Just If (What If It's Love, P...

By SiMarcoJoseAko

19.8M 401K 38.5K

Published Under Summit Media, Pop Fiction. (What If It's Love) A story where forever doesn't exist. #BSS3 More

Bachelor Stories Series 3: Just If
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Epilogue
Author's Note

Chapter Twenty One

380K 8.3K 455
By SiMarcoJoseAko

TWENTY ONE

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Kinabahan ako sa biglaang tanong sa akin ni Din. Hindi ko alam ang dapat kong isagot at tila ba napipe ako dahil sa tanong na 'yon. Maraming bagay ang pumasok sa isipan ko pero lubos na nangingibabaw doon si Axcel.

Mahal ko nga ba talaga si Axcel?

Sa loob ng mahabang panahon nakilala ko na si Axcel dahil sabay halos kaming lumaki. Alam ko na ang takbo nang isipan n'ya at alam ko na lahat ng mga galawan n'ya. Tanggap ko kung sino siya at wala akong pakielam sa mga imperfections n'ya dahil siya lang ang mahalaga sa akin. Yes, he's a jerk, asshole or else. But despite of those imperfections, I'll still accept him no matter what. Dahil mahalaga siya sa akin at dahil—I shook my head. Damn this, I don't know the answer!

Biglang nagsalita si Din kaya naputol ang pag-iisip ko tungkol kay Axcel.

"You don't need to answer it, Heena. I already knew the answer. It is written all over your face." Seryoso at diretsong sabi ni Din. Nakatingin lang siya sa akin sa may rear view mirror. Katabi n'ya sa may driver's seat si Felice at ako naman sa may likuran.

Nag-usap na lang sila ni Felice at ako naman ay hindi pa rin mapakali. Nasa mall din silang dalawa at hinihiling ko sana ay hindi kami magkita-kita dahil paniguradong magkakagulo. Pero lahat ng 'yon ay nabalewala nang mismong pagka-park naming ng sasakyan ay naroroon din ang BMW ni Axcel.

"Axcel's here?" Agad na tanong ni Travis pagkababa nito sa sasakyan niya. Katabi n'ya ngayon si Jeorge na nakakunot-noo lang.

Lumipad naman ang kanilang mga mata sa direksyon ko at tila ba naghihintay ng kasagutan sa tanong ni Jeorge.

"H—Hindi ko alam na nandito siya." Nauutal kong sagot. Pero duda akong paniniwalaan nila iyon. Tanda nila ang sasakyan ni Axcel pati na rin ang plate number nito.

"Let's go, don't mind him." Mariing sabi ni Symon at nauna nang pumasok sa entrada ng mall. Sinabayan naman siya ni Xander na panay ang mura kay Travis dahil sa gutom na ito.

Wala nang nagsalita sa amin kaya pumasok na kami sa loob ng mall. Ala-sais y media na ng gabi kaya paniguradong dito na kami mag-didinner. Pare-pareho na rin kasi kaming mga gutom.

"Ano? Manonood ba tayo ng movie ngayon?" Tanong ni Felice sa amin. Nagkibit-balikat lang ako. Ayos lang naman sa akin kung manonood o hindi.

"Nandito na raw si Rissa sa mall." Saad ni Xander habang nakatingin sa cellphone nito na tila ba may binabasa.

"Pasunurin mo na lang dito at kakain muna tayo bago manood ng sine. Kanina pa kami nagugutom." Sabi ni Din. Tumango lamang si Xander at agad na tinawagan si Rissa.

"May balak ka bang bilhin?" Bigla akong napalingon kay Felice na ngayon ay tinatanong ako.

"Baka makahanap ako ng ireregalo kay Axcel at Aivan dito." Sagot ko naman sa kanya.

"Tang ina mo, Ravis! Dumating lang 'yang si Jeorge, nag-iinarte ka na!" Napalingon naman kami kay Xander na minumura si Travis. Gusto kasing masolo ni Travis si Jeorge pero ayaw pumayag ni Din kaya nainis na si Xander.

"Mag-behave ka nga lang kasi." Sabi naman ni Jeorge kay Travis na nagpakalma dito.

"Oh, ayan na pala si Rissa. Tara na! Kanina pa ako nagugutom." Sabi naman agad ni Xander pagkakita kay Rissa. Kasama nito ngayon si Alex.

"Oh? Bakit kasama ka?" Tanong naman agad ni Travis kay Alex pagkalapit nila. Agad namang lumapit si Rissa kay Jeorge at nakipagbeso-beso at nagkamustahan na rin.

"Wala na rin akong klase kaya sumama ako kay Rissa." Sagot naman ni Alex. Nahagip naman ng mata ko si Din at Allen na mahinang nag-uusap sa may gilid.

"Tara na, nagugutom na ako." Masungit na sabi ni Symon at tsaka ito naunang maglakad.

Pumasok kami sa isang kilalang restaurant para doon kumain. Nasa counter pa lang kami nang mahagip na ng mata ko ang dalawang pamilyar na bulto na nakaupo sa pandalawahang lamesa. They were talking as if there's nothing around them. Axcel is smilling while looking at her, I could see it. I could really see love through his eyes while looking at her. I knew it, he still loves her.

"Sino'ng tinigitignan—" Biglang natigilan si Din ng mapadako ang tingin n'ya sa pwesto nina Axcel.

"I'll really kill him." Narinig kong bulong n'ya sa sarili. Nagsitinginan naman ang iba pa naming kasama sa pwesto nila kaya napayuko ako. I should be prepared about this.

"Fvck him." Narinig kong sabi ni Symon. Lumapit naman si Allen kay Din para pakalmahin ito. Nakita kong pati si Jeorge at Felice ay medyo galit na rin. Si Rissa lang ata ang pinaka-kalmado sa kanila. Si Alex naman ay walang reaksyon habang si Xander ay kulang na lang mambugbog sa inis. Si Travis naman ay tinitignan lang ang reaskyon ko.

"Sa iba na lang tayo kumain." Mariing sabi ni Felice pero hindi pumayag si Din at nagmatigas pa ito. Umorder na muna sila sa may counter bago maghanap ng pwesto.

Nag-angat si Axcel ng tingin sa amin ng mapansin n'ya kami. Bakas sa mukha n'ya ang sobrang pagkagulat pati na rin si Thalia. Nag-iwas ako ng tingin ng mapansin kong nakatingin siya sa akin. Lumapit sa akin si Symon at may ibinulong.

"Don't look at him." Mariin niyang sabi. Tumango lamang ako at dumiretso sa upuan na medyo malapit sa pwesto nina Axcel. Nakatalikod sa pwesto namin si Thalia at si Axcel lang ang nakaharap sa amin. Alam ko sa sarili kong nakatingin siya sa akin pero binabalewala ko lang iyon. Hindi na lang namin pinansin si Axcel. Ayaw kasi nilang masira pa ang gabi nilang lahat.

"Mag bibilliards ba tayo mamaya, Sy?" Tanong ni Xander kay Symon.

"Ayos lang sa akin." Diretsong sagot ni Symon kay Xander.

"Sama rin ako, shot tayo." Saad ni Alex. Umismid naman si Din na halatang naiirita pa rin.

"Hindi talaga ako makapaniwala na nambababae siya ng harap-harapan at wala ka man lang ginagawa!" Naiinis na sabi sa akin ni Din. Napayuko naman ako. Kanina, nang makita ko silang magkasama. Mayroon akong kakaibang naramdaman, na para bang ayoko silang makitang magkasama, nagngingitian at masaya. Gusto kong hatakin si Axcel doon at ilayo sa kay Thalia pero mayroong pumipigil sa akin. Hindi alam kung bakit ko naiisip ang mga ganoong bagay. Hindi ko na alam dahil wala na akong alam sa nararamdaman ko para kay Axcel. Something's wrong with me and I can't trust this something.

"H'wag mo siyang pakielam, Ate." Pagtatanggol naman ni Symon sa akin kung matatawag ko nga iyong ganoon.

"Masasakal ko talaga 'yang Axcel na 'yan!" Inis na inis na sabi ni Din.

"Don't mind that asshole, babe." Narinig kong sabi ni Allen kay Din kaya bigla itong kumalma. Marahil ang iba ay hindi iyon narinig pero ako narinig ko dahil malapit lang sila sa akin. Napatingin naman ako sa pwesto ni Axcel at biglang nagtama ang mga mata namin. Hindi ko alam kung bakit pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa pagtingin n'yang iyon. Para bang kakaiba, parang may mali sa nararamdaman ko.

