Chapter 5

8.5K 144 1
                                    

Naging busy ako sa mga sumunod na araw dahil sunud sunod ang pasahan ng mga requirements at exams. For more than two weeks, halos hindi na kami nagkikita kita nila Jasmine. Si Jacob naman, pag dinadalaw ng bangungot, pupunta saglit sa kwarto ko at aalis din pag bukang liwayway.

At ngayon nga, friday, wala na kaming exam ni Yan kaya kami ang magkasamang gumagala. Nag iikot lang kami sa mall para pamatay ng oras.

"Oh look! I so like this shirt! It's so pretty, right?" Pinaikot ko nalang ang mga mata ko kasi ang shirt na sinasabi nya ay off shoulder at may butas butas sa likod. Itong conio kong kaibigan talaga.

"Mae...?" Nagulat ako ng tawagin ako ng mahina ni Yan. Usually kasi napaka jolly nya at matinis ang tinig. " i just want to ask a quetion. I hope you don't mind"

Kahit na nagtataka, umiling lang ako at tinuloy ang kinakain. Nandito na kasi kami ngayon sa food court at nananghalian.

"Uummhh... Ano kasi.. It's like this..."

"Spill! O bubuhusan kita nitong coke!" Pagbabanta ko sa kanya.

"Chill naman, di ba? " maarte pa nyang sabi. "Are you and Jacob ba are like, you know? Boyfie or something?"

Hindi ko ineexpect ang tanong nya. Kahit naman kasi noisy si Yan hidi naman sya nosy.

"Don't get me wrong ha? I just don't like him for you. Yun lang." Mahina lang ang tinig nya at seryoso. Inisip ko agad na may gusto sya kay Jacob. Kasi bakit nya sasabihin yun di ba?

"Do you like him?" Diretsa kong tanong sa kanya. Kahit papano naman, importante din sya para sa akin.

"No! No! It's not like that! Like duh!? Kilala mo naman kung sino ang like ko di ba? Di ko lang sya feel, yun lang." I looked at her straight in the eyes. I know she's hiding something. Alam ko gusto nyang sabihin pero ayoko syang pilitin dahil kung gusto nya talagang sabihin, sasabihin nya.

Ikinibit balikat ko nalang at itinuloy ang kinakain, i know she only meant well. But i know there's something more na hindi nya sinasabi.

Tinapos nalang namin ang kinakain namin bago namin napag desisyunan na umuwi. May lakad naman kami ulit bukas.

Pag uwi ko ng bahay, naglinis lang ako at nagluto. For sure pag uwi ng kambal gutom sila dahil sa exam. Si Hannah naman nasa bahay din at tulog ng silipin ko sa kwarto nya.

Naligo lang ako saglit at lumabas na para maghain. Sakto namang nakahanda na ang pagkain ng dumating ang kambal kaya kinatok ko na rin si Hannah para sabay sabay na kami. Bihira lang kasi na magkasama sama kaming kumain lalo na ng magtrabaho na si Hannah at graduating na ang dalawa.

Puro lang kami kwentuhan about sa exams namin at mga seminars na pinupuntahan ni Hannah.

Napag usapan din namin ang paglabas namin bukas. Kung anong oras ang alis at kung saan bar. Balak naming mag bar hopping pero dahil gusto nila yung chill lang kaya sa isang Bossa club kami pupunta.

After kumain, nagsalang muna ng isang movie si Jacob at nagkanya kanya na kami ng pwesto sa sala. Si Hannah nasa love seat at sinolo dahil pinagkasya na nya ang sarili doon. Si Jasmine nasa bean bag malapit kay Hannah. Umupo naman ako sa three seater couch at humiga ng nakaharap sa tv.

Ng maisalang na ni Jacob ang movie, dumeretso sya kung nasaan ako at tinapik ang mga paa ko para bigyan ko sya ng space. Akmang uupo ako ng pigilan nya ko. Itinaas nalang nya ang mga paa ko at inilagay ang mga ito sa hita nya.

Bigla tuloy akong kinabahan sa ginawa nya at napatingin kay Hannah. Hindi ko alam kung aware sya sa ginawa ni Jacob o patay malisya nalang sya. Ng mapatingin naman ako kay Jasmine, nakakunot noo lang itong nakatingin sa mga paa ko na nakapatong sa mga hita ni Jacob. Di ko tuloy maiwasan na mag blush at akmang aalisin ko na ang mga to dahil sa kahihiyan pero pinigilan lang ako ni Jacob kaya napatingin ako sa kanya.

Diretso lang ang tingin nya sa tv at sinimulan lang nyang masahiin ang mga paa ko. Di ko tuloy maiwasang di mag blush at mapatingin sa tv. Mabuti na lamang at patay ang ilaw kung hindi makikita nila kung gaano na ako kapula ngayon.

Halos hindi ko na maintindihan ang pelikula kahit na horror ito. Ang atensyon ko kasi nasa mga kamay ni Jacob na bahagyang minamasahe ang mga paa ko. Aminin ko man o hindi, nakakakilig ang ginagawa nya. Feeling ko kami na. At the same time, nalulungkot ako dahil ni wala man kaming usapan.

Bigla ko tuloy naalala ung sinabi sa akin ni Yan kanina. At bigla nalang akong nalungkot sa isiping may nakikita siya na hindi ko nakikita kay Jacob kahit na magkasama na kami sa bahay at ganito pa kami ka close.

Ng matapos ang movie, nagkanya kanya na kami ng punta sa kwarto para matulog. Akala ko pa nga susunod si Jacob sa akin pero laking lungkot ko ng makitang ko syang umalis. Kaya nakatulog ako ng may lungkot at agam agam.

Some Like It HotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon