The Unnoticed

By dcmuch

131K 3.2K 943

(SPG/R-18) ❤️ Owl City Boys Series - 5 ❤️ Julienne Reese Imperial lived independently in the Owl City main. S... More

The Unnoticed
Existence
Linger
Attention
Instagram Famer
He Calls My Name
Playful Friend
Accident
Letting go a Treasure
Hallucination
Mystery
He cried
Surprise
Doctor Imperial
Secret Conversation
Fear
Confrontation
First Date
Our Moment
Greetings
Boss
We are over
Georgina
Fancy Life
Heat
Serious Relationship
Local
An Enemy
Suspect
Who Are You?
Trust Issue
Mang Sito
Truth
Another Hunch
Old Lover
Reunited
Missed Call
Devil is coming
Fake face
Lose each other
Blessings
Special Chapter

More Issues

2.1K 58 13
By dcmuch

I AM LOSING HOPE. Apat na araw na ang nagdaan pero hindi ko mahanap ang istorya ng nakaraan. The Internet can't fill all my questios, until my last card passed through me. Iniiwasan niya ako noon, ngayon lang siya nakalapit muli sa akin. Kung minsan naman ay wala siya rito sa mansion.

"Nasaan po sila Tita Daniella?" Gusto kong manatiling casual kaya hindi ko siya tiningnan. Contemplating my hungriness to know the truth I picked up the teacup and sipped before I glanced with her.

"Nasa bayan, Hija. May inaasikaso kasama si Margot."

"Naku! May ka-date yata si Margot kaya sumasama."

Ngumiti siya nang matapos magsalin ng panibagong tsaa sa aking tasa. Bakas ang paghanga habang minamasdan ako.

"Hindi na yata nagagawi rito ang manliligaw mo, Hija?"

That hurts me. I cleared my throat. "Out of the country po. Doon po talaga siya nakatira dahil naroon ang trabaho niya."

She nodded on that. Nanay Mercy is way younger than my Lola. Gaano na kaya siya katagal na naninilbihan sa amin? Kilala niya kaya ang Daddy ko?

"Si Daddy, hindi po ba ibang lahi siya? Kasundo niyo po ba siya?" Kinailangan kong silipin ang cellphone ko para hindi niya mapansin kung saan patungo ang pakikipag-usap ko sa kanya ngayon.

"Oo naman, Hija. Hindi ako nakapagtapos pero tinutulungan niya akong maunawaan siya. Tsaka matatas at sanay sa tagalog ang papa mo."

Tumango ako. Tumanaw sa malayong kalmadong dagat na abot tanaw ko mula sa veranda. Ang bigat ng dibdib ko. Malinaw din sa aking alaala ang hitsura ni Daddy. He is as gentle as this ocean. Sweet, understanding, and loving, that's how I describe him on my episodes.

"Magkuwento naman po kayo kung paano niya kami inalagaan noon. Gusto ko pong malaman ang mga talent o hilig niya."

"Mahilig siya sa cookies. Gaya mo, ginagaya mo siya noon. O sadyang maka-daddy's girl ka lang. Magaling siyang tumugtog ng piano. Dati pa nga, hindi ka nakakatulog hangga't hindi siya gumagamit noon. Mas gusto mo 'yon kaysa sa mga pangbatang kuwento."

Pumikit ako. Inalala ang hitsura nilang dalawa. Ang aking ina at ama. Kung sana buhay sila at kasama ko ngayon, sana... sana... hindi ako nahihirapan ng ganito.

"Doctor ho ang Daddy ko, hindi ba?"

"Oo. Kaibigan siya ng Uncle Albert mo. Mas matanda nga lang ng ilang taon. Matalino at matulungin ang papa mo, gaya ng mama mo. Kaya nga napagkasunduan nilang gumawa noon ng—"

"Mercidita!"

Sabay kaming napalingon sa bukas na pinto. Ang aking Auntie Daniella ay may hawak na paperbag sa magkabilang kamay nito. Matalim ang titig sa aking kasama, pero nang magawi sa akin ay biglang naging malambot bago ngumiti.

"I brought you a new set of gowns. Next week before we go out of town we will attend a major ball in Beaufort. You choose between this, hurry! I will check which one you like then I will arranged your accessories and shoes."

Kumurap-kurap ako at tumango. Sinulyapan si Nanay Mercy na biglang naging abala. Itinabi ko ang laptop sa gilid at kinuha ang mga paperbag.

"Si Margot po ba, kasama rin?"

"Of course, Julienne. Oo nga pala, madalas ko kayong makita ng binatang anak ng Augustos? Manliligaw mo ba siya?"

"Naku! Hindi ho!"

Tumawa ito. Lumapit at isinalin sa kamay ko ang dalang mga paperbag. Hinawakan ang aking braso at dinala sa loob ng kuwarto ko. "Nasa tamang edad ka na at matanda na kami ng mga Tito mo. Kayo ni Margot, kahit mag-asawa ng maaga, okay lang. Basta kaya kayong buhayin at mahal niyo."

Sinara niya ang pinto at naiwan akong mag-isa sa walk-in closet. Dahil sa mga sinabi niya, sumagi sa isip ko si Frank. Nagawa na namin ang lahat ng ginagawa ng dalawang nagmamahalan. Sinabi ko rin sa kanya ng ilang beses kung gaano ko siya kagusto, ganoon din siya sa akin. Noon 'yon, hindi na ngayon. Ang buong nararamdaman ko sa kanya ngayon ay poot at galit. Wala akong hinahangad sa kanya kung hindi ang paghigantihan. Hindi sapat ang nalaman ko tungkol sa magulang niya, dahil sagad ang sakit sa puso ko ang ginawa niya noon.

Pinagkatiwalaan ko siya, pero sinira niya.

Umiling ako at kinuha ang unang paperbag sa gilid. It's a yellow one sided shoulder dress with a long slit on the side. The second one is too nude and conservative. Kabaligtaran naman ng pangatlo at pang-apat, over decoration. Ayaw ko ng mga sequence, masyadong exaggerated kaya nagmukhang cheap. Kahit pa nakita ko ang brand name nagsusumigaw.

Pinili ko ang dilaw. Bitbit ko 'yon sa veranda nang maabutan ko si Auntie na nakaharap sa laptop ko. Wala na si Nanay Mercy.

"Nakapili ka na?"

Tumango ako. Pinakita ang paperbag na napili ko.

She smiled widely and stood up. "Great! I'll just prepare the rest. You and Margot can relax."

Paalis na sana siya nang magsalita ako, "Akala ko po nasa Bayan kayo ngayon."

From her shoulder she glanced at me. "Uh huh!" Inalog niya ang hawak na mga paperbag. "Nakuha ko 'to ng maaga, kaya maaga rin ako nakabalik."

"Gano'n po ba? Ano po palang party ang pupuntahan natin?"

"It's your Uncle Jonathan's Alumni."

Bakit kailangan ko pang sumama? "Sige po. Salamat sa gown na 'to, Tita Daniella."

She nodded before gracing out of my sight. I heaved a long sigh. Sayang, hindi na natuloy ni Nanay Mercy ang sinasabi niya. Ano nga kaya ang ginawa ni Daddy? May kinakalaman kaya 'yon sa pagkawala ng mga bata noon? Bakit tinawag na kulto sila mama?

My attention drifted on my laptop. I got shocked when I noticed where the cursor being pointed. It's with Nanay Mercy. My last card!

Sumulyap ako sa pintong nilabasan ni Auntie.

Did she saw this?

Nang gabi ay isinama ako ni Margot sa mansion ng Montmeyer. Umalis ulit si Auntie, isinama naman ni Uncle Albert si Lola sa Owl City. Si Calum Villa-Real ang sumundo sa amin.

Hindi sana ako sasama kung hindi kay Margerine. "Sa Friday pa uuwi si Kuya. Sising-sisi nga siya na wala ngayon. Kung alam niya lang na sasama ka, umuwi sana siya ng maaga."

That draw my attention. Nagtagal ang titig ko sa kanya. Hindi lingid sa akin ang pinapahiwatig ng magpinsang Clifford at Calum. Noong party palang ramdam ko na ang lagkit ng mga titig nila sa akin. Clifford is a boy next door model while Calum had the foreign physique, though they both had the totoy effect with me. Kaedad ko sila, bagay na dapat ay kapalagayan ko ng loob. Kaso hindi ko alam sa sarili ko, wala talagang dating.

"Magkikita naman kami bukas. Hindi ba't bukas na ang hiking?"

"Oo nga. Nakahanda na ba ang gamit mo?"

Tumango ako. Sinulyapan si Margot sa kabilang mesa na nakadantay ang ulo sa balikat ni Montmeyer. Nahuli ng binata na nakatingin ako kaya tinuro ako sa kausap na si Calum.

Umiwas ako nang tingin. "Si Margot ang naghanda para sa akin." Luminga ako sa kabahayan. "Bukod sa akin, wala ka na bang kaibigan na kilala ko?"

"Kaibigan ko na kilala mo? Wala. Hindi ka kasi friendly noon. Pero may kaibigan kang kilala ko."

I scratched my eyes and pretended casual. "Sino?"

"Si Frank. Hindi ko alam kung paano mo siya naging kaibigan, samantalang hindi maganda ang unang paghaharap niyo. Hindi ko rin siya bet. Kaaway siya. Kalaban."

Sabi ko na nga ba!

Umayos siya sa pagkakaupo at tuluyang humarap sa akin. "Sabay kayong nawala. Hindi ko na alam kung nasaan na ang lalaking 'yon. It's good that he is gone, though. I don't like him for you."

"Masama ba siyang tao? Paanong nawala? Ano bang nangyari noon?"

Umirap siya sa kawalan. "Si Mang Sito ang nagkalat ng balitang anak ng mga Santos ang pumatay sa pamilya mo. Wala kami rito nang mawala kayo. Dinala kami nila Mommy sa ibang bansa para magtapos ng elementary. Crush ka na ni kuya noon pa, kaya sa kanya ko nalalaman ang balita sa'yo. Kinukulit niya si Mommy. Kaya nang malaman niyang wala ka na, nalungkot siya. Nag-iiyak. Gustong umuwi noon. Kaso nagalit si Daddy at pinutol ang communication sa amin. Hanggang doon lang ang alam ko. Hindi ko alam kung paano ka nawala. Kung anong nangyari noon.

"Nagtataka nga ako kung bakit aksidente ang pinapalabas ng mga tao sa pagkawala ng pamilya mo. Samantalang ang alam namin ni kuya, pinatay kayo ng anak ng Santos. Si Frank Santos ang pumatay sa pamilya mo."

Natulala ako sa kahoy na mesa. Gusto kong makausap ang magulang nila Margerine.

"Can I talk your parents?"

"Sinubukan namin ni Kuya kausapin sila noong bumisita ang lola mo. Kaso nag-away si Daddy at kuya. Si Mommy naman ay inatake sa puso."

Bumilog ang mata ko. "Nag-away ang Daddy at kuya mo?"

"Oo. Gaya mo, kaming dalawa ni kuya ay gusto rin malaman ang totoong nangyari noon. Kaso... gaya ni Donya Veronica, wala na kaming mapagtatanungan. Mas maraming nakatira rito ngayon sa Mercasa na dayuhan. Namatay na ang ilan sa mga local. Ang iba ay umalis. Hindi namin alam kung paano nangyari 'yon. Nang malaman namin na nahanap ka, excited kaming magtanong. 'Yon nga lang, wala ka raw matandaan."

Napaahon ako sa pagkakasandal sa upuan. Bahagyang lumapit at bumulong, "Sino si Mang Sito?"

"Kalaban 'yon ni Daddy sa pagka-vice. Partido ng mga Santos. O, kuya?"

Napalingon ako kay Calum. Nagpasalamat ng ibigay sa akin ang isa sa dalang stick ng barbecue. "Ang seryoso niyong dalawa rito."

"Excited lang para bukas," sagot ni Margerine.

"Don't tell me you are a first timer, Juls."

Nagtagal ang titig ko kay Margerine. Nabitin ako sa gusto kong malaman. Bukas. Bukas ko siya ulit kakausapin. Bumaling ako kay Calum. "No, third time. Pero mas malaki ang Mt. Peru."

"Don't worry. Kasama mo kami, hindi ka mapapahamak."

Tumango nalang ako at nakiayon sa kuwento. Kung hindi sa cellphone ay kay Margerine ako titingin. Gusto kong maramdaman niyang may gusto akong sabihin, itanong at malaman pa. Pero nawalan na akong ng pag-asa ng mag-ayaang selfie sa pangunguna ng pinsan ko.

"Tingnan mo. Ang daming hearts."

"Babe, sikat kasi si Juls," said Montmeyer, before he glanced at me. "Oo nga pala, bakit Cielo ang name mo sa IG?"

Speaking. Papalitan ko na rin pala 'yan. "Screen name."

"Mas bagay sa'yo ang Georgina o Julienne," Margerine suggested.

Napasulyap ako kay Calum at nahuling nakatitig ito sa akin. He cleared his throat and pretended busy on his phone. Napa-check din ako nang may pumasok na bagong notification. Frank leave a comment on Margot's newly post picture.

FrankAldrich: My baby is real damn beautiful.

"Hindi ba't itong si Frank ay CEO ng Lazarde?"

Iniwasan kong huwag tingnan si Margerine dahil sa sinabi niya. Ang bilis ng pintig ng puso ko. Sa isang iglap, parang naubos ang hangin sa paligid. Ramdam kong may alam sila kung sino ang tinutukoy ni Frank. I could feel Calum's sad gaze to me.

"Oo. My Dad is interested with them. That man is in your birthday, cousin."

"OMG! Nagpalit siya ng profile picture."

Nahigit ko ang aking hininga. Napatingin ako kay Calum na titig na titig sa screen niya, bago sa iba pa naming kasama. Margot and Montmeyer gave me their usual gaze, while Margerine is unstable.

Pinalitan ni Frank ng picture ko ang profile picture niya!

Bumuntong hininga ako. Hindi ko alam kung anong gustong patunayan ni Frank. Dahil ba nakaakbay sa akin si Calum sa larawan o dahil lalo niya akong ginagalit?

"Boyfriend ng pinsan ko ang CEO ng Lazarde," Margot answered for me.

Umawang ang labi ni Margerine. Gaya ni Montmeyer na nabigla rin, dalawang beses na sumulyap kay Calum bago nagtagal sa akin. He shoved the beer on our table and let out a weird laughed. "Tonight, two hearts will be broken. Damn!"

Tumayo ako. "Uuwi na kami. See you tomorrow guys." Bago pa man makapagreklamo si Margot ay hinila ko na siya.

"Ihahatid na namin kayo," saad ni Calum.

Sumama si Montmeyer at Margerine sa paghatid sa amin. Nagpapasalamat ako sa kadaldalan ng pinsan ko dahil hindi na muling nahungkat ang naunang topic. Pero bakas kay Calum ang maraming katanungan na kailanman hindi ko sasagutin habang nakatingin sa akin.

Nang gabing 'yon ay inabala ko ang aking sarili sa pag-aayos. Tinanggal ko ang ilan sa mga girly stuff na nilagay ni Margot. Habang ginagawa ko 'yon ay kausap ko si Lapeetah. Sinabi ko sa kanyang pupunta ako sa states. Hindi ko na sinabi ang tungkol sa totoong dahilan at iba pang sikreto ko.

"I can't wait to see you, though."

Sa tagal ng usapan namin, hindi rin agad ako nakatulog. Inuulan ng messages ang phone ko nila Clifford, Calum, Frank, Jasmine at Gatus, pero isa roon ay hindi ko sinilip. May panaka-nakang tawag kaya naabala ang dapat ay pagtulog ko. Kinabukasan ay madaling araw kami gumising. Antok na antok ako, kabaligtaran ni Margot na energetic.

"Handy tent, check. Water, check. Off lotion, check."

"Margot, tanggalin mo na 'yang lotion. Hindi mo kailangan niyan!"

"Shut up, cousin. This is sun block. We needed this."

Huminga ako nang malalim. Inayos ang tent na para sa amin.

Huminto siya. Nakapamaywang na tinitigan ang mga gamit niya. "Kompleto na siguro 'to. By the way, sa tent ni Brix ako matutulog. Magtabi nalang kayo ni Margerine."

What? Bahala ka!

Sinuot ko ang malaking bag. Napangiti nang pumasok si Lola sa pinto. Lumapit agad ako sa kanya at nagmano.

"Kaawaan ka ng poong maykapal. Ngayon ba ang lakad niyo?"

Mukha siyang nanghihina. Dapat ay nanatili na lamang siya sa Hospital ng ilang araw pa para magpagaling. "Opo, La."

"Mag-iingat kayo at huwag maghihiwalay."

Auntie Daniella appeared on her back together with Uncle Jonathan and Uncle Albert. They gave us a few reminders before they let us ride on the van that will bring us on the Augustus mansion.

Handa na ang lahat. Lahat ng kalalakihan ay maliliit ang backpack, nagpabigat lang sa dalahin nila ay mga tent. Pinagsasabihan ni Montmeyer si Margot na bawasan ang gamit dahil siya lang naman ang may pinakamalaking backpack. Sa huli, nagpalit sila ng bag.

Lulan kami ng Dmax ni Calum. Nasa tabi ako ng bintana, sa kaliwa ko si Margerine katabi niya naman si Clifford. Sa likod ay ang mag-syota. Driver si Calum pansamantala pero kapalitan si Clifford at Montmeyer. Sa passenger seat ang nakatatandang kapatid ng una na si Jody na siyang magiging leader ng aming pack.

Sobrang antok na antok ako kaya nakatulog ako buong byahe. Nagising na lamang nang mag-stop over. I wasn't on the mood. I'm still sleepy when I jumped out of the car and saw who they are looking at.

Frank together with Sander and two unknown gentlemen friends were chilling out on the same restaurant where we are going to stay for quite some time.

Those sharp blue eyes were bored unto me. Especially with Clifford who is now very concern with me.

"May tatlong oras pa tayo. CR ka muna."

"Uh, okay."

Sumunod ako kay Margerine. Bago kami lumiko ay sumulyap ako kay Frank.

Anong ginagawa nila rito?

Continue Reading

You'll Also Like

86.3K 2.5K 54
Viviana "Vivi" Nepomuceno. 29. NBSB. Dahil sa galit ng madrasta labing-tatlong taon nang nakakaraan, sinumpa nito si Vivi na hinding-hindi siya magka...
1.2M 36.5K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
1.2K 684 20
Allysteine Ferrow Williams, a girl who only wants one thing in her life, happiness. She was struggling in her entire 19 years life. Everything in her...
81.8K 2.4K 49
"I own you now, because what the Queen wants ... the queen gets!"