Whirlwind Chain (Eclipse Seri...

By FialovaLeoatle

2.1K 241 58

A chain that I can never escape... Credits to the rightful owner of the covers. More

Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Prologue

300 23 1
By FialovaLeoatle

"Chained by the past

Sorrow filled the hearts

Never replace by a kindness

Witches filled the bitterness

They're once a princess

Beautiful and sadness

Legend can't erase

But truth is still hidden."

-Valdemour

Matiim kong tinitigan ang librong aking hawak, librong naglalaman ng iba't-ibang impormasyon na nagmula saaking paboritong manunulat.

Sa mga aklat na may nakasaad na istorya, sa bawat dyanra ng pantasya. Isa sa mga kalaban ng mga prinsesa ay mangkukulam, sila ang laging dahilan ng lahat, ang nasisisi at napaparusahan. Sila ang mali sa mata ng lahat, sa mundong libro lamang ang inaasahan.

May kanya-kanya mang paniniwala, iisa lamang ang itinuturong pinakamababa. Mangkukulam, sila ang dahilan kung bakit palaging nalalayo ang prinsesa sakanya prinsepe. Ang humahadlang sa maraming adhikain.

Ngunit hindi ba nila alam ang aming paghihirap? Ang mga sakripisyong aming ginagawa? Mapangatawanan lamang namin na kami'y hindi masama.

Ngunit hindi ba nila alam? Na kung hindi sila natalunton ng kanilang mga prinsipe at si pinunong Takara ang nagligtas sakanila ay matutulad sila saamin?

Isa ako sa mga prinsesang tuluyang naging mangkukulam dahil hindi dumating ang kanyang prinsepe.

Isang natural na mangkukulam, berde ang balat, matulis at matangos ang ilong, mahaba ang baba at higit sa lahat kulot at sabog ang itim na buhok. May suot din kaming itim na bestida na humahalik sa sahig at itim na sumbrero na pang-witch. Tipikal na mangkukulam.

Tinitigan ko ang nakatalang pahayag sa mahiwagang libro ni pinunong Takara. Ang namumuno sa buong kaharian ng Binnevia, maliit lamang ang kaharian na ito kung ikukumpara sa mga nakapalibot sa mundong ito.

Sigurado akong kagagalitan na naman ako nito kapag napagalamang nakakabasa at nagbabasa ako ng wikang Ingles. Mahigpit kasing ipinagbabawal ang pagtuklas sa mga mababang uri kagaya namin ang mga ganito. Kapag kasi natuto ng makapagbasa at magsulat ay itinitigil na sa pagpapaaral sa bata.

Dito sa mundo kung saan namulatan ko ang karahasan, masasabi kong hindi na talaga kami makakawala sa mahigpit na kamay ni pinunong Takara. Ngunit kahit alam ko kung paano at saan ang daan paalis ay ni minsan hindi ko ginawa.

Bumuntong-hininga ako bago ibinalik ang libro.

Ilang daang taon na ang lumipas mula ng hindi ako siputin at iligtas ng lalaking akala ko ay makakasama ko habang buhay. Totoo ang dragon, totoo ang mataas na tore at higit sa lahat, totoo ang far far away land.

Wala akong magulang o ni kapatid, wala akong nakamulatan, walang nagturo saakin bumasa o magsulat lamang. Ngunit dahil punong-puno ng aklat ang buong tore ay nagawa kong matutong bumasa. Kung kaya't walang alam si pinunong Takara na may kakayahan akong bumasa ng salitang Ingles.

Si pinunong Takara mismo ang nagligtas saakin sa kamay ng dragon, kung kaya't utang ko sakanya ang buhay ko. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi ko siya maiwan.

"Cleo! Nasaan ka na naman ba?" Dali-dali akong dumistansya sa mga aklat at nagtungo sa kabilang panig nito.

Mabilis akong yumuko bilang pagbibigay galang.

"Pasensya na pinunong Takara, naligaw ako sa nagtataasang mga lagayan ng libro."

Hindi ako tumingin sakanya, ni sulyapan ang mga mata niya. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil maaaring malaman niyang nagsisinungaling lamang ako.

"Ika-sampung taon na, alam mong ikaw ang mauuna. Bakit hindi ka pa nagtutungo sa silid Sofodos?"

"Paumanhin pinunong Takara, ako'y magtutungo na."

Nang mag-angat ako ng tingin dito ay tanging papaalis na likuran na lamang nito ang nakita ko.

Huminga ako ng malalim bago mabilis na sumunod sakanya, maiinitin ang ulo at mainipin ang aming pinuno, kung kaya't kailangan mo siyang sundin kung ayaw mong mapahamak.

Ang huling nabalitan ko na namatay sa kalapit na kaharian ay dahil sa paglalapastangan nito sa aming pinuno, kung kaya't walang gustong sumuway sakanyang utos.

Habang patagal ng patagal ang paglalakad namin, tuluyan naring nilamon ng dilim ang aming paligid.

Huminto kami sa isang pamilyar na pinto, gawa ito sa kahoy kung kaya't halatang-halata ang hampas ng latigo dito.

Pumasok kami sa loob, doon ay namataan ko ang lahat ng mga mangkukulam na kasama ko sa kahariang ito, kaming lahat ay may bilang na limampu, kasama na ang aming pinuno. At lahat ng mata nila ay na saakin. Nakapalibot ang mga ito sa bawat sulok ng malaking silid.

Nginitian ko muna ang kaibigan kong si Sehira bago nagsimulang maglakad palapit sa gitna ng nasabing silid.

Sofodos, ito ang tawag sa silid kung saan ipinaparanas ang isang libong hampas ng latigo sa buong katawan sa mga katulad kong mangkukulam, at tanging si pinunong Takara lamang ang gumagawa nito saamin. Ngunit kapag binibilang ko naman ang paghampas niya ay lumalampas sa isang libo, madalas ko ring mapansin na ako palaging pinag-iinitan nito. Ngunit hindi ko naman alam kung bakit.

Isinuot ko na ang kadena na gawa sa bakal na nakakabakit sa matibay na sahig ng silid. Dito kumukuha ng lakas ang mga mangkukulam na katulad ko sa'twing madarama ang sakit ng latigo.

Sa ganitong uri ipinadarama saamin ni pinunong Takara na wala ng prinsipe ang magnanais na tumulong at magligtas saamin, na wala na kaming silbi sa mundong ito sapagkat wala naman kaming kapares.

Gusto ko itong tutulan ng una kong mapag-alaman ang ginagawa nito sa mga kapwa ko, ngunit hindi ko na lamang isinatinig at piniling gayahin ang mga ito. Dahil pare-pareho naman kami ng estado sa buhay at nakikita ko namang ginagawa din ito ng iba, kung kaya't hindi na ako umimik pa. Isa pa, may utang na loob ko sakanya at ayaw ko na ng gulo pa. Madadamay lamang ang iba.

Lumapit na saakin si pinunong Takara na may dalang latigo. Una nitong pinuntirya ang likod ko.

"Ugh!!!" Umpisa pa lamang ay halos magdilim na ang paningin ko.

Ilang daang taon na itong ginagawa saakin ni Pinunong Takara, ngunit hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi ako masanay-sanay. Siguro nga ipinanganak ako na madanas ang ganitong buhay.

"Ugh!!!" Sinunod nito ang balikat, braso at binti ko.

Hindi ko lubos maisip na nakaya ko ang ganitong buhay dito sa Binnevia, ngunit masaya naman dahil nakakilala ako ng totoong kaibigan.

Napapikit ako sa hapdi ng humampas ang latigo nito sa batok ko, tila mawawalan ako ng ulirat sa sakit.

Nag-isip na lamang ako ng ibang bagay upang ibaling sa iba ang sakit na nadarama ko. Biglang sumagi sa isipan ko na puro lamang babae ang nakikita ko, kahit kailan ay hindi pa ako nakakakita ng lalake. Ni lmahe ay wala. Ano kaya ang itsura ng lalake? Nang prinsepeng dapat na magliligtas saakin? May dibdib din kaya sila?

Natapos ang araw na iyon na nanlulumo ako at hindi makagalaw, nananakit ang buo kong katawan. Gusto kong mamahinga, tinulungan ako ni Sehira na makatayo at inalalayan saaking silid.

"Gagamutin ko ang mga sugat mo--" Hinawakan ko ang kamay nito.

"Huwag na, baka lumagpas sa isang libo ang latigo na matatanggap mo. Bumalik ka na sa Sofodos, Sehira." Tumango lamang ito at umalis na.

Bumuntong-hininga ako.

Kailanman ay hindi ko iiwan ang mga taong ito, ang mga mangkukulam na kagaya ko. Nararapat lamang na dumito rin ako katulad nila, dahil kauri nila ako.

Hindi ko mapigilan mapaluha habang nakatitig sa maliwanag na buwan, humihiling na sana ay matapos na ang pagdurusa ng mga kasama ko.

Mabilis akong tumayo, at kahit pa masakit ang buong katawan ko ay hindi ko ito ininda. Nais kong ako mismo ang maghatid sa mga kasama kong nalatigo ni pinunong Takara na hindi na makalakad dahil sa kanilang latay. Kahit pa alam kong sobra sa isang libo ang latay na natatanggap ko kumpara sa iba.

Pinipigilan ko ang aking luha habang pinapakinggan mula sa labas ang daing nila habang walang tigil ang paglatay ng latigo sakanilang balat.

Paano niya naaatim na saktan ang mga katulad niya? Hindi ba siya naaawa habang pinapakinggan ang panaghoy nila?

Alam kong may dagdag na latay ang sinumang tumulong sa kanilang mga kasama na katatapos lamang malatigo, ngunit hindi ko maatim na hayaan lamang sila sa sahig at maligo sa sariling dugo.

Bumukas ang pinto ng Sofodos, doon ay nasilayan ko si Sehira, siya pala ang sumunod saakin. Kaya pala pamilyar ang kanyang boses na dumadaing. Inalalayan ko ito sa kanyang kwarto at binigyang lunas ang mga sugat. Wala na itong malay ng iwan ko.

Muli akong bumalik sa pinto ng Sofodos at ginawa rin ang ginawa ko kay Sehira sa iba pa naming kasamahan.

Sa loob ng ilang daang taon ay nagawa kong mahalin at ituring silang lahat na parang pamilya. Sila na ang pamilya ko ngayon.

Hinang-hina ako habang inuuna ang iba kesa saaking sarili, alam ko. Kapag nahuli ako ni pinunong Takara ay siguradong malalagot ako.

Naghintay akong muli sa labas ng Sofodos, ika-pang apat na pu't siyam ang lalabas dito.

Napatalon ako sa gulat ng lumabas mula rito si pinunong Takara na may nagbabagang mata.

"Alam mo ang kaparusahang ginawa mo, Cleo." Tumungo ako at saka tumango.

Nakalimutan kong siya nga pala ang ika-pang apat na pu't siyam na mangkukulam sa Binnevia.

Muli akong pumwesto sa gitna at kinadenahan ang aking mga pala-pulsuhan, nagkalat na ang dugo sa buong silid maski sa kadenang naka-kabit saakin.

Itinaas na ni pinunong Takara ang latigo, ngunit bago pa ito lumatay saakin ay bumukas ang pinto.

Isang malamig na boses at nagbabagang mata ang narinig at nadama ko saaking likuran.

"Anong karapatan mong saktan ang aking prinsesa? Ni hindi ko pa nga siya nahahawakan, ngunit nalatayan mo na." Nangilabot ako saaking nararadaman. Ramdam kong naghuhumiyaw sa galit ang presensya nito.

Nagsimula na akong makaramdam ng pagkabalisa at pagkabog ng dibdib. Hindi ko maunawaan, bakit ganito?

Unti-unti akong humarap sa pinto ng Sofodos. Kumunot ang noo ko ng makakita ng kakaibang nilalang, wala itong dibdib na kasing laki ng akin, at higit sa lahat ay maskulado ang katawan nito. Ito na ba ang lalaki?

"Kalagan mo ang prinsesa ko." Mariin at mapanganib na sabi nito habang hindi inaalis ang paningin saakin.

Nakaramdam ako ng kakaiba sakanyang pagtingin. Dahil ba isa siyang lalaki? O may iba pang dahilan bukod doon?

Mabilis akong binitawan ni pinunong Takara at yumukod.

"Paumanhin kamahalan, hindi ko batid na ikaw pala ang nakatakdang maging kapareha niya." Nanginginig hindi lamang ang boses ni pinunong Takara ngunit pati na rin ang buong katawan nito.

Sinulyapan ko ang lalaki.

Sino ba siya? Isa ba siyang maharlika? Bakit ganun ang tawag sakanya ni pinunong Takara? At ganun din ang panginginig ng katawan niya?

"Kay tagal akong naghanap, naririto ka lang pala." Nagulat ako ng malamang nakalapit na pala ito saakin.

"My mate, my beautiful mate.." Kumunot ang noo ko.

Sa pagkakaalam ko ang mate ay asawa, kapareha, at kapares. Yun ang alam ko, dahil yun ang nabasa ko sa isa sa mga libro sa tore.

Itinuro ko ang aking sarili.

"Hindi mo ba nakikita, kamahalan? Isa akong mangkukulam, mahaba ang ilong at baba ko. Magaspang ang balat ko at sabog ang buhok ko. Hindi ako maganda, o baka naman bulag ka lang?"

Narinig kong tumawa ito ng mahina.

"Alam kong nagtatago ang ganda ng aking prinsesa sa likod ng pangit na mangkukulam na iyong ipinapakita. Alam kong maganda ang kapareha ko, base na rin sa nakita at narinig ko."

Paano niya nasasabi ang mga bagay na iyon ng walang pag-aalinlangan?

"Paano ka nakakasiguradong ako nga ang babaeng hinahanap mo? Ni hindi ko maramdaman ang ating koneksyon."

"Nagkakamali ka, kamahalan. Ang mangkukulam na iyan ay hindi ang iyong kapareha, siya ay nagngangalang Sehira."

Parehong tumama ang mata namin kay pinunong Takara, sinusuri kung talaga bang nagsasabi siya ng katotohanan.

Mali bang isipin na maaaring siya na ang maglalayo saamin mula sa kamay ni pinunong Takara? Si Sehira man o ako, maaaring makaalis kami sa lugar na ito, sa pamamagitan ng lalaking tinatawag na kamahalan ni pinunong Takara.

Bumukas ang pinto ng sofodos, iniluwa nito si Sehira na sa tingin ko ay narinig ang lahat ng pangyayari.

"I-ikaw ang aking kapareha?" Malamlam ang mata nito.

Sinulyapan ko ang lalaking nasa tabi ko, bahagya akong umusod palayo.

"Siya ba si Sehira?" Tumango si pinunong Takara.

Isang sulyap ang iginawad saakin ni Sehira bago ibinalik ang tingin saaking katabi. Kita ko ang paghanga sa mga mata nito, ngunit hindi lang iyon. Disgusto. Kanino? Saakin?

"Hindi siya ang aking kapareha, Takara. Wala akong maramdaman." Malamig ang boses nito, tila nababalutan ng yelo.

Bumalatay ang sakit sa mga mata ni Sehira.

Umasa ba siyang, siya nga ang kapareha ng lalaking ito? Sabagay, maging ako rin ay umasa, umasang makalaya sa kamay ni pinunong Takara.

"Kamahalan, labing-apat na araw pa mula ngayon ang takdang oras na makilala mo ang iyong kapareha."

"Nabatid nga ng aking mensahero na ikaw ang sugo ng mga dyosa." Kumunot ang noo ko.

Sugo? Isang sugo ng mga dyosa si pinunong Takara? Ngunit bakit ngayon ko lamang ito nalaman? Ibig sabihin ang maalamat na dalagang mensahera ay siya?

Muntik na akong mapatalon sa gulat ng hawakan nito ang kadena na nasa aking pala-pulsuhan.

"Mukhang hindi pangkaraniwan ang bakal na ito." Sa isang iglap lamang ay natanggal niya ang kadena.

Napakurap ako, nang tingnan ko ang dalawa ay bakas din ang gulat sa mga mata nila.

"Hindi ko sinira, tinanggal ko lamang." Na kay pinunong Takara ang susi, nakasabit sa suot nitong kulindang.

Hindi pang-karaniwan ang lalaking ito, wala pang nakakasira ng kadena ni Pinunong Takara, usap-usapan na mula pa ito sa mga ninuno niya, at bukod tanging ang lalaki lamang ang nakabaklas. Maski ang may-ari nito ay hindi ito masira-sira.

"Ikaw ang sugo ng mga dyosa, ang kanilang mensahera. Ngunit bakit hindi mo nabasa na ang babaeng nasa tabi ko ang siyang aking kapareha?"

Continue Reading

You'll Also Like

2M 99.2K 37
Presenting the story of ISHIKA MEHRA Whose innocence made the king bow down to her AND ABHIRAJ SINGH RATHORE Whose presence is enough to make the per...
27.1K 484 24
I met him when I was five. We became best friends when I was seven. I realized I liked him when I was twelve. But friendship's a two-way street. He c...
170K 10.5K 47
Elizabeth has been ruling her kingdom for 3 years now. She's gone through countless advisors in those 3 years. When she's finally ready to give up on...
18K 240 14
SAO:R is a fan story like no other, about a new set of experiments Rath is performing with the fluctlight technology. A few "instances" of digital hi...