Chapter 6

7.8K 143 1
                                    

"Wooohooo!" Panabay na sigaw nila Terry at Yan habang nasa dance floor. Taas taas pa nila ang mga kamay. Tumatawa lang ako sa mga antics nila at nakikitaas na rin ng kamay.

Si Jasmine nasa may table pa namin at kasama ang manliligaw/stalker/body guard/fucking buddy nya. Oo, ganun sila ni Michael. Ayaw kasi ng commitment ni Jasmine. Ito namang si Michael, dahil mahal na mahal ang isa, nagpapaka martir at tanga.

Si Jacob hindi ko alam kung nasaan. Simula kasi ng umalis kagabi hindi pa bumabalik hanggang ngayon. Naging gloomy tuloy ang araw ko.

Naiinis na ko sa mga inaakto nya. At mas lalo akong naiinis sa nararamdaman ko para sa kanya.

Ng makita ko sila Jasmine at Michael na pumunta ng dance floor, sinenyasan ko naman sila Yan na uupo muna ako.

Pero bago ako bumalik sa upuan, umorder muna ako ng isa pang cocktail drink, isang hard at isang beer. Gusto ko kasing malasing ngayong gabi para malimutan ko kahit saglit ang pagka depress ko.

Pagka upong pagka upo ko palang, sunud sunod ko ng tinungga yung mga inorder ko. Alam kong tinamaan agad ako dahil pagkatapos kong laklakin ang hulik alak, bigla nalang akong nahilo at para akong lumilipad sa ere.

Hindi ko na namalayan pa ang mga sumunod na nangyari. Basta ang alam ko, pinagtulungan akong dalhin sa kwarto ko nina Jasmine at hinubad ang mga damit ko. Bra at panty nalang ang tinira na saplot ko.

Pagsayad ng katawan ko sa kama, akala ko makakatulog na agad ako, pero laking dismaya ko ng gising na gising pa ang diwa ko.

Kahit na pasuray suray, tumayo ako at kinuha ang robe ko at lumabas ng kwarto.

Parang naka autopilot ang katawan dahil kahit hindi nag pa-function ng mabuti ang utak ko, alam nito kung saan papunta.

Namalayan ko nalang na dahan dahan kong binubuksan ang pinto ng kwarto ni Jacob. Naisipan ko pang kumatok pero binalewala ko nalang dahil naisip ko na pag sya ni hindi na kumakatok sa kwarto ko.

Sobrang dilim ng kwarto nya kaya hinintay ko munang mag adjust ang mga mata ko at hindi nakatulong ang pag inom ko.

Ilang beses muna akong pumikit pikit bago ko f-in-ocus ang mga mata ko sa kama nya.

Akala ko namamalik mata lang ako ng makita ko syang titig na titig sa akin na may galit na maaaninag sa mga mata.

Nakaupo lang sya sa kama at hubad ang pang itaas at natatakpan ng kumot ang pang ibaba kaya hindi ko mawari kung may suot na kahit ano.

Ilang segundo muna kaming nagkatitigan bago ako nagdesisyon na lapitan sya pero bago ko pa maihakbang ang mga paa ko may narinig na kong umungol.

Napasinghap nalang ako at natutop ang bibig ng mapansin ko ang isang babae sa tabi nya. Nakadapa ito at nalislis na ang kumot at lantad na lantad ang likod nito walang damit.

Parang natauhan din si Jacob at biglang napatingin sa katabing babae. Akmang tatayo na sya palapit sa akin, pero bago pa sya makababa ng kama, tumalilis na ko palabas diretso sa kwarto ko na ni-lock ko ito.

Napasandal ako sa nakasarang pinto at parang nauupos na kandila na unti unting umupo kasabay non ang pagdaloy din ng mga luha ko. Napahikbi nalang ako sa sakit na nararamdaman ko.

Napatutop akosa bibig ko ng makarinig ako ng katok at mahinang pagtawag sa boses ko. Hinayaan ko nalang si Jacob hanggang magsawa ito at bumalik ng kanyang kwarto.

Humiga nalang ako sa kama at namaluktot. Masakit na masakit ang nararamdaman ko pero hinila na rin ako ng antok dala ng kalasingan at sama ng loob.

Some Like It HotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon