm, kanina ka pa ba diyan?" Painosente pa ding tanong ni lily sa kanya. Halos humaba ang nguso ko, naiinis na talaga ko sa kanya.

"Hindi naman" sagot pa din niya.

Nang wala ng may balak magsalita sa amin ay muling binasag ni Aziel ang aming katahimikan.

"Pinapatawag kayo ni Aling pilar, nagluto siya ng kakanin" sabi nito sa amin at hindi na niya hinintay pang makasagot kami dahil kaagad na siyang umalis.

"Teka aziel, sasama ako sa iyo" pahabol pa ni Lily dito at tumakbo na din palayo.

Napabuntong hininga ako. Tumirik pa ang mata ko dahil sa sobra sobrang nararamdaman. Gusto kong sampalin ang aking aking sarili dahil sa hindi malamang nararamdaman, basta at nangingibabaw sa akin ngayon ang takot at kaba.

"Castel kasi eh..." inis na pagalit ko sa aking sarili.

Napasabunot pa ako sa aking sarili. "Bakit mo naman kasi sinabi yun?" Pamomorblema ko pa at patuloy na pagkakastigo sa aking sarili.

Pero ng makahinga ng maluwag ay dahan dahan din akong kumalma. Hanggang sa napagisip isip ko kung ano nga ba talaga ang dahilan ng aking pagkatakot. Wala naman akong responsilidad kay Aziel kaya naman normal lang na sabihin ko sa kanya ang totoo na wala naman na talaga akong gusto kay aziel.

Bagsak ang aking balikat habang tinatahak ang daan patungo sa gitna ng nayon. Napagbuntunan ko pa ng aking pagmamaktol ang mga halaman na aking nadaraanan.

"Ay palaka!" Hiyaw ko ng kaagad na may humatak sa aking braso.

Kaagad akong nagpumiglas ng may tumakip pa sa aking bibig at dinala ako sa tagong parte ng sapa.

"It's me" rinig kong pagpapakilala ni Aziel kaya naman kumalma ako.

"Grabe akala ko kung sino na" kinakabahang sabi ko pa habang nakahawak sa aking dibdib dahil sa mabilis na pagtatambol nito.

Hindi siya umimik, nakatingin lamang siya sa akin kaya naman mabilis kong ikinalma ang aking sarili. "Ba...bakit ba?" Naiilang na tanong ko sa kanya.

Kaagad niyang itinaas ang kamay para may iabot sa akin. "Ikinuha na kita ng casava, gawa ni aling pilar" malumanay na sabi pa niya sa akin na ikinagulat ko dahil sa pagiging kalmado nito, iba kasi ang aking inaasahang reaksyon mula sa kanya.

"Uhmmm, salamat" sabi ko pa sa kanya at kaagad na kinuha iyon. Pero mabilis din akong nagiwas ng tingin sa kanya.

Humalukipkip ito sa aking harapan. "Narinig kong...hindi mo raw ako gusto?" Parang hindi pa siguradong tanong niya pa pero may bahid ng pangaasar iyon.

"Uhmmm...ano" hindi ako makasagot, hindi ko alam kung ano ang tamang salita na pwede kong gamitin para isagot sa kanya.

"Dahil ba sa tadeo na iyon?" Tanong niya pa sa akin kaya naman kaagad akong nataranta sa kanyang harapan.

"Hindi ah, wala..." giit ko pa sa kanya.

Nagtaas ito ng kilay. "Kung ganun, bakit?" Seryosong tanong pa din niya sa akin ang kanyang mga mata ay diretso ang tingin sa akin.

"Bakit alin?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Napabuntong hininga siya bago naglapat ang kanyang labi. Nakita ko pa ang pagtiim ng kanyang bagang.

"Bakit hindi mo ako gusto?" Tanong niya pero ang pagkaseryoso ay biglang nawala sa tono ng kanyang pananalita.

Para akong mabibilaukan sa aking sarili laway dahil sa diretsahang pagtatanong sa akin ni Aziel. "Dapat ko bang sagutin iyan?" Parang batang tanong ko sa kanya.

Dahil sa aking itinanong ay parang bigla siyang natauhan. "Sabagay" tamad na sabi niya sa akin.

Nagiwas ito ng tingin, pero ako na mismo ang nagpalakas ng aking sariling loob. "Bago ka pa man dumating..." paguumpisa ko. Kaagad niya akong nilingon.

"Bago ka pa dumating, may iba na akong gusto" sabi ko pa.

Natahimik si Aziel. "Pasencya ka na" nahihiyang sambit ko.

Napailing iling siya. "That's okay, hindi pa naman ako basted dahil hindi pa naman ako nanliligaw" sabi niya hanggang sa humina na ang dulong salita kaya naman kaagad ko siyang tinanong.

"Ha ano?" Pagpapaulit ko sana sa kanya pero inilingan niya lang ulit ako.

"Wala. Wag mo ng isipin" sagot niya pa sa akin kaya naman napatango na lamang ako.

Matapos ang gabing iyon ay naramdaman ko na ang epekto ng lahat ng nangyari. Ramdam na ramdam ko ang paglayo sa akin ni Aziel. Tumahimik na lamang ako at nagkunwaring wala lang iyon sa akin.

"Dalawang araw walang pasok!" Masayang sabi ni Ducusin at tinaas pa ang kanyang magkabilang kamay.

"Kala ko ba excited kang magpasukan?" Natatawang tanong ko sa kanya pero humaba lamang ang nguso nito.

"Oo, pero kailangan ko din magpahinga noh" laban pa niya sa akin.

Bigla akong napaisip. "Kahit ba gaano mo kagusto ang isang bagay, kinakailangan mo pa din ng pahinga?" Pagtatanong ko sa kanya.

Napairap ito. "Natural! Sino ka si wonder woman?" asik niya sa akin kaya naman napangiti ako.

Napatango na lamang ako at tsaka natahimik. Nakaupo kami sa may gilid ng talon habang ang aming mga paa ay nakasawsaw sa may tubig. Abala si Ducusin sa kanyang ginagawang tula, may hawak hawak siyang papel at lapis. Tahimik na sana ang lahat hanggang sa matanaw namin ang pagdating nina Aziel at lily sa kabilang parte ng talon.

Kahit malayo ay nasa akin pa din ang mga mata ni Aziel, pero hindi ko na lamang siya pinansin. Tahimik ko silang pinanuod.

"Ay may palabas pala dito" natatawang sabi ni ducusin. Ramdam na ramdam ko ang excitement sa boses niya dahil napapalakpak pa siya.

Ibinaba ang hawak na papel at lapis at itinuon ang kanyang buong atensyon sa dalawa.

"Wow, ang ganda talaga ng katawan ni ate lily. Pang binibining pilipinas" puri pa niya dito. Hindi ko naman siya masisisi dahil totoo naman iyon.

Pagkahubad niya ng kanyang damit at naiwan ang kulay puting manipis na bestida ay kaagad siyang tumalon pababa sa tubig.

"Halika na Aziel!" Rinig pa naming sigaw na tawag niya dito.

Napasinghap maging ang katabi kong si Ducusin ng kaagad na hinubad ni Aziel ang suot na Tshirt. Muli nanamang bumulaga sa amin ang mabato nitong katawan. Ang ang mas lalong nagpapaganda sa kanyang katawan ay ang kanyang tattoo sa dibdib patungo sa kanyang braso.

"Ang init dito, parang gusto ko ding lumusong" maarteng sabi niya pa sa akin.

At talaga nga namang totoohanin ni ducusin ang binabalak, kaya naman kaagad ko siyang pinigilan. "Wag kang istorbo sa kanila" suway ko sa kanya.

Napangisi ito."uy bakit parang may nagseselos?" Nangaasar na sabi pa niya.

Kaagad ko siyang pabirong hinampas sa braso. "Hindi ako ha" laban ko sa kanya kaya naman mas lalo siyang natawa.

"May sinabi ba akong ikaw!" Pangaasar niya sa akin kaya naman kaagad ko siyang inirapan at tsaka nagiwas ng tingin.

