Chapter 18

5.8K 111 0
                                    

"Babe... Come on. Isa lang.... Bago tayo matulog... Hhmmm..." Kanina pa umuungot ang isang to ng sex. Sa totoo lang pagod na pagod ako. Last day na kasi ng final exam namin bukas. Drain na ang utak ko sa kaka review pati katawan ko drain na dahil sa puyat at pagtapos ng mga requirements.

Alam ko na mahigit isang linggo na syang deprive sa sex. Hindi ko na kasi magawa pa syang pagbigyan dahil sa sobrang bust na rin bukod pa sa pagod.

"After nalang ng exam ok? Last day naman na bukas." Sabi ko sa kanya habang pahiga na at naghanda ng matulog. Grabe! Ngayon ko lang na appreciate talaga ang kama ko.

Ang laking ginhawa ang naramdaman ko ng sumayad ang katawan ko sa malambot kong kama. Naramdaman kong tumabi sa akin si Jacob at sinimulan na akong hawakan sa maseselang parte ng katawan ko.

"Jacob, i'm relly tired. Please bukas nalang?" Narinig ko lang syang bumuntong hininga at niyakap nalang ako ng mahigpit at hinalikan sa may ulo.

"I love you, Fatima Mae." Bulong lang nya at tumayo na. Lumabas na sya ng kwarto ko pero kinibit balikat ko nalang. Siguro sa kwarto nya sya matutulog.

Simula nung insidente sa mall at sinabihan nya ko ng 'i love you' naging constant na ang pagsasabi nya nito. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi ko masabi ito ng pabalik sa kanya. Dati naman sa ex ko, nasasabi ko to ng walang pag aalinlangan. Pero ngayon lay Jacob na halos live in na nga ang set up namin ay hindi ko masabi sabi.

Ilang sandali lang, inaagaw na ng antok ang kamalayan ko. Pero naramdaman ko pa si Jacob na pumasok sa kwarto at binigyan ako ng halik sa may noo. Umungol lang ako at umayos ng pagkakahiga.

Akala ko tatabi sya sa akin pero lumabas na din sya maya maya.

---

"Hey have you seen Jacob?" Tanong ko kina Hannah na nasa kusina at nagluluto ng meryenda.

Tapos na kasi ang exam ko at makakapagrelax na ako. Pero since kagabi, hindi pa nagpaparamdam si Jacob. Sinubukan ko na syang tawagin pero naka off ang phone nya.

Nakita ko silang nagtinginan ng makahulugan bago nagpatuloy si Jasmine sa niluluto at si Hannah, nangalikot sa cellphone nya.

"Well.. Nice talking to you two, thank you." Sarcastic kong sabi sa kanila at umupo sa kaharap ni Hannah.

Ng ilapag na ni Jasmine ang nilutong turon, tumabi sya kay Hannah at pinakita ni nya kung ano man ang nasa cellphone.

Umiiling iling lang si Jasmine samantalang patango tango si Hannah. Damn this two! Ano ba kasing meron?!

Tumayo ako habang seryoso silang nag uusap gamit ang mga mata nila. Pumunta ako sa likod nila ng di pa rin nila namamalayan at nakitingin sa cellphone.

Napasinghap ako ng malakas sa gulat at literal na napanganga ako. Literal dib akong na freeze sa kinatatayuan ko.

Napalingon lang ang dalawa sa akin at hindi ko alam kung anong ang expression nila. I'm sure kinaaawaan nila ako. But i don't need their pity. I want an explanation kung bakit may ganon.

Kung bakit may kahalikan na babae si Jacob sa isang bar na naka upload sa facebook at naka tag sa kanya.

Kailan ba ang last na nag check ako ng facebook ko? Baka kasi hindi lang yon ang picture na naka upload.

Feeling ko namamanhid ang buong katawan ko. Sobrang pinipiga din ang puso ko sa sakit.

Napatuwid ako ng tayo at pumihit papunta sa kwarto ko. Alam ko tinatawag ako nila Jasmine but for some reason, para akong nabingi, napipi. As in manhid na manhid ang pakiramdam ko. Siguro shock lang to, lilipas din.

Pagdating ko ng kwarto ko, ni-lock ko ang pinto at humiga patagilid sa kama. Gusto kong umiyak. Ang utak ko inuutusan ang mga tear ducks ko naag produce ng mga tears. Pero parang nag shut down ang mga ito at ni pagtutubig ng mga mata walang wala.

Hindi ko alam kung ilang minuto, oras, akong nakabaluktot lang sa kama at tulala hanggang sa mamalayan kong unti unti ng bumibigat ang mga talukap ng mga mata ko.

Some Like It HotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon