The Fourth Order Series

By LKsolacola

72.5K 3.2K 313

[NOTE: I'm working on the English translation of The Fourth Order Series on Royal Road. :)] Simula pagkabata... More

First Promise
Second Promise
Third Promise
Fourth Promise
Fifth Promise
Sixth Promise
Seventh Promise
Eighth Promise
Ninth Promise
Tenth Promise
Eleventh Promise
Twelfth Promise
Thirteenth Promise
Fourteenth Promise
Fifteenth Promise
Sixteenth Promise
Seventeenth Promise
Eighteenth Promise
Nineteenth Promise
Twentieth Promise
Twenty-first Promise
Twenty-second Promise
Twenty-third Promise
Twenty-fourth Promise
Twenty-fifth Promise
Twenty-sixth Promise
Twenty-seventh Promise
Twenty-eighth Promise
A Fourth Order Novel Series FAQ
BOOK 2: TAKE MY SOUL
1ST SACRIFICE
2ND SACRIFICE
4TH SACRIFICE
5TH SACRIFICE
6TH SACRIFICE
7TH SACRIFICE
8TH SACRIFICE
9TH SACRIFICE
10TH SACRIFICE
11TH SACRIFICE
12TH SACRIFICE
13TH SACRIFICE
14TH SACRIFICE
15TH SACRIFICE
16TH SACRIFICE
17TH SACRIFICE
18TH SACRIFICE
19TH SACRIFICE
20TH SACRIFICE
21ST SACRIFICE
22ND SACRIFICE
23RD SACRIFICE
24TH SACRIFICE
25TH SACRIFICE
26TH SACRIFICE
27TH SACRIFICE
28TH SACRIFICE
29TH SACRIFICE
30TH SACRIFICE
31ST SACRIFICE
FINAL SACRIFICE

3RD SACRIFICE

537 35 3
By LKsolacola

Don't forget to vote, leave a comment, and follow my account. Thank you.

***

NANGINIG ang mga tuhod ni Misoo sa panghihina. Pero nahuli rin agad niya ang sarili niya at pilit niyang pinalakas ang loob niya. Ngayong nakabawi na siya sa pagkabigla, bumangon ang galit sa dibdib niya para sa lalaking espiritu dahil sa pagmamanipula nito sa isipan niya noon. Binigyan niya ito ng masamang tingin. "Bakit nandito ka pa? Na-exorcise ka na ng mismong Questors' Clan Head."

Ngumisi si Nigel. Ngisi na nagpakita sa dalawang pangil nito. Maging ang ibang mga ngipin nito, kapansin-pansin na mas matulis na kaysa sa normal. "What can I say, baby? I'm hard to kill."

Nangilabot si Misoo sa boses ni Nigel. Parang galing 'yon sa ilalim ng lupa. Ngayong tinititigan niya ito, naalala na niya kung ano ang kahawig ng lalaki ngayon. Kinuha niya ang dagger niya mula sa holster na nakakabit sa kanang hita niya. Hinawakan niya ng mahigpit ang hilt niyon at hinanda ang sarili niya sa pag-atake kahit pa relaxed na relaxed ang hitsura ng masamang espiritu. "Suot mo ang uniform ng mga taga-Academy. Nag-aral ka rito? Isa ka bang Rogue?"

Umangil si Nigel na halatang nainsulto sa tanong niya. "Huwag mo kong isasama sa mga walang kuwentang Rogue na 'yon, naiintindihan mo?"

Napasimangot si Misoo. Gaano ba kalala ang masamang reputasyon ng mga Rogue para maging ang isang demonyo ay mainsulto nang naipagkamali niya sa kategoryang 'yon?

"I was a Hunter," pagpapatuloy ni Nigel sa mas kalmado nang boses.

Tumaas ang kilay ni Misoo sa pagdududa. "If you were a Hunter, dapat nakilala ka agad ni Syndrome. Baka hindi ka na-inform na siya na ang bagong Hunters' Clan Head. Kung ibabase ko sa age mo, siya na ang leader ng clan niyo no'ng nabubuhay ka pa."

Ngumisi uli si Nigel. Sa pagkakataong 'yon, nauwi na 'yon sa pagtawa. "Sa tingin mo ba, lahat ng Hunter ay kay Syndrome Daniel Rathbone naglilingkod? Paano kung sabihin ko sa'yo na sa labas ng Academy, may isang taga-Spirit Guild na nagsasanay sa mga Guardian para maging Hunter... na maglilingkod sa kanya?"

Nanlaki ang mga mata ni Misoo sa rebelasyon na 'yon. Pero hindi niya hinayaang ma-distract siya ng impormasyon na 'yon. Pasimple niyang inilusot ang isang kamay niya sa bulsa ng leather jacket niya at kinapa ang metal ball. Kapag hinagis niya 'yon kay Nigel, makukulong ito sa barrier at magkakaro'n siya ng pagkakataong tumakas. Sana, kung nasaan man siya ngayon, ay maramdaman 'yon ng mga Clan Head at matunton agad siya ng mga ito.

Alam niya kung ano ang mawawala sa kanya sa oras na gamitin niya ang bomba. Pero kailangan niyang gumawa ng mabilis na desisyon. Hindi na isang ordinaryong Stray ang kaharap niya ngayon. Base sa anyo ni Nigel ngayon, nasa proseso na ito ng pagiging Undertaker.

Hindi siya puwedeng mamatay sa First Trial pa lang. Puwede pa siyang bumawi sa Second at Third Trial. Hindi bale nang maging laughingstock uli siya ng mga ka-batch niya. May mabigat na dahilan siya para mabuhay. Para sa hustisya ng pagkamatay ng mga kaibigan niya, ano ba naman ang mapahiya uli dahil sa mababang marka? Ma-pride siya, oo. Pero alam niya kung saan ilulugar 'yon.

"Sino ang taong 'to?" tanong ni Misoo para si Nigel naman i-distract. "Siya rin ba ang nag-utos sa inyo ni Daye para kidnapin ako at dalhin sa kanya? Ano bang kailangan niya sa'kin? At paanong nagagamit niya ang mga Undertaker para sa mga plano niya?"

Natulala si Nigel sa kanya. Kumurap-kurap. Hanggang sa gumuhit ang matinding sakit sa mukha nito. Tumayo ito pero lumutang din sa ere. He titled his head backwards as he let out a very loud howl. Then he glared at her. "You killed my sister, Misoo! Hinayaan mo siyang kainin ng isang Undertaker! Dahil do'n, hindi na namin nailigtas ang kaluluwa niya!"

Inangat ni Misoo ang dagger bilang paghahanda sa depensa. Kumilos na si Nigel at mukhang nawawala na ito sa sarili dahil sa matindi nitong galit. " 'Namin' ? Sino ba ang sinasabi mo d'yan? At paano niyo naman maililigtas ang kaluluwa ng taong namatay na?"

Umangil uli si Nigel. Naging pula na ang mga mata nito ngayon. Dalawang kamay na rin nito ang may hawak sa hilt sa pagkakataong 'yon. Nasa mukha nito ang determinasyong patayin siya. "Dahil mamamatay ka rin naman sa gabing 'to, sasabihin ko sa 'yo kung paano nagsimula ang lahat ng ito."

Napalunok si Misoo. Dahil sa mga sinabi ni Nigel na 'yon, naantala ang plano niyang paghahagis dito ng bomba. Gusto niyang marinig mula rito kung ano ba talaga ang nangyayari. "Simulan mo na ang pagpapaliwanag."

"I was a Guardian who had the ability to hypnotize people. My sister, on the other hand, could see visions," pagsisimula ni Nigel sa boses na para bang naglalakbay na sa nakaraan ang diwa. "Nakita niya ang kamatayan ko. Nang sabihin namin kay Maestro ang kinatatakutan namin. Sinabi niyang hindi namin mapipigilan ang nakatakda nang mangyari. Pero binigyan niya kami ng pag-asa."

Napaderetso ng tayo si Misoo sa mahalagang impormasyon na 'yon. Maestro? Kung gano'n, 'yon ang tawag sa mastermind ng lahat ng 'to!

"Sinabi ni Maestro na may isang babae na may kakayahang bumuhay ng mga patay," pagpapatuloy ni Nigel at binigyan siya ng makahulugang tingin. "Ikaw 'yon, Misoo McCollins. Inutusan ako ng Maestro na habang buhay pa ko, makipaglapit ako sa'yo at gamitin ang hipnotismo ko para isipin mong mahal na mahal mo ko. Ng sa gano'n, kapag namatay na ko, mapuwersa kang buhayin ako. 'Yon din ang dahilan kung bakit nakipagkaibigan sa'yo si Daye. Siniguro ng kapatid ko na kahit namatay na ko, hindi pa rin mawawala ang epekto ng hipnotismo ko sa'yo."

