Just If (What If It's Love, P...

By SiMarcoJoseAko

19.8M 401K 38.5K

Published Under Summit Media, Pop Fiction. (What If It's Love) A story where forever doesn't exist. #BSS3 More

Bachelor Stories Series 3: Just If
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Epilogue
Author's Note

Chapter Thirteen

429K 9.2K 478
By SiMarcoJoseAko

TWELVE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"Gusto ko ng chocolate tapos ng hug mo." Parang batang sabi ni Axcel sa akin, marahil ay dala na ng kalasingan niya. Paakyat na kami sa unit niya at kanina pa rin niya ako kinukulit. Lasing na lasing na talaga siya at alam kong kapag nalalasing siya, kung anu-ano na lang ang nagagawa niyang mga katangahan. Inaalalayan ko siya para hindi siya matumba. Hindi na kasi niya kaya pang maglakad ng tuwid.

"Tigilan mo nga 'yang kabaliwan mo, Montemayor." Kalmadong sabi ko sa kanya. Tinignan ko naman siya at kita kong namumula ang buo niyang mukha na marahil ay dahil sa kalasingan. Tumunog na ang elevator kaya inalalayan ko na siya palabas. Alas tres na ng madaling araw at alas dos y media na kami natapos sa pag-iinuman. Mag-isang umuwi si Aivan dahil may dala itong sasakyan, hindi naman siya gaanong kalasing kaya ayos lang na mag-drive siya. Si Shaun naman ang naghatid kay Felice, samantalang magkakasabay umuwi si na Jomsky, Rhalp, at Vlad. Si Rissa naman ay kasabay si Travis at Xander. Binilinan daw kasi ni Tito Gian na alagaan mabuti ang panganay niya kung hindi, lagot sila. Si Alex ay sumabay lang kay Symon dahil si Allen na raw ang maghahatid sa lasing na si Din. Pero duda akong ihahatid talaga ni Allen si Din. Alam ko kasing may nararamdaman pa sila sa isa't-isa at alam kong mahal pa rin ni Allen si Din.

"Kikiss kita kapag binigyan mo ako ng chocolate." Pagpupumilit pa niya. Nakapasok na kami sa unit niya at agad ko siyang inihiga sa malaki niyang sofa. Kahit papaano kasi ay malaki siyang tao at mabigat din siya para sa babaeng tulad ko. Aminado ako na kahit lasing na siya, mas lalo siyang gumugwapo sa paningin ko lalo na't namumula pa ang mukha niya. Halata rin na inaantok na ang kanyang mga mata.

"Ang kulit-kulit mo, kokonyatan na kita diyan. Makikita mo, at tsaka tignan mo nga 'yang tarasa mo." Naiinis kong sabi sa kanya. Yumuko naman ako para tanggalin ang sapatos niyang suot.

"Bakit muna ginawa ang eroplano?" Tanong pa niya habang tinatanggal ko ang sapatos niya.

"Magtigil ka nga! Para kang sira diyan." Naiinis ko pa rin na sabi sa kanya. Sumimangot lang siya kasabay ng paghaba ng nguso niya.

"Hindi ako sira, 'yong eroplano ang sira kaya ginawa." Sabi niya na sinabayan niya ng tawa. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Delikado talaga kapag naglalasing ang lalaking 'to, kung anu-ano na lang ang nasasabi at nagagawa.

"Kapag hindi ka umayos, iiwan kita dito." Sabi ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin habang nakangisi. Isinandal ko naman siya sa sofa at inayos ang long sleeves niyang suot na nakatupi hanggang sa may siko niya.

"Hahalikan naman kita kapag iniwan mo ako." Sabi niya ng nakangisi. Kinurot ko lang siya sa pisngi at tsaka ko tinanggal sa pagkakabutones ang kanyang suot.

"Bakit mo ako hinuhubaran? Mag sesex tayo?" Lasing na sabi niya sa akin. Tinampal ko naman ang bibig niya.

"Magtigil ka sa kahibangan mong 'yan. Ang baho mo kaya kita huhubaran, tsaka hindi ka ba naiinitan?" Sabi ko sa kanya. Kumunot lang ang noo niya sa sinabi ko.

"Kita ko cleavage mo." Sabi niya bigla. Nanlaki naman ang mga mata ko. Medyo nakayuko kasi ako habang tinatanggal ang suot niya.

"Ipikit mo 'yang mata mo! Kahit lasing ka na ang bastos mo pa rin 'no?!" Naiinis kong sabi sa kanya. Natanggal ko na ang suot niya kaya lumantad na naman sa harapan ko ang hubad niyang katawan.

"Ang init." Sabi niya bigla. Nakita kong kinakalas niya ang sinturon niyang suot pero halatang nahihirapan siya.

"Ako na nga." Sabi ko sa kanya at ako ang nagkalas ng sinturon siya. Nakatingin lang siya sa akin na para bang batang tuwang-tuwa na mayroong nag-aalaga sa kanya.

Alam ko na mayroon siyang suot na boxer shorts kaya hinubad ko ang suot niyang pantalon. Pagkatapos ay pumunta ako sa kusina para kumuha ng maligamgam na tubig, kumuha rin ako ng malinis na tuwalya para mapunasan ko na siya bago matulog. Nagpalit na rin ako ng sando at ginamit ko rin ang pajama niya.

"Axcel, tumayo ka muna diyan. Doon ka sa kwarto mo mahiga at pupunasan kita." Sabi ko sa kanya at tsaka ko marahan na tinapik ang pisngi niya. Nagmulat naman siya ng mata at tinignan ako.

"Tumayo ka na diyan, para makapagpahinga ka na ng maayos." Sabi ko. Tumayo naman siya at inalalayan ko siya papasok sa kwarto niya. Agad naman siyang humiga nang makapasok kami sa kwarto niya. Kukunin ko na sana ang tuwalya nang bigla niya akong hatakin kaya nawalan ako ng balanse at bumagsak ako sa tabi niya.

"Axcel!" Sigaw ko ng bigla niya akong niyakap.

"Hmmmn." Ungol niya lang. Mahigpit ang pagkakayakap niya at idinagan pa niya ang hita niya sa may hita ko kaya hindi ako makatayo.

"Axcel, ang baho-baho mo. Amoy alak ka!" Sabi ko sabay tulak sa kanya. Pero mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya at nararamdaman ko ang mainit niyang hininga sa may leeg ko. Bigla ay parang uminit ang paligid ko. Naramdaman ko rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"A—Axcel." Nahihirapan kong sabi. Halos mawalan ako ng hininga ng maramdaman kong hinahalikan niya ang leeg ko.

"Hmmmn." Umungol lamang siya.

"Axcel, tumigil ka nga! Isa." Sabi ko pero hindi pa rin siya tumigil. Humigpit lang ang pagkakayakap niya sa akin at patuloy na hinalikan ang leeg ko. Naramdaman ko ang pag-iinit ng katawan ko sa ginagawa niya. Kaya bago ko pa hindi mapigilan ang sarili ko ay itinulak ko siya at sa tagpong iyon ay biglang nagsalubong ang mga mata namin. Naramdaman ko ang pagwawala ng sistema ko dahil sa pagtitig niya sa akin.

Naramdaman ko rin ang paghapit ng braso niya sa may bewang ko kaya mas lalo akong napalapit sa kanya at mas lalo kong naramdaman ang init ng katawan niya. Mas ramdam ko na rin ang hininga niya sa may mukha ko at amoy ko ang alak na nagmumula sa katawan niya. Hindi ko alam pero parang mas lalong uminit ang katawan ko ng dahil doon.

Bigla siyang ngumiti at sa pagngiti niyang iyon ay hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Bigla niyang ipinikit ang mga mata niya at naramdaman ko na lang ang paglapat ng mga labi niya sa mga labi ko.

He's kissing me and I don't know what to do. Oo, aaminin ko na maraming beses na niya akong hinalikan pero hindi katulad ng ganito. Na para bang sa akin nakadepende ang mundo niya na tipong siya at ako, iisa.

Awtomatikong kumilos ang mga labi ko na para bang may sarili itong buhay at sinagot ang mga halik niya. I answered his kiss without any hesitations.

Naging mas mapusok siya sa ginagawa niya at nararamdaman ko rin ang mga kamay niya na dumadapo sa kung saan-saang parte ng katawan ko. I felt his tongue seeking for the entrance and I let him in. I tasted the alcohol in his mouth and it really turns me on. Napakapit ako sa batok niya ng bigla siyang pumaibabaw sa akin at mas lalo pang lumalim ang paghahalikan naming dalawa.

"A—Axcel." Hindi ko mapigilang masabi ng bumaba ang halik niya sa may leeg ko. Bigla akong nagulat ng may maramdaman akong matigas na bagay na bumabangga sa may hita ko. Nanlaki ang mga mata ko ng rumehistro sa isip ko kung ano ang bagay na 'yon. I can feel it, he is huge. Literally huge!

Muli niya akong hinalikan at sa pagkakataong ito ay itinulak ko na siya. Matino akong babae at alam kong kapag hindi ko pa siya pinigilan. Baka maibigay ko na lang ng wala sa oras ang bagay na ibibigay ko lamang sa lalaking mamahalin ko panghabang buhay.

"Hmmmnn. Ang damot mo naman, parang kiss lang." Bigla niyang sabi pagkatulak ko sa kanya. Yumakap naman siya agad sa akin.

"Nakakainis ka kamo, akala ko kanina tulog ka na." Sabi ko sa kanya. Naramdaman ko na inaamoy niya ang buhok ko.

"Dito ka lang sa tabi ko." Bulong niya sa may tenga ko.

"Nagiging makulit ka kapag nalalasing." Sabi ko sa kanya.

"Hmmmnn. Talaga?" Sabi niya habang patuloy na inaamoy ang buhok ko at nararamdaman ko rin na mabilis niyang binibigyan ng halik ang leeg ko.

"Kahit naman hindi ka lasing, makulit ka pa rin. Papaluin na kita diyan sa pwet, makikita mo." Sabi ko sa kanya. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa at mas lalo pang humigpit ang kanyang pagyakap.

"Makulit ba ako? Parang hindi naman." Sabi pa niya.

"Anong hindi? Makulit ka kaya. Daig mo pa si Francisco sa kakulitan, tapos isip bata ka pa. Kapag ako talaga napuno, hindi na kita papansinin kahit kaylan." Sabi ko sa kanya.

"Di hindi na ako magkukulit, tapos hindi na ako mag-iinom ng marami. Promise ko 'yan sa'yo." Sabi pa niya.

"Dinadaan mo na naman ako sa pagpapacute mo." Sabi ko sa kanya. Tinignan ko ang mukha niya. Nakapikit na ang mga mata niya at kitang-kita ako ang mga mahahaba niyang pilik mata. Libre kong napagmamasdan ang guwapo niyang mukha.

"Hindi naman ako cute." Sabi niya sa akin. Alam kong inaantok na siya at medyo nahimasmasan na siya sa tama ng alak. Siya kasi ang may pinakamaraming nainom pati na rin si Din.

"Axcel, bakit ayaw mong pumasok sa isang seryosong relasyon?" Bigla kong tanong sa kanya. Gusto ko pang matawa sa sarili ko dahil ngayon ko pa siya tinanong ng ganito, ngayong lasing pa siya. Pero kasi sabi nila, mas nagsasabi raw ng totoo ang mga lasing.

"Ayoko, kasi sabi mo dati iiwan mo ako kapag nambabae ako." Sabi niya.

"Bakit? Ayaw mo bang iwan kita?" Tanong ko sa kanya.

"Ayaw ko nga, iiyak nga ako kapag iniwan mo ako." Sagot niya sa akin. Natawa naman ako sa sinabi niya. Lagi niya kasi iyong sinasabi sa tuwing tinatanong ko siya ng ganoon. Na-iiyak siya kapag iniwan ko siya. Sino ba namang lalaki ang iiyak sa harap ng isang babae? Ang mga lalaki pa naman, malihim at mahilig magsarili ng dinaramdam. Pero si Axcel, hindi siya ganoon kapag sa akin na. Lagi niyang sinasabi lahat ng nararamdaman niya. Kapag naiinis siya, nagugutom siya, nagagalit siya, nagtatampo siya, nalulungkot siya o kung ano pa man. Kabisado ko na lahat ng galaw niya at masasabi kong kilalang-kilala ko na si Axcel.

"Iiyak ka ba talaga? Niloloko mo naman ata ako. Sige nga, bukas hindi na ako magpapakita sa'yo, hindi na kita dadalawin dito, hindi na kita ipagluluto, hindi na kita kakausapin at hinding-hindi mo na ako makikita pa kahit kaylan." Sabi ko sa kanya. Nagulat ako ng bigla siyang kumalas sa pag-kakayakap sa akin at umupo na lang bigla sa may kama. Tila ba nagising siya dahil sa sinabi ko. Pinakatitigan niya ako sa mga mata at ganoon din ang ginawa ko sa kanya. I just stared at his serious face.

"Parang tinanggalan mo na rin ako ng buhay sa gagawin mo, Heena." Seryoso niyang sabi. Natatamaan ng liwanag mula sa may bintana ang kanyang mukha kaya kitang-kita ko ang biglang pamumula ng mga mata niya. Walang sabi-sabing niyakap ko siya.

"Matulog ka na, dito lang ako sa tabi mo. Hinding-hindi ako aalis."

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 81.9K 33
Matthew Mark dela Merced, an indomitable NBI agent na takot lang sa isang bagay--ang umasa na naman sa pagmamahal na kahit kailan hindi siya nagawang...
10.5M 188K 36
Nalasing si Lana isang gabi at pagkagising niya ay nasa tabi na siya ng isang lalaki! She slept with a stranger named Dylan Guevarra! What's worst? L...
19.4M 423K 63
Can love truly change the past? #BSS4
63.8K 1.7K 18
| Stonehearts #9 | People see her as a rock of solid power and strength. She isn't easily wavered and never goes down without a fight. Elora Ysabelle...