Just If (What If It's Love, P...

By SiMarcoJoseAko

19.8M 401K 38.5K

Published Under Summit Media, Pop Fiction. (What If It's Love) A story where forever doesn't exist. #BSS3 More

Bachelor Stories Series 3: Just If
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Epilogue
Author's Note

Chapter Twenty Two

382K 8.6K 532
By SiMarcoJoseAko

TWENTY TWO

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

Dinala ako ni Axcel sa parking lot kung saan naroroon ang kanyang sasakyan. Alam ko nang galit s'ya pero hindi ko alam kung bakit s'ya galit. Akala ko rin kanina ay umalis na siya at inihatid si Thalia, pero hindi pala.

"Bakit hindi mo sinasagot ang mga texts ko?!" Singhal n'ya sa akin pagkatapos niya akong bitiwan. Bakas sa mukha n'ya ang galit at inis. Magkasalubong din ang mga kilay niya at diretso siyang nakatingin sa akin habang nakasandal ako sa sasakyan n'ya. Hindi ko magawang salubungin ang matatalim niyang tingin.

"I—I don't want to disturb your date with—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita ulit siya.

"The fvck with that answer!" Sigaw n'ya. Oo, aaminin kong maraming beses ko na siyang nakitang ganito at kalimitan doon ay kapag nagagalit o naiinis siya sa akin.

"Totoo naman ang sinasabi ko, Axcel." Mahina kong sabi habang nakayuko.

"Tang ina, kahit simpleng reply lang wala ka?! Tapos makikita kitang kasama mo silang lahat?! Hindi mo man lang ako tinext o tinawagan na kasama mo sila, samantalang ako alam mo lahat ng ginagawa ko! Pwede namang ako ang isama mo kung gusto mong lumabas, hindi ba? I am just here, just fvcking here!" Kitang-kita ko ang galit sa mukha n'ya. I know he's frustated, I knew him. Kita kong may bigla s'yang kinuha sa bulsa niya, sigarilyo.

Lumayo siya sa akin ng kaunti at tsaka tumalikod. Sinindihan niya ang sigarilyong hawak n'ya.

"Damn this." Narinig kong sabi n'ya at tsaka bumuga ng usok. Biglang nanigkit ang mga mata ko.

"Itigil mo 'yan." Mariin kong sabi. Napaharap naman s'ya sa akin at tinignan ako ng diretso sa mga mata. Those stares, those eyes.

"Ngayon may pakielam ka na sa akin dahil naninigarilyo ako? Dahil—" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin n'ya.

"I said, stop it!" Hindi ko na napigilan ang mapasigaw. Hindi pa rin s'ya tumigil at parang sinusubukan pa ako dahil bumuga pa siya ng ilang ulit. I don't want my man taking cigarette. He'll just kill himself.

"Make me stop." Nanghahamon n'yang sabi. Hindi ako nagsalita, tinignan ko lamang siya ng diretso sa mga mata n'ya. Ganoon din ang ginawa n'ya, nakipagtitigan lang siya sa akin na tila ba hinahamon ako sa isang duwelo.

"If that's what you want, make yourself stop." Mariin ngunit mahinahon kong sabi at tsaka ko siya tinalikuran.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko at para bang kakaiba. Sa bawat tingin n'ya, hindi ako makakilos ng ayos. Sa bawat salita n'ya, nagwawala ang sistema ko at kapag nandyan na siya, bumibilis bigla ang tibok ng puso ko. Ayoko ng ganito, ayokong makaramdam ng ganitong bagay. Dahil alam ko ang ganitong pakiramdam, alam ko.

 

Nakakailang hakbang pa lang ako ng may biglang humablot sa braso ko at iharap ako sa kanya.

 

"Dammit!" Bulong n'ya sa kanyang sarili at tsaka ako kinaladkad papasok sa sasakyan n'ya.

 

"H'wag na h'wag mo akong tatalikuran, Heena." Mariin n'yang sabi pagkapasok namin sa loob. Hindi ako nagsalita, nakatingin lang ako ng diretso sa may harapan. He suddenly started the engine kaya napalingon ako sa kanya.

"Don't leave." Seryoso kong sabi sa kanya.

"We won't, binuhay ko lang para may aircon." Sagot n'ya sa akin. Sumimangot lang ulit ako.

"Now, let's talk." Seryoso niyang sabi bago humarap sa akin. Hindi ko siya pinansin, kinuha ko lang ang phone ko para madistract pero bigla niya iyong hinablot sa kamay ko.

"I said, we need to talk! Kaninang nag-tetext ako sa'yo, hindi mo ako nirereplayan ngayong magkasama tayo, hawak-hawak mo phone mo! Ginagalit mo talaga ako, Heena. You know me when I am mad, you really know me." Saad n'ya habang seryosong nakatingin sa akin.

"Bakit mo ba ako dinala dito?" Mahinahon kong tanong sa kanya pero sa totoo lang, nagwawala ang sistema ko dahil sa presensya n'ya.

"You really asking me that question? After ignoring me? You'll ask that fvcking question?!" Tumaas ang tono ng boses n'ya kaya biglang napakunot ang noo ko.

"Stop cursing! Kung anu-ano na lang nalabas d'yan sa bibig mo!" Naiinis kong sabi sa kanya. Bigla namang sumilay ang ngiti sa kanyang mukha.

I suddenly frowned, what the hell is his problem? Magagalit siya tapos bigla naman siyang ngingiti!

"You still care for me, huh." He said in a mocking tone. Bigla ko siyang tinignan ng masama.

"Bakit? Sa tingin mo ba wala na akong pakielam sa'yo? At bakit mayroon kang sigarilyo? Hindi ba't sabi ko h'wag kang maninigarilyo! Nakakainis ka na! Kapag hindi ako nakapagtimpi sa'yo, sasapakin kita!" Seryoso kong sabi. Pero para lang siyang walang narinig at mas lalo pa siyang ngumiti.

"Ano ba!" Naiinis ko nang sabi.

"Nagseselos ka ba kay Thalia?" Bigla n'yang tanong na nakapagpatigil sa akin.

"B—Bakit ako magseselos kay Thalia?" Sabi ko at tsaka ako nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Wala, I just imagined that you are my wife and you're being jealous because I had a date with someone." He said while smilling broadly. Inirapan ko lang siya.

"Wife mo mukha mo!" Sabi ko sa kanya sabay irap.

"We're not yet done but this time, ikaw naman ang idedate ko." Sabi n'ya at tsaka n'ya pinaandar ang sasakyan n'ya.

Hindi na lang ako nagsalita at itinuon ko na lang ang atensyon ko sa mga dinaraanan namin.

"Talk to me." Narinig kong sabi ni Axcel habang nakatingin pa rin sa kalsada. Nilingon ko naman siya at nakita kong seryoso lang siyang nag-dadrive.

"What?"

"I said, talk to me. Aantukin ako kapag wala akong kausap." Sabi niya. Inismiran ko lamang siya. Bahala siyang antukin diyan.

Ayoko siyang kausapin dahil hindi siya sumunod sa gusto ko. Isa kasi sa mga pinag-usapan namin noon na ititigil na niya ang paninigarilyo pero hindi pa rin siya sumunod. Iniisip lang kasi n'ya ang nararamdaman n'ya at hindi ang nararamdaman ko. Hindi man lang niya inisip na magagalit ako kapag sumuway siya sa usapan naming dalawa. Gusto kong sigawan siya pero hindi ko magawa dahil nangingibabaw pa rin ang pasensya ko sa kanya.

"Sweetheart, talk to me." Malumanay n'yang sabi. Huminga ako ng malalim bago magsalita.

"Tell me, naninigarilyo ka pa rin ba kapag wala ako?" Diretso kong tanong sa kanya.

"No." Sagot n'ya.

"Bakit mayroon kang sigarilyo sa bulsa mo kung hindi ka na naninigarilyo?" Naiinis kong tanong sa kanya. Halatang nagsisinungaling siya at alam ko 'yon dahil kilala ko na siya.

Bigla naman siyang natigilan at hindi agad nakasagot sa tanong ko.

"N—Naiwan lang ni Travis 'yon noong nakaraang nakisabay siya sa akin." Nauutal niyang sabi.

"Axcel." Seryoso kong sabi.

"Oo nga! Naiwan n'ya lang 'yon sa sasakyan ko at balak kong—"

"I'm serious, Axcel." Mariin kong sabi.

"Okay, fine! Naninigarilyo pa rin ako para mawala ang stress ko pero hindi na ako madalas manigarilyo. Ngayon na lang." Saad n'ya. Hindi ko siya kinibo. Ayokong magalit sa kanya dahil sa napakababaw na dahilan, pero hindi ko mapigilang mainis kapag naiisip kong hindi siya tumupad sa usapan naming dalawa.

"I'm sorry, hindi na ako uulit." Dagdag pa niya.

"Akala ko ba nagkaintindihan tayo? Hindi ba't sinabi ko na sa'yo noon na h'wag kang maninigarilyo? Mahirap bang intindihin 'yon, Axcel? Kapag ba ibang tao ang nagsabi sa 'yong h'wag manigarilyo, susunod ka? Siguro kapag si Thalia ang nagbawal sa'yo, susunod ka agad. Siguro kapag siya ang—"Bigla siyang nagpreno sa gilid ng kalsada kaya napatigil ako. Kung wala siguro akong seat bealt, marahil ay sumubsob na ang mukha ko sa harapan. He suddenly looked at me and I met his fierce stares.

"Will you stop talking about her?! Hindi ka man lang ba nagseselos sa kanya?! Kaya mo bang isipin na mayroon akong kasamang ibang babae? Na mayroon akong ibang babaeng hinahalikan? O may iba akong babaeng mahal? Kasi ako? Hindi ko ata kayang maisip na may ibang lalaking lumalapit sa'yo o humahawak sa'yo. Na maisip ko pa lang na may lalaking malapit sa'yo, gusto ko nang pumatay. Kaya kapag tayong dalawa lang, tayo lang. Walang iba, ikaw at ako lang!" Hindi ako nakasagot sa biglang pagsasalita n'ya ng ganoon. Binalot ng nakabibinging katahimikan ang loob ng sasakyan at wala ni-isa sa amin ang nakapagsalita pero agad din iyong naputol ng magsalita siya.

"Damn, I don't know what I am saying." He said to himself. Itinikom ko na lang ang mga bibig ko at hindi na ako nagsalita pa.

He's right, he really don't know what he was saying and I really don't know what I am feeling right now. This is bullshit, this is all wrong. Alam kong kapag nagpatuloy pa itong nararamdaman ko para sa kanya, masasaktan at masasaktan lang kaming dalawa.

Pinaandar niyang muli ang sasakyan at wala nang nagsalita pa sa aming dalawa. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko kanina. Gusto kong malaman kung ano nga ba ang mararamdaman ko kung sakaling mayroong ibang babae sa buhay n'ya. Gusto kong malaman kung maapektuhan ba ako o hindi. Kanina, sabi niya na hindi n'ya ata kakayanin kung sakaling may ibang lalaki sa buhay ko. Hindi ko alam kung bakit n'ya iyon sinabi. Siguro dala lang ng galit niya at inis n'ya pero bakit isinisigaw ng isipan ko na hindi? Na dahil niya iyon sinabi ay dahil mahal niya ako.

Sa kanya na mismo nanggaling ang lahat. We do not need to take our relationship seriously. Humahanap lang kami ng tamang panahon, tamang oras, at tamang pagkakataon para sa lahat.

I know that we will just end up taking different ways in the end.

Naputol lahat ng pag-iisip ko ng biglang magsalita si Axcel na mas lalong nagpabilis sa tibok ng puso ko.

"Heena, I'm jealous."

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
2.1M 141K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
2.5M 79.8K 13
Pride comes before the fall. The Seven Deadly Sinners
139K 856 9
For those Filipino readers who want to read stories that are included in Wattpad Paid Stories program, but don't know how to, here's a tutorial. Now...