Just If (What If It's Love, P...

By SiMarcoJoseAko

19.8M 401K 38.5K

Published Under Summit Media, Pop Fiction. (What If It's Love) A story where forever doesn't exist. #BSS3 More

Bachelor Stories Series 3: Just If
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Epilogue
Author's Note

Chapter Twenty Four

407K 8.3K 1.2K
By SiMarcoJoseAko

TWENTY FOUR

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

Madaling araw na pero hindi pa rin ako makatulog, pilit na bumabalik sa isipan ko ang mga nangyari kanina. Paano nga ba kung may nangyari na sa amin ni Axcel? Magbabago kaya ang lahat kung sakali? Alam kong may iba na akong nararamdaman para kay Axcel pero hindi ko magawang maamin sa sarili ko kung ano ba 'yon, dahil natatakot ako.

Natatakot akong malaman ang hinala ko dahil alam ko sa sarili kong masasaktan lang kaming dalawa kung sakaling lumala pa itong kakaibang nararamdaman ko para sa kanya.

Huminga ulit ako ng malalim at tsaka ko siya tinignan sa may gilid ko na mahimbing ng natutulog. Mahigpit siyang nakayakap sa akin at mahina na rin siyang humihilik. Marahil ay napagod siya kanina kaya madali siyang nakatulog. Kumportable rin kasi siyang matulog lalo na't katabi niya ako.

Marahan kong hinawi ang makapal at bagsak niyang buhok na humaharang sa mukha n'ya. Marahan ko rin hinawakan ang mukha n'ya at kahit na patay na ang ilaw, may mumunting liwanag na tumatagos mula sa bintana ang nagbibigay ilaw para makita ko ang mukha n'ya. Naramdaman ko ang mga papatubong balbas at bigote n'ya sa palad ko. Mas lalo siyang nagmumukhang matured dahil doon at mas lalong lumilitaw ang pagkalalaki n'ya kapag may balbas siya. Maraming beses ko nang natitigan ng ganito si Axcel at kalamitan doon ay kapag natutulog siya ng mahimbing. Pinasadahan ko ng aking mga kamay ang matangos niyang ilong pababa sa kanyang manipis at mapupulang mga labi. Tumigil ang mga mata ko sa mga labi niya. Nakaawang iyon at tila ba inuudyukan akong halikan ang mga mapupulang labi n'ya.

I gulped the lump formed in my throat when I imagined his lips kissing mine again. Napailing ako ng wala sa oras dahil sa pag-iisip ng ganoong bagay. I sighed again.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" Bigla akong natigilan ng magsalita si Axcel. Medyo paos pa ang boses nito na halatang kakagaling lang sa pagtulog.

"I can't sleep." Sagot ko sa kanya. Nakadilat na ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Napakalapit namin sa isa't isa at kaunti na lang ay maglalapat na namang muli ang mga labi namin.

"Sleep, I'll hug you." Saad niya at tsaka mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

"Ikaw ang matulog na, naistorbo pa ata kita." Sabi ko sa kanya.

"You did not. May iniisip ka ba?" Tanong n'ya sa akin. Ngumiti ako at tsaka umiling.

"Wala, I'm okay. Iniisip ko lang na tatanda ka na naman." Nakangiti kong sabi sa kanya. Ilang araw na lang at kaarawan na niya. Wala pa rin akong maisip na mairegalo para sa kanya.

"Yeah, I'm growing up and I'm with you every time it happens." Saad niya. Bigla siyang kumilos at inihiga niya ang ulo ko sa matigas niyang braso at iniyakap niya ang braso ko sa katawan n'ya. I suddenly felt his muscled body. Bigla ay parang nag-init ang katawan ko sa posisyon naming iyon.

"You smelled good." He said then he nuzzled my hair. Kinurot ko naman iyong nipples niya.

"Ayan ka na naman." Sabi ko sa kanya.

"I can control myself, sweetheart." Saad niya. Naramdaman ko ang pag-halik n'ya sa may ulo ko.

"Matulog ka na, maaga ka pang aalis bukas." Sabi ko sa kanya. Ipinikit ko na ang mga mata ko at pinakaramdaman ang tibok ng puso n'ya. Hindi na siya sumagot at niyakap n'ya lang ako ng mahigpit.

There will be always a lie in believe, an over in lover, an end in friend, an us in trust and if inlife.

*

"Hindi ka ba kumain kaninang tanghali?" Tanong ko kay Axcel habang pinapanood ko itong panay ang subo sa kutsara ko. Umiling siya habang ngumunguya.

"Bakit hindi ka kumain? Mamaya n'yan atakihin ka na naman ng ulcer mo. May dala ka bang gamot?" Tanong ko sa kanya.

"Wala, nakalimutan ko." Sabi n'ya at tsaka ulit sumubo ng kanin. Nandito kami ngayon sa may garden sa may likod ng school. Wala naman kasing masyadong tao kaya dito ako nag-aaral. Tinext ko lang siya kung kumain na ba siya at nalaman kong hindi pa kaya pinapunta ko siya dito. Dinalhan ko kasi siya ng pagkain in case nga na hindi pa siya kumakain.

May kinuha ako saglit sa may bag ko at tsaka iyon inilapag sa may lamesa. Kinuha ko rin pet bottle ko at inilagay ko din iyon sa may harapan niya.

"Inumin mo 'yang gamot mo pagkatapos mong kumain." Sabi ko sa kanya at tsaka ko ipinagpatuloy ang pagbabasa. Lagi kasi akong may dala-dalang gamot niya kung sakaling hindi niya dala ang gamot niya.

"Hintayin mo ako, isa na lang klase ko. Ihahatid kita o kung gusto mo, doon ka na lang ulit sa condo ko." Sabi niya. Kakatapos niya lang kumain at umiinom na siya ngayon ng tubig.

"Hindi na, hatid mo na lang ako. Kailangan kong umuwi." Sabi ko sa kanya. Libre naman talaga ako ngayon araw, kailangan ko lang talagang makahanap ng ireregalo sa kanya at kay Aivan sa darating na biyernes.

"Dinner tayo mamaya?" Tanong n'ya. Umiling ako. Isinarado ko ang librong binabasa ko at inilapag iyon sa lamesa.

"May lakad ako, bawal ang boys." Sabi ko sa kanya. Bigla namang kumunot ang kanyang noo.

"Saan ka pupunta? Sino kasama mo? Lalaki ba?" Sunod-sunod n'yang tanong.

"H'wag mo na alamin kung saan ako pupunta, basta walang lalaki roon. Si Din, Rissa, Jeorge at Felice lang ang kasama ko." Sagot ko sa kanya. Humigop naman ako sa straw ng strawberry shake ko.

"Bakit bawal? Wala akong gagawin ngayon, sama ako hindi ako manggugulo sa inyo." Pagpupumilit pa niya.

"Hindi nga kasi pwede, sa susunod na lang kita isasama. Girls bonding 'to ngayon, girl ka ba?" Natatawa kong sabi sa kanya. Ngumuso lang siya na parang bata at tsaka sumimangot.

"Ang cute mo kamo kapag naggaganyan ka." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Di ako cute, sama na kasi ako." Sabi n'ya.

"Ay ang kulit, sabi nang hindi pwede eh." Sabi ko sa kanya.

"Wala naman akong gagawin ah? Susunod lang ako, gawin n'yo akong tigabitbit ng mga pinamimili n'yo. Ano naman gagawin ko sa condo ko? Wala ka naman d'on." Nakasimangot pa rin n'yang sabi.

"Sa susunod na lang kita isasama at kahit saan mo gusto, pupunta tayo, deal?" Nilakihan ko ang ngiti ko para pumayag siya.

"Tss."

"Deal na! Next time na tayo mag-date, kahit saan mo gusto pwede." Pagpupumilit ko sa kanya.

"Dinadaan mo ako sa pagpapacute mo, hindi ka naman cute." Seryoso n'yang sabi. Napasimangot naman ako bigla.

"Basta sa susunod na lang tayo mag—"

"Axcel?" Bigla akong natigilan ng marinig ko ang pamilyar na boses sa may likuran ko. Nakita kong nag-angat ng mukha si Axcel at sumilay naman ang ngiti sa mukha niya nang makita niya kung sino ang taong 'yon.

"Thalia." Nakangiting saad ni Axcel. Natigilan naman ako sa ginagawa ko.

"Hi. Pwedeng maki-join sa inyo? Wala na kasing space sa library at nagbakasali akong pwedeng makapag-aral dito sa garden." Sabi ni Thalia. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Sure, lagi kasing punuan sa library kapag ganitong may nalalapit na test." Sabi ko sa kanya. Umupo naman siya sa bakanteng upuan katabi ni Axcel.

"Oo nga, napansin ko rin. Nakaistorbo ba ako sa inyo?" Saad ni Thalia. Ngumiti ako tsaka umiling.

"Akala ko nakaistorbo na ako sa inyo, nahihiya nga akong lumapit kasi baka mayroon kayong importanteng pinag-uusapan." Sabi n'ya. Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot.

Thalia is a good friend of mine. Mas matangkad siya kumpara sa akin. She has a perfect curve that every girls want. Bagay rin sa kanya ang straight at kulay itim n'yang buhok na aabot sa kanyang bewang. Sa pagkakaalam ko ay isa rin siyang model sa isang sikat na brand ng damit sa Pilipinas. May mga napapanood na rin akong TV Commercials niya kaya sikat din siya. Matalino rin siyang babae dahil siya ang Top 2 namin noon. Axcel was the valedictorian and Aivan was the salutatorian. Ganoon sila katalino, but I got the position of being a Top 1 back then.

Bigla akong napatingin kay Axcel na ngayon ay nakatitig kay Thalia. May sinasabi si Thalia na hindi ko marinig.

"So, this weekend is your birthday?" Narinig kong sabi ni Thalia kay Axcel. He smiled and nodded at her.

"Yeah, are you going?" Tanong ni Axcel. Napakunot naman ang noo ko. So, he invited Thalia?

"Yeah, nakapagpaalam na ako kay Mommy. Naiintindihan naman n'ya at pinayagan niya ako." Saad ni Thalia kay Axcel.

"That's good, may dala kang sasakyan?" Tanong ni Axcel. Itinuon ko na lang ulit ang atensyon ko sa librong binabasa ko kanina. Pero hindi ko maiwasang hindi maparinggan ang kanilang pinag-uusapan.

"Sana pero hindi pa kasi ako ganoong kagaling mag-drive, I'm a little bit scared lalo na't malayo ang Rancho n'yo." Rinig kong sagot ni Thalia sa kanya.

"If you want, I'll fetch you." Bigla akong napaangat ng tingin dahil sa sinabing 'yon ni Axcel.

"Are you sure?" Nag-aalangang tanong ni Thalia.

"Yeah, medyo malapit lang naman ang bahay n'yo kay na Heena. Besides, on the way din naman 'yon kaya ayos lang." Nakangiting sabi ni Axcel. Ngumiti rin pabalik si Thalia kay Axcel.

"Thank you so much, Axcel. You are still generous katulad ng dati. Hindi ka pa rin talaga nagbabago, you are still the Axcel I fell in love with." Nakangiting sabi niya kay Axcel na nagpaagaw ng atensyon ko. Pero mas lalong naagaw ang atensyon ko ng magsalita pa si Thalia.

"I hope your feelings didn't change too."

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


Continue Reading

You'll Also Like

94.2K 3.2K 14
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
345M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.2M 49.4K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
3.4M 93.7K 62
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...