Sa huli ay ako na mismo ang nagyaya kay ducusin na umalis na duon, sa tingin ko ay kailangan ni Aziel at Lily ng pribadong oras para sa kanilang dalawa kaya naman ibibigay namin iyon sa kanya.

"Uwi muna ako, ikaw saan ka?" Tanong sa akin ni ducusin.

"Kay aling pilar, makikikain ako. Nagugutom ako eh" sabi ko aa kanya.

Napatango ito. "Patay gutom ka nanaman dun" pangaasar pa niya sa akin. Lagi niya akong inaasar na ganun dahil malakas talaga akong kumain.

Tumatalon talon ako habang patungo sa bahay ni aling pilar. "Magandang umaga po aling pilar" masiglang bati ko sa kanya.

Lumaki ang ngiti nito, alam na kasi niya ang aking pakay sa kanya. "Tinirhan kita ng ginataang kalabasa, may piniritong isda rin diyan sa may mesa" sabi niya sa akin kaya naman kaagad na nanlaki ang aking mga mata.

"Wow! Ang sarap po!" Sabi ko pa pero napatawa na lamang si aling pilar.

"Hindi mo pa nga natitikman" sabi niya.

"Sus, hindi na po kailangan. Kayo pa po ba? Eh sobrang galing niyo pong magluto" puri ko sa kanya na walang halong pagbibiro dahil totoo naman iyon.

"Ikaw talagang bata ka, sige na at kumain ka na" sabi niya sa akin kaya naman dumiretso ako sa may hapagkainan at kumain.

Sa gitna ng aking pagkain ay lumapit sa akin si aling pilar, may dala itong plastick. "Oh ito panghimagas" sabi niya sabay abot.

"Po?" Gulat na sabi ko at kaagad na tiningnan ang laman nuon. Halos lumuwa ang aking mga mata dahil sa iba't ibang klase ng candy na lamang nuon.

"Maraming salamat po aling pilar" sabi ko sa kanya pero tipid niya lamang akong nginitian.

"Hindi sa akin nanggaling iyan. May nagpapabigay lang" sabi pa niya kaya naman hindi na lamang ako nagsalita pa dahil parang alam ko na kung kanino galing iyon.

Natahimik na lamang ako at tsaka ipinagpatuloy ang aking pagkain. Umupo si aling pilar sa aking harapan na may dalang isang tasa ng kape.

"May problema ba?" Tanong niya sa akin.

Napatigil ako sa pagnguya. "Wala naman po, parang wala naman..." hindi din siguradong sagot ko sa kanya.

Tipid niya akong nginitian at pagkatapos ay hinaplos ang aking pisngi. "Dalaga ka na Castel, normal na ang mga bagay na iyan" sabi niya pa sa akin.

"Normal po ang alin?' Inosenteng tanong ko pa sa kanya.

"Na magkagusto ka kay Aziel" sabi pa niya kaya naman kaagad akong napainom ng tubig.

"Hindi ko po gusto si a..."

"Gusto mo siya, at gusto ka din niya...hindi niyo lang alam na dalawa kung paano sasabihin sa isa't isa" sabi pa niya sa akin.

Napalunok ako. "Pero po..."

"Anong pumipigil sayo anak?" Tanong pa niya sa akin.

Napanguso ako. "Hindi ko po alam" malungkot na sagot ko.

"Darating din iyan, pero wag mong pipigilan..." suwestyon pa niya sa akin na tinanguan ko na lamang.

Paglabas ko ng bahay ni aling pilar ay yakap yakap ko na ang plastick na may lamang iba't ibang klase ng candy na ibinigay ni Aziel. Malayo ang aking tingin hanggang sa nagulat ako ng makita ko si Tabbie ang aking alagang baboy ramo na tumakbo ng mabilis sa kung saan.

"Tabbie!" Sigaw na tawag ko sa kanya at kaagad na tumakbo patungo sa direksyon na pinuntahan niya.

Dahil sa pagmamadali ay hindi ko na namalayang unti unti na palang nahulog ang aking mga candy, nabutas ang plastick at nahulog iyon sa lupa.

