Chapter 21

7K 119 1
                                    

"Ffffaaattt!!!" Sigaw ni Jasmine pagkababang pagkababa ko palang ng sasakyan. Napilit ko rin kasi si Jacob na magbakasyon sa kanila after 3 days. Yes! 3 days ko syang sinusuyo suyo. Lagi syang nagpapalambing na nauuwi sa sex pero lagi nalang umiiwas pag i-o-open ko na ang bakasyon. Kundi lang pala ako nagtampo, baka wala pa kami dito sa mansion nila.

Mansion ang tawag ko sa bahay nila sa Pampanga dahil 4 storey ito at anim ang kwarto, lahat en suite at may walk in closet. Ganito sila kayaman pero napaka simple lang nila pagdating ng Manila. Pero dito? Walang tao na hindi nakakakilala sa kanila.

Pinalampas ko nalang ang pagtawag nya ng Fat sa akin at niyakap ko na rin sya ng mahigpit. Grabe! Namiss ko rin pala ang baliw na to.

Niyakap din nya ang kakambal nya pero muli nya kong binalingan at dinala sa dining. Saktong lunch na kasi at nasa hapag na raw ang lahat.

And by "lahat" meaning, parents nila, si Yan, Terry, Michael at ilang mga pinsan nila na nandito rin para sa reunion nila sa father side nila.

Bukas pa raw magsisidatingan ang iba sa mismong araw ng reunion. Usually daw maghapon magdamag ang kasiyahan. Yung mga nandito na, sila pa yung nanggaling na malalayong lugar. Yung dadalo bukas, sila yung nakatira din dito.

Mababait naman ang mga pinsan nila. Wala akong tulak kabigin pagdating sa kagandahan at kagwapuhan. Halata talaga na may mga sinabi sa buhay. Hindi lang sa kutis at mga kasuotab kundi sa pananalita at asta nila.

Mabuti na lamang at nandito sila Yan at least kahit papano di ako out of place.

"So..???" Panimula ng isa nyang pinsan na babae. Bata sya ng ilang taon sa akin. Sya ang nasa kanan ko at si Jacob naman sa kabila. "Kayo na ba ni koyang?"

Nagulat ako sa tanong nya. Mabuti na lamang at hindi ako sumusubo o umiinom.

"I... I... We..." Hindi ko alam kung ano ang itutugon ko sa kanya. Di naman kasi namin napag usapan to ni Jacob.

"Ysa. Will you stop interrogating Fatima? You're so nosy. Alam mo naman ang sagot, nagtatanong ka pa." Masungit na sabi ni Jacob. Hindi ko alam na nakikinig pala sya. Nag init tuloy bigla ang pisngi ko. Kanikanina lang, namumutla na ko. Magkaka brain damage ata ako bago pa man kami umuwi. One minute i'm pale, the next, i'm blushing! Gosh!

Na curious naman ako sa sinabi ni Jacob. Ano ang ibig nyang sabihin? Pinag uusapan ba nila ako at kung ano ang relasyon namin.

"Can i call you ate?" Akala ko mananahimik na si Ysa dahil nasita na. Tumango nalang ako bilang sagot. Naiilang pa rin kasi ako. "Buti naman sinagot mo na sya. Hati kaya ang mga fans nya sayo. Meron pro-Jatima at anti-Facob. Alam mo ba kung bakit Facob? At kung bakit anti-Facob?"

Ok, i'm lost. Di ko alam kung anong pinag sasabi nya.

"Don't worry ate, i'm pro! Syempre dun ako sa love ni koyang." Grabe pala to. Kaya pala naiinis sa kanya si Jacob dahil napa daldal. Di man lang ako binibigyan ng chance na mag response.

"Shut it Ysa! She's clueless ok? Di yang nagbubukas ng facebook at wala syang tweeter account." Sabat na naman ng isa.

Kaya pala clueless ako sa sinasabi nya dahil sa facebook na pala ang pinag uusapan namin. Kailan nga ba ko huling nagbukas ng facebook ko? Nakalimutan ko na nga ang password ko kaya di ko na nabubuksan.

Nakita ko lang na nag pout si Ysa. Ang cute nya. Mukha nga syang anime eh. Mahilig daw syang mag cosplay dati pero tinigil na nya dahil nauubos daw ang allowance nya dun.

"You can show me later. Pero di ko na ma-o-open ang account ko. Di ko na alam ang password eh." Nagliwanag ang mukha nya sa sinabi ko at the same time namamangha. Sa panahon kasi ngayon, lahat may facebook account. Nawalan na kasi ako ng interest lalo na nung na link na ko kay Jacob.

Some Like It HotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon