Close Your Eyes, Ciem

TianaVianne tarafından

151K 5.7K 2.7K

|| Published under PSICOM || Ciem suffers from a chronic and irrational fear of sleep. She stays awake as lon... Daha Fazla

Published under PSICOM
Close Your Eyes, Ciem
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Epilogue
Special Chapter

Chapter Five

4.3K 167 56
TianaVianne tarafından

#CYECChapter5


I laid in my bed, my heart beating so fast. I knew this would be a long night again. He's not here with me to make me feel okay.

Pinilit ko ang sarili kong manatiling gising. Maya't maya ko ring kinakagat ang sarili kong braso hanggang sa magdugo ito.

Nagpunta ako ng banyo para hugasan ang sugat ko at pinagmasdan ko ang sarili kong braso. Napakadami kong peklat dahil sa mga kagat na ginagawa ko sa braso ko para lang manatili akong gising.

Mas gusto kong saktan ang sarili ko kaysa makatulog ako.

Pinigilan ko ang sarili kong tawagan si Hope dahil ayaw kong makaabala sa kanya. Sanay naman na akong hindi natutulog at maliit na bagay na lang sa 'kin na wala siya. Bago pa man siya dumating sa buhay ko ay talagang kinatatakutan ko na ang pagtulog kaya palagi akong nananatiling gising. Hindi na bago sa 'kin ang ganitong sitwasyon.

Lumipas ang ilang oras at unti-unti nang lumiwanag sa labas ng bintana. Nasisinagan na rin ng araw ang balat ko, senyales na kailangan ko nang bumangon para gawin ang routine ko.

Naglinis ako ng bahay. Paulit-ulit lang ako sa pagpunas ng sahig sa kuwarto ko kung saan maraming dugo sa panaginip ko. Hindi ko alam kung bakit, pero nakasanayan ko nang linisin ang bandang iyon. Dahil na rin siguro sa walang katapusang pag-iisip ko sa imahe ng dugo na nagkalat sa sahig ng kuwarto ko.

Just like the normal days, I have to go to work despite the sleepless night.

Pagkapasok ko sa double door ng Paria Book Store, bumungad sa 'kin si Chas na malapad ang ngiti habang nakatitig sa phone niya. Panigurado, kausap niya na si Hope.

"Ciem!" bati niya sa 'kin saka siya lumapit sa 'kin at isinabit ang kamay niya sa braso ko. "Nakakakilig kausap si Hope!"

Nagsalubong ang kilay ko. Mukha bang interesado ako sa lovelife niya?

Sinenyasan ko si Sandro na hilahin palayo sa 'kin si Chas kaya agad siyang natawa at lumapit sa 'min para hilahin si Chas palayo sa 'kin.

"Working hours, Chas. Mamaya ka na lumandi," awat sa kanya ni Sandro kaya napasimangot si Chas at labag sa loob na inilagay ang phone niya sa drawer.

Lumipas ang buong araw, gano'n lang ulit. Naging abala kaming tatlo sa trabaho. Naubos nga ang energy ko doon sa isang babae na halos nabasa na lahat ng blurb ng mga libro sa shelf tapos wala namang binili kahit isa.

"Kailan daw babalik si Hope?" tanong sa 'kin ni Chas habang naglalakad kami sa sidewalk.

Tumatama na sa balat ko ang malamig na ihip ng hangin. Ber months na rin kasi kaya ganito kalamig tuwing gabi.

"Hindi ko alam. Bakit sa 'kin mo tinatanong? Kayo ang magkausap." Ngumiwi ako.

"Hindi ka ba niya tine-text?"

"Hindi," simpleng sagot ko.

"Wala bang social media accounts 'yon? Hindi ko siya ma-search, eh."

Matalim ko siyang tiningnan at inirapan. "Siya ang tanungin mo, 'wag ako."

"Ang sungit naman nito!" reklamo niya saka siya tumawa. "Sorry na, first time ko, eh," dagdag pa niya kaya napailing na lang kami pareho ni Sandro.

My phone buzzed with a text so I immediately pulled it out from my pocket.

It was a text from Hope.

Kumusta? Nakatulog ka?

"Dito na 'ko. Ingat kayo," paalam ko sa kanila dahil malapit na akong lumiko sa kabilang kanto. Kumaway naman silang dalawa sa 'kin bago sila nagpatuloy sa paglakad. Kakain pa kasi sila sa Buono.

Hindi.

Pagka-send ko no'n ay lumiko na ako sa may kanto at akmang ibabalik ko na sa bulsa ko 'yong phone ko pero natigilan ako dahil muling nag-text si Hope.

Seryoso ba?

Hindi ako nag-reply ulit at tuluyan ko nang ibinalik sa bulsa ko 'yong phone ko. Pagkarating ko sa bahay ay nagpatugtog ako ng malakas gamit ang speakers ko. Tinodo ko talaga 'yong volume para magising ang diwa ko.

Itsa-charge ko na sana 'yong phone ko pero muling nag-text si Hope.

Do you want me to come?

No. Okay lang naman ako.

Sure ka?

Oo.

Bakit parang hindi?

Bakit ang kulit mo?

Wow.

I honestly don't want to keep doing this with Hope anymore. Ayaw kong makita 'yong sarili ko na nasasanay sa presensya niya dahil kapag nawala siya, malaking kawalan sa 'kin.

Hindi ko rin alam kung bakit, pero wala talaga ako sa mood makipag-usap sa kanya. May kung anong nagsasabi sa 'kin na itigil ko na 'tong ginagawa namin ni Hope.

Let's not see each other anymore, Hope. Natulungan mo na ako, natulungan na rin kita. Okay na 'yon. Thank you.

I was about to turn off my phone but it buzzed again with a text from Hope.

Okay. Thank you rin. Ingat. :)

Napakagat ako sa labi ko at kusang napayuko. Bakit parang dismayado ako sa reply niya? Inis akong umiling at hinagis 'yong phone ko doon sa sofa.

Pumayag lang talaga siyang tulungan ako para mailakad ko siya kay Chas. Grabe. Akala ko pa naman tinulungan niya ako dahil gusto niya talaga akong tulungan. Akala ko lang pala 'yon . . .

***

"MAY damage 'yong books na binili ko! Ano'ng gagawin ko dito sa mga basurang 'to?!" galit na sigaw no'ng customer na in-entertain ko kaninang umaga. Base sa pangangatawan niya, I think she's in her late forties.

"Ma'am, wala po talagang damage 'yan kaninang umaga no'ng binili mo 'yan. Kitang-kita po ng dalawang mata ko na maayos 'yong libro no'ng iniabot ko sa 'yo 'yan kanina galing sa shelf," mahinahong sabi ko.

"So, ano'ng gusto mong palabasin? Sinungaling ako?!"

"Parang gano'n na nga," pabulong kong sagot kaya mas lalong sumama ang tingin niya sa 'kin at muling nagreklamo kay Sandro.

Ako pa gagawin niyang tanga? Eh, ako mismo nag-asikaso ng mga binili niya kanina!

"We have installed video surveillance here, Ma'am. We'll have to check on it. Okay lang bang pakihintay po saglit?" kalmadong sabi ni Sandro doon sa customer na walang modo. Bihis mayaman pero mukhang nagpapanggap lang. Parang umurong ang dila niya no'ng sabihin iyon ni Sandro. Kusa siyang kumalma at nakitaan ko ng kaba ang mga mata niya.

"N-No, it's fine. Hindi ko na lang ipapa-refund. You just have to make sure that next time, your books are in good condition."

"It was in good condition," singit ko.

"We have to check the video surveillance, Sandro. Ayaw ko namang magmukha akong sinungaling dito lalo na't maraming nakakita at nakakakita," nakangising sabi ko sabay turo sa mga tao sa paligid na kanina ay abalang magtingin ng libro pero ngayon ay nakatutok sa 'min ang atensyon.

"N-No, you don't have to do that. Nagmamadali na rin akong umalis may importante pa akong lakad," pigil sa 'kin no'ng customer kaya mas lalo akong napangisi.

"Mawalang galang na ho. Importante din po ang ginagawa namin dito pero bigla kayong naggulo. Nasayang din ang oras ko, kaya sasayangin ko rin 'yong iyo," madiin kong sabi saka ko sinenyasan si Sandro na i-check na 'yong CCTV footage.

Bago pa man makakilos si Sandro mula sa puwesto niya ay sabay-sabay kaming napalingon sa entrance door dahil sa biglaang pagpasok ni Hope.

Para akong napako sa kinatatayuan ko at nanatiling nakatitig lamang sa bawat hakbang niya.

Lumapit siya sa 'min at nagtataka ko siyang tiningnan dahil sa biglaan niyang paghawak sa balikat no'ng customer na kanina pa nagwawala sa harap namin.

"She's my mom, and I apologize on her behalf. This is not her first time doing it. I'm really sorry."

Ayaw magproseso sa utak ko no'ng sinabi niya kaya bago pa man ako may masabing hindi maganda, si Sandro na ang nakipag-usap sa kanya at hinila naman ako ni Chas papunta sa storage room para kumalma dahil alam niyang nakikipag-away talaga ako sa mga gano'ng klase ng tao.

I scoffed in disbelief. I haven't seen him for weeks, and now he's going to show up like nothing happened.


__

Please don't forget to vote and comment. Thank you!


Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

7.5M 101K 49
Shinessa knows that Helix is worth the fight―until she discovers that he's dying soon. Now faced with a difficult situation, can Shin overcome her wo...
21.4K 277 23
A TRUE STORY WRITTEN BY YOURS TRULY. WRITTEN 2015 AND POSTED 2018. Cover by: PANANABELS
3.7M 74.1K 67
|| Published under PSICOM || Tamara didn't want her husband to know that the day he married her was also the same day she was diagnosed with cancer. ...
133K 4.2K 55
In one's relationship, distance can result into two things: This can either strengthen or end one's love for each other. How will it be for Ricci an...