Close Your Eyes, Ciem

By TianaVianne

148K 5.6K 2.6K

|| Published under PSICOM || Ciem suffers from a chronic and irrational fear of sleep. She stays awake as lon... More

Published under PSICOM
Close Your Eyes, Ciem
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Epilogue
Special Chapter

Chapter Ten

3.4K 160 49
By TianaVianne

#CYECChapter10


"MOM'S inviting you this coming weekend. Birthday kasi ni Dad," saad niya habang nilalagyan ng vegetable salad 'yong plate ko. Alam niya kasing madalang ako kumain ng gulay at nakadepende pa iyon sa mood ko.

Nakita niya ang pag-aalinlangan sa mukha ko kaya nagsalita ulit siya. "You can bring your friends with you, if you want."

"Friends?"

"Workmates, sorry. 'Di ka nga pala friendly," pagbibiro niya kaya natawa ako.

"Okay, I'll ask them to come with me. Gusto ko rin kasi talagang makita sila Tito. Sobrang miss ko na sila. Kaso nahihiya akong pumuntang mag-isa. Baka akalain nila tayo na ulit."

Napataas ang kilay niya at tumango-tango para sumang-ayon sa 'kin.

"Wala ka bang pasok ngayon? Bakit pinuntahan mo 'ko dito? Malayo 'tong lugar namin sa inyo ah?"

"Wala akong klase 'pag Monday. Why would I go see you kung may klase ako? E'di nagalit ka pa sa 'kin," umiiling na sabi niya kaya napangiti ako. Now he knows his priority, and I'm glad about it.

Pagkabalik namin sa bookstore, bumungad sa 'kin si Chas na may mapanuksong tingin. Si Sandro naman ay abala sa trabaho, at si Hope naman ay wala na. Nakaalis na siguro. 1PM na rin kasi.

"See you this weekend?" nakangiting sabi ni Adam at agad akong tumango.

"I'll be there. I promise," sagot ko saka ko siya hinalikan sa pisngi. "Ingat, Adam."

Natawa ako ng mahina nang makita ko kung paanong mabilis na namula ang mga pisngi ni Adam dahil sa ginawa ko.

No'ng umalis si Adam ay naging abala na ulit ako sa trabaho. Si Chas ay maya't maya akong kinukulit kung sino si Adam, kaya napakuwento tuloy ako ng konti sa kanya tungkol kay Adam at kung sino siya sa buhay ko.

No'ng magsasara na kami ng bookstore ay sinabi ko rin sa kanila na iniimbita rin sila ni Adam na sumama this weekend. No'ng una ay ayaw ni Sandro, pero dahil mapilit si Chas ay nagawa niyang mapapayag si Sandro.

Lumipas ang weekdays na gano'n lang ulit ang nangyari. Pumapasok ako sa trabaho nang walang kahit na ilang oras na tulog. Nanghihina na rin ako minsan pero bumabawi na lang ako sa pagkain ng tama. Sa pagkain, tubig, at vitamins na lang talaga ako nakakakuha ng lakas. No'ng nakaraang Wednesday naman ay kahit papaano nakaidlip ako. 'Yon nga lang, grabe na naman ang iyak ko no'ng magising ako dahil nalaman kong nakatulog ako. I really hate the thought of it. Kahit tapos na akong matulog, takot na takot pa rin ako na nakatulog ako.

Pagsapit ng Sabado ng hapon ay si Hope ang sumundo sa 'min nila Chas. Sinama rin pala ni Chas si Hope para naman daw hindi lang ako ang may Adam. Minsan ang sarap takpan ng unan ni Chas sa mukha, eh.

Buong biyahe namin ay puro kuwentuhan lang nina Chas at Hope ang tanging naririnig namin ni Sandro. Tahimik lang kasi kami ni Sandro at madalang dumaldal, pero may mga oras naman na nagsasalita talaga kami ni Sandro.

Habang nakaupo ako sa likuran ni Hope ay bahagya akong pumagitna sa kanila ni Chas para ituro sa kanya ang direksyon pagkapasok na pagkapasok namin sa Vera City. Malawak kasi ang Vera City at medyo maraming pasikot-sikot bago makarating sa bahay nila Adam kaya ako na mismo ang nagturo ng direksyon kay Hope para 'di na kami maligaw o mataglan.

Nang sa wakas ay makarating kami sa tapat ng bahay nila Adam, pinarada ni Hope ang sasakyan niya sa gilid.

"I missed this place," nakangiting sabi ko habang nakatingin sa malaking bahay nila Adam.

"Kailan ba huling punta mo dito?" tanong ni Sandro.

"No'ng naghiwalay kami," sagot ko. "And that was six years ago," dagdag ko pa.

"Grabe! Six years na kayong hiwalay tapos nagkita ulit kayo? Destiny 'yon, girl!" kinikilig na sabi ni Chas kaya natawa ako at napailing. "Nagkataon lang."

Pagkababa namin ng sasakyan, ang sumalubong sa 'min ay ang kapatid ni Adam na si Adlei. Bakas sa mukha niya ang saya nang makita niya ako at saka niya ako niyakap ng mahigpit.

"I missed you so much, Ate Ciem," maluha-luhang sabi niya no'ng kumalas ako sa yakap. I flashed her a genuine smile and kissed her on her cheek. "Now I'm here, Adlei."

She was like a little sister to me. Sobrang close kami ni Adlei noon, to the point na kapag makikipag-date siya, kailangan ay kasama ako para makatakas siya kay Adam. Hindi kasi siya pinapayagan ni Adam na mag-boyfriend that time. Isang taon lang naman ang tanda ko kay Adlei, pero gustong-gusto niya akong tinatawag na Ate kahit Adam lang ang tawag niya sa Kuya niya. Eh, magkaedad lang kami ni Adam. Palihim akong natawa nang maalala ko 'yon. Pasaway talaga si Adlei.

"Hi po," bati ni Adlei sa mga kasama ko at nakipagbeso naman sa kanya si Chas.

"Tara, pasok kayo. Nandoon sila sa loob, nag-aayos pa lang."

"Marami kayong bisita?" tanong ko.

"Hindi. Kayo lang. Ayaw na ni Dad nang magarbong party kasi napakarami daw tao. Alam mo na, tumatanda na si Dad." She chuckled.

My lips curved into smile and nodded. Dati kasi tuwing may okasyon dito sa bahay nila, palaging kasama ang mga kamag-anak nila. Halos buong angkan talaga nila. Buti na lang ay kami-kami lang ang bisita nila ngayon. Ayaw ko rin kasing nakikihalubilo sa napakaraming tao.

"Si Adam?" tanong ko habang naglalakad kami papasok sa bahay nila. Bago kasi makapasok sa bahay nila ay dadaan muna talaga kami sa malawak nilang garden.

"Tulog pa, Ate. Nag-memorize 'yon ng provisions and he's preparing for their recit kaya halos walang tulog," she said, opening the door for us.

"Thanks," sambit ni Sandro at nginitian naman siya ni Adlei.

Natahimik ako no'ng mabanggit sa 'kin ni Adlei na naging abala talaga si Adam sa pag-aaral. Mukhang pagod na pagod na si Adam, pero alam ko namang masaya siya sa ginagawa niya. Becoming a lawyer has always been his dream.

Pagpasok namin sa bahay nila ay nadatnan namin si Tito na nagbabasa ng diyaryo sa sala. Napaangat sa 'min ang tingin niya at agad na nagliwanag ang mukha niya nang makita niya ako.

"Hon, they're here!" Tito Adiestre called his wife. I bet she's cooking lunch for us all. Siya kasi ang palaging nagluluto dito kahit may mga katulong naman sila na puwedeng magluto. At tama nga ako, natanaw ko na si Tita Mirred na nagmamadaling lumapit sa 'min habang nakasuot pa ng apron.

