When the Princess in Disguise...

By ExceptionalReasons

1.3M 14.3K 312

What will happen if the Princess in Disguise meets the Arrogant Prince and they are the opposite of each othe... More

When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince
Chapter 1: She meets him
Chapter 2: Meeting him again
Chapter 3: Confrontation
Chapter 4: Wake up Czarina
Chapter 5: The Phone Conversation
Chapter 6: First day of work with my Arrogant Boss
Chapter 6.1: The continuation
Chapter 7: A new friend of mine
Chapter 8: Employer - Employee Date
Chapter 9: Consequence
Chapter 10: She reminds me of her
Chapter 11: Face Your Consequence
Chapter 11.1: Face Your Consequence II
Chapter 12: Sorry - Get lost
Chapter 13: A Special Presentation
Chapter 14: Don't mess up with my Girlfriend
Chapter 15: I smell something fishy
Chapter 16: Your consequence is now over
Chapter 17: Mr. Arrogant turns to be Mr. Sungit - Cold
Chapter 18: She's unpredictable
Chapter 19: Birthday Gift
Chapter 20: Like or Love?
Chapter 21: Insecurities
Chapter 22: Decision
Chapter 23: Shaomei's POV
Chapter 24: Resignation letter
Chapter 25: Going Home
Chapter 26: Missing you
Chapter 27: Meet my Sister
Chapter 28: I'm Jealous
Chapter 29: I'm courting you
Chapter 30: Will you be my Infinity?
Chapter 31: They already know
Chapter 32: Meet your Fiancee
Chapter 33: I still love you
Chapter 34: Our Second and Last monthsary
Chapter 35: My past is back, My present is gone
Chapter 36: The Debutante
Chapter 37: We both need time
Chapter 39: New Comer
Chapter 40: She's Pregnant

Chapter 38: One week after

17.1K 228 2
By ExceptionalReasons





Nagugutom na ako pero wala pa akong naiisip na gusto kong kainin. Nag-sasawa na ako sa pagkain dito. Hay... Ano kaya ang masarap na kainin?




"Maam Czarina, nasa phone po si Ma'am Shaomei. I-koconnect ko na lang po sa phone niyo." 


"Ate Agnes?"


"Yes po?" 


"Wala po. Paki-connect na lang po yung call ni Shao sa line dito. Salamat."




Kinuha ko agad ang wireless phone ko dito sa kwarto at bumungad sa akin ang napakatinis na boses ni Shao.




" Yow!


"Czarieeee! Gala tayo!"


"Eh? Di ba may pasok kayo?" Kung makapag-aya naman itong si Shao parang walang pasok ah. Mukhang hindi maganda ang naiisip ko. 


"Nag-cutting ako." Bullseye. Tsk! Ano kaya ang nasa isip nitong babaeng ito at naisipang mag-cutting.


"Hindi lang ako pumapasok, naisipan mo agad mag-cutting. Tsk! Kapag nalaman 'yan nila Tito malalagot ka."


"Gusto lang kita makasama Czar. Isang linggo na rin ang nakaraan simula ng nakita, nakausap at nakasama kita." Sa pamamagitan ng tono ng boses niya, alam ko na agad na nakanguso ito at parang bata na nag-dedemand ng gustong bagay.


"Pero..."


"Walang pero pero. Papunta na ako diyan. Wait for me. Okay? Ciao!" And she didn't even wait for my answer. 



Binalik ko ang telephone sa kinalagyan nito. Nakarinig ako ng tatlong katok sa pinto. 




"Ma'am Czarina, si Ma'am Shaomei po ay nasa baba po."


"Ate, nasa likod mo na ako. Papasok na ako sa kwato." rinig kong sabi ni Shao na nag-pangisi sa akin. Kung ano talaga ang maisip niyang gawin ay gagawin niya.




Bumukas ang pintuan ng kwarto at iniluwa nito ang mukha ni Shao na may malawak na ngiti sa labi.




"Oi~ bruha, bakit ka nag-cutting?"


"Trip ko lang. Nah! Kidding! Look at your face bruha. Mukhang nadisappoint ka sa sagot ko. Haha. Tara, mag-mall tayo. "


"Hay! Sige na nga. Wala na rin naman na ako magagawa. Alam ko namang pipilitin mo ako."


"Ako pa ba?" Nag-tawanan kaming dalawa sa conversation namin. Ganito talaga kami. Kahit simpleng usap, hindi namin maiwasan ang hindi tumawa.


"Basta mag-kocommute lang tayo."


"Hay, naku! Ano pa ba ang pinag-bago? Sige na nga!"


"At... mag-hahanap na muna tayo ng makakain ko para hindi na ako magutom. Mag-bibihis lang ako."




Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Diretso akong nag-tungo sa walk-in closet ko at nag-bihis. Nang matapos na akong makabihis ay pinuntahan ko si Shao at sabay na kaming bumaba.


Bumungad sa amin si Ate Agnes sa may sala. Tinawag ko siya upang maagaw ko ang atensyon niya at makapag-paalam na lalabas lang ako sandali.




Nilakad namin ni Shao ang palabas ng Subdivision. Kung maarte lang at spoiled ang bruha na katabi ko ay matagal na ito nag-inarte at nag-reklamo. Kaso hindi. Lumaki siya ng simple lang. Namuhay kami na parang isang normal lang na mamamayan.



Sumakay kami ng jeep papuntang Shopping Mall. Nang makarating sa terminal ng jeep sa Mall ay nilakad pa namin ang papasok sa loob ng Mall.


Medyo maraming tao ang Mall ngayon. Hindi ko alam kung anong meron. May mga kasing edaran lang rin namin na nag-tatawanan. Hindi man sila nakasuot ng school uniform pero pakiramdam ko ay mga estudyante lang din sila.




"Czar, 30 minutes na tayong nag-iikot. May nahanap ka na bang kakainan?"


"Oo. Punta tayo sa Supermarket."


"Bakit?" Kung may pinag-kaiba man sa amin ni Shao, isa doon ang maikli lang ang pasensya. Ang haba na ng nguso nito at mukhang any time ay mag-mamaldita na ito sa akin.


"Basta. Tara na, libre kita." Nang dahil sa sinabi ko ay nag-bago ang nakabusangot face ni Shao. Hay... isang tips para makuha mo ang loob ng isang Shaomei Hon, ilibre mo siya ng makakain.




Nag-tungo na kami sa Hypermarket at hinanap ang pagkain na gusto ko.




"Here we are~" Inilahad ko ang mga kamay ko sa harap ng kainan.


"Paotsin?!"


"Oo. Bakit?"


"Czar, dito tayo kakain?! Tapos nakatayo pa tayo? Tapos nadadaanan pa ito ng mga tao."


"Mag-hahanap tayo ng bakantang mauupuan."


"Czar~ dito mo ako ililibre? Seryoso ka?" Kung kanina ay sinabi kong hindi maarte si Shao ay binabawi ko na. Hindi ko maiwasan ang humagalpak ng tawa.


"Oo. Mukha ba akong nag-bibiro?"



Hindi na ako kinibo ni Shao. Binunggo niya ako at diretsong nag-tungo sa counter para mag-order ng pagkain. Naku! Kung makapag-inarte itong bruha na ito kala mo ayaw niya talaga eh. Nauna pang umorder kaysa sa akin. Tsk! Sinundan ko na lang si Shao at nag-order na rin ng sa akin.



Nang matapos ay nag-tingin kami ni Shao ng mauupuan ngunit wala kaming makita. 




Shaomei's POV


Si Czar talaga KURIPOT pa rin. Sana... pumayag na lang ako na maki-pagdate sa Stephen ko. Hay! Yung mga tao kung makatingin sa amin wagas PLUS pustahan tayo... kami pa ni Czar ang topic nila. Ito na nga ang ayaw ni Czar. Oh, buhay~ Nasan na kaya ang Steven ko?




"Sis, siya si Czarina Sandoval, di ba?"


"Oo, siya yun. Ang ganda niya sa personal. Teka.... kasama niya si... yung kapatid ni Peishi Hon."


"Kung siya nga si Czarina, bakit siya kumakain diyan? Hindi ba dapat nasa mamahaling restaurant sila kumain?" 


"Girls, look! Sa Princetown Academy pala nag-aaral ang kapatid ni Peishi. What's her name again?" HIndi ko na matiis na huwag hanapin ang nakakairitang matinis na boses na aakalain mong galing sa dwarf.




Tsk! Nag-kamali ako. Hindi siya mukhang dwarf, mukha siyang paa ng dwarf. Hay! 