Naramdaman ko ang biglang pag-vivibrate ng phone ko kaya pasimple ko iyong tinignan.Nakita kong nag-text si Axcel at tila ba bigla akong kinabahan na buksan 'yon pero sa huli, tinignan ko rin iyon.

Why you didn't tell me you're here?!

 

Hindi ko magawang tumingin sa kanya kahit na alam kong nakatingin siya sa akin. Hindi na lang ako nag-reply kaya itinago ko na lang sa bag ko ang phone ko. Sakto namang dumating na ang mga order namin kaya natahimik ang bibig ni Xander na kanina pa nagrereklamong gutom na siya.

"Nasusuka ako sa kalandian mo, Ravis!" Sabi ni Xander sabay tingin kay Travis na ngayon ay pasimpleng umaakbay kay Jeorge.

"Gago! Maghanap ka ng iyo." Sagot naman ni Travis. Hinampas naman siya ni Jeorge.

"Hindi ba't sabi ko sa'yo na h'wag kang magmumura kapag nasa harap ng pagkain?" Masungit na sabi niya kay Travis. Sumimangot lamang si Travis sa sinabi ni Jeorge at tsaka marahang tumango na parang bata.

"Saan ba tayo ngayon? Diretso ba tayo sa inyo, Symon?" Tanong ni Alex. Tumango lamang si Symon. Napatingin naman ako sa kanya na nakatingin din sa akin kaya nag-iwas lang ako ng tingin.

"Jeorge, shopping tayo pagkatapos ah? Hayaan mo na 'yang mga lalaking 'yan na maagang mamatay ng dahil sa alak." Sabi naman ni Din. Kalmado na siya ngayon hindi tulad kanina. Hindi pa rin umaalis sina Axcel at Thalia sa pwesto nila at parang nagkukwentuhan pa. Pero napapasin kong napapadalas ang pagsulyap sa akin ni Axcel.

"I will go with you if you want." Bigla akong napatingin kay Symon na nakatingin sa akin ngayon.

"H—Huh?" Kunot-noo kong tanong.

"Sasama ako sa inyo, saan ba kayo pupunta?" Kaswal na sabi n'ya.

"Mag shoshopping kami, sasama ka?" Tanong ni Felice. Tumango naman si Symon.

"Sasama rin ako." Sabi naman ni Travis habang nakatingin kay Jeorge na ngayon ay kumakain.

"Pambihira, ano 'yon?! Kami lang?!" Inis na sabi ni Xander.

"Sama na rin kayo para diretso tayo kay na Symon. Hindi naman pwedeng mauna tayo sa may-ari ng bahay." Sabi ni Alex.

"I'll go with them too." Saad bigla ni Allen. Nakita ko namang nagkatinginan si Din at Allen. Agad na nag-iwas si Din ng tingin at bakas sa mukha niya ang pamumula.

"Alright, di sama-sama na lang tayo." Sabi ni Jeorge. Nagtanguan lamang sila.

Tinapos lang namin ang pagkain at sabay-sabay na lumabas doon. Wala na rin si Axcel at Thalia sa pwesto nila kanina kaya nakahinga ako ng maluwag. Kinuha ko ang phone ko sa bag at nakita kong mayroong 24 unread messages doon at lahat ng 'yon ay galing kay Axcel.

You're ignoring me, huh?

 

Why you are not replying?

 

Are you mad at me?

 

Look at me, please.

 

Heena, reply on me.

 

Damn.

 

Marami pa siyang texts pero hindi ko na iyon binasa, I sighed. Mamaya ko na lang siya kakausapin sa phone. Nakita kong nahuhuli na ako kaya binilisan ko na ang paglalakad para makahabol sa kanila pero hindi pa ako nakakailang hakbang ng may biglang humablot sa braso ko at hatakin ako palayo roon.

It's Axcel.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


Continue Reading

You'll Also Like

139K 856 9
For those Filipino readers who want to read stories that are included in Wattpad Paid Stories program, but don't know how to, here's a tutorial. Now...
10.5M 188K 36
Nalasing si Lana isang gabi at pagkagising niya ay nasa tabi na siya ng isang lalaki! She slept with a stranger named Dylan Guevarra! What's worst? L...
101K 1.9K 11
"Wala akong ibang pinangarap kundi ang mahalin mo lang. Muntik na akong sumuko. But my heart would always tell me to hold on, to keep on loving you...
2.1M 141K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...