Chapter 4

8.7K 150 2
                                    

Isang question nalang at matatapos na ko sa ginagawa kong assignment. Malapit na kasi ang Prelim exam kaya puspusan sa mga pagpasa ng requirements.

Kahit na inaantok na ko pinipilit ko pa ring tapusin to kahit na next week palang ang submission nito. Ayoko kasing mag rush lalo na at two weeks nalang exam na namin.

"Come in!" Sigaw ko ng may marinig akong katok. Laking gulat ko ng makitang si Jacob ang pumasok. Usually kasi hindi sya kumakatok. At simula nung mangyari ang insindente hindi na kami masyadong nakakapag usap dahil naging abala na sa kanya kanyang kurso.

"Assignments?" Tanong nya habang paupo na gilid ng kama ko at kinuha ang remote ng tv.

Tumango lang ako at pinag patuloy ang ginagawa kahit na nadistract na ko dahil sa presensya nya.

Mabuti nalang last question nalang to. Sa kama ko kasi ako gumagawa at lagi ang lampshade ang gamit ko. Lagi nga akong sinisita dati ni Jacob dahil daw naka slouch ako pag sa kama at hindi raw conducive ang ilaw ng lampshade baka lumabo ang mga mata ko. Kaya naman binili nya ko ng bed tray at pinagpalit yung lampshade ko sa bedside table sa lampshade ko sa study table. Kahit naman hindi nya sabihin, through his actions, i know that he cares.

Katulad nalang ngayon, kahit naka on ang tv, naka mute naman ito para di ako madistract pero sa kasamaang palad, nadidistract parin ako sa presensya nya.

Siguro binangungot na naman to. Maaga kasi syang matulog, late na sa kanya ang 9 pm. Pero ngayon alas onse na at gising pa sya.

Pagkatapos kong masagutan ang assignment ko, niligpit ko na ang mga gamit ko at pinatay ang lampshade.

Lumabas muna ako ng kwarto at pumunta sa cr para mag toothbrush at hilamos.

Pagbalik ko ng kwarto, ganun pa rin ang posisyon nya, nakaupo lang at nakasandal sa head board habang naka krus ang mga paa at mga kamay sa dibdib.

Umakyat na ko nga kama at humiga paharap sa kanya. Tinitigan ko sya para makuha ang atensyon nya. Ayoko kasing magsalita dahil baka kung ano pa ang lumabas sa bibig ko at pagsisihan ko pa.

"What?" Bulalas nya ng maramdaman ang mga titig ko. Nagkibit balikat lang ako bilang tugon at himiga na sa likod ko.

"Oy Fat! Ano nga yon?" Pangungulit pa nya. Tiningnan ko lang sya ng masama dahil sa pagtawag nya ng Fat sa akin.

Ngumiti lang sya bilang sagot at pinisil ang ilong ko. Natampal ko tuloy ng di oras ang mga kamay nya.

"Ang cute cute mo talaga!" Sabi pa nya ng nakangiti.

"Bwiset ka!" Pagsusungit ko lang sa kanya sabay dila pa sa kanya. Tumawa lang sya ng malakas at umiling iling at binalik ulit ang tingin sa tv.

"Nightmare?" Maya maya tanong ko sa kanya. Hindi pa namin napag uusapan kung tungkol saan ang mga napapanaginipan nya.

Tango lang ang naging sagot nya. At malungkot akong nginitian. Tumango tango rin ako kahit na hindi ko maintindihan.

Maya maya lang bumibigat na ang mga talukap ng mga mata ko pero naramdaman ko syang umayos ng pagkakahiga bago ako niyakap at naramdaman kong hinalikan ako sa noo.

Kinabukasan, nagising akong mabigat ang pakiramdam, literally. Nakadantay kasi braso at binti sa akin ni Jacob.

Niyugyog ko sya para alisin ang mga limbs nya sa akin pero humigpit lang lalo ang yakap nya. Bumilis tuloy bigla ang tibok ng puso ko. Natatakot tuloy ako baka maramdaman nya kung gaano ako kinakabahan dahil sa pagkakalapit namin.

First time kasi akong magising na nandito pa sya at nakayakap pa sa akin! Dati naman pag nakakatulog nako umaalis din sya.

"Uy! Gising na! May school pa!" Sabi ko sabay dutdot sa mukha nya at pinipilit ko alisin ang kamay nya.

Isiniksik lang nya ang mukha sa may leeg ko na nakapagpainit ng mukha ko.

"Ang baho ng hininga mo." Bulong nya sa may leeg ko.

Ang walangya! Syempre bagong gising ako!

"Langya ka! Nakikiamoy ka na nga lang manlalait kapa! " sigaw ko at pinag hahampas sya. Tawa lang sya ng tawa at tumayo nya pagkatapos akong halikan sa noo.

Napatunganga nalang ako ng lumabas na sya after nyang mag greet ng 'good morning'. Naging maganda tuloy ang simula ng araw ko.

Some Like It HotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon