Just If (What If It's Love, P...

By SiMarcoJoseAko

19.8M 401K 38.5K

Published Under Summit Media, Pop Fiction. (What If It's Love) A story where forever doesn't exist. #BSS3 More

Bachelor Stories Series 3: Just If
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Epilogue
Author's Note

Chapter Nine

469K 9.3K 483
By SiMarcoJoseAko

NINE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"Bakit ka ba nakasimangot diyan? Ayusin mo nga 'yang mukha mo, ang aga-aga nakabusangot." Naiinis kong sabi sa kanya. Pauwi kasi kami ngayon sa bahay nila. Wala naman kasi kaming pasok kaya napagpasyahan naming dalawin ang Mommy niya. Sabi rin kasi sa akin ni Tita Freen na umuwi si Tito Levinn galing sa Rancho. Simula kasi ng mamatay si Lolo Gabriel, si Tito Levinn na ang namahala sa buong Rancho at si Tito Arthur naman ang pumalit sa pwesto niya.

"Sabi mo kasi kakain tayo sa labas, pero hindi mo naman tinupad." Nakasimangot niyang sabi.

"Sabi ko nga hindi na, hindi ba? Kasi nga pupunta tayo sa inyo para dalawin ang Mommy mo." Paliwanag ko sa kanya. Alas otso na ng umaga at kasalukuyang tinatahak namin ang EDSA. Ako rin ang nag dadrive dahil nag-iinarte na naman siya.

"Saglit lang naman tayong kakain ah! Sabihin mo lang ayaw mo akong pakainin." Sabi pa niya. Kaunti na lang talaga kakaltukan ko na 'tong Montemayor na 'to.

"Gutom ka na ba?" Tanong ko sa kanya na hindi inaalis ang tingin sa kalsada.

"Huwag mo na akong pakainin! Ayos lang naman sa'yo na ginugutom ako." Parang batang sabi niya.

"Hindi na, kakain na tayo. Saan mo ba gusto?" Tanong ko sa kanya. Kapag ganito pa namang nagtatampo siya, ang hirap niyang amuhin.

"Ayoko. Kumain ka mag-isa mo." Nakasimangot pa rin niyang sabi.

"Di 'wag, kakain talaga ako mag-isa ko. Pakielam ko sa'yo." Sabi ko sa kanya. Akala naman niya papatulan ko siya, lagi na lang siyang ganyan.

"Talaga!" Parang batang sagot niya sa akin at tsaka siya nag-iwas ng tingin. Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang pagmamaneho, pero nang makakita ako ng isang fast food chain dumaan ako roon para umorder. Mag dadrive thru na lang ako. Umorder lang ako ng dalawang burger, isang spag at dalawang coffee. Gutumin kasi si Axcel, pero kahit na matakaw siya. Madalas naman siyang mag-jogging tuwing umaga at mag-gym lalo na kung may free time siya. Minsan nga isinasama niya ako mag-gym para raw mapanatili ko ang sexy kong katawan.

"Oh, kumain ka na." Sabi ko sa kanya sabay abot ng burger at spag. Ipinatong ko naman sa may harap ang coffee naming dalawa. Pinagpatuloy ko na ang pagmamaneho pero hindi pa rin siya nagsasalita at ayaw niya akong pansinin.

"Axcel, tigilan mo 'yang pag-iinarte mo. Hindi na ako natutuwa." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Sabi mo wala kang pakielam sa akin, hindi ba? Bakit mo ko kinakausap." Sagot niya sa akin.

"Kinakausap kita dahil may pakielam ako sa'yo, kaya kumain ka na diyan." Seryoso ko pa rin na sabi sa kanya.

"Sabi mo kanina wala."

"Sabi ko lang 'yon, alam mo namang hindi kita kayang tiisin. Lalo na't ganyang katigas ang ulo mo." Sabi ko sa kanya. Alam naman kasi niya talaga 'yon, lagi niya lang akong inaartehan.

"Talaga? Sabi mo 'yan ah!" Nakangiting sagot niya sa akin. Kumagat na siya sa burger na inorder ko.

