The Lost Soldier (Savage beas...

By Maria_CarCat

6M 234K 49.2K

A battle between love and service. More

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 2

140K 4.9K 995
By Maria_CarCat

Ang Dayo

Bagsak ang aking balikat pagbalik ko sa aming nayon. Matatagpuan iyon sa gitna ng bundok. Kung saan walang mga dayuhang taong taga patag ang nagpupunta dahil sa pagaakalang masasamang tao kami.

Ang aking ama ang namumuno sa nayon. Kilala ko siya kaya naman alam kong walang katotohanan ang mga ibinibintang sa amin. Lumalaban si ama para sa tama at hindi para makapanakit ng ibang tao.

"Castel! Saan ka nanaman nanggaling?" Salubong na tanong sa akin ng aking matalik na kaibigan na si Ducusin.

Imbes na sabihin sa kanya ang totoo ay maingat ko na lamang na itinago ang nakuha kong pangsundalong jacket sa aking likuran.

"Naglakad lakad lang ako sa gubat" sagot ko sa kanya pero nanliliit lamang ang mga mata nito na nakatingin sa akin. Alam kong nagdududa siya kaya naman napakagat ako sa aking labi dahilan para kaagad ako nitong idinuro.

"Nagsisinungaling ka! Ganyang ganya ka pag naglilihim ka sa akin" akusa niya sa akin tukoy sa pagkakakagat ko sa aking pangibabang labi.

Napaawang ang aking bibig sa takot na pilitin pa niya akong magsalita kaya naman kaagad akong tumakbo at nilagpasan siya.

"Uuwi na muna ako!" Sigaw ko sa kanya ng hindi man lang siya nililingon.

Ilang beses pa akong tinawag ni Ducusin pero hindi ko na siya pinansin. Tawa lamang ako ng tawa habang mabilis na tumakbo palayo sa kanya. Ilang sugat sa paa ang natamo ko dahil sa aking nilakad na iyon pero hindi ko na iyon ininda pa. Sanay na ako na walang sapin sa paa pag nagtutungo sa kung saan.

"Chiky!" Tawag ko sa kulay dilaw na sisiw na aking alaga.

Nakasabit ang kulungang gawa sa kahoy nito malapit sa pinto ng aming bahay. Maingay siya sa tuwing may taong parating kaya naman tuwang tuwa ako sa kanya.

Pagkatapos ay nilapitan ko naman ang aking kulay abuhing kuneho na si Rafa. Kaagad ko siyang inabutan ng damo para kainin. Napatawa naman ako ng nagingay ang alaga kong baboy ramo na nakatali sa katabi puno ng alatires.

"Sus, nagselos naman kaagad itong sa tabbie" natatawang sabi ko tsaka ko siya kaagad na nilapitan para himasin. Dahil sa aking ginawa ay tumahimik siya.

Pagkatapos kong kamustahin ang aking mga alaga ay mabilis akong pumasok sa aming maliit na bahay na gawa lamang sa kawayan at mga dahon ng niyog na pinagtagpi tagpi. Ang aming bubuong ay gawa sa pawid. Halos lahat ng bahay ay gawa sa ganuong mga materyales.

Mabilis kong itinupi ang jacket na aking nakita at pagkatapos ay itinago iyon sa aking lumang baul sa ilalim ng aking kama. Sa tuwing may mga bagay ako na ayokong makita ni ama ay duon ko itinatago.

"Tadeo...Aziel Herrer" muli kong pagbasa sa nakaukit na pangalan sa jacket na iyon.

Nang masigurado ko ng nakatago iyon ay muli akong lumabas ng bahay ng nagsimulang magingay si Chiky. Tumakbo ako patungo sa labas ng aming bahay at duon ko nakita si ate wena na may dalang mangkok ng ulam.

"Para sayo ito castel" nakangiting abot niya sa akin ng mangkok ng sinabawang ulam.

Kaagad ko siyang nginitian at kinuha iyon. "Salamat po ate wena" sabi ko pa sa kanya.

Napatango ito. "Ibinilin ka sa akin ni pinuno" sabi pa niya kaya naman napatango na lamang ako.

Magdidisiotso na ako sa susunod na buwan. Pero kung ituring pa din ako ni ama ay para akong isang bata. Sa tuwing may laban sila ay ibinibilin niya ako kay ate wena. Hindi niya ako hinahayaan na magluto para sa aking sarili. Hindi ko pa naman daw kasi iyon kaya.

Matapos kong kumain ng ibinigay na pagkain sa akin ay lumabas na ako ng bahay para makipaghalubilo sa iba pang mga bata sa aming nayon. Ang bawat pamilya na nandito ay kasapi ng hukbo na pinamumunuan ni ama. Ang bawat pamilya dito ay naghihintay din sa pagbabalik ng kanilang mga kamaganak na sumama para makipaglaban.

"Maliligo kami ngayon sa talon, halika na" mabilis na yaya sa akin ni Ducusin.

Kaagad akong napatango. "Sasama ako!" Nakangiting sabi ko pa sa kanya kaya naman kaagad kaming nagtungo ni Ducusin sa may talon kasama ang iba pang mga bata.

Walang takot kaming tumakbo at tinalon ang taas nuon. Kaagad kaming lumubog sa halos pinakailalim na dahil sa lakas ng aming pagkakabagsak pero wala naman kaming ginawa kundi tumawa ng tumawa pagkaahon.

Kaagad na napadaing si Ducusin ng pasukan ng tubig ang kanyang tenga. "Aahon na ako" inis na sabi niya at tsaka kaagad na nagtungo sa malalaking bato para makaupo.

Imbes na lumangoy ay tinabihan ko na lamang siya. "Pagbalik nila ama galing sa laban ay mageensayo ka na din?" Tanong ko sa kanya habang pinaglalaruan ang tubig gamit ang aking mga paa.

Napakibit balikat ito. Napanguso naman ako, alam kong hindi ganito ang gusto ni Ducusin. Napatingin din ako sa mga batang naglalaro sa may talon. Pagdating nila sa edad na disiotso ay sasabak na din sila sa matinding pagsasanay at isasama na sa pakikipaglaban.

"Siguro kung anal din ako ni pinuno, hindi ko na din kailangang makipaglaban" malungkot na sabi niya sa akin kaya naman napaawang ang aking bibig.

"Pwede mo naman sabihin sa iyong ama na hindi mo ito gusto, na ayaw mong makipaglaban" pagpapayo ko pa sa kanya.

Pero napailing ito. "Lahat ng bata dito ay duon din patungo. Ilaw lang ang hindi dahil ikaw ang anak ng ating pinuno" sabi niya pa sa akin kaya naman nakaramdam ako ng hiya.

"Nirerespeto nila iyon dahil ikaw ang itinuturing na kayamanan ng iyong ama" sabi pa niya sa akin kaya naman napayuko ako.

Pagkatapos nuon ay napabuntong hininga si Ducusin. "Siguradong mata lang ang walang latay sa akin sa oras na malaman ni ama na bahay bahayan ang nilalaro ko imbes na baril barilan" natatawang sabi niya sa akin kaya naman hindi ko din mapigilang mapangiti.

Hinawakan ko ito sa balikat. "Sigurado akong susuportahan ka din ng iyong ama sa oras na malaman niya kung ano talaga ang iyong gusto" pagaalo ko pa sa kanya pero napanguso na lamang ito.

Maya maya ay nagsumiksik ako sa kanyang tabi kaya naman sumama ang tingin nito sa akin. "May sasabihin ako sayong sikreto" nakangiting sabi ko sa kanya.

Sinimangutan ako nito. "Ano?" Tanong niya sa akin.

Kaagad kong naramdaman ang paginit ng aking magkabilang pisngi. "Hindi ko alam kung bakit, pero naramdaman mo na bang magkagusto sa isang taong hindi mo pa nakikita. Yung pangalan pa lang ang alam mo, pero pakiramdam mo ay gusto mo na siya kaagad?" Sabi ko pa habang sa malayo nakatingin.

Pero kaagad akong napaiktad ng tusukin ni Ducusin ang aking tagiliran. "Hindi pwede yun, pwede ba...wag ka ngang baliw diyan" sita pa niya sa akin.

Napanguso na lamang ako. Hindi ko alam kung bakit parang biglang naging importante sa akin ang pangalang tadeo. Yung pangalan sa jacket na aking nakita. Pakiramdam ko ay kuneksyon ako sa taong iyon. Kahit hindi ko pa siya nakikita.

Napatigil ang pagmumuni muni namin ni Ducusin mula sa may talon ng kaagad na sumigaw ang isa sa aming mga kasama sa nayon.

"Nakabalik na ang hukbo!" Sigaw ng mga ito kaya naman kaagad kaming napatayo ni ducusin para magtungon duon.

Kaagad na napatawa si Ducusin ng muli ay susubukan ko nanaman sanang tumakbo ng mabilis para iwanan siya. Pero kaagad niya akong napigilan.

Ang suot kong puting bestida ay nadungisan na. Ang itim na itim at mahaba kong buhok ay unti unti na ding natutuyo. Madungis maging ang aking mga paa dahil sa putik.

"Napakabagal mo naman ducusin" natatawang sabi ko sa kanya.

Sinamaan lamang ako ng tingin. Pagkatapos ay sabay din kaming naglakad pabalik sa may nayon. Pinapagalitan ako nito habang naglalalad kami dahil wala akong sapin sa aking mga paa.

"Mas gusto ko ito" nakangiting sabi ko pa sa kanya habang tumatalon talon sa nakababang sanga ng puno.

"Puro sugat na tuloy ang paa mo" suway pa niya sa akin pero nginitian ko lamang siya.

Natanaw ko na kaagad ang pagdami ng tao sa gitna ng aming nayon. Lumawak ang ngiti ko ng matanaw ko si ama na nakatayo sa gitna.

"Ama!" Sigaw ko sabay yakap sa kanya.

"Mabuti na lamang po at ligtas kayo" sabi ko pa sa kanya at muli siyang niyakap ng mahigpit.

Sandali niya din akong niyakap at hinalikan sa ulo. Pero hindi din iyon nagtagal. Napayuko na lamang ako, bilang isang pinuno ng hukbo ay hindi pwedeng magpakita si ama ng kahinaan. Kaya naman kahit ilang beses ako maiyak minsan dahil sa kanilang delikadong mga lakad ay hindi ito nagpapakita ng emosyon.

Nanatili ako sa gilid katabi si Ducusin. Nakikinig sa kanilang pulong.

"Nagtagumpay tayo sa paglaban mula sa tagilid na pamamalakad ng pamahalaan. Mabuhay ang Hukbo ng Garay!" Sigaw ni ama.

"Mabuhay!" Malakas na sigaw din ng iba pa.

Nagpalakpakan ang lahat dahil dito. "Ngunit pinuno, ano ang gagawin natin sa isang ito?" Tanong ng isang kasapi na may akay na isang lalaking dayuhan na walang malay.

"Panibagong kasapi ng ating hukbo" sabi pa ni ama.

Hindi naalis ang tingin ko sa lalaking tinutukoy nila. Matangkad ito at matipuno ang pangangatawan. Kaagad din akong siniko ni ducusin. "Naiintindihan ko, ang gwapo..." nakangising sabi pa niya sa akin.

Pero hindi ko pinansin ang kanyang pangaasar. Nanatili ang tingin ko duon sa lalaki. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay matagal ko na siyang kilala. Tama nga si ducusin, naiiba ang kanyang itsura sa lahat sa amin. Nangingibabaw ang kanyang kakisigan.

Kaagad na nawala sa aking paningin ang lalaking iyon ng kaagad na humarang ang bulto ng isa pang lalaki sa aking harapan.

"Castel..." tawag sa akin ni Franco.

Tipid ko siyang nginitian. "Buti at ligtas ka din" sabi ko pa sa kanya.

Siya ang nagsisilbing kanang kamay ni ama. Mabait ito sa akin at itinuturing ko na din siya na parang isang nakatatandang kapatid. Pero nagalit lamang siya sa akin ng sabihin ko iyon sa kanya.

"Kamusta ka dito habang wala kami?" Tanong pa niya. Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa klase nitong makatingin sa akin. Naiilang ako, sobra iyon para sa isang nakatatandang kapatid.

"Ayos naman po" sagot ko sa kanya.

Napangisi ito. "Wag mo na sabi akong pino-Po" paalala niya sa akin.

Nakayuko pa din ako ayoko siyang harapin. "Okay po" mabilis na sabi ko at kaagad ko siyang tinalikuran.

"Castel" malambing na tawag niya pa sa akin pero hindi ko na siya pinansin pa.

Kaagad kong naramdaman ang pagsunod sa akin ni Ducusin. "Ang lakas talaga ng tama sayo ni Franco" sabi niya sa akin.

"Ha?" Sambit ko.

Nalukot ang mukha nito. "Sus, kunwari ka pa. Kitang kita naman na may gusto sayo yun. Ihugin ka pa lang gusto ka na niya" pangaasar niya sa akin pero sinamaan ko lamang siya ng tingin.

"Nakatatandang kapatid lang ang tingin ko kay Franco" giit ko pa sa kanya.

Pagkatapos ng paguusap namin ni Ducusin ay kaagad akong dumiretso sa aming bahay para kausapin si ama. Kaagad na nagingay si chiky ng makita niya ako kaya naman pabiro kong pinitik ang kanyang kulungan.

Pagkapasok ko sa bahay ay kaagad akong nagulat sa aking nasaksihan. Si ama ay nakatayo habang nakayakap sa kanya si ate wena. Pilit na tinatanggal ni ama ang pagkakayakap niya dito, pero masyadong mapilit si ate wena.

Nang nainis na si ama ay nabigla ako ng mabilis niyang sampalin ito sa pingi dahilan kung bakit kaagad na napabitiw si ate wena sa kanya. "Sinabing umalis ka muna" matigas na sabi ni ama dito.

Gulat na gulat si ate wena dahil dito, mangiyak ngiyak siyang napatingin kay ama. "Matapos kong alagaan ang anak mo...ito ang igaganti mo sa akin?" Hindi makapaniwalang tanong niya dito.

"Umalis ka na, gusto kong magpahinga" giit ni ama sa kanya tsaka niya ito tinalikuran at pumasok sa kanyang silid.

Bago pa man ako makita ni ate wena ay mabilis na akong lumabas ng bahay para makalayo duon. Kaagad kong kinuha ang mahabang sanga ng puno na nakita ko sa daan at tsaka pinaglaruan iyon habang naglalakad ako.

Ngayon alam ko na kung bakit nagtitiis si ate wena na alagaan ako sa tuwing may laban sila ama. Dahil may gusto siya dito. Papalo palo ako sa hangin ng kaagad akong mapatingin sa bahay pagamutan namin, si mang istong at ang asawa niyang si aling doray ang namamahala duon. Silang dalawa ang gumagamot sa mga kasapi sa tuwing uuwi itong sugatan.

Nagtungo ako sa kanilang kubo, ang kalahati nito ay may tatlong higaang papag para sa kanilang magiging pasyente.

"Oh castel...napadaan ka hija?" Tanong ni mang istong sa akin ng makita niya ako.

Naabutan ko siyang naghuhugas ng ilang dahon ng bayabas. "Nasa loob po ang dayo?" Magalang na sagot ko sa kanya na kaagad naman niyang ikinatango.

"Pwede ko pong makita?" Tanong ko pa sa kanya.

"Sige lang hija" nakangiting sagot niya sa akin.

Hawak hawak ko pa ang sanga ng puno na napulot ko ay pumasok ako sa kanilang kubo. Napaawang ang bibig ko ng makita ko ang nakahigang dayo sa may papag na kama. Wala itong pangitaas na damit, tanging ang kulay itim na pantalon lamang ang sapin niya sa katawan.

Ang laki ng kanyang katawan, sobrang kisig. Lalo pang nakakapagmangha sa kanyang katawan ay ang malaking burda sa kanyang dibdib patungo sa kanyang matipunong braso. Napahinto ako sa pagtitig sa kanya ng pumasok si aling doray na may dalang palanggana.

"Nasunog ang kalahating bahagi ng kanyant likuran. Kailangang magamot kaagad" sabi niya sa akin.

Napatango ako habang nanunuod. "Ano hong pangalan niya?" Tanong ko dito hanggang sa umupo na ako sa katabing bakanteng higaan.

Ngumiti ito sa akin. "Itanong natin sa kanya pagkagising niya" sabi pa niya sa akin kaya naman napangiti na lamang din ako.

Tulog na tulog ito, napakatangos ng kanyang ilong. Parang isang artista sa pelikula ang gwapo gwapo niya. Hindi ko lubos maisip na may mga ganitong klase ng tao ang makikipaglaban.

"Maiwan na muna kita hija" paalam sa akin ni aling doray na kaagad ko namang tinanguan.

Tahimik lamang ako habang nakatingin sa kanya. Nakatitig lamang ako sa kanyang buong oras na nanduon ako. Hindi ko alam, wala naman akong ginagawa duon pero ayoko din siyang iwanan.

"Aziel..." sambit ko.

Naisipan kong hangga't hindi ko pa alam ang kanyang pangalan ay iyon na muna ang itatawag ko sa kanya. Ipinahiram ko sa kanya ang pangalawang pangalan ni tadeo na nagmamayari nung jacket.

Halos araw araw akong pumupunta duon. Kung hindi ako nagtatagal ay nagdadala naman ako ng mga bulaklak na ako mismo ang kumukuha sa gitna ng kagubatan.

"Aalis na po ako mang istong" paalam ko sa mga ito matapos kong ilagay sa katabing lamesa ang bulaklak na pinitas ko para sa kanya.

Pagkalabas ng pinto ay tatakbo na sana ako para magtungo sa burol ng kaagad na humarang sa aking harapan si franco.

"Anong ginagawa mo dito sa bahay gamutan?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa aking pinanggalingan.

Nagiwas ako ng tingin. "Tumutulong kina aling doray at mang istong" tamad na sagot ko sa kanya.

Ramdam na ramdam ko ang titig niya sa akin. "Kalaban ang isang iyan. Sa oras na gumaling siya, gagawin natin siyang bihag" sabi nito sa akin kaya naman nagulat ako.

"Pero sabi ni ama, isa siyang kasapi...bagong kasapi" giit ko pa.

Napailing si franco. Imbes na na kausapin ko pa siya ay tumakbo na ako patungo kay ama. Sa isang malaking kubo kung saan sila nagtitipon tipon ko siya naabutan.

"Ama, totoo po bang kalaban ang dayo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Nalukot ang kanyang noo. "Sino ang nagsabi sayo?" Tanong niya sa akin pero hindi ko siya sinagot. Nakatitig lamang ako sa kanya.

"Hindi natin alam castel, malalaman natin sa oras na gumising siya" sagot niya sa akin kaya naman nanahimik na lamang ako.

Imbes na sa talon ang punta ko ay sa burol na lamang nagpunta. Duon ay umupo ako sa damuhan at tsaka tumanaw sa malayo. Nang dumilim ay naglakad na lamang ako pabalik sa nayon.

"Castel! Castel!" Sigaw na salubong ni Ducusin sa akin.

"Bakit?" Tanong ko.

"Gising na ang dayo!" Sabi niya sa akin.

Nanlaki ang aking mga mata. Kaya naman ng marinig ko iyon ay kaagad akong tumakbo patungo sa kubo nina aling doray at mang istong.

Nagpumilit akong makisiksik sa mga kumpol na taong nanguusisa dahil sa pag kagising ng aming dayo. Sa loob ay nanduon na din si ama at si franco. Ilang kasapi din ng hukbo ang nakapalibot. Marahil ay dahil na din ito sa sinabi sa akin ni franco na kalaban ang aming dayo.