"Errr... I can't remember. She's not that famous kasi eh." 


Napatingin ako sa braso ko dahil hinawakan ito ni Czar. "Huwag mo na lang sila alalahanin Shao."


"Nakakapang-gigil Czar! Grrr! Ang aarte nila. Super!" I give my most deadly glare to those bitches just to shut them up pero mukhang mga insensitive ang gossip mongers na mga ito. Masyado atang makapal ang balat kaya nag-babounce back lang ang gusto kong iparating sa kanila. 


"Yuck! So jologs naman nila. Look... yung outfit ni Czarina parang..... tambay lang." Natatawang sabi ng pinakamatangkad sa kanila na parang make-up na tinubuan ng mukha.


"Czar, pigilan mo ako... Titirisin ko na yang mga kutong yan." At wala akong pake if they will sue them. Sagad na ako sa mga babaeng ito.


Narinig ko ang pag-buntong hininga ni Czar. Napatingin ako sa kanya dahil malimit lang siya mag-buntong hininga na maririnig mo. "Don't mind them."


Titigil na sana ako at aalis na lang sana kami ni Czar ngunit muling nag-salita ang dwarf na kaibigan ng kapreng parang make-up na tinubuan ng mukha. "Alam niyo girls pansin niyo ang layo ni Peishi sa kapatid niya. Look at that Girl... ang taba niya."




Hindi ko na talaga mapigilan na ingudngod ang mga pag-mumukha nila sa sahig. Sarap gawing 360 mop ang mga peslak nila. I flipped my hair just like my Sister did sa Shampoo commercial niya. Tinahak ko ang daan patungo sa mga babaeng panira sa araw namin ni Czar ngunit napatigil ako ng mag-simula silang mag-tilian.




"Girls! Si Steven Yuan ba yun?!"



Teka... si Steven ko? Andito siya? Bakit? Bakit ngayon ko lang nalaman? Bakit hindi niya sinabi sa akin? 




"OMG! Siya nga! At.... at... AT kasama niya si Jaeger! Oh M! Girl, maayos ba ang hair ko?" Humarap si dwarf kay kapre habang inaayos nito ang buhok niyang mukhang bagong parebond.


"Oo naman Girl! Eh ako? Ayos lang ba yung itsura ko? How about my make-up?" Nag-labas si Kapre ng brush at dinampi-dampi niya ito sa pisngi niya. Teh, maawa ka sa mukha mo. Hindi na siya mukha na tinubua ng make-up. Mukha na siyang make-up kit na tinubuan ng mukha. Ang tingkad ng kulay.


"Yes! You're absolutely fine. How about my outfit?" sagot sa kanya ng kasama nilang babae na may pinakamaikling suot.


"Gorgeous." sagot ni Dwarf. 


"Shao-shao ko~" Tinakbo ni Steven ang kinaroroonan namin dahilan upang mapangisi ako. Sorry bitches! He is mine. 


"Hey wait... Who is Shao-shao ko?" tanong ni Girl Kapre.


"Baka ako iyon." Nakangiting malapad na wika ni Ms. Dwarf.


"Huwag kang mag-piling Girl! Ako iyon!" pahayag naman ni Ateng Kapos... kapos sa telang suot.


"Shaomei ko!"





Watch me girls. I will give you a good show. Ngumisi ako at sinalubong si Steven ko.




"Steven ko!" Maarte kong sabi para pakuluin ang dugo ng mga impakta.


"Shao-shao ko... Bakit ka nandito? Sino kasama mo? Nag-cutting ka rin?" Inakbayan ako ni Steven at hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang hinlalaki niya.


"O – M – G~ Girlfriend niya ang kapatid ni Peishi!" Hindi mapakaniwalang saad ni Kapre.


"Oh~ why?! She's so taba naman." Nag-papadyak na wika ni Ate Kapos.


"Ano na ba ang nangyari sa Steven natin? Ginayuma ba siya ng tabang pangit na yan?!" Naiiyak na wika ni Dwarf.




Nilingon ni Steven ang tatlo. Narinig siguro niya ang hinaing ng mga impaktang ito.  Hinawakan niya ang kanang kamay ko. Tiningnan ko siya ng may pag-tatanong. 




"Just going to shoo those malodorous girls." Ngumiti si Steven saka kumindat sa akin. 




Nag-tungo siya sa mga impakta at dahil hawak niya ang kamay ko ay napasama ako.




Tumikhim siya at nginitian ang mga Impakta. "Excuse me Girls..."


Kumindat ang babae at inilagay ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga niya. "Yes? What can I do for you?"


"I just want to say something for the three of you." Hinaplos ng dalawang beses ni Steven ang labi niya gamit ang index finger nito. 


"Do you want to spend time with me?" Nag-lip bite si Ate Kapos sabay lumapit ng sobra kay Steven.



Hello? Invading of personal space iyang ginagawa mo teh! Girlfriend is here! Unting hiya naman.


"No." sagot ni Steven.


"Are you asking me out on a date?" She asked with her eyes that keep on blinking. 


Steven shook his head while plastering a smirk on his face. "It will never happen. I just want to tell you to stop offending my Shao-shao. She is my Girlfriend. At dahil inoffend niyo siya parang inoffend niyo na rin ako. Pinili ko siya dahil mahal ko siya at hindi niya ako ginayuma. Ako ang nang gayuma sa kanya. At hindi rin siya pangit, maganda siya sa paningin ko at kahit mataba siya okay lang dahil masarap siyang yakap-yakapin."




Nagulat ako ng bigla akong niyakap ni Steven sa harap ng tatlo. Nang bumitaw siya sa pag-kayakap ay tiningnan niya muli ang tatlo na siyang ginaya ko naman. 




"Now, get out of here before I let the guards throw you outside." Tinalikuran na ni Steven ang tatlo at nag-simulang mag-lakad. 




Nang tingnan ko ang mga mukha ng tatlo ay nag-siyukuan ang talo at pinag-tatakpan nila ang kanilang mga mukha. Nang makita ko ang mga taong nakapaligid sa amin ay pati ako nakaramdam ng pag-kahiya.




Napansin ni Steven na hindi ako gumalaw sa kinaroroonan ko. Nilingon niya ako at nang makita na nakayuko rin ako ay nilapitan niya ako.




"What happened? Did the skunks annoyed you again?" HIndi na hinintay ni Steven ang sagot ko. Mabilis niyang nilapitan ang tatlo. Kita sa mga mukha ng tatlo ang pag-katakot sa susunod na gagawin ni Steven.


"Tsk! I already warned you about this... You know what I am capable of..." 




Hindi ko na pinatapos si Steven sa pag-salita dahil agad ko siyang hinila palayo sa tatlo. Sobrang dami na ang nanonood. Ayaw kong maging agaw pansin. Ang gusto ko lang ay mag-saya kami ni Czar.




"Bakit mo iyon ginawa?" tanong ko kay Steven.


"Dahil sumusobra na sila. Ayaw mo ba sa ginawa ko Shao-shao?" Humarap siya sa akin at ngumuso na parang bata. 


Kung kanina ang astig niya tingnan ngayon naman ay mistulan siyang bata na nag-paapcute sa magulang para masunod ang hinihingi nito. Naalala ko tuloy ang mga mukha ng tatlo kanina. Napatawa ako dahil sa reaction nilang tatlo. "Gusto ko kasi ako ang gumawa ng ganun sa kanila."


Ngumiti si Steven sa akin saka ginulo ang buhok ko. "Maldita ka talaga Shao-shao ko."


"Siyempre, nag-mana ako kay Czar. Speaking of Czar, tara puntahan na natin siya."


"Kasama mo si Czarina?"


"Oo."


Muling nag-pout si Steven dahilan para taasan ko siya ng kilay. "Bakit di mo sinabi sa akin kanina? Ikaw lagi mo na lang ako nililihiman. Nung una nilihim mo sa Steven mo na mayaman ka."


"Sorry..." sincere na pag-kakasabi ko.


Inakbayan ako ni Steven at kinurot ang pinsngi ko.. "Pasalamat ka at mahal kita.


"I love you too. Puntahan na natin si Czar."


"Mauna ka na Shao-shao ko. Sunod na lang kami ni Jaeger."



Hindi ko gustong andito si Jae. Masyado niyang pinahirapan si Czar. Pero ano ang magagawa ko? Naka-tadhana na ata kay Czar na makita ang taong nanakit at nang-iwan sa kanya.





Nag-nod ako kay Steven bilang sign na umalis na siya. Tinalikuran ko na si Steven at pinuntahan si Czar na patapos na sa pag-kain.




