Chapter 22

7.2K 108 1
                                    

"What!" Kanina pa ngisi ngisi ang katabi ko. Nakahawak sya sa may labi nya habang ang siko ay nakatukod sa may bintana ng kotse.

Tumingin lang sya saglit sa akin ng nakangiti at binalik na ulit ang mata sa daan.

"You're crazy." Naiiling kong turan sa kanya at tumingin nalang sa may bintana.

Hinawakan nya ko sa baba at ibinaling ang mukha ko sa kanya. Nakahinto na kami ngayon dahil traffic.

"Yes... I'm crazy babe... Crazy in love with you..." Namamaos ang tinig nya at kinantilan ako ng halik sa labi.

Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi naman ako kinakabahan dati pag sinasabihan nya ko na mahal nya ko. Parang may iba ngayon. Yung intensity ng mga titig nya. Yung sincerity sa boses nya.

Tulala pa rin ako ng mag go na ulit ang traffic. Parang nag short circuit ang utak ko. Ang puso ko naman parang na electrocuted hindi na umalpas sa bilis ng tibok.

"Oh na in love ka na naman." Nahimasmasan lang ako ng marinig ko syang magsalita ulit. Kumindat pa sya ng tumingin ako sa kanya. Bilang tugon, binelatan ko lang sya na ikinatawa lang nya.

Ng makarating kami sa club, nagpark sya malapit sa entrance pero bago kami bumaba, sinabihan nya ko na wag lumapit o makipag usap kay Hanz. Kinibit balikat ko lang ang sinabi nya. Ayaw ko namang mangako kasi ayokong maging bastos sa pinsan nya. Wala naman kasi itong ginagawa na hindi ko nagugustuhan. Or wala pa.

"I'm serious, Fatima Mae. Don't talk to him." Inirapan ko lang sya. Kung nagseselos na naman ito, i swear we need to talk it down. Hindi healthy sa relasyon namin at sa aming dalawa. Pareho kaming nai-stress.

"I can't promise but i'll do my best. Satisfied?"

"That's good enough. Let's go."

Bumaba na kami at ng papasok na kami, inakbayan nya ko sa may bewang at hinapit ng husto papunta sa kanya.

May nareserve na palang tables sila Jasmine. Talaga palang binalak nila ito. At parang nananadya pa ang tadhana dahil nasa iisang table kami nila Hanz at sa may kabilang side ko pa sya naupo.

Nag order na rin ng maiinom si Jasmine para samin. Cocktails sa aming mga babae at hard liquor sa mga lalake.

Anim lang kami sa mesa. Si Jasmine, Michael, Ysa, Hanz at kaming dalawa ni Jacob. Yung ibang mga pinsan nila nasa kabila pang mesa. Apat na mesa ang inokupa namin.

Sinimsim ko ang cocktail, ok naman ang lasa. Di ko man nga nalalasahan ang alak.

"Huh! Jacob! Ano ba?!" Nagulat nalang ako ng bigla nyang hilahin ang upuan ko papunta sa kanya. Pero ng tingnan ko sya, kay Hanz pala sya nakatingin at kulang bumulagta ang pinsan nya sa talim ng tingin nya.

Napatingin naman ako kay Hanz. Saglit ko lang nakita ang ngisi at kindat nya dahil hinila ni Jacob paharap sa kanya ang mukha ko. Hawak nya ang baba ko at binigyan ako ng halik. Hindi naman torid o french kiss ang binibigay nya pero nagtagal din ito ng ilang segundo.

Gusto ko pa sanang laliman ang halikan namin pero alam ko na kasama namin sila Jasmine sa mesa kaya itinulak ko na lang sya ng mahina sa dibdib.

"Point taken, insan. Chill." Narinig kong sabi ni Hanz at humalakhak pa.

Namula tuloy ako pero pagtingin ko kay Jacob, napangiti nalang ako at bumilis na naman ang tibok ng puso ko dahil sa paraan ng pagtitig nya sa akin.

Kung pwede lang malunod sa pagmamahal na nakikita ko sa mga mata nya baka kanina pako nalunod.

"I love you, Fatima Mae." Bulong nya sa may mga labi ko. Hindi na kami naghahalikan pero halos magkadikit pa rin ang mga labi namin.

Napangiti lang ako at binigyan sya ng malutong na halik bago ako humarap ulit sa mesa.

Some Like It HotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon