Peter's Angel: Nutella Natash...

By EijeiMeyou

21.3K 1K 398

☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ Story of Petriatico Macabangbang the Fourth and Nutella Natasha Cademias. EijeiMeyou® More

Peter's Angel: Nutella Natasha's Travel
001
002
003
004
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
015
016
017
018
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
049

019

362 19 9
By EijeiMeyou

[019]

Natasha’s POV

Friday na! Wootwoot! Katatapos lang ng last period namin sa hapon kaya pwede na akong umuwi! Hihihi.

“Natasha! Over here!”

Nilingon ko si Jason, sino pa nga ba eh siya lang naman ang mahilig sa pag-i-english sa akin?

“Hi, Jason! You goin’ home now?” yan! Nadadamay na ako sa british accent niya.

Umiling sya. “No. You wanna go out with me? My treat!”

Tumingin ako sa likod niya, “Mhea? Where’s Mhea?” bakit wala si Mhea?

“Told her to go home first. Never mind her, come on!”

Di na ako nakapalag ng hilahin niya ko sa kamay ko. Waah! Pipolets, inggit na naman kayo! Pinagtitinginan na naman ako eh, palibhasa di sila makalapit kay Jason! Hakhak.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya bago siya gumilid papunta sa driver’s seat.

“Nakita mo si Peter?” tanong ko sa kanya. Nakakapagtaka lang na di na nga niya kasama si Mhea, di pa niya kasama si Peter.

In-start na niya ang kotse at nagmaniubra palabas sa parking lot, “dunno with my bro. He’s been killing me with his looks. Did I do something wrong or what?”

“Aba, malay ko sa inyo.”

“You know that I don’t understand tagalog much.”

“Mhea didn’t teach you yet?”

“Nu-uh. She told me how to count inside a jeep! The ‘1...2...3...’ thing and then your fare will be free!”

Nasamid ako dun. “What?!” 1-2-3?! Eh yun yung gagawin mo kapag tatakasan mo ang pamasahe mo sa jeep eh!

“Yes, she told me that I should try that one.”

May tinatago din palang kalokohan yung si Mhea! Lagot sa akin ang palakang iyon! “No! Don’t do that!”

“Why? Isn’t it fun?”

“Of course not, okay? Just don’t do that,” tumingin ako sa cellphone ko, napangiti ako, si Peter pa rin pala ang wallpaper ko. Yung kinuhanan ko noong unang beses kaming magkita, nakakunot noo pa siya noon doon ah pero gwapo pa rin! “It’s quarter to six now, where’ you planning to take me?”

“Seh pusow kow,” at binuntutan niya iyon ng tawa.

“Lol! Ang pangit! Hahaha.” Parang ang corny ng kinalabasan kasi siya ang nagsabi.

“Mhea said it means ‘somewhere.’”

Gaga ka talaga, Mhea! “No, it means ‘in my heart,’” kalokohan talaga!

“Ahhh. So, we’re going seh pusow kow.”

“Wag mo ng ulit-ulitin! It sounds ridiculous!”

Nagtawanan kami. Ang gaan pala ng pakiramdam kapag solong kasama si Jason. Parang si Peter lang din, ang pagkakaiba nga lang, naloloka ako kay Peter kasi ako lang yata ang natutuwa habang kay Jason---t-teka?! Bakit ko nga ba sila pinagkokompara?!

“Here we are, wait, I’ll open the door for my lady.”

Hanungsaveh?

Pinagbuksan niya ako ng upuan.

“WooooooOOoow!” ow-kay, tunog ulol pero nakaka-wow naman talaga doon.

Dahil gumagabi na, naglalabasan na ang mga bituin sa langit, padilim na rin. Para iyong open-restaurant kung saan makikita ang buong kalangitan.

“Good evening, sir, maam,” bati sa amin ng babaeng ewan-ko-kung-ano-ang-tawag-sa-kanya.

“Reserved seats for two, please, Jason Comred.”

Pati pagbigkas ng pangalan ni Jason, bonggang bongga... nga pala, nasabi ko bang nakaalalay siya sa siko ko? Nasabi ko rin ban a naka-uniform kami at pinagtitinginan ngayon ng mga tao kasi nga, ‘estudyante’ kami pero keribels namin ang pumasok sa ganun restaurant!

“This way, sir,” at hinatid na kami nung babae.

“Why here? It’s expensive!” nalulula ako sa mga nakikita kong presyo sa menu.

Ngumiti sa akin si Jason, ‘why not if it’s for you?”

“Ohmigahd. Wag kang ganyan! Kinikilig ako!”

“I know ‘kilig.’ It’s how Mhea describes her feelings towards me but for further explanation, she says that it’s ‘happiness,’ am I right?”

Galing talaga ni Mhea magbigay ng maling explanation. Pero tumango na lang ako.

Sa tingin ko, may feelings si Mhea kay Jason eh! Di nga lang siguro masabi kasi---kasi ano nga ba?

Napalunok ako ng paulit-ulit habang nagtatanong kay Jason kung paano ba bigkasin ang mga pangalan ng nasa menu. Ang hirap! Nakakaiyak tuloy i-pronounce!

Nag-order na si Jason, di ko maintindihan ang mga sinasabi niya sa waiter, pagkain pa ba yun?

Ilang sandali ay dumating na yung order namin. “Lets eat.”

Lets eat?! Anong silbi ng kutsara’t tinidor kung malaking tipak pala ng manok ang in-order niya?! Ang hirap kayang tinidorin nun!

Try lang, Natasha! Kaw namansss.

“Delicious, right?”

“Ha? Oo.Napangiwi ako ng palihim. Ang tabang!

Hindi lang iyon, para akong kumakain ng goma!

Nangangawit na ang panga ko sa kakanguya, ang sakit na rin ng lalamunan kong lumulunok sa mga manok na di ko nangunguya ng mabuti!

So after ages, nakaraos din!

Time: 7:15pm. Ganun ba kami katagal? Gabi na ah!

“Follow me! I want you to see my haven.”

Nag-iwan na lang ng pera si Jason sa mesa bago niya ako inalalayang tumayo. “We’re not going home yet?” haven daw eh, hindi naman siguro sa bahay nina Peter iyon.

Oh----

My-----

Wag niyang sabihing------------

OMO-----

Pinagbuksan niya ako ng pinto.

Nag-drive uli siya, ang stiff stiff ko sa kinauupuan ko. Anong gagawin ko? Papalag ba ako? Sisigaw na ba ako? Ano na?! Utak! Galaw!

“Here,” nag-park ang kotse niya.

(^o^)V Madumi lang pala talaga ang utak ko! Hahaha. Dinala niya ako sa burol ng Loser Village. Burol lang talaga iyon, mula doon ay matatanaw mo na ang buong Loser Village. Naikwento na yun ni Roda noon pero ngayon lang ako nakarating.

“You’re always going here?” tanong ko kay Jason habang lumalapit sa view deck, may maliit kasing view deck doon.

“Uh-uh,” tumabi siya sa akin. “Mhea introduced this place to me, amazing, isn’t it? You see that house?” may tinuro siya sa akin, “that’s your house. You see that one beside yours?” may tinuro ulit siya, “that’s Peters.”

Wow! “How’d you know all those things?”

“Mhea. And you see that small house having a green light over the tiny window? That’s Mhea’s room.”

“Amoiiiiizing! Ang galing galing!” pumalkpak pa ako. Humawak ako sa railings, pumikit at huminga ng malalim.

Nakaka-miss ang ganito, sa Wherever Province noon, lagi din akong pumupunta sa bundok para lamang manood ng mga nagsasayawang ilaw ng syudad, pero ngayon, iba na, ako na ang pinanonood ng mga taga-wherever province, ako na ang nasa syudad.

Umihip ang malakas na hangin at dinala niyon ang buhok ko. “I feel like I’m the girl in the movie ‘Titanic,’” sabi ko. Ini-imagine ko kung sino ang ‘Jack’ na kasama ko. Hmm? Peter and Natsh---waitsss! Preno na muna!

Bakit ba kanina pa nasasali yang si Peter eh wala na nga siya dito?!

“Natasha,” tawag sa akin ni Jason.

Nagmulat ako ng mata. Nakasandal siya sa railings, para tuloy siyang model.

Tanging ilaw lang namin ay ang maliwanag na buwan at ang mga nag-uunahan sa pagkislap na mga bituin. “Hmm?”

“I like you.”

Di na bago sa akin yan! “And?”

“If I court you, do I have a chance?”

Why not Mhea? “Why me?”

Nagkibit balikat sya tapos humarap na din sa hinaharapan ko, pareho na kaming nakatunghad sa mga ilaw na likha ng mga kabahayan, “why not you? I just find you---ugh, I don’t know. But... do you like my bro?”

“Peter?” engks. Sino pa nga ba? Hindi! Ahy oo pala! Hindi! Ahh, pwede!

Ang gulo ko!

“Hmm? Guess you do.”

Parang nawalan siya ng pag-asa. Ganun na ba ako ka-transparent? “Lets go home.”

“Okay.”

Wala kaming imikan habang nagbabyahe pauwi. Wala na ring kuko ang hintuturo ko kasi kanina ko pa nginangatngat.

Nakarating na kami sa tapat ng bahay namin, kusa ko ng binuksan ang pinto ng kotse tapos bumaba na. Magdo-doorbell na sana ako ng---

“Natasha,” tawag na naman ni Jason.

“Yes?” humarap ako ng bahagya sa kanya.

“If ever Peter will fail you, I’m just here, you know.”

Tatango ba ako o hindi na?

Tumango na lang ako ng bahagya at nag-doorbell. Ramdam kong sinusundan pa rin ako ng tingin ni Jason. Binuksan na ni ate Jem ang gate, pumasok na agad ako.

Kakagulo ng isip! Di ba, crush ko si Jason? Heto na yun eh! Lumalapit na oh! Bakit di ko pa kunin?

Pero...

Paano si Peter?

Pero...

Paano naman ako?

Hay lesheng ano to---ano nga ba? Pag-ibig na ba?

Gaaah!

“Natasha, saan nanggaling ang prinsesa namin, aber?”

Nakita ko sina Daddy sa sala.

Tinignan ko sila isa-isa, “Dad... Kuya...”

“Oh?”

“In love yata ako...”

***

Author: Kdot! Hakhak That’s all for now po! Walang pumapasok sa utak ko ee. :p

Continue Reading