Some Like It Hot

By itsELISHIA

200K 3.3K 67

Some Like It Hot Si Fatima, virgin pero hindi NBSB, hindi rin never been kissed at never been touched. Narana... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23

Chapter 7

7.7K 137 3
By itsELISHIA

Ilang araw na ang lumipas pagkatapos ng insidenteng iyon. Sinadya kong iniwasan si Jacob. Pag alam kong nasa sala sya o kusina, hindi ako lumalabas ng kwarto. Natuto na rin akong mag lock nito.

Nung una pilit pa nya kong gustong kausapin pero ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para iwasan sya hanggang sa siguro magsawa na.

At ngayon nga, parang may silent understanding kami na manatili sa kwarto ang isa pag nasa labas naman ang isa.

Katulad ngayon, nasa kwarto ako kasi alam ko na nagdidinner sila sa kusina. Tinitiis ko muna ang gutom ko at pinilit na gumawa ng assignments. Kanina pa ko kinakatok ni Hannah pero sinabi ko nalang na busog pa ko kahit na kinakain na ng mga bulate ko ang bituka ko.

Dahil alam kong nasa kusina sila, lumabas muna ako para mag CR. Pero laking gulat ko ng pagbukas ko ng kwarto, pakatok naman sila Jasmine at Hannah. Kaya wala nakong nagawa ng kaladkarin nila ako papasok ulit sa kwarto ko.

Ni-lock ni Hannah ang pinto at umupo na rin sa kama ko. Pinagitnaan nila ako kaya wala na kong nagawa kundi harapin sila.

Gusto kong matawa sa hitsura nila, si Hannah, seryosong nakatingin sa akin at su Jasmine, pinaniningkitan ako ng mga mata.

Bigla nalang kaming nagtawanan ng kumulo bigla ang tyan ko. Naiiling nalang na tumayo si Hannah at lumabas. Pag balik nya, may dala na syang pagkain. Alam nila na ayaw kong kumakain sa kwarto ko pero pinalampas ko na dahil gutom na ko.

Walang umimik ni isa habang kumakain ako. Pareho lang silang nakahiga sa kama habang ako nasa study ko at dun kumain.

After ilang minutes, natapos na ko sa pagkain at hinarap sila. Hindi man ako nagsasalita, alam ko na gets na nila ang ibig sabihin ng mga tingin ko.

Bumuntong hininga si Hannah pero si Jasmine ang bumasag ng katahimikan.

"We know what's happening between you and Jacob." Panimula nya. "Obvious naman na nagmamahalan kayo bakit pa ninyo pinapahirapan ang isat isa?" Pinandilatan ko sya ng mga mata sa sinabi nya.

Tumango naman si Hannah ng tumingin ako sa kanya.

Suko na ko sa dalawa. Wala namang saysay kung magde-deny pako.

"Siguro ako, oo. Pero sya hindi ko alam kung pareho kami ng nararamdaman." Pagtatapat ko na sa kanila. Alam ko maiintindihan nila ako. At kahit naman kakambal ni Jasmine si Jacob, alam kong hindi sya magiging bias.

"Ok that's it!" Bulalas ni Hannah at may papalakpak pang nalalaman. "We're going to Tagaytay!" Baling nya kay Jasmine after sabihin yon.

"Really?! Should i pack now?" Excited kong sabi.

"No!" Magkapanabay nilang sabi. Binigyan ko sila ng nagtatakang tingin. Di ko ring maiwasang di magtampo.

"Maiiwan kayo ni Jacob dito. Tatlong araw lang kaming mawawala, dapat pagbalik namin, wala na rin ang virginity mo." Napamulagat lang ako sa sinabi ni Jasmine.

Seriously?! Sinabi nya talaga yun?!

Napapamaang lang ako sa kanilang dalawa habang palabas na sila ng kwarto ko para daw mag empake.

3 days?! Kaya ko kaya? I'm sure kahit anong pilit ko hindi ko sila mako-convince na isama ako.

Parang bigla tuloy akong kinabahan, nabahala at... Nae-excite!

Continue Reading

You'll Also Like

123K 8.9K 39
Have you ever fall in love to a person na hindi mo pa nakikita or nakilala ng personal? Nakakausap mo siya pero sa sulat lang, Ni hindi mo nga alam a...
241K 2.6K 10
Pambayad utang sa isang lustful human-being? Paano na!? /squeals/ | RATED Open-minded 16+ | FIN | EXO Planet Short Stories Compilations. Luhan, The L...
19.4K 310 34
[COMPLETE✓] sabihin natin, isang tingin lang niya sa kanya ay nahulog na ang loob niya sa kanya. pero ganun din ba siya? magugustuhan niya ba, kung i...
312K 12.6K 44
Hindi madaling magpalaki ng anak bilang single mom. Nandiyan ang financial, emotional and physical stress. Dagdagan pa ng mga marites sa paligid na w...