Chapter 17

7.5K 141 0
                                    

"Hey babe..." Malambing na tawag sa akin ni Jacob. Alam ko na pag ganito ang tono at yayakap na mula sa likod ko at ibabaon ang mukha nya sa may gilid ng leeg ko.

Nagrereview ako ngayon para sa final exams namin. Hindi ko alam sa isang to kung bakit hindi nagrereview. Parang wala lang sa kanya. Confident masyado. Hindi naman sya yung tipo na nag ta-top sa klase. Pareho lang kaming average ang mga grades.

Tama nga sila, time flies when you're having fun. Halos mag pa-five months na rin na kami. Nasabi ko na rin kina mama at ok naman sila sa relasyon namin. Yung nga lang minsan, lumalabas ang maternal instict nya at hindi sya nagkukulang na pangaralan pa rin ako. Tapusin ko muna daw ang pag aaral. Umaayon nalang ako sa kanya dahil yun naman talaga ang gusto ko rin gawin. Ayoko silang biguin.

Inikot nya ang swivel chair ko at pinaharap sa kanya. Nag squat lang sya para magpantay ang mga mata namin. Nagtitigan lang kami pero maya maya tinaas baba nya ang mga kilay nya at ngumisi. Pabiro ko nalang na timapal ang mukha at sabay pa kaming tumawa. Madalas talaga napakapilyo nya. Hindi nauubusan ng mga antics.

Hindi na rin nya ko sinama sa mga practice nila dahil daw ayaw na nyang mangyari pa yung dati. Minsan nakakatampo pero hinayaan ko nalang. Nung game naman nila nakapanood ako. Yun nga lang pinasuot nya yung varsity jacket nya kaya nalaman tuloy ng mga tao na kami na.

At since may media at ang mga staff ng school paper namin, hindi naiwasang ma ambush interview ako minsan. Lagi ko nalang sinasabi na si Jacob nalang anv tanungin nila. Ayokong sa akin manggaling kasi yun.

"You've been studying for hours. Exams in two weeks time. Masyado ka namang serious." Nakangiti lang nyang sabi sa akin. Kinakabahan kasi ako. Lalo na at may dalawang subjects akong alangin. Major pa man din ang mga yun.

"Come." Nilahad nya ang kamay nya at tinaggap ko naman. Sumasakit na rin kasi ang ulo ko kaya iniwan ko na muna ang nirereview ko.

Dinala lang nya ko sa labas at iniupo sa may stool sa may kitchen counter at nagserve ng rice at ng... Ewan di ko alam kung anong ulam yun. But knowing him, siguradong masarap ang luto nya.

"It's almost three, alam kong di kapa nag la-lunch. Paano ka naman makakapagreview ng mabuti nyan?" Pangaral nya sa akin. Kinibit balikat ko nalang yun at nagsimula ng kumain.

"Yum! What do you call this dish?" Tanong ko sa kanya kahit puno pa ang bibig ko at halos mabulunan ako sa sunud sunod na pag subo ko. Hindi ko alam na ganito ako kagutom.

"It's called... 'Jacob's love'" sabi nya ng nakangisi.

"Ang corny mo talaga! Pero masarap talaga sya." He just gave me one of his heart warming smiles.

Para syang chopsuey pero may cashew nuts at iba ang sauce nya. Di ko lang mapin point kung ano.

Naubos ko ang hinapag nya sa akin at halos hindi na ko makatayo sa kinauupuan ko kaya sya na ang nagprisintang naghugas ng plato.

"Go in the loving room. Susunod ako." Madali ko naman syang sinunod kasi bigla akong inantok. Humilata lang ako sa sofa at in-on ang tv.

Malapit na kong makatulog ng tumabi sya sa akin. Pumwesto sya sa likod ko at niyakap ako.

"Hey. Hey! Don't fall asleep. Kakakain mo lang." Bulong nya sa may tenga ko.

"Mmmhhh.." Napaungol nalang ako. Nakakapagod din mag review. Dapat nga nasa labas kami at nagliliwaliw dahil sabado ngayon.

Dinaganan nya ko at tumayo na saka ako binuhat. Dinala nya ko sa kwarto nya at inihiga sa kama.

Napaungol nalang ako ng isa isa nyang hubarin ang aking mga saplot.

Some Like It HotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon