Marrying Mr. Popular (PUBLISH...

By Chrispepper

10.4M 225K 23.2K

He's handsome, freakin' hot, snob, cold, campus hearthrob, model, popular. Sinong babae ang hindi magkakagust... More

Marrying Mr. Popular
✨ BOOK ANNOUNCEMENT ✨
Paunang Mensahe
Dear readers (01/03/2020)
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
✨ Author's Note ✨
✨ Facebook Page ✨
BOOK UPDATE

Kabanata 11

180K 4.6K 535
By Chrispepper

Kabanata 11


Cassiopeia's Point of View


Pagkababa ko sa dining room ay naabutan kong kumakain doon si Christopher. Noong nakita niya akong papalapit sa kanya, napansin ko ang sunod-sunod niyang pagsubo ng pagkain. Hindi pa man din ako nakalalapit ay natapos na siya kaagad at parang nagmamadaling umalis.

Naiilang din kaya siya ngayon dahil sa nangyari kagabi?

"Good morning, Christopher." Bati ko sa kaniya. Ngumiti pa ako nang pagkatamis-tamis sa harap niya.

Nakita ko ang pag-ismid niya sa akin kasunod ng kanyang pagtayo para ilagay ang pinagkainan sa lababo. Sungit.

Habang kumakain ako ng almusal ay naramdaman ko ang malakas na pag-vibrate ng telepono ko. Nang tingnan ko ito ay nabasa ko ang text na ipinadala sa akin ni Desiree.

DesireeBantot
Bading, mag-mall tayo. Sale ngayon dali!

E? Wala akong pera, e :(

Treat kita. Sama ka na, ha? I love you, baby. :*

Ayon, libre naman daw pala! E, di go! HAHAHAHA.

DesireeBantot
1PM. SM North, okay? Don't be late. See yah, sweetypie.

Pagkatapos kong kumain ay iniligpit ko na rin kaagad ang aking pinagkainan at saka pumunta sa salas. Nasa mood ako manood ng K-Drama sa oras na ito.

Kinuha ko ang DVD tape ko ng My love from the star at isinalang sa DVD Player. Ang pogi talaga ni Kim Soo Hyun. Lakas maka-chinito! Gosh.

Sobra akong nag-eenjoy sa pinanonood ko nang biglang patayin ni Christopher yung TV. Inis akong lumingon sa kanya saka siya sinamaan ng tingin.

"Bakit mo pinatay? Problema mo?"

"Hindi mo pa ba nakakabisado iyang ka-alien-an na 'yan? Ilang beses mo nang napanood 'yan, ah." Sabi pa niya sa akin. Inihagis niya ang remote doon sa kabilang sofa.

"So, nakikinood ka din pag nanonood ako?"

"Anong masama? First of all, ako ang nagbabayad ng kuryente at nag-aaksaya ka."

"Feeling naman kanyang pera talaga 'yon." Bulong ko sa sarili ko.

Napatingin na rin siya sa 'kin nang masama.

"Oo na, hindi na manonood." Tinanggal ko na yung tape sa player. "Killjoy." Bulong ko pa ulit.

Umakyat na lang ako sa kwarto. Panira ng trip talaga yung lalakeng 'yon.

Desiree's Point of View


Narito ako sa mall ngayon at kanina pa ako naghihintay. Ang tagal naman ng baklang 'yon. Dapat pala ay nagsabay na kaming pumarito para hindi ako naiinip ngayon kahihintay sa kanya.

Nagpapalinga-linga ako sa paligid at tinitingnan kung mayroon na bang Mikael ang susulpot nang biglang..,

"Hoy!!"

"Ay, palakang kalbo!!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat sa kanya.

"Astig na palaka 'yon, ah." Nakangisi pa siya sa 'kin.

Si Alexis lang pala, tss. Napaka pangit na palaka!

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Kinakausap ka?" Parang hindi pa siya sigurado sa isinagot niya.

"Oh yeah, nice talking." Naka-ismid nang sabi ko. Kahit kailan talaga ay walang kwentang kausap ang isang 'yan.

"Ito naman, joke lang. May hinihintay lang akong chiks."

"Ah, talaga? Girlfriend mo? Biruin mong may pumatol sa iyo, 'no?"

"Ang sama mo talaga. Pogi naman ako, a. Ang dami ngang nagpapa-cute ro'n." Tapos inginuso pa niya yung direksyon ng mga babaeng nakatingin sa kanya.

Oo na, oo na, pogi na siya. May magandang pangangatawan, magaling pumorma, at nagpaastig sa kanya tingnan yung pilat niya sa may malapit sa kilay pero, ipinaglihi yata ito sa amihan at grabe ang taglay na kahanginan. Wala man lang kababaang-loob sa katawan.

"Lex! OMG! You ah sow hendsem nah pahlah." Sabi ng babaeng kadarating lang.

Hanep sa accent, ah. Ang yeah, she's pretty.

"Oo, hindi mapigilang mailabas ang kagwapuhan, e." Sagot naman sa kanya ni Alexis.

Guys, naramdaman ninyo yung hangin? Ang lakas, hindi ba?

"Siya nga pala, this is Desiree Salvador." Itinuro niya pa ako para ipakilala roon sa babaeng mistisa.

"Oh? Siya bah yung kinukwentow mowng crus-"

"Yes, siya yung mataba kong kaklase, eversince. Grabe, huwag kang didikit diyan at baka tumaba ka rin. Tara na." Tapos hinila na niya yung babae paalis.

Kapal ng mukha n'on, ah. Hindi ako mataba!!!

Cassiopeia's Point of View


"Talagang ginawa niya 'yon?! OHMYGHAD! Bakla, 'yan na 'yon! That's a sign!" At talagang para pa siyang kiti-kiti habang sinasabi niya 'yan sa harapan ko.

"Huwag ka naman masyadong kiligin d'yan, Desiree, ang OA mo na naman, eh." Saway ko sa kanya.

Kinuwento ko kasi sa kanya yung nangyari sa amin ni Christopher kaninang madaling araw.

"Naku, Mikael, baka magulat na lang ako na susunod nating pag-uusap, buntis ka na. Sabihan mo muna ako, ha!" Ani pa nito.

"Advance ka naman mag-isip. Eh, sinungitan na naman nga ako kanina, e."

"Palagi namang masungit 'yon, hindi ba? Hindi ka pa rin ba nasasanay."

"Sanay na. Saka imposible naman talaga yung sinasabi mo kasi binilhan niya kahapon ng kwintas si Foina sa harap ko pa mismo." Pagsusumbong ko sa kanya.

"What?! Bakit daw?"

"Ewan ko." Kibit-balikat namang sagot ko sa kanya.

Napansin kong napatingin siya sa leeg ko. "Eh, kanino naman galing 'yang kwintas na 'yan?"

Napahawak ako sa pendant ng kuwintas saka napangiti. "Kay Gabriel."

"Talaga?" Nakasimagot na sabi niya. "Sabi ko na nga ba at ikaw ang gusto non, e."

"Ano ka ba?" Nakatikim siya ng hampas sa braso mula sa 'kin. "Magkaibigan lang kami. Ibinigay niya 'to sa'kin dahil lang sa gusto niyang magpasalamat. 'Yon lang 'yon."

"Mukha namang hindi lang kaibigan ang tingin niya sa'yo, e."

"Imposible rin ang isang 'yan, Desiree. Alam mo namang may asawa na 'ko."

Pumasok na kami sa iba't-ibang klase ng boutiques at namili ng kung ano-anong pang-arte sa katawan. Heels, damit, jewelries, make-ups at kung ano-ano pa. Nung nagsawa na siyang mag-iiikot ay pumasok naman kami sa KFC para kumain. Adik talaga sa pamorma ang babaeng 'to.

Pagkatapos namin kumain ay umuwi na rin kami. Wala si Christopher sa bahay. Saan naman kaya nagpunta ang isang 'yon? Gala talaga yung poging hot na 'yon, e. Tsk!

Christopher's Point of View


Calling...
Pei Sandoval

Ano na naman kaya ang itinawag nito?

"Excuse me, baby." Paalam ko kay Foina

"Okay." Nakangiti namang tugon niya sa 'kin.

Lumayo ako nang kaunti sa kanya saka sinagot ang tawag.

"What?" Inis na sabi ko. Iniistorbo na naman niya kasi ako.

"Hi poging hot kong asawa." Bati pa nito sa matinis na boses kaya naman panandalian kong inilayo ang telepono sa tenga ko.

"Anong problema mo?"

Nasanay na rin siguro akong tawagin niya ako ng kung ano-ano.

"Knock knock."

"What? Tigilan mo nga ako sa mga kabaduyang itinuturo sa'yo nung gagong Gabriel na 'yon."

Ano na naman ba ang naisipan ng baliw na 'to?

"E! Sabihin mo 'who's there?' Okay? Ulit. Knock knock"

"What the-"

"Just said the word and I'll end this call." Kundisyon pa niya sa'kin.

"Who's there?" Walang gana kong sabi

"Talbos-kamote ang ulam ko kagabi"

Tanginang 'yan.

"Who?"

F*ck, bakit ba 'ko sumasakay sa kalokohan ng babaeng 'to?!

(To the tune of Meteor Garden's Song) "Oh baby, baby, baby, talbos-kamote ang ulam ko kagabeeeeeee." Pagkakanta niya non ay narinig ko pa siyang tumawa. "Bye-bye, asawa kong hot na pogi." Narinig ko rin ang paghalik niya sa hangin pagkatapos ay ibinaba na niya ang linya.

Seriously? Naipakasal ba talaga ako sa siraulong babaeng isip-bata na 'yon?

Bumalik na 'ko sa pwesto namin ni Foina saka ipinagpatuloy ang pagkain namin.

"Hey baby, bakit nangingiti ka riyan?"

Napatingin ako kay Foina at saka biglang sumeryoso.

"A-am I?" Tanong ko pa.

"Yes, you are. May maganda bang nangyari habang may kinakausap ka kanina?"

"Wala. M-May naalala lang ako."

Umiwas ako ng tingin sa kanya at kunwari na lang na seryosong kumakain. Naaalala ko ang pagkanta ng baliw, p*ta.

Bwisit na Pei 'yon at knock knock niyang corny.

Continue Reading

You'll Also Like

621K 39K 58
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
7.5K 634 14
|PUBLISHED UNDER KPub PH| βœ…Complete Sometimes, it's only when we lose someone that we truly realize their worth. Lilah Daza experienced this revelati...
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
1.1M 32.1K 14
(COMPLETED) In order to get my brother back, I am being tasked to get all the wealth he got, and then kill him right after. So I planned to make him...