Nakaupo na ito ngayon sa kamang papag. Hindi makapagsalita, naguguluhan nanatiling gumagala ang kanyang mga mata sa mga taong nakapalibot sa kanya.

"Sino kayo? Nasaan ako?" Tanong niya.

Kaagad na nagkatinginan si ama at si franco. Napangisi ang mga ito. Hindi ko alam kung bakit pero masama ang aking naging kutob.

"Maligayang pagbabalik sa ating nayon..." sabi ni ama na ikinagulat ko.

Kumunot ang noo ng dayo. "Taga rito ako?" Naguguluhang tanong niya.

Napatango si ama. "Isang kang kasapi, napuruhan ka sa laban kaya naman nawala ang iyong memorya" sabi pa ni ama sa kanya.

Nakakunot pa din ang kanyang noo. "Ano ang aking pangalan?" Tanong niya.

Kaagad na sumabat si aling doray. "Aziel...aziel ang iyong pangalan" sabi niya sabay tingin sa akin kaya naman kaagad ko siyang nginitian.

Nagtaka si ama. "Aziel..." muling sambit niya at napatango tango.

Matapos iyon ay unti unti na ding bumalik sa ayos ang lahat. Pinalabas ang mga tao at nanatili sa loob sina ama at franco. Walang nakakaalam sa kanilang pinaguusapan.

Nanatili kaming nakatayo ni ducusin sa labas, di kalayuan sa kubo.

"Christopher!" Tawag ni Mang Henry sa anak.

Kaagad na napairap si ducusin sa akin dahil sa pagtawag sa kanya sa kanyang totoong pangalan. Mark Cristopher Ducusin ang kanyang buong pangalan, at dahil ayaw niyang marinig ang masyadong panlalaking pangalan ay pumayag siyang ducusin na lamang ang itawag sa kanya.

Biglang naging matigas ito pagkaharap sa kanyang ama. "Ano ho iyon ama?" Lalaking lalaking tanong niya.

"Magsibak ka na ng kahoy sa likod" utos sa kanya nito.

Napalunok ito. "Masusunod po ama" sabi niya at sandaling bumaling sa akin na mangiyak ngiyak bago umuwi sa kanilanh bahay para sundin ang gusto ng kanyang ama.

Matapos umalis ni Ducusin ay natanaw ko ang paglabas nina franco at ama sa bahay gamutan. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para puntahan ang dayo. Walang tao, kaya naman nagtuloy tuloy ako sa pagpasok.

Naabutan kong nakatulala si Aziel, kaya naman kaagad kong kinuha ang kanyang antensyon.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ko sa kanya.

Kaagad siyang napatingin sa akin. Mula ulo hanggang paa, medyo nahiya naman tuloy ako at bahagyang sinuklay ang mahaba kong buhok.

"Ayos lang" tipid na sagot niya sa akin.

Nanlaki ang mata ko ng makita kong wala na ang bulaklak sa tabi ng kanyang higaan.

"Nasaan na yung bulaklak na inilagay ko dito?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Kinuha nung franco" sagot niya sa akin kaya naman nakaramdam kaagad ako ng inis.

"Pinitas ko iyon sa gitna ng gubat para sayo" pagmamaktol ko pa.

Napatingin siya sa akin. "Bakit mo naman iyon gagawin para sa akin?" Tanong niya.

Napanguso ako. "Dahil gusto ko..." sambit ko.

Inirapan ako nito. "Wag mo nang gagawin iyon, baka ako pa ang maging dahilan ng pagaaway niyo ng iyong nobyo" seryosong sabi pa niya na ikinagulat ako.

"Wala akong nobyo!" Giit ko sa kanya.

Muli niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. "Hindi mo kailangang mag alala para sa akin bata" masungit na sabi pa niya.










(Maria_CarCat)



Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 176K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
7.1M 229K 65
His Punishments can kill you
92.8K 3.9K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...