Right Here Waiting Ashrald Fa...

Galing kay MyanVedad

184K 2.1K 393

Higit pa

Right Here Waiting Ashrald Fan Fiction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25A
Chapter 25B
Chapter 25C
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Epilogue
Author's Note
Back At One...

Chapter 26

4K 74 17
Galing kay MyanVedad

"ahmm...ahh...I, I...I think kailangan mo ng magpahinga. Pa-pasok ka na sa room mo, tulog ka na, maaga pa tayo bukas." Sabi nito ng hindi tumitingin sa kanya. Yumuko ito para pulutin ang nabasag na baso, nagulat siya ng bigla nalang itong magmura. "BULLSHIT!!!" napansin niyang dumudugo ang kamay nito. Lumapit siya para sana tulungan ito pero mabilis siya nitong pinigilan. "no! it's okay, maliit lang naman eh, I can handle this. Sige na magpahinga ka na, baka mamaya ikaw naman ang masugatan." Patuloy pa nito ng hindi pa rin tumitingin sa kanya.

Napipikon na siya sa inaakto nito, bakit ba parang iwas na iwas ito sa kanya ni hindi siya matingnan sa mata. Ano bang nangyayari dito? kanina lang kung halikan siya nito daig pa ang wala ng bukas. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili. Napagawi ang tingin niya sa kamay nito, napansin niyang medyo malalim ang sugat nito at hanggang ngayon ay patuloy pa rin ito sa pagdurugo. "akin na yang kamay mo, huwag ng matigas ang ul-"

"I said no! just, just go to your room!" Mataas ang boses na taboy nito sa kanya.

Tuluyan na siyang napikon, anong tingin nito sa kanya, bata na pwede lang sigaw-sigawan? "sinisigawan mo ba ako?" mataas na rin ang boses na tanong niya dito. "Ikaw na nga tong tinutulungan ikaw pa tong galit. Kung ayaw mo eh di huwag! Bahala ka sa buhay mo!" saka padabog na umalis. "argh!!! Nakakainis!!!" sigaw niya ng makapasok ng kwarto. "siya na nga tong basta-basta na lang nanghahalik siya pa tong galit at kung iwasan ako daig ko pa ang may nakakahawang sakit. Grrr...nakakainis talaga! Ang kapal ng mukha." Kinuha niya ang cellphone sa bulsa saka parang baliw na kinausap ang picture nito. "akala mo ikaw lang ang marunong niyan? Huh, yan ang gusto mo ha? pagbibigyan kita." Saka pasalampak na humiga.

Gerald's POV

His plan is just to give her a kiss on her cheeks pero hindi niya napigilan ang sarili at imbis na sa pisngi sa labi nito dumapo ang labi niya. Ang inaasahan niya ay magagalit ito sa kanya ngunit nagulat siya nang maramdaman ang pagtugun nito sa halik niya.

"oh God Sarah!!!" sambit niya bago muling sinakop ang labi nito na agad naman nitong tinugon, hanggang sa tuluyan na nitong magising ang pagkalalake niya. Dahan-dahan niyang inalis ang jacket na suot-suot nito kasabay ng pagbaba ng labi niya mula sa labi papunta sa leeg at balikat nito. "I love her, I need her, I WANT HER..." sabi niya sa sarili saka muling inangkin ang labi nito. Patuloy siya sa paghalik dito ng aksidenteng matabig ng paa niya ang baso na nasa ibabaw ng coffee table.

BLAG!!! Kapwa sila nagulat ng marinig ang pagkakabasag niyon. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig, iniisip niya ang nangyari at posibleng nangyari kung sakaling hindi niya natabig ang basong yun. "That was Hot!" bulong niya sa sarili, bigla siyang napangiwi sa sakit.

Nilingon niya ang dalagang nasa tabi niya. Wrong move, kasi mas lalong tumindi ang sakit na nararamdaman niya nang makita ang inosenteng mukha nito habang kagat-kagat ang ibabang labi nito. "Lord! Grabe ka naman pong mang torture." Bulong niya. "ahmm...ahh...I, I...I think kailangan mo ng magpahinga. Pa-pasok ka na sa room mo, tulog ka na, maaga pa tayo bukas." Sabi niya nang hindi tumutingin dito. "I have to do this habang kaya ko pang pigilan ang sarili ko." sabi niya sa sarili. Pinipilit niya ang sariling huwag itong tingnan o hawakan man lang, baka hindi siya makapagpigil at tuluyan niya ng ibigay ang hinihingi ng katawan niya at ayaw niyang mangyari yun hindi dahil sa ayaw niya dito kundi nirerespeto niya ito. Alam niya rin na hindi pa ito handa para sa bagay na iyon. Yumuko siya para ligpitin ang nabasag na baso sa kabila ng sakit na nararamdaman niya.

"BULLSHIT!" mura niya ng mahiwa ng bubog ang kamay niya. Ngayon hindi na lang yung sakit na yun ang iniinda niya. Mabilis niyang pinigilan ang dalaga nang mapansing palapit ito sa kanya. "no! it's okay, maliit lang naman eh, I can handle this. Sige na magpahinga ka na, baka mamaya ikaw naman ang masugatan." Narinig niyang huminga ito ng malalim saka muling lumapit sa kanya.

"akin na yang kamay mo, huwag ng matigas ang ul-"

"I said no! just, just go to your room!" medyo napataas na ang boses niya.

"sinisigawan mo ba ako?" mataas na rin ang boses na tanong nito sa kanya. "Ikaw na nga tong tinutulungan ikaw pa tong galit. Kung ayaw mo eh di huwag! Bahala ka sa buhay mo!" saka padabog na nilisan ang lugar.

"Patay na! nagalit ata si Madam." Susundan niya sana ito ngunit siya rin ang pumigil sa sarili, ipinagpatuloy niya na lang ang ginagawang pagliligpit.

"Sir Ge! Ano pong nangyari diyan?" Tukoy ni Manang Delia sa kamay niya. Nagising marahil ito dahil sa pagkakabasag ng basong natabig niya.

"Wala po to Manang, nasugat lang po habang nililinis ko tong -"

"ay naku bata ka, ako na nga diyan. Sandali lang, ligpitin ko lang to tapos gamutin na natin yang sugat mo."

"huwag na po, ako na lang po." Tanggi niya.

"Sigurado ka?" tanong nito sa kanya, tumango siya. "O siya sige, ikaw ang bahala. Teka, ba't ba pawis na pawis ka eh hindi naman mainit, nilalamig nga ako." Puna nito sa kanya.

"Wala po to Manang, si-sige po." Paalam niya dito saka nagmamadaling pumunta ng kwarto. "C'mon boy calm down!" parang baliw na sabi niya nang makapasok sa loob ng kwarto. "I need to take shower!"

------------------------------------------------

"Manang!"

"Sir Ge."

"pwede pong pakigising si Sarah, pakisabi po kakain na."

"sige po."

"Mommy!" sigaw ni Cobbe saka patakbong lumapit sa dalaga.

"Gising na pala si Sarah eh." sabi pa ni Fred.

"Good morning baby boy! Sarap naman ng yakap na yun. Hug lang walang kiss?" saka inilahad ang pisngi sa anak niya. "Good morning guys! Sorry ha medyo tinanghali ng gising."

"huwag kang mag-alala kagigising rin lang naman namin." sagot dito ni Megan.

"Good Morning Babe!" bati niya dito. Tumayo siya para sana halikan ito sa pisngi pero nagkunwari naman itong kinakausap si Cobbe, ipinaghugot niya na lang ito ng upuan. Inirapan muna siya nito bago umupo.

"Ayy!!! Ano yun?" Si Maja, napansin pala nito ang ginawa ng dalaga.

"anong ano yun?" tanong naman ni Sarah kay Maja. "Matt! Pwede paabot nung hotdog?" kinuha niya ang hotdog at inabot iyon dito. "Fred yung bacon na lang, please." Kinuha niya naman ang bacon na inaabot ni Fred saka inabot dito. "tinapay na nga lang."

"Babe naman." Saka hinawakan ang kamay nito na nasa ilalim ng mesa. Mabilis naman nito iyong binawi.

"Don't call me babe, I'm not a pig." Pagtataray nito sa kanya.

"ayun na! Sabi ko na nga ba may LQ kayong dalawa." Singit ni Maja.

"Correction! Q lang Maj walang L" seryosong sagot dito ni Sarah.

"Hoy! Matunaw yan." Puna sa kanya ni Fred. "Anong ginawa mo kagabi? Bakit parang mainit ang dugo niyan sayo ngayon?" tukoy nito kay Sarah na masayang nakikipag-usap sa mga kaibigan.

"pinagsasasabi mo diyan?"

"Sus! Kunwari ka pa, pinilit mo noh?"

"Anong pinilit? Tumigil ka nga diyan, mamaya may makarinig sayo."

"eh di pini-"

"Hindi!" matigas na sabi niya. "muntik lang!" mahinang dugtong niya.

"Ano?" tanong nito sa kanya nang bigla namang lumapit ang asawa nito.

"Sweetheart, let's go."

"asan na yung dalawa?" tanong dito ni Fred.

"Nauna na sa sasakyan." Humarap ito sa kanya. "Pano Ge, mauna na kami." Paalam nito sa kanya, tumango siya. "Sarah! Remember, Ninang ka."

"oo naman basta ikaw." Nakangiting sagot nito dito pero bigla iyong nabura nang makita siya. Napakamot na lang siya sa batok.

"Bro! alis na kami, thank you ulit sa pag invite samin dito." paalam sa kanya ni Fred. "mukhang seryoso sa pagtatampo ang babygirl mo. Pakasalan mo na kasi ng hindi ka nahihirapan. Pag hindi pumayag itanan mo, tingnan lang natin kung hindi pa pumayag yan." Bulong pa nito sa kanya bago umalis.

"Loko-loko! Huwag mo akong itulad sayo!" sigaw niya dito. Natatawang lumapit siya sa dalaga. "Pano po Manang, alis na rin po kami. Kayo na pong bahala dito sa hasyenda." Paalam niya kay Manang Delia matapos niyang mailagay sa sasakyan ang mga gamit nila.

"Sige po Sir Ge, ingat po sa biyahe." Bumaling ito kay Sarah na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya pinapansin. "Maam balik po ulit kayo dito ha!"

"oo naman po. Thank you po pala sa pag-aasikaso samin dito. Sige po bye na po." Binalingan nito si Cobbe. "Baby, say goodbye to Manang Delia."

"bye po." Paalam naman dito ni Cobbe. Lumapit siya sa sasakyan saka pinagbuksan ito ng pinto. Hindi siya nito pinansin sa halip sa likod ng kotse ito umupo.

Sarah's POV

"Maam! Balik po ulit kayo dito ha." sabi sa kanya ni Manang Delia.

"oo naman po." Sagot niya dito. "Thank you po pala sa pag-aasikaso samin dito. Sige po bye na po." Humarap siya kay Cobbe. "Baby, say goodbye to Manang Delia."

Sumunod naman ito sa kanya. "bye po." Lumapit na sila sa sasakyan. Pinagbuksan siya ni Gerald ng pinto pero hindi niya ito pinansin. Umupo siya sa likod katabi ni Cobbe.

Nakita niyang huminga muna ito ng malalim bago pinaandar ang sasakyan. Tahimik lang sila habang nasa biyahe, inabala niya ang sarili sa pagbabasa ng libro kahit na nga halos otsenta porsyento nun ay hindi niya naiintindihan habang si Cobbe naman ay tinitingnan ang mga pictures sa ipod niya.

"cute!" narinig niyang sabi nito.

"That's Chuchay, Yohan's pet."

"This is Yohan's pet? Wow!"

"Yup! She's a shih tzu."

"Wow shih tzu!" singit naman ni Gerald. "maganda yang i cross breed sa bulldog." Dagdag pa nito.

"Bulldog sa shih tzu? Ano kayang itsura nun?"

"Alam mo ba kung anong tawag dun?"

"Ano?" hindi niya napigilan ang sariling itanong.

"eh di BullShiht." Tumatawang sagot nito sa kanya.

"haha...funny, sumakit nga tiyan ko eh." sarcastic na sabi niya dito. "Bibig mo, baka nakakalimutan mo kasama natin ang anak mo."

"ooops...sorry..."

"hmmp..." nilingon niya si Cobbe, nakatulog na pala ito. Inayos niya ito saka hinalikan sa noo.

"Babe!" tawag ni Gerald sa kanya.

"shhh...ang ingay mo, natutulog kaya ang anak mo." sabi niya saka ipinikit ang mga mata. "matutulog rin ako kaya huwag kang maingay diyan."

Narinig niya itong bumuntong hininga, nagulat siya nang bigla na lang nitong hininto ang sasakyan. "Ano ba ba't ka tum-" nakagat niya ang ibabang labi dahil sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanya. "lumayo ka nga." Sabay tulak dito.

"Babe naman eh, ba't ka ba nagagalit sakin?"

"ba't di mo kaya subukang tanungin yang sarili mo."

"Is this because of what happened last night?" tanong nito sa kanya, hindi niya ito sinagot. "sorry, pero hindi ako hihingi ng sorry sayo because I like what i did and i love doing it."

Pagak siyang tumawa. "you like it huh? Naramdaman ko nga. Actually, ramdam na ramdam ko. Halos hindi mo na nga ako pansinin pakatapos diba? At kung makaiwas ka wagas, talo ko pa ang may nakakahawang sakit. Bakit? Kasi hindi ako ganun kagaling humal-" hindi niya na natapos ang sasabihin ng bigla na lang siya nitong siilin ng halik sa labi.

"hindi mo lang alam, but you're a good kisser. Nagising mo nga lahat ng parte ng katawan ko kagabi eh." lumapit ito sa kanya saka bumulong. "pati yung hindi dapat magising." Sabay tingin sa ibaba ng puson nito.

Naramdaman niya ang pag-init ng pisngi niya ng makuha ang tinutukoy nito. "Bastos!"

"I'm just telling the truth. Babe, I have to do that kasi kung hindi ko gagawin yun eh baka hanggang ngayon hindi pa tayo nakakakaalis ng hasyenda and maybe after 9 months meron ng kapatid si Cobbe. Well, sakin okay lang yun but for you? It's unfair and you don't deserve it." Seryosong sabi nito sa kanya. Bahagya niyang hinampas ang braso nito upang pigilan ito sa pagsasalita, nahihiya na siya sa tinatakbo ng usapan nila. "Mataas ang respeto ko sayo at ayokong gumawa ng isang bagay na alam kong hindi ko pa naman dapat gawin, bawas pogi points din yun sa Mommy at Daddy mo noh. At saka alam mo ba kung gano kahirap magpigil? Ang sakit kaya nun sa pus-"

"shut up!" pigil niya dito. "Kailangan pa ba talagang sabihin yun?"

"sorry..."

"sige na sige na mag drive ka na. May flight pa po ako, remember?"

"wait lang, hindi ka na ba galit sakin?"

"para ka namang bata."

"ahh basta hindi tayo aalis dito hangga't hindi mo ako pinapansin."

"kinakausap na nga kita diba?"

"eh di hindi ka na galit sakin? Bati na tayo?" parang bata na tanong nito

Natawa siya sa itsura nito. "oo nga, kaya sige na go na magdrive ka na mag-iimpake pa ako eh."Hindi naman talaga siya galit dito, nagtatampo siguro oo pero yung magalit? Hindi niya ata kaya, lalo na kung napakababaw lang naman ng dahilan.

"Yes! So ano tara na?"

"huh? San tayo pupunta?"

"lipat ka na dun sa unahan, hindi ako sanay nang hindi ka katabi eh."

"Sus! At pano po tong anak mo? mamaya mahulog pa to dito."

"hindi yan." Sagot nito sa kanya saka inayos sa pagkakahiga ang anak.

"Sigurado ka bang hindi mahuhulog yun?" tanong niya ulit matapos nilang lumipat sa unahan.

"Hindi nga yun, will you please stop biting your lip."

"Ha? Bakit?"

"because it's seductive." Sagot nito saka ipinagpatuloy ang pagmamaneho habang ang libreng kamay ay nakahawak sa kamay niya.

--------------------------------

"kung wala lang siguro akong work nasamahan ka sana namin ni Cobbe. Hindi pa man namimiss na kita."

Hinawakan niya ang pisngi nito. "Asus! 10 days lang naman po ako dun."

"10 days? Ang tagal kaya nun."

"10 days matagal? C'mon mas matagal kaya ang 10 years." Biro niya, huli na nang marealize niya kung ano ang sinabi niya. Nakita niyang sumeryoso ang mukha nito. Tiningnan siya nito sa mata at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. Hinintay niya itong magsalita, nagbabakasakaling ibigay nito ang sagot sa mga tanong niya, nang mapagawi ang mata niya sa relong suot-suot nito. "My God Ge! I have to go baka maiwan ako ng eroplanong sasakyan ko." paalam niya dito, hindi naman nito binitiwan ang kamay niya. "Ge yung kamay ko." hindi pa rin nito iyon binitawan. "Babe." Lumapit na siya dito nang hindi pa rin nito binitawan ang kamay niya. Mabilis niya itong hinalikan sa labi. "Is it enough for 10 days?"

"No." mabilis na sagot nito saka muling sinakop ang labi niya, hindi na siya nagdalawang isip na tugunin ito. Pareho pa sila hinihingal ng matapos iyon. "Now it's enough, but just enough for 10 days kaya huwag mong susubukang lumampas pa dun kung ayaw mong singilin kita ng mahal."


2 weeks na bakasyon, kumusta naman yun? na miss niyo ba ako guys? ako kasi na miss ko kayo. haha...enjoy reading na lang po...haha

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

327K 5.1K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...
3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
113K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
5.4K 60 18
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...