Chapter 10

8.3K 132 0
                                    

Paggising ko kinabukasan, nakita kong nakadapa sa tabi ko si Jacob habang nakayakap ang isang kamay sa may tyan ko. Nalislis pa ang kumot hanggang sa may bewang nya pero ang isang pigi nya ay lantad. Di ko tuloy maiwasang hindi pamulahan.

Dahan dahan kong inalis ang kamay nya at tumayo na. Pagtayo ko saka ko lang naramdaman kung gaano kahapdi ang gitnang bahagi ng katawan ko at halos matumba ako sa pangangatog ng mga tuhod ko.

Sinuot ko lang yung robe at lumabas na sa kusina para magluto ng almusal. Pagtingin kosa orasan, alas-onse na pala ng tanghali. Ngayon nalang ulit ako nagising ng ganito ka late.

Nagpasya nalang ako na magluto ng pananghalian. Nagpirito lang ako ng longganisa, hotdog, tocino na nakita ko sa ref at nagsaing na.

Habang hinihintay ang kanin, tumuloy nako ng banyo para maligo at mawala kahit papano ang pananakit ng katawan ko.

Habang nasa ilalim ng dutsa, hindi ko maiwasang hindi maalala ang mga nangyari kagabi. Kinakapa ko sa dibdib ko kung may pagsisisi ba kong nararamdaman. Pero kahit anong hanap ko, kasiyahan ang naidulot nito sa akin.

"Ah! What are you doing here?!" Paglabas ko ng shower, nagulat pa ko ng makita si Jacob na umiihi sa may toilet.

Iminulat lang ang isang mata at tumingin sa akin. Mukha pa kasi syang inaantok. "Umiihi?" Papilosopo nyang sabi sabay ngisi pa.

Dali dali kong kinuha yung robe ko at sinuot. Alam ko naman na pulang pula nako.

"Ngayon ka pa mahihiya? Pero sa mga ungol at sigaw mo kagabi di ka nahihiya." Nakangisi nyang sabi. Alam ko naman na tinutukso lang nya ko pero di ko maiwasang di mainis sa kanya. Dapat talaga ipaalala pa yon?

Inismiran ko lang sya at lumabas na. Nagbihin lang ako ng shorts at sando dahil wala naman akong balak lumabas ngayon. Masakit pa kasi.

Narinig kong naligo na rin sya at nag hain na ko para makakain na kami pag katapos nya.

"I'm sorry about last time. Di ako dapat nagdala ng babae dito." Of all the time, ngayon nya pa talaga in-open to?

Umismid lang ako. Gusto ko sana syang tanungin kung ano nya yung babae at kung ano kami lalo na ngayong may nangyari na sa amin.

Kahit papano naman nasasaktan ako dahil alam kong hindi kami kahit na hindi lang Bataan ang sinuko ko kundi buong Pilipinas na ang sakop nya.

Shit! Naiiyak tuloy ako. Yumuko nalang ako at idinaan sa kain ang lungkot, frustrations at galit na nadarama.

"So...??" Napaangat ang mukha ko ng marinig ang masaya nyang tinig. Parang di man nag apologise sa ngisi nya. "Tayo na ba?" Mahina lang ang pagkakasabi nya at napakamot pa sa batok nya sabay yuko pero sinusulyapan naman ako paminsan minsan.

"May ganun? Nanligaw ka na ba?" Ako na ang maarte at pakipot! Nakuha na lahat may gana pa kong magpakipot!

"Tsk! Pahihirapan mo pa ko pero ng isuko mo ang virginity mo ni hindi mo man ako pinahirapan." Nakaismid nyang sabi. Binato ko nalang sa kanya yung isang piraso ng hotdog.

"May alam ako para mapapayag kita." Nakakaloko ang mga ngiti nya at may pataas baba pa ng kilay na nalalaman.

"Ano na naman yon, aber?!" Mataray kong tanong sa kanya at pinagkrus pa ang mga kamay sa may dibdib ko.

"Alam mo na... Labing labing..." Sabi nya na may panguso nguso pa. Natawa nalang ako sa mga kalokohan nya. Kahit sya natatawa na rin.

"Sige na, tayo na. Tagal ko ng nanliligaw. Kita mo nga nauna pa ang love making natin." Nasa harap kami ng hapag pero ganito ang usapan namin. Saka bakit sya atat na maging kami. Sabagay gusto ko rin ang idea na yon. Kaya nga ko nagmamaktol kanina, di ba?

"At kailan naman yang tinutukoy mong ligaw ligaw na yan?" Wala naman akong idea na nanliligaw sya and besides wala naman syang sinasabi dati.

"Lagi kaya kitang dine-date! Remember pag kakain tayo sa labas?" What he meant was when we eat fish balls and kwek kwek sa kanto. Pinaikot ko nalang tuloy ang mga mata ko.

"Pag nanonood tayo ng sine." Na dalawang beses palang nangyari dahil napilitan lang syang samaha ako dahil hindi ako sinipot ni Yan at nagkataong nakita nya ko sa mall. Kasama pa namin nun ung isang barkada nya.

Yung second na manood naman kami ng sine, nung nag date sila Jasmine at Michael at dahil ayaw syang payagan ni Jacob kaya naisipan nilang mag "double date" kuno at ako ang isinaman nya dahil may field trip sina Hannah noon.

Napapailing iling nalang ako sabay tayo na para ligpitin ang pinagkainan namin. Hinugasan ko na rin ang mga pinggan dahil sigurado naman akong walang aasahan sa isang to.

"Sige na..." Nagulantang ako ng ipulupot nya ang mga bisik sa bewang ko at bumulong sa tenga ko. Napakalambing ng boses nya at the same time para akong kinikilabutan sa pag ka husky nito. "Tayo na ha?" Sabi pa nya at pinugpog ng halik ang leeg ko.

"Tigilan mo nga yan! Kitang naghuhugas pa ko ng plato eh!" Pero ang totoo sobrang kinikilig na ko. Isang kalabit nalang at alam kong mapagbibigyan ko na sya sa gusto nya.

Nanlupaypay lang sya sa likod ko bago ko naramdaman umalis sya ng kusina. Maya maya lang naririnig ko na ang tv sa sala.

After mga 10 minutes pa, sinamahan ko na sya sa sala. Nakita ko syang nakaupo sa two seater couch na naka dekwatro habang ang isang kamay ay nakahawak sa sandalan ng sofa.

Nakakainis sya, para kasi syang model na nagpipictorial sa asta nya. Kaya minsan, nakakailang silang magkambal na kasama. May lahi kasi sila ng Kastila kaya mestisuhin. Mapuputi pa sila. May mga matang abuhin at matatangos ang ilong.

Mapa unang tingin o titigan man, magkamukhang magkamukha sila ni Jasmine. Opposite version nila ang isat isa. Kaya di na ko nagtataka kung bakit napaka habulin nilang pareho.

Kung si Jasmine, kabi-kabila ang mga manliligaw kahit na sobrang dikit nya kay Michael, ito namang isa, kabikabila din ang mga humahabol na babae.

Ng makita nya ko, tinapik nya ng tabi nya tanda na pinapaupo ako. Bumalik muna ako ng kusina para kumuha ng chichirya para may makutkot kami.

"What?!" Napapailing lang sya ng paupo nako pagkatapos kong ilagay sa centre table ang dala ko.

"Takaw!" Sabi nya pero dumukot din ng pagkain.

"Whatever?!" Tumawa lang sya at niyakap ako, itinaas ko nalang ang mga paa ko sa couch at nagsumiksik sa gilid nya habang sya naman sinusuklayan lang ang buhok ko gamit ang mga daliri nya at paminsan minsan na hinahalikan ako sa ulo.

"Hey?..." Mahina nyang tawag sa akin habang ang mukha ay nakadikit sa ulo ko. "Masakit pa ba?" Napapaos nyang tanong.

Hindi na ko nagkunwari na hindi ko alam ang ibig sabihin nya. Isang tango lang ang naisagot ko. Pinipilit kong kumilos ng normal kanina pa at binabalewala ang sakit pero ngayong tinanong nya parang nanumbalik ang sakit.

Naramdaman ko lang syang bumuntong hininga at niyakap ako ng mahigpit kasama ang mga tuhod ko kaya naman namamaluktok ako sa tabi nya.

"Kaya na ba?" Hala?! Agad agad?! Napamulagat lang akong napatingin sa kanya and i swear, sobrang pula na ng mukha ko. "Natanong ko lang naman." Ngisi nya at pinindot pa ang tungki ng ilong ko.

Inalis nya ang pagkakayakap sa akin at umunat na patayo.

"Inaantok pa ko. Tulog lang ako ulit ha?" Sabi nya sabay yuko sa akin para bigyan ako ng halik.

Ganun lang yon? Balak ko pa man din sana syang kausapin about sa relasyon namin.

Hinayaan ko na lang sya kasi mukhang inaantok pa nga sya. Nagpatuloy nalang akong manood ng tv kahit na ang isip ko ay nasa kanya. Iniisip ko kung saan ba patungo ang relasyon naming to.

Some Like It HotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon