Marrying Mr. Popular (PUBLISH...

By Chrispepper

10.4M 225K 23.2K

He's handsome, freakin' hot, snob, cold, campus hearthrob, model, popular. Sinong babae ang hindi magkakagust... More

Marrying Mr. Popular
✨ BOOK ANNOUNCEMENT ✨
Paunang Mensahe
Dear readers (01/03/2020)
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
✨ Author's Note ✨
✨ Facebook Page ✨
BOOK UPDATE

Kabanata 13

172K 4.2K 398
By Chrispepper

Kabanata 13

Cassiopeia's Point of View

Tawang-tawa pa rin ako kapag naaalala ko ang eksaktong hitsura ni Christopher nang matamaan siya ng bola sa mukha. Sobrang epic hahahaha. Hanggang ngayon nga ay nakakunot pa rin ang noo niya sa 'kin.

Nagsuot ako ng see through na damit dahil lalagyan ko ng yelo sa mukha itong mister ko. Ayaw niya raw kasing makita ang nakakaumay kong pambatang katawan. Ang bwisit na 'to, akala mo e kung sinong gwapo, e totoo naman!

"Dadampian ko na po ng yelo ang mukha mo, Mahal na Hari. Pffft!" Hindi ko talaga mapigilang hindi matawa. Ano ba naman 'to, ang hirap magmove-on, hahahahaha!

"Umalis ka na nga, hindi ka nakakatawa!" Inis na sabi niya. "Sumama ka doon sa Gabriel mo total mukhang doon ka naman masaya."

"Ikaw pa 'tong magsusungit diyan, ikaw na nga ang inaasikaso. At isa pa, bakit ba ang init ng ulo mo doon sa tao? Konti na lang, iisipin ko nang nagseselos ka." Biro ko. Alam ko namang mas malayo pa sa pagkakaroon ng aurora sa Pinas na mangyari ang bagay na 'yon.

"Psh, hindi porke sinabi ko sa kanyang asawa kita e may gusto na 'ko sayo. Hwag ka mangarap nang dilat ang mata mo."

Idinikit ko na ang towel na may yelo sa mukha niya.

"Wala naman akong sinabing may gusto ka sa 'kin. But if you insist," Bahagya akong napatawa. "Hwag kang mag-alala, asawa kong hot na pogi, gwapo ka pa rin naman kahit namumula ngayon yung mata mo."

"Stop calling me 'asawa kong hot na pogi', napaka childish."

"Anong gusto mo? Love, honey, babe, hubby, baby? Name it." Biro ko ulit.

"Kadiri."

Napabusangot ako sa tugon niya. KJ!

Biglang pumasok sa kwarto ng resthouse namin si Mama Sophia para i-check si Chris. May mga dala pa siyang mga yelo, balak na yatang i-freeze ang mukha ni Chris, hahahaha.

"Anak, okay na ba yang mukha mo?"

"Yeah, I think." Sagot ni Chris habang hawak-hawak ang mukha niya.

"Pagkatapos niyo diyan, bumaba na kayo at tulungan niyo kaming magtuhog para sa iihawin mamayang barbecue. Hwag kayo masyadong mapusok at baka mahuli pa namin kayong may ginagawang himala dito, Okay? Hinaan niyo rin ang boses, alam kong masaya ang ganon."

Napanganga ako sa sinabi ni Mama at naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko. Lumabas na siya at kami na lang ulit ni Chris ang naiwan sa loob ng kwarto.

Nagkatitigan kaming dalawa at kaagad akong nag-iwas ng tingin dahil ayokong mahalata niya ang pamumula ko.

"It's a nice idea, would you like to try?" Sabi pa ni Christopher sa 'kin.

"Yuck!!" Sigaw ko. "Magtigil ka nga, baka pumatol talaga ako sayo!" Dugtong ko at saka ibinato sa kanya ang towel na hawak ko.

Kaagad-agad akong lumabas ng kwarto dahil sa hiya ko. Narinig ko pa ang malakas na tawa ni Chris.

"Asa, ayoko sa flat!" Sigaw pa niya.

Gusto ka naman!

Tinulungan ko na sila Mama sa pagtutuhog ng barbecue. Lumabas si Chris na may kausap sa cellphone. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay medyo lumayo siya sa direksyon namin.

Hwag naman sana si Foina ang kausap niya. Malulungkot na naman ako.

Nang mapansin kong tapos na siyang makipag-usap sa telepono ay lumapit na ako sa kanya.

"Sino kausap mo kanina?" Tanong ko sa kanya.

"None of your business." He answered.

Bumalik na naman ang pagiging masungit niya.

"Si Foina ba?"

"Don't ask me anymore if you already know the answer."

So, siya nga??

"May work pa rin kahit vacation na?" Sobra naman na yata kapag ganon.

"Hwag ka na ngang matanong. Ang sakit na naman sa tenga ng boses mo."

"Sorry."

8:00PM na nang matapos ang pag-iihaw namin ng barbecue. Napansin kong kanina pa may tinatanaw-tanaw si Christopher. May hinihintay kaya siyang darating??

"Come on, let's eat na, kanina pa akong natatakam sa pagkain." Pag-aaya ni Mommy.

Kakain na sana kami nang makita naming may dala-dalang babae si Chris.

Anong ginagawa ni Foina dito? It should be a family bonding pero bakit dinala siya rito ni Christopher?

"Pwede naman siyang sumalo sa 'tin sa pagkain ng barbecue, diba? Manager ko siya." Sabi pa ni Christopher at gaya ng dati, nakahawak sa braso niya si Foina.

Tumingin sa 'kin si Mama Sophia, mukhang humihingi ng permission. Tumango naman ako sa kanya para sabihing okay lang kahit na hindi naman talaga. Paano niya nagagawang magpahawak sa ibang babae sa harap ko pa mismo at ng mommy niya?

Hindi ko alam kung paano ko pakikitunguhan ang manager niyang ito ngayon. Kanina pa siyang nakikipagharutan sa asawa ko. Tinitingnan na rin sila nila Mommy at Mama. Magpasalamat siya at nasa loob sila Daddy at Papa.

"Mika, kumain ka na." Sabi pa sa akin ni Mommy.

Nawala ang gana ko sa pagkain. Sino ba naman ang gaganahan ngayon?

"Nasaan yung kausap mo kanina, 'nak? Papuntahin mo rito." Sabi naman sa akin ni Mama.

"Si Gabriel po?" Tanong ko pa.

"Oo, yung batang gwapo. Sige, ayain mo dito para naman maging masaya ang gabing ito."

"Okay po." Idinial ko ang number ni Gabriel at mabilis pa sa alas kwatro ang naging pagsagot niya.

"Hi, Gab?"

"Yes"

"Pwede ka ba tonight? Dito sa cottage namin, simple dinner lang." I asked. Sana naman ay pumayag siya.

"Is it okay with your husband?"

"Oo naman."

"Okay, if you say so. Punta na ako."

"I'll wait you here, bye."

**End call

Hindi naman nagtagal ay dumating na rin si Gabriel. Gwapo talaga 'tong lalaking 'to. Maalaga at mapagmahal. Biruin mong kahit alam niyang niloloko siya nung girlfriend niya, minamahal niya pa rin 'to. Kung nauna ko nga lang sigurong nakilala si Gabriel ay siguradong mahuhulog ako sa kanya, pero mas matimbang pa rin kasi para sa'kin ang walanghiyang lalaking katapat ko ngayon na walang ibang ginawa kundi makipaglandian sa malaahas niyang Manager. Ganyan ba magtratuhan ang magmanager ngayon? Nakakabwisit talaga sila!

"Are you okay? Gusto mong maglakad-lakad muna?" Bulong sa akin ni Gabriel. "Feeling ko, anytime, iiyak ka na." Dugtong pa nito.

"I'm okay. Hindi lang talaga ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Tingnan mo sila, akala mo walang kaharap na asawa." Gigil na gigil na sabi ko. Kung pwede nga lang makasugat ang tingin, baka lumpiang gulay na 'yang Andrada na 'yan sa 'kin ngayon.

"Baka naman kasi hindi alam ni Foina na may asawa na si Andrada. Ako nga ngayon ko lang nalaman eh."

Hindi malabong mangyari 'yon pero sana alam niya kung ano yung salitang distansya lalo nang alam ng lahat na manager siya ni Chris at bawal na magkaroon sila ng relasyon.

"Ewan ko, Mika. Wala ako sa lugar para magkwento. Kumain na lang tayo, tara na."

Nagkwentuhan lang kami nang nagkwentuhan ni Gabriel. Alam ko na he's trying na ilihis sa iba ang atensyon ko pero hindi niya magawa. Hindi ko pa rin mapigilang hindi sumulyap-sulyap doon sa dalawa. Ang sarap ibitin patiwarik, grr!

"Mga anak, hali kayo rito, maglaro tayo." Pag-aaya ni Mommy. Kanina pang wala rin sa mood si Mommy at Mama dahil doon sa dalawa.

Spin the bottle ang gusto niyang laruin.

Gumawa kami ng maliit na bilog. Inumpisahan naman na ni Mama Sophia ang pag-ikot ng bote. Unang tumapat, kay Gabriel.

"Okay, Mr. Concepcion," sabi ni Mommy. Tumikhim pa muna siya bago ulit nagsalita. "May feelings ka ba sa baby Mikael ko?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. "Mommy naman! Hindi dapat ganiyan an-"

"Yes tita,"

Halos manlaki ang mata ko sa sinagot niya.

"Pero...mukhang hindi na pwede, taken na e." Ngumiti pa ito.

"But, if you will be given a chance na mapasayo ang anak ko, will you take and treat her as your own wife?"

"Mommy naman," Pigil ko sa kanya. Ano ba naman kasing klaseng tanong 'yan.

"Yes, kung gusto niya." Tumingin siya sa akin. "Gusto mo ba?"

"Gabriel naman," Napasimangot ako.

Ngumiti siya at saka ginulo ang buhok ko. "Biro lang."

"You're honest, Hijo." Sabi naman ni Mama Sophia. "Don't worry, kung hindi kayang alagaan ng iba si Mika, ako mismo ang maghahatid sa kanya sa bahay mo."

"Sure, Tita." Ngumiti na naman si Gabriel.

Pilit na ngiti naman ang isinukli ko. Nakatingin lang ako sa kanya. May gusto nga talaga siya sa 'kin? Hindi lang as a friend?

Ipinaikot na ulit yung bote. Kay Foina naman ito huminto. Napansin ko ang excitement sa mukha ni Foina at frustration naman kay Christopher.

"Ms. Encarnacion, may relasyon ba kayo nitong anak ko? Alam niyo 'yon, yung mas higit pa sa pagiging Manager mo sa kaniya." Mataray na tanong ni Mama Sophia.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa tanong na 'yon.

"Mom-" Pigil pa sana ni Christopher.

"Shut up, Christopher, may sarili siyang bibig para makapagsalita." Pigil ni Mama. Halatang hindi gusto si Foina.

Parang nakikipagkarera ngayon ang puso ko. Natatakot ako sa maririnig ko.

"Tita, I'm his..." tumingin pa siya kay Chris umiling naman si Chris sa kanya "I'm his two years girlfriend."


2 years Girlfriend.


2 years Girlfriend.


Napatayo ako sa narinig ko. "Anong girlfriend?!" Sinubukan kong pilitin na pagmukhaing normal lang at hindi ngarag ang boses ko pero hindi ko nagawa.

Ano ba ang sinasabi ng babaeng 'to??

"Girlfriend as in girlfriend. You're his fan right? Yung gustong magpapicture kay Chris last time? Hindi ko alam na sobrang close ka pala sa family ng boyfriend ko to the point na mas kilala ka pa nila kaysa sa 'kin. Baby..." lumingon siya kay Chris "Nagseselos tuloy ako."

Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin o sabihin. Marami akong gustong sabihin pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. Napakabilis ng tibok ng puso ko dahil magkahalong sakit at galit ang nararamdaman ko ngayon. I have this urges na gusto kong pagsasampalin ang Foina na 'to pero hindi ko magawa dahil hindi ko man lang maikilos ang buong katawan ko. Unti-unti ko nang naramdaman ang pagtulo ng mainit na likido sa magkabilang pisngi ko. Hindi ko akalaing iiyak na naman pala ako.

"Foina, stop it." Sabay na nagsalita si Gabriel at si Christopher.

"O, sabay pa kayo, ha? Anyways, fan mo rin ba ang babaeng 'to, lov-Gabriel?" Tanong naman niya kay Gabriel. "Or girlfriend mo na?" Dugtong pa niya.

"Foina, I said stop!" Si Christopher na ang nagsalita, hawak-hawak na niya ang sintido niya ngayon.

"No, baby, I think this is the right time para malaman nila ang tungkol sa relationship natin."

"Foina, pinag-usapan na natin ang tungkol dito diba? You don't need to do this!"

Hindi ko na marinig nang maayos ang mga sinasabi nila. Hindi ko alam kung dahil ba sa nabingi ako o dahil sa pinilit ko lang talagang huwag nang pakinggan ang mga sinasabi nila. Ang sakit!

Naramdaman ko na lang ang magkabilang palad na humawak sa magkabilang balikat ko. Mabuti na lang at nandito si Gabriel sa tabi ko dahil kung hindi, malamang bumagsak na 'ko dito dahil sa nanginginig na rin ang mga tuhod ko.

"Umalis na muna tayo rito." Sabi niya sa 'kin.

Ganon niya ba 'ko kadisgusto kaya hindi niya maiwanan si Foina kahit na kasal na kami? Ganon niya ba kamahal ang babaeng 'yon kaya ba binabalewala niya lang ako palagi? Kasi si Foina talaga ang gusto niya. Kasi si Foina talaga ang gusto niyang makasama habambuhay? Kailan niya pala balak sabihin sa 'kin yung totoo?

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaupo na 'ko sa may buhanginan. Doon ako nagsimulang mag-iiyak. Wala akong pakielam kung pagtinginan ako ng mga dadaan o pagtawanan ako ni Gabriel dahil sa iyak ko.

Nakakahiya man na makita niya ako sa ganitong kalagayan, pero hindi ko talaga kayang kimkimin. Napakasakit.

Para bang nalaglag ako sa isang mataas na gusali, nagkalasog-lasog ang katawan pero sa huli buhay pa rin. Ang sakit malaman na habang patay na patay ako sa kanya, na habang minamahal ko siya nang sobra-sobra, patay na patay siya sa iba.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 35.3K 55
Highest Rank Achieved: Rank #10 in Teen Fiction Start Date: 2016 End Date: October 31,2016 Written by: maentblack All Rights Reserved 2016 Credits...
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
97.1K 4.7K 39
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...