Czarina's POV



Nakita ko si Shao na papalapit sa akin. Hayy... mukhang naturuan na niya ng leksyon ang mga bruhilda.




"Oh, musta?"


"Nilampaso ko na ang tatlong impakta. Take note hindi lang IMAPAKTA, mga HALIPAROT din."


"Hmm. Oh, kain na." Inabot ko kay Shao ang pagkain niya.


"Shao-shao ko!" Napatingina ko sa pinag-galingan ng boses na iyon at nakita ko si Steven na papunta sa amin.


"Oh, andito pala si Steven." Ininom ko ang palamig na nasa baso ko. Inisahang lagok ko iyon bago ibaba ang baso.


"Nakita ko lang siya dito."


Tinapon ko ang pinagkainan ko. Sa lamesa kasi namin ay may basurahan. Natatakpan lang ito ng isang maliit na bilog. "Paano ba yan, uuwi na lang ako." Nakakain na rin naman ako. Okay na akong umuwi.


"Shao-shao ko..." Isinandal ni Steven ang ulo niya sa ulo ni Shao.


"Shao, turukan mo nga ng tranquilizer yang boyfriend mo."


Umalis si Steven sa position nila Shao at ngumusong humarap sa akin. "Grabe ka naman Czar. Lagi mo na lang ako ginaganito."


"Teka tama ba yung narinig ko? Czar? At kailan pa tayo naging close?"


"Bestfriend ka ng Shao-shao ko. Ibig sabihin Bestfriend na rin kita."


"Utot! Sige lalarga na ako at baka mamaya maka-disturbo pa ako sa date niyo."


"Czarina, hindi ka makakadisturbo. May kasama rin ako."


"Oh, talaga? Sino?"


"Malalaman mo rin. May binili lang kasi siya." Kinindatan ako ni Steven saka ngumiti na parang aso.




Nag-hintay ako ng ilang minuto nang nakita ko ang taong papalapit sa aming tatlo.




"Sorry. I'm late."


"Dude, nabili mo na ba ang dapat mong bilhin?"


"Ja---" Hindi ko naituloy banggitin ang pangalan niya dahil biglang nag-salita si Shao.


"Ang tagal mo Jae. Ano ba kasi ang binili mo?" Naiiritang wika ni Shao.


"Ahh.... mga prutas..." Tiningnan ako ni Jaeger saka muling nag-salita.  "... para sana kay Peishi."


" Ohhh... Tara na Czar, uwi na tayo." Hinawakan ni Shao ang kamay ko at hinila ako paalis sa pwesto ko.


"Shao-shao ko... Bakit kayo uuwi agad?" Hinawakan ni Steven ang kamay ni Shao na nakahawak sa kamay ko.


"Trip ko lang. Bakit?"


"G-gusto niyong sumama?" Napatingin silang tatlo sa akin dahilan upang automatic na napayuko ako. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko. Pero gusto... gusto ko siyang makasama kahit ngayong araw lang.


"Pwede ba?" tanong ni Jaeger.


"Tanga." Bulong ni Shao na nasa tabi ko.




Alam ko Shao. Tanga. Gusto ko siya makasama kahit ngayon lang... Sapat na sa akin iyon. 




Inangat ko ang ulo ko saka ngumiti. "Gusto kong mag-bonding tayo."


"Yown! Ayos! Tara, punta tayo sa Park. Nakakasawa na rito eh." Masiglang wika ni Steven.




Umalis kaming apat at tumungo sa Park na nasa loob ng Subdivision namin.




Umupo kaming apat sa isang bench at pinag-titinginan kami ng mga tao nang bigla akong tumayo.




"Bibili lang ako ng makakain."  Tumalikod na ako sa kanila at nag-simulang mag-lakad.


"Oh, Jae, saan ka pupunta?"




Napahinto ako sa pag-lalakad at nakinig  kanila Shao.


"Aaahhh... A-ano... A-ano..."


" Ano?"


" S-sa-sa-sam...."


"Jae, maghunusdili ka. Para kang tanga. Ano ba ang gagawin mo at hindi ka mapakali? Nag-bli-blink yang mga mata mo tapos titingin ka sa kaliwa, tapos titingin ka sa kanan."


"S-samahan ko si Czarina."