Lumapit din sa 'min si Tito at hinalikan ako sa pisngi. "Finally, nakita ka rin namin ulit, Ciem," nakangiting sabi ni Tito. Bumaling siya sa mga kasama ko at nakipagkamay sa kanila.

"Happy birthday po," bati sa kanya ni Hope at sinundan naman ni Chas at Sandro ang bati ni Hope kay Tito.

"Thank you. Thank you," nakangiting sagot ni Tito Adiestre sa kanila.

"It's been a long time, gorgeous," bati sa 'kin ni Tita Mirred at paulit-ulti akong hinalikan sa pisngi kaya natawa ako.

"Miss na miss ako, tita, ah," pang-aasar ko kaya nagtawanan silang lahat bukod kila Hope at Sandro na tahimik lang. 'Di tulad ni Sandro na kahit papaano ay ngumingiti, si Hope ay nananatiling seryoso lang ang mukha. Hindi pa siguro niya nakikita 'yong sarili niya ngayong araw kaya wala siya sa mood. Gan'yan 'yan, eh. Sa salamin niya nakukuha energy niya.

"I'll call Adam, wait here," paalam sa 'min ni Adlei pero agad ko siyang pinigilan.

"No. Let him sleep, Lei. Babangon naman 'yon kapag gising na," nakangiting sabi ko kaya tumango si Adlei at inasikaso ang mga kasama ko. Hinayaan ko siyang ipasyal sila Chas sa buong bahay nila.

Sobrang friendly kasi ni Adlei kaya talagang madali sa kanya ang maka-close lahat ng tao.

"Tapusin ko lang 'yong niluluto ko," paalam sa 'kin ni Tita kaya tumango ako at naiwan naman kaming dalawa ni Tito dito sa sala.

Umupo ako sa katapat na couch ni Tito at pinagmasdan ko siya. Tumatanda na nga si Tito. Nagiging puti na ang ilan sa buhok niya, pati ang bigote niya ay nagiging puti na rin.

"My son told us how you guys met again. Pinag-aadya talaga ng tadhana na magtagpo ulit 'yong landas niyo," nakangiting sabi niya. He has always been a good father to Adlei and Adam, pati na rin sa 'kin. Kung gaano siya kabuti sa mga anak niya ay tinrato niya rin ko na parang anak niya na. Gano'n sila ni Tita Mirred sa 'kin.

Ngumiti ako pabalik. "I didn't expect to see him again. Pero natuwa rin talaga ako no'ng nakita ko siya."

"Who wouldn't? You both were so perfect for each other. Kaya no'ng nagkita ulit kayo, kakaiba pa rin sa pakiramdam. 'Di ba?" makahulugang sabi niya.

"I know my son is still in love with you. And I'm hoping that you still feel the same way too, Ciem."

Ngumiti lang ako at tumitig kay Tito. "Marami na po kasing nangyari simula no'ng maghiwalay kami. Kaya hindi ko na rin po alam kung ano'ng nararamdaman ko ngayon. But yes, Tito, of course. My love for Adam will never go away. He will always be special to me."

"We also heard about your parents. Kay Adam lang namin nalaman. I'm really sorry, Ciem."

Umiling ako. "You don't have to apologize, Tito. Not telling you about what happened was my choice."

Pagkatapos naming pag-usapan ang tungkol sa nangyari sa mga magulang ko ay napag-usapan naman namin ang mga nangyari sa pamilya nila nitong mga nakaraang taon. Ngayon ko lang nalaman na naputulan na pala ng paa si Tito at artificial leg na lang ang sumusuporta sa kanya para makalakad. Hindi ko iyon napansin kanina kasi mahaba ang suot ni Tito sa pambaba niya at natatakpan 'yong artificial leg niya.

Tinanong ko siya kung bakit humantong sa gano'n ang sitwasyon niya, pero ngumiti lang siya at iniba na ang usapan. Mukhang ayaw niyang pag-usapan ang nangyari kaya nirespeto ko na lang iyon at hinayaan siyang magkuwento ng iba pang mga bagay.

Maya-maya lang ay dumating na sina Adlei kasama si Sandro pero napansin kong hindi nila kasama si Hope at Chas.

"Nasa'n sila?" tanong ko sa kanila.

"Si Hope, nando'n malapit sa pool area, nakikipaglaro sa mga aso. Si Chas, nag-CR," sagot ni Sandro at tumango naman ako. Nagpaalam ako saglit kay Tito at nagpunta muna sa CR para silipin kung nando'n nga si Chas.

Pagkaliko ko sa may kanto ay natigilan ako sa paglakad. Nandoon si Chas, nakatayo sa harapan ng malaking salamin sa may dulo ng hallway. Hindi niya napansin ang presensya ko dahil abala siyang pagmasdan ang sarili niya sa salamin. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya, pero ang weird niyang panoorin. Kung ano-anong reaksyon ang sinubukan niyang ipakita habang nakaharap siya sa salamin. No'ng una, pinagmukha niyang galit ang sarili niya. Tapos bigla siyang ngumiti, at gayang gaya niya 'yong ngiti ni Sandro. Sigurado akong gano'n ngumiti si Sandro. Napailing na lang ako.

"Crush mo ba si Sandro?" tanong ko sa kanya. Nakakapagtaka lang na hindi siya nagulat sa biglaang pagsasalita ko. Bigla na lang naglaho lahat ng emosyon sa mukha niya at dahan-dahan siyang lumingon sa 'kin.

"Hindi ah," sagot niya sa 'kin. "Balik na 'ko doon. Sunod ka na lang," nakangiting paalam niya sa 'kin at tumango naman ako.

Nako, hindi siya puwedeng magkagusto kay Sandro.

Pagkatapos kong mag-CR ay nagpunta naman ako malapit sa pool area. Nadatnan ko si Hope na nakikipaglaro sa malalaking aso nila Adam, at kung ano mang tawag doon ay hindi ko alam. Hindi naman ako mahilig sa aso at wala akong sapat na kaalaman tungkol do'n.

Maliwanag ang mukha niya at bakas talaga ang saya sa mga mata niya habang nakikipaglaro do'n sa mga aso.

Ngayon ko lang siya nakitang ganiyang ngumiti.

Naalala ko tuloy 'yong kaibigan kong si Calizo sa kanya. Mahilig din si Calizo sa mga aso at palagi iyong may dalang aso tuwing mapapasyal siya dati sa high school department.

Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Hope na natayo na pala mismo sa harapan ko at nakatingin sa 'kin.

"Looking for me?" tanong niya.

"Yeah. Pasok ka na sa loob, tapos na yatang magluto si Tita at kakain na tayo."

"Okay," tanging sagot niya saka niya ako sinabayan pabalik sa loob ng bahay.

"Hindi ko alam na mahilig ka pala sa aso."

"Now you know," saad niya. "A dog's actually a man's bestfriend," dagdag pa niya kaya napataas ang kilay ko.

Iyan din ang sinabi ni Calizo noon sa 'kin no'ng tinanong ko siya kung bakit siya mahilig sa aso. Natawa tuloy ako at napailing.

"What's so funny?" kunotnoong tanong sa 'kin ni Hope pero umiling lang ulit ako.

"Wala. You just reminded me of someone."

"Sino? May ex ka pa bukod kay Adam?"

"Sira! Wala!"

Lokong 'to. Ano namang akala niya sa 'kin?

Nasira na naman tuloy ang mood ko.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 92.5K 43
SIS (Social Issue Series) #4: Bullying They say that beauty is a luxury. That good looks is the only privilege that matters. That the world is only...
1.5M 52.3K 63
|| Published under PSICOM || After the plane crash incident, her brother went missing. Ever since that day, Blossom Prim Sasaki spent her entire life...
45.2K 1.4K 13
Just like a puzzle, our love story is so confusing and complicated |©2015 _ Cover made through CANVA
33.1K 984 99
an epistolary . . . Karma is her boyfriend. She's searching for someone, without her knowing that her stalker is her 'the one'. ─────────────── Star...