Some Like It Hot

By itsELISHIA

200K 3.3K 67

Some Like It Hot Si Fatima, virgin pero hindi NBSB, hindi rin never been kissed at never been touched. Narana... More

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23

Chapter 1

11.7K 153 2
By itsELISHIA

"Fatima Mae, we're hoooommeee... Yooohooo..." Pakantang tawag sa akin ni Jasmine. Tapos na kasi ang summer break at bumalik na sila para sa pasukan. Graduating na silang dalawa ni Jacob. Samantalang ako, two years pa.

May isa pa kaming kasama sa bahay, si Hannah. Dahil scholar sya at sadyang matalino, natapos nya ang course nya ng 3 years. Silang tatlo nila Jasmine ang magkaka batch kaya naman ako ang baby sa bahay.

Si Jasmine at Jacob ay kambal. Taga Pampanga sila at mayaman ang pamilya. May ari ang lolo nila ng isang processed food company sa Pampanga. Nakapagpatayo na rin sila ng branch dito sa Manila na dinig kong plano ng kambal na sila ang mamahala don dahil mas gusto nilang mag stay dito sa Manila. Sa katunayan, pag aari ng pamilya nila ang apartment na tinitirhan namin. Ayaw nga nilang magbayad kami pero nahihiya kami ni Hannah kaya nagbibigay kami ng tig 2000 a month.

Sa kabilang banda, si Hannah naman nasa below middle class ang pamilya. Hindi nila afford ang mag aral sa pinapasukang school namin pero nakapasok sya dahil sa scholarship. Tubong Bataan sya. Pero madalang lang umuwi dahil puspusan sa pag aaral.

Wala sya ngayon sa bahay, may isang linggo syang seminar sa Batangas kaya mag isa akong dinatnan ng kambal. Sa makalawa pa ang balik ni Hannah.

Ako naman, nag iisang anak. Taga Zambales kami pero sinwerte ang parents ko sa Singapore kaya naman nakabili sila ng bahay dito. Pero pinaupahan ko at nakatira na nga dito sa apartment ng kambal.

Ok naman sa mga magulang ko para daw may makasama ako at hindi sila nag aalala sa akin.

"In here. Sa kitchen!" Sagot ko sa kanya.

Nagbeso kami at nag hug ng pumasok sa kusina. Dala dala din ang mga pasalubong sa akin.

"Wow! Thank you!" Excited kong sabi sa kanya at inakbayan pa sya ng isang beses. "Nasan si Hakob?"

"Nasa sala, napagod sa pag da drive. Dalhan mo ng juice." Pumunta ako sa ref at kumuha ng juice, nilagyan ko na rin ng yelo dahil mahilig sya sa malalamig na inumin. Sa mahigit isang taon kong pagkakakilala sa kanila, halos alam ko na ang mga preferences nila lalo na si Jacob dahil mas close pa kami kesa sa kanila ni Jasmine.

Paglabas ko ng sala, nadatnan kong nakasandal sa sofa si Jacob, nakapikit at nakataas ang mga paa sa center table.

Umupo ako sa tabi nya at niyugyog sabay abot ng juice. Tinignan nya ko at inabot ang juice sabay ngiti.

Inisang lagok lang nya ang inumin at nilagay sa center table ang baso. Hinarap ako at niyakap at hinalikan sa noo. Simula palang sweet na sa akin si Jacob, ayaw ko mang bigyan ng meaning ang mga kinikilos nya, di ko pa ring maiwasan na mahulog sa kanya.

Nakitang binigyan ako ng makahulugang tingin ni Jasmine bago pumasok sa kwarto nya. Hindi pa namin to napag uusapan kaya hindi ako sigurado kung may alam sya sa nararamdaman.

"Let's go to your room. Gusto kong matulog." Yaya nya sa akin. Di na to bago sa amin. May mga panahon na sa kwarto ko sya natutulog, lalo na pag dinadalaw sya ng mga bangungot. Hindi ko alam kung anong dahilan at nagkakabangungot sya. Ayoko ring magtanong dahil hindi ako ang tipo na mausisa.

Iginaya nya ko sa kwarto papunta sa kama. Hiniga nya kaming pareho at tinalikod nya ako at niyakap mula sa likod.

Minsan hindi ko alam ang iisipin ko sa relasyon namin. Pero alam kong nakakabatang kapatid lang ang turing sa akin.

Napabuntong hininga nalang ako at pilit pinakalma ang nagririgidon kong puso. Hanggang sa namalayan ko nalang na nakakatulog na rin ako.

Continue Reading

You'll Also Like

Proxy By Rhod Selda

General Fiction

230K 2K 7
Warning: Story content not suitable for minor reader. Genre:Erotic/Romance Rated SPG
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
1.2K 157 20
Namulat si Heidi sa makamundong gawain ng kanyang ina na nagtatrabaho bilang isang nagbibigay aliw sa mga dayuhan sundalo o negosyante. Bilang isang...
380K 1.3K 5
TYRANT 7 Book 4: The Possesive Player Zerred Larena