Napadpad ako sa liblib na lugar ng gubat, kabisado at halos nalibot ko na ang buong gubat pero minsan lang akong mapadpad sa lugar na ito dahil masyadong matataas ang halaman at may matarik na bangin sa dulo.

Sigaw ako ng sigaw pero hindi ko talaga siya makita. Kaagad na naginit ang aking mga mata dahil sa takot na hindi ko na makita pa ang isa sa aking mga alaga.

"Asaan ka na ba?" Umiiyak na tanong ko na.

Napaiktad ako ng makarinig ako ng malakas na pagkulog at pagkidlat. Sa gitna ng malakas na tunog na iyon ay narinig ko ang malakas na pagiyak ng aking alaga sa hindi kalayuan.

Mabilis kong sinundan ang kanyang pagiyak. Kasabay ng aking paglalakad ay ang unti unting pag patak ng malalaking butil ng ulan. Nang matagpuan ko na siya ay halos manghina ang aking mga tuhod dahil sa aking nakita.

Ang aking alaga ay nabiktima ng panghuli ng baboy ramo. Ilang kawayan ang nakatusok na ngayon sa kanyang katawan. Kitang kita ko ang pagtulo ng dugo sa lupa.

Napaupo ako sa panghihina ay napaiyak ng malakas. Sobra sobra ang sakit na aking nararamdaman ngayon dahil sa sinapit ng aking alaga, kasabay ng aking pagiyak ay ang malakas na pagbuhos ng ulan. Hindi ko na inisip pa kung mabasa ako, sobra talaga ang panghihinang naramdaman ko dahilan kung bakit hindi ko magawang tumayo.

"Castellana!" Matigas na tawag sa akin Aziel at kaagad niyang ipinulupot ang kanyang braso sa aking bewang para itayo ako.

"Magkakasakit ka niyan" suway niya sa akin.

Hindi na ako nakapalag pa ng dalhin niya ako sa kung saan na pwede naming masilungan. Basang basa na ang aking katawan at damit. Napadpad kami sa ilalim ng malaking rock formation kung saan kaagad kaming nakasilong sa baba nito.

"Bakit ka nagpapaulan? Baka magkasakit ka niyan" suway ni Aziel sa akin pero patuloy pa din ako sa pagiyak.

"Patay na ang alaga ko" umiiyak na sumbong ko sa kanya.

Natahimik siya, "walang may gusto ng nangyari" sabi niya sa akin.

Napailing ako. "Kasalanan ko, ako ang amo nila. Ako dapat ang nagbabantay sa kanila" sabi ko pa sa kanya habang patuloy pa din sa pagiyak.

Hindi na lamang nagsalita pa si aziel, hinayaan niya na lamang akong ilabas ang lahat ng aking iyak pero hindi naman niya ipinaramdam na nagiisa ako.

Tumagal kami duon ng halos magiisang oras na. Ayaw pa din tumigil ng malakas na ulan. Yakap yakap ko ang aking katawan dahil sa nararamdamang ginaw.

"Anong nararamdaman mo?" Tanong niya sa akin pero kaagad ko lang siyang inilingan dahil ayoko ng magalala pa siya.

"Anong nararamdaman mo?" Matigas na paguulit niya ng tanong.

"Giniginaw ako" pagsuko ko at walang sabi sabing niyakap kaagad ako ni Aziel. Ramdam na ramdam ko ang kanyang paghinga. Ang kanyang mabatong katawan ay nararamdaman ko din.

"Baka malaman ito ng nobya mo" nahihirapang sabi ko.

"May sakit ka na nga't lahat yan pa din ang nasa isip mo" galit na sabi niya sa akin.

"Ikaw lang naman ang inaalala ko" sabi ko pa.

"Wala akong girlfriend" matigas na sagot pa din niya.

Pero napatigil ako sa sumunod pa niyang sinabi. "Pinagseselos lang talaga kita. Para marealize mong gusto mo talaga ako"












(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

92.2K 3.9K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
1.5M 61.9K 38
Conrad Series 2: THE PREACHER ☽❃☾ Mavis Amvaho D. Naligo is a twenty-three-year-old woman who works as an embalmer in the funeral industry...
989K 33.9K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.