"Alam mo Heena, pwede ka na naman pumasa sa tipo kong babae eh. Inaalagaan mo ako, kabisado mo na ugali ko, hindi mo ako kayang tiisin. Tsaka sa'yo lang ako ganito. Sure ka bang ayaw mong ituloy natin ang kasal? Kasi sa akin ayos lang." Sabi niya sabay kagat ulit sa burger niya.

"Di ginawa mo akong katulong? Tsaka ang kasal, para sa dalawang taong nagmamahalan lang. Hindi naman natin mahal ang isa't isa, hindi ba? So bakit tayo magpapakasal." Sagot ko sa kanya na hindi inaalis ang tingin sa kalsada. Maingat kasi akong magmaneho.

"Hindi ka na naman lugi sa akin ah? Gwapo naman ako." Sabi niya sa akin. Pinapanood niya lang akong magmaneho habang siya kumakain.

"Gwapo ka nga, tanga ka naman. Mapapala ko sa'yo?" Diretsa kong sabi sa kanya.

"Hindi naman ako tanga ah. Matalino naman ako, hindi ko lang talaga alam 'yong mga pambabaeng gawain. Kaya ka nga nandyan sa tabi ko eh." Sabi niya.

"Hindi talaga sa'yo uso ang salitang humble, 'no?"

"Sus, bakit pa ako magiging humble kung totoo naman. Teka, susubuan kita." Sabi niya. Nagulat naman ako ng bigla niyang ilapit ang burger niya sa bibig ko.

"Kagat ka na, nagmamaneho ka. Ayokong nagugutom ka." Seryoso niyang sabi sa akin. Parang awtomatikong kumilos naman ang bibig ko at kumagat sa burger niya. Sumilay naman ang pamatay niyang ngiti. Hindi ko alam pero parang uminit ang pisngi ko at pakiramdam ko ay namumula ang buo kong mukha.

"Pero seryoso, kapag na-inlove ako sa'yo hindi na kita pakakawalan pa. Bahala ka kung ayaw mong magpakasal sa akin, basta ako papakasalan kita." Seryosong sabi niya habang kumakain.

"Para kang sira, Axcel. Tsaka huwag ka ngang magsasalita na puno ang bibig. Wala ka talagang manners sa katawan 'no?" Sabi ko sa kanya.

"Basta sinabi ko sa'yo na hindi kita pakakawalan kapag na-inlove ako sa'yo." Iyon lang ang sinabi niya at tsaka siya muling tumahimik.

****

"Mommy, si Kuya naman talaga nagsabi sa akin noon eh!" Sabi ni Francisco sa Mommy niya. Nakasuot pa 'to ng trunks habang pinapagalitan ni Tita Freen. Iyon ang nadatnan namin ni Axcel pagkapasok namin sa bahay nila.

"Nakinig ka naman diyan sa Kuya mo? Hindi ba't sabi ko sa'yo na huwag kang papaloko diyan sa mga Kuya mo?! Sinabi ko talaga sa'yo Francisco, ipapadala kita sa Rancho kapag hindi ka nagtino!" Naiinis na sabi ni Tita Freen. Wala sa sarili naman akong napangiti. Ganoon din kasi si Axcel at Aivan kapag pinapagalitan ni Tita Freen noon.

"Hindi na nga, Mommy. Tsaka matitiis mo ba akong hindi nakikita? Love mo kaya ako!" Sabi ni Francisco sabay yakap kay Tita Freen. Napatili naman ng wala sa oras si Tita Freen dahil basa pa si Francisco ng yumakap siya sa Mommy niya.

"Francisco!" Tawag ni Tita Freen ng biglang tumakbo si Francisco at tsaka bumalik sa swimming pool. Naroroon din si Aivan na nag-suswimming.

"Heena, just wait me here. Okay? Titignan ko lang ang iniluluto ko sa loob. Pakibantayan na lang 'yang tatlong makukulit na 'yan." Sabi sa akin ni Tita Freen. Tumango lamang ako bilang tugon sa sinabi niya.

"Ayaw mong mag swimming?" Tanong ko kay Axcel. Pinapanood niya kasi sina Aivan at Francisco na naghaharutan sa may swimming pool.

"Sus, gusto mo lang ako makitang naka-trunks eh." Sabi niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Bakit? Macho ka ba? Kung macho ka pa pagnanasaan kita, eh hindi ka naman macho eh. Wala ka ngang abs." Sabi ko sa kanya. Bigla namang nagsalubong ang makakapal niyang kilay.

"Sino'ng nagsabing wala akong abs? Kayakap mo nga lang ako kagabi tapos sasabihin mong wala akong abs!" Naiinis niyang sabi.

"Napaka-pikunin mo, 'no? Kaya ang sarap mong asarin dahil ang bilis mong mapikon." Sabi ko sabay pisil sa ilong niya. Sinimangutan niya lang ako.

"Ano? Ayaw mo sila sabayan? Alam ko namang miss mo na silang dalawa." Sabi ko kay Axcel. Hindi siya sumagot, nagulat na lang ako ng bigla siyang tumayo at tsaka hinubad iyong v-neck na suot niya at pati na rin ang khaki shorts na suot niya. Boxer brief niya lang ang itinira niya.

"Axcel!" Naiinis kong sabi sa kanya sa kanya ng bigla niyang ibato sa mukha ko ang suot niyang damit. Naamoy ko tuloy ng wala sa oras ang panlalaki niyang pabango.

Nagmamadali siyang tumakbo sa pool at tsaka nakipagharutan sa mga kapatid niya. Na-miss siguro ng mokong makaharutan ang mga kapatid niya. Naaalala ko pa kasi dati, naghahabulan silang tatlo ng mga naka-brief lang kahit pa nasa high school na sina Aivan at Axcel noon.

"Ngayon ko na lang ulit sila nakitang magkakasama at naglalaro." Bigla akong napalingon ng marinig ko ang boses ni Tita Freen.

"Oo nga po, Tita. Si Axcel, ang saya-saya ng mukha oh. Lagi kasi akong sinusungitan niyan kapag kaming dalawa lang. Lagi akong binabara tsaka inaasar." Sabi ko kay Tita Freen. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa.

"Alam mo naman 'yan, iisa lang ang pinagmanahan. Ganoon din naman ang Daddy nila sa akin noon. Walang ibang ginawa kung hindi ang asarin ako, paiyakin at awayin. But those things are the best memories that I won't ever forget." Sabi ni Tita Freen. Napangiti naman ako.

"Lagi mong tatandaan na kahit maghiwalay man kayo ng taong 'yon, hindi pa rin mawawala ang mga memories na nagawa n'yo ng magkasama. Alam kong kabisado mo na si Axcel, I have already observed about that. May tiwala ako sa inyong dalawa at kilala kita, Heena. You are a smart girl, kaya mong i-handle ang isang Montemayor. Ang hirap kaya nilang palakihin. Sa Daddy pa nga lang nilang unggoy hirap na ako eh, dinagdagan pa ng tatlo? Pero masaya ako na dumating sila sa buhay ko. Iba magmahal ang isang Montemayor, Heena. Always note that to yourself." Nakangiting sabi ni Tita Freen sa akin.

"Once a Montemayor always a Montemayor." Sabi ko kay Tita Freen na sinabayan namin ng pagtawa.

"Misis!" Napalingon naman kami ni Tita Freen sa lalaking tumawag sa kanya. It's him, Tito Levinn. Nakakunot-noo ito at magkasalubong ang mga kilay. Kamukha ni Axcel at Aivan ang Daddy nila kapag nakaganoon. Si Francisco kasi ay mas kamukha si Tita Freen.

"Heena, iiwan muna kita dito ah? May topak na naman 'yong siraulo kong asawa. I'll call you kapag kakain ka." Sabi ni Tita Freen. Ngumiti lang ako bilang tugon. Umalis na si Tita Freen at sa pag-alis niyang 'yon, bigla akong napaisip.

Iba magmahal ang isang Montemayor. Hindi ko alam kung ano ang gustong sabihin ni Tita Freen. Pero isa lang ang gusto kong malaman.

Paano nga ba magmahal ang isang Montemayor?

Biglang naputol ang pag-iisip ko ng may biglang bumuhat sa akin. Napatili ako ng wala sa oras ng makitang si Axcel iyon. Pero mas lalo akong napatili ng bigla siyang tumalon sa pool kasama ako.

"Montemayor!"

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

 


Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
2.1M 142K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
761K 26.9K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
4.5K 195 4
People who are meant to be together will always find their way back to each other. They may take detours in life, but they're never lost.