"Hindi ko kayang bumuhay ng patay!" giit naman ni Misoo.

"Apparently, you can't," mapait na sagot naman ni Nigel. "Unti-unti kong na-realize na ginamit lang kami ng Maestro para malaman niya kung may abilidad ka ngang bumuhay ng patay. No'ng panahong dahan-dahan kong kinakain ang piraso ng spirit force mo sa tuwing hinahalikan kita, wala akong naramdamang pagbabago sa kaluluwa ko.

"Nang i-exorcise ako ng Questors' Clan Head, akala ko eh katapusan ko na talaga. Pero nagulat ako nang matagpuan kong buo pa ang kaluluwa ko at nasa evolution na ko ng pagiging Undertaker sa kung saang parte ng Underworld. Do you know what it means?"

Napaatras si Misoo at napalunok. Alam na niya kung ano ang iniisip ni Nigel, pero natatakot siyang kumpirmahin 'yon sa sarili.

"Oo, Misoo," nakangising sagot ni Nigel. "Lumakas ang kaluluwa ko dahil sa piraso ng spirit force mo na nakain ko. Ibig sabihin, kung makakakin ko ngayon ang buo mong kaluluwa, puwede akong mabuhay uli."

Nanlamig bigla si Misoo. Hindi niya alam kung paano haharapin ang bagong rebelasyon na 'yon tungkol sa abilidad niya. Alam ba ng mga magulang niya na hindi niya lang kayang manggamot kundi may kakayahan din siyang bumuhay ng mga patay? Kung iisipin, 'yon siguro ang totoong dahilan kung bakit may mga humahabol sa kanya at kung bakit may nagtatangkang dumukot sa kanya.

"Pero paano nalaman ng Maestro na 'to ang abilidad na hindi ko alam na meron ako?" nagtatakang tanong ni Misoo.

Tumawa si Nigel. Tawang nakakapunit ng tahimik na gabi at lalong tumakot sa kanya. "Iniisip siguro ng mga kinilala mong magulang na naitago nilang mabuti ang pagkatao mo, Misoo McCollins. Ang hindi nila alam, 'yon lang ang gusto naming isipin nila. May mga nilalang na naghihintay na magising ang tunay mong kapangyarihan." Iwinasiwas nito ang hawak na scythe. "Nakita na nila ang paggising mo, Mahal na Prinsesa. Ngayon, kumikilos na sila para kuhanin ka. 'Yon sana ang misyon ko, pero pagkatapos mamatay ng kapatid ko, naisip kong wala nang saysay ang maging sunud-sunuran sa Maestro. Uunahan ko na lang sila at ako ang makikinabang sa abilidad mo. Mabubuhay uli ako bilang tao na mas malakas na ang kapangyarihan sa oras na makain ko ang kaluluwa mo."

Narinig ni Misoo ang mga sinabi ni Nigel. Pero isa lang ang tumatak sa kanya na mabilis na nagpabasa sa mga mata niya. Nanikip ang dibdib niya sa sama ng loob kaya nang magsalita siya, pasigaw na 'yon. "'Kinilalang mga magulang?' Sinasabi mo bang hindi ko totoong mga magulang ang mommy at daddy na kasama ko?"

Lalong lumakas ang pagtawa ni Nigel. "Bakit hindi mo ibalik ang mga alaala mo nang masagot mo ang sarili mong tanong?"

Hipnotismo. Ginagamitan ka niya ng hipnotismo.

Muntik nang makinig si Misoo kay Nigel. Muntik na. Mabuti na lang at pinaalala niya sa sarili niya na hindi siya dapat maniwala sa mga sinasabi ng demonyong ito. Ginugulo lang nito ang isipan niya para ma-distract siya. Hindi siya papayag na maging midnight snack ng 'ex-boyfriend' niyang halimaw. "I don't believe you!" sigaw niya, sabay hagis ng bomba sa masamang espiritu.

Tumatakbo na palayo si Misoo nang marinig niya ang malakas na pagsabog kasabay ng malakas na pag-ungol ni Nigel. Hindi niya alam kung saan ang palabas sa sementeryong 'yon. Tumakbo lang siya ng tumakbo na ang nasa isipan ay ang makalayo sa demonyo.

