Chapter 23

12.4K 253 34
                                    

"Oh god..." Napatutop ako sa bibig ko. Bigla nalang kasing parang gustong bumaliktad ng sikmura ko. Pinagpapawisan ako ng malapot, nanginginig ang kalamnan at nanlalamig.

"Who was it, Ya..... N?" And there goes Jacob wearing only a towel fresh from shower. Oh god! Nakatakip pa rin ang kamay ko sa bibig ko at ngayon di ko na mapigilan na hawakan ang tyan ko.

Nararamdaman ko na na any moment i'm going to throw up. Nanghihina akong napaatras. Oh god... Kailangan ko ng umalis.

Hindi ko na sila tinapunan pa ng tingin. How dare Yan! I asked her before kung may gusto sya kay Jacob and she said no! Kaya ba nya ko dinidiscourage noon kay Jacob?

And Jacob?! Oh god! Kaya ba sya di na nagpapakita? Pero ok pa kami nung nakaraan lang ah?

Paano nya nagawa sa kin to? Siguro kung ibang babae lang, ok pa. Masakit, oo pero hindi ganito kasakit. Yung dalawang tao na mahal ko at pinagkakatiwalaan ko nagawa ang ganitong katrayduran sa akin.

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Para lang akong naka auto pilot.

Nagkulong lang ako sa kwarto ko at nahiga lang. Ang alam ko tulala lang ako. Namamanhid ang pakiramdam ko. Ni hindi ako makaiyak. Siguro naubos na kaninang pauwi ako. Ano kaya ang iniisip ng taxi driver ng makita akong basta nalang humagulgol? Buti na lamang at mabait sya at inuwi ako in one piece.

Hindi ko alam kung ilang oras na kong tulala. Basta namalayan ko nalang na unti unti ng naminigat ang mga talukap ng mga mata ko.

--

"Let me in! I need to talk to her! For god's sake, Jasmine!" Boses ba yon ni Jacob? Anong oras na ba?

"Nope! Unless you tell me what's wrong? Dalawang araw ng tulog ang isang yun. I called the doctor and he said she is just sleeping. Probably from over fatigue. What happened? Pagkagaling nya sa condo mo, tulala syang umuwi ang shut herself down. Care to explain?" So two days nakong tulog? God! Kaya pala ang bigat ng pakiramdam ko. Ang sakit pa ng ulo ko.

Ng umupo ako, bigla nalang umikot ang pakiramdam ko at napatutop ako sa bibig ko. Para na naman akong masusuka.

Ng di ko na mapigilan, dali dali akong lumabas ng kwarto. Kahit hinang hina na ko, pinilit ko paring pumunta ng banyo. Nagulat pa ang magkambal ng makita akong nanghihinang dumeretso ng banyo. Natabig ko pa si Jasmine dahil nakatayo sya sa harap ng pinto.

"Oh my god! Fatima, are you ok? What's happening?! Jacob, call the doctor!" Sumunod sya sa banyo at paulit ulit na hinahagod ang likod ko. Tinaas ko lang ang kamay ko para sabihing ok lang ako pero binalewala nya ito.

Ng maramdaman kong nawala na ang nausea ko, nanghihina akong umupo sa sahig at tutop tutop lang ang bibig. Gusto ko tuloy maiyak sa sobrang sama ng pakiramdam ko.

"Is she ok? Natawagan ko na si Doc Martin. Babe..." Natatarantang sabi ni Jacob. Lumuhod pa sya paharap sa akin at inalis ang ilang hibla ng buhok ko na tumatakip sa mukha ko. Gusto ko sana syang suwayin pero nanlalambot pa ko.

"How are you feeling babe? You look pale." Malumanay na sabi nya habang pinupunasan ang mukha ko.

Napapikit nalang ako sa ginagawa nya. It's soothing yet gusto kong tabigin ang kamay nya. Ayokong hinahawakan nya ko dahil tuwing naaalala ko ang ginawa nila sa akin, nandidiri ako sa mga hawak nya.

After few minutes, nanghihina pa rin ako pero sinubukan kong tumayo na. In-on ko ang shower at tinuro ang pinto para palabasin sya.

Akala ko lalabas na sya ng pumunta sya sa may pinto pero sinara lang nya to at tinulungan pa kong hubarin ang mga damit ko. Umiiling iling lang ako at pilit tinatabig ang kamay pero sobrang nanghihina na ko kaya wala na kong nagawa.

Some Like It HotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon