When the Princess in Disguise...

By ExceptionalReasons

1.3M 14.3K 312

What will happen if the Princess in Disguise meets the Arrogant Prince and they are the opposite of each othe... More

When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince
Chapter 1: She meets him
Chapter 2: Meeting him again
Chapter 3: Confrontation
Chapter 4: Wake up Czarina
Chapter 5: The Phone Conversation
Chapter 6: First day of work with my Arrogant Boss
Chapter 6.1: The continuation
Chapter 7: A new friend of mine
Chapter 8: Employer - Employee Date
Chapter 9: Consequence
Chapter 10: She reminds me of her
Chapter 11: Face Your Consequence
Chapter 11.1: Face Your Consequence II
Chapter 12: Sorry - Get lost
Chapter 13: A Special Presentation
Chapter 14: Don't mess up with my Girlfriend
Chapter 15: I smell something fishy
Chapter 16: Your consequence is now over
Chapter 17: Mr. Arrogant turns to be Mr. Sungit - Cold
Chapter 18: She's unpredictable
Chapter 19: Birthday Gift
Chapter 20: Like or Love?
Chapter 21: Insecurities
Chapter 22: Decision
Chapter 23: Shaomei's POV
Chapter 24: Resignation letter
Chapter 25: Going Home
Chapter 26: Missing you
Chapter 27: Meet my Sister
Chapter 28: I'm Jealous
Chapter 29: I'm courting you
Chapter 30: Will you be my Infinity?
Chapter 31: They already know
Chapter 32: Meet your Fiancee
Chapter 33: I still love you
Chapter 34: Our Second and Last monthsary
Chapter 35: My past is back, My present is gone
Chapter 36: The Debutante
Chapter 37: We both need time
Chapter 38: One week after
Chapter 40: She's Pregnant

Chapter 39: New Comer

16.7K 244 9
By ExceptionalReasons

Czarina's POV

Isang linggo na ang nakalipas simula nung nag-papansinan na ulit kami ni Jaeger. At sa loob ng isang linggong yun masaya ako, sobrang saya ko kaso nga lang... May sakit pa rin akong nararamdaman sa puso ko. Ang hirap pa lang mag-panggap. Kaya naman sumasaludo ako sa characters na nababasa ko na nag-papanggap na okay sila pero ang totoo ay hindi.




"Oi! Pikon na Pagong, anong iniisip mo?" wika ni Jaeger.


"Wala. Naiinip lang ako. Ang tagal kasi nila Shao."


"Oh! Ayan na pala sila Irish at si... Acosta."


"Czarie! Sorry!" 


"Okay lang Rish. Sanay na naman ako na lagi kang late."


"No. Not that one. Sorry because we can't join you. Gabe and I will be having a date."


"Alam na ba ito nila Shao?"


"Yep. Alam na nila. Besides pinapasabi rin nila na hindi rin sila makakarating kasi nag-karoon daw ng emergency."


"Ano?! Pa-plano plano pa kayo hindi rin naman pala matutuloy." Naiinis na wika ko sa dalawa.


"Czar, sorry. Ngayon ko lang kasi naalala na ngayon pala ako nag-pareserve sa restaurant para sa date namin ni Rish."


"Oh, siya! Sige... Umalis na kayo at baka mamaya ay pigilan ko pa kayo."




Dali-daling umalis si Gabe at si Irish at naiwan kami ni Jaeger.




"Pano ba yan, tayo na lang?"


"Oo nga eh. Wala na rin akong choice."



Narinig kong tumunog ang cell phone ko sa bag kaya kinuha ko ito. Agad kong sinagot ang tumatawag without checking kung sino iyon.




"Hello? G-gino? Ikaw ba yan? Wahh! Ikaw nga! Kailan ka pa dumating? Ngayon lang? Nasan ka? Oh? Sige, sige, pupuntahan kita. Na-miss kita... Oh, siya! Papunta na ako."




Habang nakikipag-usap ako ay napansin kong tumabi sa akin si Jaeger. 




Pinindot ko na ang end call at ibinalik ang cell phone ko sa bag. "Bakit? May kailangan ka?"


"Ahh... W-wala. A-ano... S-sino yun?"


"Ahh. Si Gino. Isang special na tao sa akin." Nakangiti kong pahayag sa kanya.


"Mas special ba siya kdzshahdjsh----" 



Bumulong si Jaeger ngunit hindi gaanng malinaw ang sinabi niya.




"Ano? May sinasabi ka?"


"Wala. Ang sabi ko ihahatid na kita."


"Nakikinig ka ba sa usapan namin?"


"Hindi ko sinasadya na marinig ang boses mo. Sadyang nakalunok ka lang talaga ng megaphone kaya napakalakas ng boses mo."


"Yabang! Psh! Kahita kailan ka talaga napaka---- Psh! Punta tayo sa Airport. Nandoon na siya." Niirita man ay kailangan kong maging mabait sa mokong na ito. Kanina pa nasa Airport si Gino. Wala akong ibang way na nakikita para mabilis makarating sa Airport kung hindi ang driving skills ni Jaeger.




Sumakay na ako sa kotse ni Jaeger at isang oras mahigit ang nakalipas ay nakarating na rin kami sa Airport.




"Nasan na kaya yun?"


"Bakit ka ba atat na makita siya?" 




Sa halip na sagutin ay tangin pag-irap lang ansg binigay ko sa kanya. Kanina pa siya ganyan. Panay ang tanong kay Gino.  Nakakainis.




"Marie!!"




Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses kaya lumingon na rin si Jaeger. Nakita namin ang isang lalaki na nakasuot ng coat at naka pants na palapit sa amin.




"Gino!"




Tumakbo si Gino papunta sa amin at agad akong niyakap.




"How are you my Princess Marie?"


"I'm fine. Hey, wait... Bakit hindi ka nakapang-disguise? Baka pag-kaguluhan ka dito."


"May mga security naman dito eh. Kaya na nila akong protektahan."


"Bakit ka nadalaw dito?"


"Projects."


"Oh... projects? May gagawin ka bang movie rito or photo-shoots?"


"Oo. Alam mo naman ako Princess Marie.... Maraming kumukuha sa akin para lang i-endorse yung products nila."


"Ikaw ba talaga si Gino Dela Vega?"


"Ako nga 'to My Princess Marie. Teka... May kasama ka ba?" Nilingon ni Gino ang katabi ko dahilan upang maalala kong may kasama nga pala ako.


"Ay! Oo nga pala... Nakalimutan ko siyang ipakilala." Napakamot ako sa ulo ko. Tiningnan ko si Jaeger at mababakas mo sa mukha niya ang inis.


"Jaeger, si Gino, ang taong espesyal sa buhay ko. Gino si Jaeger... Ahmm... Ano..."


"Boyfriend niya." pag-papakilala ni Jaeger.


"May boyfriend ka na My Princess?" hindi makapaniwala si Gino sa sinabi ni Jaeger.


"Correction, EX. 'EX BOYFRIEND'. Kaibigan ko na lang siya ngayon." Pag-lilinaw ko.


"Ex?!" Muling tanong sa akin ni Gino.


"Yeah. He was my boyfriend."


"Bakit kayo nag-hiwalay?" tanong ni Gino.




Alam kong wala akong lihim na maitatago kay Gino. Pero hindi magandang sagutin ang tanong niya ngayon lalo na at kasama ko si Jaeger. Baka may magawa siya kay Jaeger na hindi maganda.




"Wahh! Si Gino Dela Vega!" sigaw ng isang babaeng nakatayo sa harap naming tatlo.


Pinanlakihan ko ng mata si Gino at tinuro ang babaeng nakakita sa kanya. "Ahmm... Gino... I think we have to go." 


"Wahh! Prince Jaeger is also there. Kyah! Ang popogi!"


"Tutunganga na lang ba kayong dalawa diyan at mag-papadumog o aalis na tayo?" Nawawalan na ako ng pasensya.


"I think we have to go. Come on My Princess Marie." Hinatak ni Gino ang braso ko at nag-simula na kaming mag-lakad ng mabilis.


"Tss! Your Princess Marie? Ang sagwang pakinggan." 



Napalingon ako kay Jaeger na katabi na rin namin. Ano ba ang nakain ng taong ito? Kanina pa siya nakabusangot diyan. Hindi naman siya inaano ah.




Huminto si Gino sa pag-lalakad kaya napahinto rin ako. "Pake mo ba?! Iyan ang endearment ko sa kanya."


Huminto rin sa pag-lalakad si Jaeger. Humarap siya kay Gino na may maangas na mukha. "Mukha ka kasing tanga! Ikaw lang naman kasi ang tumatawag ng ganyan kay Czarina. Pa-endearment-endearment ka pang nalalaman para kay Czarina samantalang walang endearment sayo si Czarina." Nakangising wika ni Jaeger.


Ngumisi rin si Gino kay Jaeger. "Are you jealous? Do you still love her?"


"Pake mo ba? Masyado kang pakialamero."


"Guys! Hold it! Umalis na muna tayo dito dahil papunta na ang 'FANS' niyo dito!" Dali-daling akong nag-lakad ng mabilis at iniwan ang dalawa. Alam ko naman na susunod iyang dalawa. Kailangan lang talaga iwan para tumigil sila sa pag-iinaso sa isa't-isa.


"Princess Marie, where's your car? Where's Manong Dindo?"  tanong ni Gino na kasabay ko na sa pag-lalakad.


"Gino, I can't drive. At wala si Manong Dindo, day-off niya ngayon."


"Saan tayo sasakay?"


"Jaeger brought his car."




Tumingin si Gino kay Jaeger at nakita nito na ngumiting aso si Jaeger.




"Are you out of your mind Marie?! We will use his car?"


"Yeah." Tinatamad kong sagot kay Gino.


"Teka, i-tatagalog ko sayo baka naman nakalimutan mo ng mag-english. Sasakay tayo sa kotse ng Ex-Boyfirend mo? Are you serious?"


"I'm deadly serious. Now, get into the car because I DON'T WANT TO STAY HERE!"




Walang nagawa si Gino kaya nauna na itong pumasok sa sasakyan at umupo sa backseat. Sumunod ako kay Gino nang biglang hinila ni Jaeger ang braso ko.




"At saan sa tingin mo ikaw pupunta?"


"Sa likod?"


"Anong tingin niyo sa akin,driver niyo?"


"May sinabi ba ako?"


"Sa harap ka umupo."




Umikot si Jaeger sa kabilang side at pumasok sa loob ng kotse.




Binusinahan ako ni Jaeger para pasakayin ako.




Binaba ni Jaeger ang bintana ng sasakyan at inilabas niya ang kanyang ulo "Sasakay ka ba o iiwanan ka namin?"


"Oo na! Sasakay na! Pasalamat ka at naka-libre ako sa pamasahe kung hindi..."


"Di ba dapat ikaw ang mag-pasalamat dahil nakalibre ka?"


"Shut up! Talk to the hand!"




Sumakay na ako sa sasakyan at ibinagsak ng malakas ang pintuan ng sasakyan.




"THANK YOU!" sarkastikong saad ko kay Jaeger.




Habang nag-dadrive si Jaeger ay nag-uusap kami ni Gino. Humarap kasi ako kay Gino na nasa backseat.




"Saan ka mag-iistay Gino?"


"Sa Hotel."


"Sa bahay ka na lang muna..."


"O---" HIndi natuloy ni Gino ang kanyang sasabihin dahil biglang nag-salita si Jaeger.


"Bro, kung ako sayo hindi ako doon titira. Ang sungit kasi ng magulang niya. Scary."


Hindi pinansin ni Gino si Jaeger. Tiningnan ako ni Gino saka ngumiti. "Pwede ba?"


"Oo naman. Tiyak na matutuwa sila Mama at Dad kapag nakita ka nila."


"Kilala mo ang magulang ni Czarina?"


"Tamang tama Gino... maagang uuwi si Dad. Doon ka na lang tumira. Please? Na-miss ko na rin ang mga gabing mag-kasama tayo na pagod na pagod at pinag-papawisan. Teka~ magaling ka pa rin bang mag-shoot?" tanong ko kay Gino.


"Teka! Ano yung ibig mong sabihin----"


"Oo naman Marie. Ako pa? Pro na ito pag-dating doon." Nakangising wika ni Gino.


