Daddy (COMPLETED)

Bởi imarksato

1.4M 27.2K 1.8K

Highest Achievement: #10 in Teen Fiction - Feb 16, 2017 500 Thousand Reads - May 28, 2019 DATE STARTED : JAN... Xem Thêm

WARNING and REMINDER!
DADDY: 1
DADDY: 2
DADDY: 3
DADDY: 4
DADDY: 5
DADDY: 6
DADDY: 7
PATALASTAS
DADDY: 8
DADDY: 9
DADDY: 10
DADDY: 11
DADDY: 12
DADDY: 13
DADDY: 14
DADDY: 15
DADDY: 16
DADDY: 17
DADDY: 18 #MOMOL
DADDY: 19
DADDY: 20
DADDY: Sean's POV
DADDY: 21
PATALASTAS
DADDY: 22
DADDY: 23
DADDY: 24
DADDY: 25
DADDY: 26
DADDY: 27
DADDY: 28
DADDY: 29
DADDY: 30 (PRE-SPG PRT. 1)
DADDY: 30
HAPPY 300K!
DADDY:"DREAM CAST"
DADDY: 31
DADDY: 32
DADDY: 33
DADDY: 34
DADDY: 35
DADDY: 36
DADDY: 37
DADDY: 38
DADDY: 39
DADDY: 40
DADDY: 41
DADDY: 42
DADDY: 43
DADDY: 44
DADDY: 46
DADDY: 47
DADDY: 48
DADDY: 49
DADDY: 50
PRE-FINALE
HALF A MILLION THANKS! - 5/28/19
FINALE
NEW STORY ALERT!

DADDY: 45

10.1K 285 34
Bởi imarksato

Mga bandang alas dos nagsimula na akong maligo at maghanda sa lakad ko. May event kasi si Mac na dadaluhan ngayon at alas tres ang usapan. Alas dos y medya naka gayak na ako. Kanina pa ako sumusulyap sa bahay nila Teron pero mukhang walang balak na magpakita si Teron ngayon.

"Ma! Alis na po ako!"

"Hoy, Ron mag text ka sa akin ha. Ano oras nanaman yang uwi mo?"

"Mamaya andito nadin ako."

"O sige aantayin ko tawag mo ha. Wag mong kalilimutan na may pasok ka pa bukas!"

Napakamot ako sa ulo. "Opo!"

Habang nag aabang ng grab, umupo muna ako sa tapat namin umaasa na sana lumabas man lang si Teron. Pero hanggang sa dumating na yung si kuya Grab, walang Teron na lumabas. Hindi din kasi siya nagpaparamdam sa messenger o viber. Baka may problema siya ngayon?

Binaba ako sa Red Planet Hotel dito sa may Aurora Cubao. May event place dito sa ibaba kung saan ang venue na aatenand namin ni Mac. Papasok palang ako nang makita at kinawayan ako ni Mac. Nakangiting nilapitan niya ako.

"Putang ina, Pre! Ang pogi mo ha! Amoy dollar!"

"Gago! Hayop ka!"

Nagyakapan kami kase na miss ko din si Mac kahet papano.

"Asan si Denver?"

"Wala may raket. Kaya nga ikaw tinawagan ko."

"Ano bang event to at kailangan pang formal ang suot?"

"Basta malalaman mo din. Tara sa loob."

Di na ako sumagot at sumunod nalang sa kanya. Nagtaka ako kase bakit parang kaming dalawa lang yata ni Mac ang tao dito ngayon?

"Ano bang event to? Gago baka prank to ha."

"Tanga hinde! Basta chill kalang!"

"Tangina mo ayusin mo lang!"

"Oo gago!"

Umupo muna kami ni Mac sa monoblock chair at hinihintay ko talaga yung paliwanag ni Mac. Nag ring yung phone niya.

"Uy teka sagutin ko lang to."

Bakit kailangan pang lumabas ng kwarto?

Siguro mga twenty minutes.. basta ang tagal niya ako iniwan dito sa loob! Tangina ang lakas pa nang aircon. Ginaw na ginaw ako. Lalabas na sana ako para hanapin si Mac nang bumukas ang pinto.

Nagulat ako sa nakita kong pumasok doon.

"Musta?"

Para akong nakakita nang multo. Pero buti nalang at nang function agad ang sistema ko at nagawa kong pakalmahin ang sarili.

"Plano mo ba to?" Tanong ko.

"Kung hindi ko to gagawin baka lalo kapang mawala sa akin. Gusto ko lang sanang magpaliwanag at humingi nadin ng sorry mula sayo. Hindi kita niloko Ron. Nagkaron kami ng relasyon ni Loisa bago pa man kita makilala. Wala akong intensyon na mabuntis siya. Naging dahilan yon kaya kami nag away ni Daddy at lumayas ako ng bahay at doon kita nakilala. Hindi ko inaasahan na ikaw na pala ang dahilan ng pagbabago sa buhay ko. Alam ko pakiramdam mo na niloko kita noon at ginawang panakip butas lang pero hindi ko naman alam na buntis si Loisa at ako pala ang ama. Maniwala ka, minahal talaga kita."

"Tapos?" Ang tanging naisagot ko sa mahabang paliwanag ni Sean. May tampo padin ako sa kanya.

"Ron, please mag usap tayo ng maayos. Hindi ko intensyon na saktan kita."

"Hindi mo nga intensyon pero nasaktan mo padin ako."

Biglang nag ring yung phone ko. Tumatawag si Teron.

"Pasensya na pero kailangan ko nang umalis."

Iniwan ko si Sean sa loob at walang lingong pumara nang unang taxi na nakita ko.

Pinikit ko ang mata ko at hinayaan na tumulo ang luha ko hindi dahil sa na miss ko siya kundi dahil sa sama ng loob na muli nanaman niyang pinaalala.

Nag ring uli yung phone ko. Sinagot ko yung tawag ni Teron.

"Asan ka Tyrone? Halika, inom tayo."

"Sakto ka talaga ang galing mo."

Kailangan ko nga ng alak.

"Umiiyak ka ba?"

"Hindi. Sige magkita nalang tayo."

Huminga lang si Teron sa kabilang linya tapos matagal na hindi siya nagsalita. "Aantayin kita. Ingat."

Tinext ni Teron ang lugar kung san kami magkikita. Agad na sinabi ko kay kuyang driver na doon nalang niya ako ihatid.

Nakita agad ako ni Teron pagkapasok ko palang sa loob netong videoke bar na may mga private cubicle around Araneta Center, Cubao.

"Anyare sayo?" Sabi niya pagkalapit sa akin.

"Wala. Tara asan na alak?"

"Chill ikaw nalang kulang. Tsaka wag kang maingay bawal alak dito.." Inakbayan niya ako tapos binulungan.

"Gago adik ka! Pano kung mahuli tayo?"

"Walang mahuhuli kung ititikom mo yang bibig mo.."

Sumunod nalang ako sa kanya. Pumasok kami sa bandang dulo ng cubicle.

Nilabas ni Teron yung Jack Daniels sa bag niya.

"Tyaran!" Sabi niya.

"Tangina mo anong trip mo?"

"Sakay ka nalang. Alam kong kailangan mo to."

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ni Teron sa mga oras na ito pero tama nga siya kailangan ko nga ng alak ngayon para mapalakas ang loob ko.

"So san ka nanggaling?" Tanong ni Teron habang naghahanap ng kanta sa song book.

"May pinuntahan lang." Sabi ko.

Nilagay na ni Teron yung kanta tapos nag play na yung "Sabihin Mo Na."

"Jan kalang relax tapos shot shot tayo." Sabi niya.

Gusto kong magpaliwanag sayo.. ngunit di kinakausap.. di inaasahang diringgin mo.. nakatingala sa ulap.. alam kong nasaktan nanaman kita.. ngunit di ko naman sinasadya.. hinding hindi na mauulit sinta.. sana'y maniwala ka..

Habang kumakanta si Teron, lalo ko naman naalala si Drama king kanina. Nakakapanibago pero andun padin yung impact niya sa puso ko. Medyo tumaba siya tapos makapal na yung buhok niya tapos pumuti siya lalo.. tapos naisip ko, baka hiyang siya doon sa asawa niya.

Sabihin mo na kung anong gusto mo.. kahit ano'y gagawin para lamang sayo.. sabihin mo na kung papano mo mapapatawad..

Sinimulan ko nang buksan yung whiskey at tumungga direkta sa bote. Hindi ko na ininda yung pait at init noon sa lalamunan.

Ilang araw mo nang di pinapansin.. ilang araw pang lilipas... nakatanga sa harapan ng salamin.. naghihintay ng bawat bukas.. lahat naman tayo'y nagkakamali.. sinong di nagsasala.. ngunit kung paano babawi sa pagkakamali.. yun ang mahalaga...

Hindi man lang ba naisip ni Sean ang nararamdaman ko? Alam mo yung pakiramdam ba na kung kailan pasuko ka na tsaka naman siya  biglang eeksena tapos gagawa ng paraan para mag stay ka tapos naisip ko, paano kung bumigay ako? Paano kung muling magpadala ako at nabigyan ko siya ng isa pang chance? Tapos naging sweet siya sa simula tapos ilang araw lang baka bumalik nanaman siya sa dati at ipaparamdam niya muli sayo na wala kang kwenta. Heavy diba?

Patawarin mo sana sinta.. di ko sinasadya...

Muli akong tumungga at hanggang sa di ko namamalayan na napaparami na pala ako ng inom. Natapos na pala si Teron sa kanta niya.

"Ano, okay ka na ba?" Sabi niya.

Hawak ko lang yung bote tapos natulo na yung luha ko.

"Hindi ko kaya.. mahal ko pa siya.. mahal na mahal ko pa pala siya.." Naiyak na ako.

Inakbayan ako ni Teron.

"Alam ko naman at ramdam ko na mahal mo pa din yang ex mo. Kaya nga kita dinala dito baka kako sakali gumaan ang loob mo at makalimutan mo siya. Pero mas lalo mo pa siyang naalala."

"Sorry Teron. Patawarin mo ako."

Muling naghanap ng kanta si Teron. Hindi niya pinansin yung sinabi ko.

Nilagay niya yung "Pasensya Na" ng Cueshé

Habang kinakanta ni Teron yun, lalo ko lang nararamdaman na nasasaktan siya sa mga nangyayari. Ayaw ko sana ng ganitong feeling kaso wala eh. Mahal ko pa din talaga si kupal.

Inagaw ni Teron yung bote at tumungga mula roon. Tapos muling kumanta.

Nang matapos siya kumanta. Humarap siya sa akin nakangiti na siya pero kita ko na masakit talaga sa kanya ito.

"Oh, ikaw naman! Amina yang alak ako naman jan." Nakangiti siya na parang walang nangyari kanina.

Unang kantang nakita ko yung "Me And My Broken Heart" ng bandang Rixton tapos tamang kanta lang ako. Paminsan minsan tinitignan tignan ko si Teron. Tumutungga siya pero paminsan minsan nagkakasalubong kami ng tingin.

"Namumula ka na."

"Nagsalita yung hinde." Sabi ko.

Hindi ko na natapos yung kinakanta ko kase nagsimula nang mangulit si Teron. Tapos maya maya umiyak siya at niyakap ako.

"Patawarin mo ako.. may kailangan kang malaman.."

"Ha? Ano naman yon?"

"Alam mo ba kung saan ako galing kanina?"

"Ha? Saan?"

"Sa heart center.." Tapos lalo siyang naluha. Kaya nag alala ako.

"Okay ka lang ba?"

"Nagpacheck up kasi ako kanina sa heart center at may nakita sila."

"Ha? Seryoso ka ba?"

"Alam mo ba kung ano nakita nila?"

Kinabahan ako lalo kay Teron. Tapos naisip ko na baka senyales na to kaya nag aya siya bigla ng inuman.

"Tangina mo, ano?" Kinakabahan na ako. Tulad niya.

Lumapit siya sa akin at binulong ang... "Pangalan mo."

At nung nakuha ko yung sinabi niya tinulak ko siya palayo.

"Teron, tatandaan mo ha, kung may problema ka pag usapan natin yang bagay na bumibigat sayo." Sabi ko.

Tawang tawa si Teron!

"Nakuha mo pang magbiro halos mamatay na ako sa kaba kanina."

"Ang seryoso mo kase!"

"Umayos ka ha!"

Tumungga si Teron sa bote. Tapos naibuga yun kasw natatawa talaga siya.

Pinabayaan ko nalang si Teron na tumatawa at naglagay na ako ng kanta. Hindi ko sinasadya na napindot ko yung maling numero kaya ang lumabas "Careless Whisper."

Hihintuin ko sana yung kanta kaso napigilan ako ni Teron.

Nagkatitigan kami at unti unting nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. Amoy na amoy ko sa hininga niya yung whiskey. May mga light na balbas si Teron sa itaas ng labi niya kaya medyo naattract ako.

Halos lumapit na yung labi niya sa labi ko nang may bumukas ng pinto nitong cubicle. Agad na hinawakan niya si Teron sa balikat at kinabig palayo sa akin tapos sinapak niya si Teron!

"What the fuck are you doing? Wala na to sa usapan! This is way off the contract!!" Sabi ni drama king kay Teron na ngayon ay naka upo sa lapag.

Anong?

"I trusted you! I gave you everything you asked! Tapos ganito madadatnan ko?!"

"Teka, ano to?" Litong tanong ko. "A-ano bang pinagsasabi mo, Sean?"

Nilapitan ko si Teron at tinulungang siyang tumayo.

"Lumayo ka sa traydor na yan!" Sabi ni Sean.

"Ha?" Nagpapalit palit ang tingin ko sa dalawa. Naguluhan ako sa mga nangyayari.

"Ano bang sinasabi ni Sean? Magkakilala ba kayo?" Sabi ko kay Teron.

"Bakit hindi mo siya tanungin?" Sabi ni Teron.

Inantay ko na may magsalita sa kanila.

"Ano! Magtititigan nalang ba tayo dito? Wala man lang ba magpapaliwanag sa inyo kung anong nangyayare? Teron!"

"May kumpetisyon ba tayo dito, Teron?" Sabi ni Sean.

"Ano ba talaga tong nangyayari?" Muli kong tanong. Lalo akong nalalasing sa dalawang to eh.

"Ron, makinig ka sa akin. Simula noong araw bago ako lumipad pa London, nag hire ako ng isang tao na magbabantay sayo. May nagrekomenda sa akin kay Teron. Nagusap kami at nagkasundo sa pinapagawa ko sa kanya sa tamang halaga. Nang nalaman ko na lumipat na kayo, bumili ako ng bahay katabi nang bahay niyo at doon ko pinatira yung pamilya ni Teron. Lahat ng ito ginawa ko para bantayan ka."

"Ha?" Hindi ko nakuha yung paliwanag si Sean. Lalo akong naguguluhan.

"Tapos na ang deal. I gave you the money. So alis ka na! Tapos na ang trabaho mo sa akin." Sabi ni Sean kay Teron.

"Oo nga binayaran mo lang ako para bantayan si Tyrone! Pero ang hindi mo alam, nung nawala ka, sobrang nasaktan si Tyrone. Lahat ng pinakita at sinabi ko sa kanya lahat yon totoo at galing sa puso ko! Hindi yon dahil sa binabayaran mo ako. Hindi ba nag usap na tayo kagabi na ibabalik ko na sayo yung pera?" Paliwanag ni Teron.

"Kung ganon, pinagkaisahan nyo lang pala ako?" Sabi ko.

"No, wait, Ron. Please mag usap tayo." Sabi ni Sean.

"Anong akala nyo sa akin bolang laruan na pwede nyong pagpasapasahan? Niloko niyo akong dalawa! Pinagmukha niyo akong tanga! MGA HAYOP KAYOOO!!"

Lumabas ako ng cubicle na puno nang sama ng loob kay Sean at Teron.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

455K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
399K 26.2K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
1.7M 72.8K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...