Sa kasamaang palad, ilang segundo lang ay naramdaman agad niya ang mapanganib at mabigat na presensiya ni Nigel sa likuran niya habang umuungol ito na parang mabangis na hayop. Halos maramdaman na nga niya ang malamig nitong hininga sa batok niya.

Napasinghap siya nang maramdaman ang pagbaon ng matalim na bagay sa balikat niya. Hindi lang basta hapdi ang naramdaman niya. Napaso rin siya na para bang may asido sa talim ng scythe.

Nadapa si Misoo dahil bukod sa nanghina siya bigla dahil sa natamo niyang pinsala ay natalisod din siya sa malaking bato sa kalsada. Sumubsob ang mukha niya sa aspalto at damang-dama niya ang pagkakaro'n ng sugat sa baba niya at mga gasgas naman sa mga kamay at tuhod niya.

Hindi niya hinayaan ang sariling maramdaman ang sakit dahil alam niyang nasa likuran niya lang si Nigel na nakahanda na sa susunod na pag-atake nito. Gumulong agad siya at nagpapasalamat siyang ginawa niya 'yon dahil sa puwesto kung saan siya sumubsob kanina ay bumaon ang talim ng scythe dahilan para magkalamat ang aspalto.

Nang nakahiga na siya sa kalsada, inangat agad niya ang dagger niya para sanggain ang talim ng scythe ni Nigel. Sa pagkakataong 'yon, kaliwang kamay niya ang may hawak sa patalim.

Napakalapit na sa mukha ni Misoo ang pabaluktot na talim ng scythe ni Nigel at hindi sapat ang lakas niya para itulak 'yon palayo, lalo na't kitang-kita niya sa mukha ng demonyo na ginagamit nito ang buong lakas nito kasabay ng pag-ungol nito na hugot yata sa ilalim ng lupang pinanggalingan nito.

You should go back to whatever hell you came from!

Naramdaman niya ang pagkaipon ng mainit na enerhiya sa naka-glove niyang kanang kamay. Hinawakan niya ang kamay ni Nigel na nakahawak naman sa mahabang rod ng scythe nito.

Mas lalong naging mabangis ang pag-ungol ni Nigel. Umatras ito palayo sa kanya, bitbit ang scythe Hanggang ngayon, umuungol ito na parang iniinda pa rin ang pinsala.

Kahit paano, nakahinga si Misoo ng maluwag dahil sa pinsalang dinulot niya kay Nigel. 'Yon nga lang, hindi siya makatayo para tumakbo dahil sa panghihina ng katawan niya. Ang tanging nagawa na lang niya ay ang bumangon at umatras habang nakaupo hanggang sa mapasandal siya sa panibagong puntod.

Habol niya ang hininga niya at nanginginig din siya dala ng panghihinga. Gustuhin man niyang tumayo at tumakbo, hindi na nakikinig sa kanya ang katawan niya. Bawat kalamnan niya yata ay nagrereklamo na dahil bukod sa may natamo siyang pinsala, ginamit din niya ang kapangyarihan niya nang biglaan. Kaya niyang manggamot, pero kapag nasa panganib siya, bigla na lang nag-iinit ang kanang kamay niya.

Napatingin siya sa kanang kamay niya na may glove. Kung tatanggalin niya 'yon, mas malakas na kapangyarihan niya ang mailalabas niya.

"Never take off your glove."

Napapikit si Misoo nang marinig sa isipan niya ang bilin sa kanya ng daddy niya nang payagan siya nitong pumasok sa Academy. Alam niyang nasa panganib ang buhay niya ngayon, pero may pakiramdam siya na mas malalagay siya sa panganib kung gagamitin niya ngayon ang kapangyarihan niya. Lalo pa ngayong alam na niyang may gustong makuha siya dahil sa abilidad niya.

Sa kabila ng takot na nararamdaman niya ng mga sandaling 'yon, kumalma siya kahit paano nang gumuhit sa isipan niya ang imahen ni Syndrome. Para ngang narinig pa niya ang boses nito at tinatanong kung nasaan siya.

Syndrome, nandito ako sa sementeryo. Sana mahanap mo ko. Please. Sunuduin mo na ko.

Biglang nagbago ang ihip ng hangin. Mas lalo 'yong lumamig. At nagmumula ang bagong presensiya na 'yon sa tabi niya. Mas mariin na ang pagkakapikit niya ngayon. Kung panibagong demonyo na naman ang dumating, siguradong mapipilitan na siyang suwayin ang mga magulang niya.

"My moon."

Nagmulat ng mga mata si Misoo nang marinig ang boses ng batang lalaki sa isipan niya. Akala niya ay babala iyon, kaya mabilis na iwinasiwas niya sa kaliwa niya ang dagger na hawak niya sa pag-aakalang may demonyo nga na dumating.

Pero sa pagkagulat niya, tao ang sumalubong sa kanya. Hindi nga lang ordinaryo.

May isang binata ang naka-squat sa tabi niya. Nakapatong ang kaliwang braso nito sa kaliwang binti. Samantalang nakaangat naman ang kanang kamay nito na ginamit nito para pigilan ang pag-atake niya. Ang nakakamangha, hintuturo lang nito ang pumigil sa patalim niya, pero ni hindi nito nasugatan. Sa halip pa nga, ang talim ng dagger niya ang nabasag.

Napatitig si Misoo sa bagong dating na binata. White blond ang kulay ng buhok nito na lalong nagpaputla sa balat nito. Dahil itim ang suot nito mula ulo hanggang paa, hindi malabong mapagkamalan itong multo dahil sa sobrang puti nito. 'Yon din ang dahilan kung bakit kapansin-pansin ang mapupula nitong mga labi.

But what struck her most were his black eyes and long lashes. He was like a doll– very beautiful, yet he still looked lifeless. If not for the light heaving of his chest, she would have mistaken him as one of the statues in the cemetery. He looked that cold and stiff.

Nawala lang ang atensiyon ni Misoo sa bagong dating nang maramdaman niya ang pagsugod muli ni Nigel. Napapiksi siya nang sinubukan niyang tumayo. Ngayong wala na siyang dagger, ang magagawa na lang niya ay ang tumakbo at umasa sa darating na tulong.

Pero sa pagkagulat niya, nakita niya ang lalaking nasa tabi niya lang kanina sa harap ni Nigel na halatang nabigla dahil napaatras pa ang demonyo.

Paano siya napunta do'n nang gano'n kabilis at katahimik?!

"You do have a death wish, don't you?" nakangising tanong ni Nigel sa binata, saka inangat ang scythe. "Pagbibigyan kita. Ikaw na muna ang gagawin kong appeti–"

Nanlaki ang mga mata ni Misoo sa dahilan kung bakit hindi na natapos ni Nigel ang sinasabi nito: dinikit ng bagong dating na lalaki ang hintuturo nito sa noo ng demonyo na mabilis nabalot ng yelo. Sa isang iglap, nagmukha iyong demon ice sculpture. Sa isang ihip lang din ng malamig na hangin ay nabasag ang yelo at nagkapira-piraso hanggang sa tuluyan iyong naglaho.

Wala ni isang katiting ang natira kay Nigel.

Pero ang mas ikinagulat niya ay ang kawalan ng spirit force ng lalaki sa kabila ng nakita niyang mabilis nitong pag-atake. Paano nito nagawa 'yon nang hindi gumagamit ng kapangyarihan?

Muli na namang nagulat si Misoo nang umangat ang katawan niya mula sa aspalto. Napanganga na lang siya nang matagpuan niya ang sarili niyang buhat-buhat ng maputlang lalaki nang hindi man lang niya nakita o naramdaman ang pagkilos nito. Napatitig siya sa guwapo nitong mukha at patay na mga mata. Wala siyang ni anong maramdamang buhay dito. Idagdag pa na sa kabila ng suot nitong long-sleeved turtle neck shirt ay tumagos pa rin ang malamig na balat ng binata at naramdaman niya 'yon. Was he really a living person? "Who are you?"

Tinitigan lang siya ng lalaking walang buhay ang mukha. Gustuhin man niyang mag-iwas ng tingin dito, hindi niya 'yon magawa na para bang may nag-uutos sa kanya na makipagtitigan lang dito.

Hindi alam ni Misoo kung anong eksaktong ginagawa sa kanya ng maputlang lalaki, pero mabilis siyang nakaramdam ng matinding antok. Nakakapagtaka man, pero sa kabila ng malamig nitong katawan ay naging komportable siya sa mga bisig nito. Pamilyar sa kanya ang pakiramdam na 'yon, hindi nga lang matandaan ng isip niya. Hindi niya rin siguro kung guni-guni lang ba niya o ano, pero parang narinig niya sa isipan niya ang muling pagsasalita ng batang lalaki.

"Forget about everything you've learned from that demon, my moon."

Continue Reading

You'll Also Like

176K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...