"May gi---" wika ni Jaeger na hindi na naman niya natuloy sabihin.


"Mukha nga. Pagod ako masyado kapag ikaw ang kasama kong gawin yun eh. Ang bilis at ang lakas mo." sagot ko kay Gino.


"Czarina... nai----" hindi na naman naituloy ni Jaeger ang sasabihin niya dahil I cut him off.


"Di bale... Huwag kang masyadong mag-pakampante dahil ako naman ang papagod sayo." Kinindatan ko si Gino dahilan upang mapatawa siya.


"Hah! In your dreams Marie! Hindi mo ako mahihigitan dahil mas pro na kaming mga lalaki pag-dating doon."


Agad na tinapakan ni Jaeger ang break. Buti na lang at naka-seat belt ako si Gino. "Bakit mo yun ginawa kay Czarina? Hah! Gag---"


"Why did you stop?" Tanong ko kay Jaeger.


"Ano ba iyang mga pinag-sasabi niyo? May ginawa ba iyang lalaki na iyan sayo?"


"Tss! Anong ginawa? Wala akong ginawa kay Marie."


"Drive, Jaeger." 




Gaya ng sabi ko ay nag-drive na si Jaeger. Tahimik ang paligid namin ng basagin ito ni Gino.



"Are you in Marie? Kaya mo pa ba?"


"Let's see kung sino ang mapapagod sa atin ng sobra at pag-papawisan ng bongga mamayang gabi. Baka mamaya niyan, hindi ka na makabangon ng dahil sa sakit ng katawan na naramdaman mo. Teka~ magaling ka pa rin bang mag-shoot?"


Nilingon ako ni Jaeger at muling binalik ang tingin sa daan. "Ano? Ano yung sinabi mo? Ulitin mo nga! CZARINA!"


"Hah?" 


"Ano ba yang mga pinag-sasabi mo?"


" Ahhm... alin doon?"


"Yung huli!"


"Yung pinag-papawisan at pagod na pagod sa gabi? At kung magaling pa rin ba siyang mag-shoot?"


"Oo! Ano yung pinag-gagawa niyo? Nag... Nag... Nag..."


" Anong nag? Tapusin mo kaya yung sasabihin mo. Di kita maintindihan."


"Nag--- Na---- na--- nagawa n- ni-niyo n- n- na?"


"Oo."


Itinabi ni Jaeger ang sasakyan sa Service road saka huminto sa pag-drive. "Czarina! Ang bata niyo pa!"


"Ano?!"


"Dapat... ginagawa yun kapag kasal na."


"Siraulo ka ba?! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa namin?"


Napahagalpak si Gino sa pag-tawa dahilan ng pag-tingin ko kay Gino. "Princess Marie iniisip niya na...."


"Ibig sabihin hindi mo pa nabigay sa kaniya?" pag-putol ni Jaeger sa sasabihin ni Gino.


"Baliw ka ba?! Ano ba yang pinag-iisip mo?"


"Eh ano ba yung ginagawa niyo sa gabi at pagod na pagod kayo at pinag-papawisan? Atsaka, ano yung ibig mong sabihin na kung magaling pa rin ba siyang mag-shoot?"


"Nag-lalaro kami ng Basketball. Tuwing gabi kami nag-lalaro. Kapag umaga kasi kami nag-lalaro,  baka dumugin lang si Gino at hindi matuloy ang pag-lalaro namin."


"Ganon ba? Nag-lalaro ka ng Basketball Czarina?"


"Oo. Teka nga lang. Naka-shabu ka ba? Bakit ganon yung mga iniisip mo?"




Nanahimik at namula si Jaeger sa nangyari habang si Gino ay tawa ng tawa hanggang sa dumating na kami sa bahay namin.




Nag-door bell ako, nag-pakita sa isang screen na nasa gilid ng gate namin. Matapos mag-salita at mag-pakita ay bumukas na ang gate at nakita namin na may sasakyan na nag-hihintay sa amin.




"Pre, thanks for the ride." wika ni Gino.


"Salamat, Jaeger."




Tinaas lang ni Jaeger ang kanyang kamay. Nauna na si Gino pumasok sa sasakyan na nag-hihintay sa aming dalawa upang maihatid kami sa bahay mismo.




(A/N: Malaki po kasi masyado ang bahay nila Czarina. Atsaka malayo ang distance ng gate nila Czarina sa mismong bahay nila. Kaya kailangan mo ng sasakyan dahil kapag nag-lakad ka ay tiyak na hindi mo kakayanin."




"Princess Marie, mauna na ako. Hintayin mo na lang yung sasakyan." paalam ni Gino. 



Nakita kong inaantok na siya kaya naman tumango na ako sa kanya. "Rest well, Gino. See you later."




Umalis na nga ang sasakyan na sinakyan ni Gino at naiwan ako kasama si Jaeger.




"Ganon na ba sila kaclose ng magulang mo kaya mas nauna pa siyang pumasok kaysa sa may-ari ng bahay?" Nakapamulsang nilapitan ako ni Jaeger.


Hindi ko maitago ang kasiyahang nararamdaman ko nang makita si Gino. "Oo. Sa katunayan nga kabisado na nila Mama at Dad ang buong parte ng katawan ni Gino maski ang intestine nito." Natatawa kong pahayag kay Jaeger.




Napatingin ako sa bulsa ni Jaeger nang tumunog ang cell phone nito. Tumingin sa akin si Jaeger na tila bang nag-papaalam sa akin na sasagutin niya ang tawag.




Tiningnan ko siya sa kanyang mata saka ako ngumiti. "Pick it up. Baka importante."




Kinuha ni Jaeger ang cell phone niya mula sa kanyang bulsa at sinagot ang tawag.




"Hello? Oh, Pei, bakit? Sige, pupunta agad ako. Nasa bahay ako ng kaibigan ko. Oo siya. Ano ba kasi ang nangyari? Oh, sige... Paalis na ako... Bye."


"Si Ate Peishi?" Napatingin sa akin si Jaeger saka ngumiti ng tipid.


"Oo, eh. Czarina, alis na ako. May nangyari kasi."


"Ahh. Sige..."


"Bye." 


"Bye." paalam ko sa kanya.




Pumasok na si Jaeger sa loob ng sasakyan. Agad-agad namang nilapitan ko ang kotse ni Jaeger at kumatok sa bintana ng kotse niya. Kaya ibinaba ulit ni Jaeger ang bintana ng sasakyan.




"Bakit?"


"Ah... ano... Ahmm... Ingat sa pag-uwi."


"Hindi pa ako uuwi, Czarina." paalala ni Jaeger sa akin.


"Ingat sa pag-punta kay Ate Peishi." Ngumiti ako kay Jaeger bago siya talikuran at mag-tungo sa loob ng gate.




"Good afternoon po. Ma'am, ako po si Danilo, bagong driver para sa araw na ito. Sakay na po kayo. Hinihintay na po kayo nila Ma'am Eloisa."


"Ahhh. Sige po."




Pumasok na ako sa loob ng electric golf cart ngunit agad din akong bumaba nang makita ko na hindi pa rin umaalis si Jaeger at nakababa na ang bintana ng sasakyan.




"Oi! Green minded na Hangin! Ingat sa pag-drive. Huwag kang mag-tetext habang nag-dadrive. Mag-focus ka sa pag-mamaneho."


"Don't worry Pikon na Pagong. I'll drive safe. Mag-ingat ka sa Gino na yun. Wala akong tiwala sa kaniya." Itinaas na ni Jaeger ang bintana saka pinatakbo ang sasakyan.

Continue Reading

You'll Also Like

3.4K 544 94
They need to do certain things in order for you to meet the person you never imagined you could meet. There are many people who like him, but you are...
526K 2.9K 6
Babaeng kung umasta daig pa ang lalakeng pumorma. Mahilig sa sports at walang inuurongan. Isang Prinsipeng kinaiibigan ng lahat, pero sa puso niya. I...
232K 2.9K 53
Fighting for love even if it means fighting against destiny. Paano kaya nila haharapin ang mga pagsubok? Paano sila pagtitibayin nito?
304K 10.3K 37
Zyl always played Ayla's Knight in shining armour . Kapag kinakailangan niya ng tulong ay laging naroon ang binata sa kaniyang tabi. Si Zyl ang nagta...