"Sows! Iyon lang pala. Eh, di go~ Wammy, wammy, push your luck!" 


"Good luck Dude."




Nang dahil sa narinig ko ay agad kong binilisan ang pag-lalakad. Baka mapansin nilang tatlo na hindi pa ako nakakalayo.




"Czar! Wait~ Sasamahan ka ng Hangin mo!"




Huminto ako sa pag-lalakad at nilingon sila Shaomei.




"Bro... takbo na... Para mahabol mo pa siya."




Tumakbo si Jaeger papunta sa akin. Okay... Inhale, exhale. Kaya mo 'yan Czar. Nang makita kong malapit na siya sa akin ay tumalikod na ako at nag-simulang mag-lakad.




"Czarina, sandali." 



Napahinto ako sa pag-lalakad ng bigla akong hawakan ni Jaeger sa braso.


" Oh... Jaeger, bakit? May ipapabili ka ba?"


"Aaah... ano... pinapasamahan ka nila Mei sa akin."  He began scratching his forehead.


"Ohh--kay. Don't worry kaya ko ang sarili ko."


"Paano yung mga pagkain na bibilhin? Hindi mo iyon kayang buhatin na mag-isa."


Iniwas ko ang tingin sa kanya. Nag-buntong hininga ako at muli siyang tiningnan. "Kaya ko Jaeger."


"Hindi ako papayag. Sasamahan kita."




Nauna ng mag-lakad si Jaeger at naiwan ako. Dahil sa sobrang inis ay hindi ko mapigilan ang hindi mag-make face.




Huminto sa pag-lalakad si Jaeger at hinarap ako. "Kung ako sayo titigilan ko na iyan at susunod na lang ako dahil sigurado akong nagugutom na sila Mei."


"Tss! Pasalamat ka..."


"Pasalamat ako na ano?"


"Wala!"





I stick out my tongue to Jaeger. Dire-diretso akong nag-lakad at nilampasan ko siya hanggang sa makarating ako kay Manong Kwek.




"Manong, pabili po ng fifty pesos na kwek-kwek."


"Anong pagkain yan?"


"Ito? Ang tawag dito ay kwek-kwek."


"Ano? Kek-kek?"


"Kwek-kwek."


"Wek-wek?"


"Dagdagan mo ng K sa umpisa ang wek-wek mo."


"Kwek-kwek?"


I pat him on his head and smile widely to him. "Good boy."




Tinanggal ni Jaeger ang kamay ko na ginugulo ang buhok niya.




"Tigilan mo nga 'yan! Anong akala mo sa akin aso?!"


" Ay, hindi ba? Akala ko kasi aso ka eh."


"Miss... ikaw si Czarina Sandoval, di ba?"


"Hehe. Opo."


"Napaka-ganda mo namang bata." papuri sa akin ni Manong Kwek.


"Ay! Thank you po at na-appreciate niyo ang beauty ko." Napakamot ako sa ulo ko. Nahihiya ako dahil sa sinabi ni Manong. Hindi ako madalas nakakarinig ng papuri sa akin lalo na pag-dating sa physical appearance.


Jaeger smirk at me. " Tss! Magandang bata raw... Saang banda?"


"Anong sabi mo?"


"Manong, malabo po ba ang mata niyo?"


"Naku, Sir, tama po kayo. Malabo na ang mga mata ko pero kahit papaano ay nakakakita pa rin ako ng unti." 



Humagalpak sa kakatawa si Jaeger. Inapakan ko nga ang paa niya para mapahinto siya sa kakatawa.




"Aray! Why did you do that?!"


"Wala lang. Bakit papalag ka?" 


"Inapakan mo ako kasi nainis ka ng inamin ni Manong na malabo nga ang mata niya."


"Hindi ah..." I showed her my most innocent face.


Muling tumawa si Jaeger dahilan para mas lalo akong mainis. "Pikon ka."


"Sige, tawa pa kung ayaw mo nang makita ang umaga."




Nag-close fist si Jaeger at inilagay sa labi niya upang tumigil siya sa pag-tawa.




"Miss, ito na ang kwek-kwek niyo at dahil nakakatuwa kayong dalawa, may libre kayong dalawa na basong iced tea"


Inirapan ko si Jaeger bago nilingon si Manong Kwek. "Ay, Manong salamat po!"




Umalis ako agad pag-katanggap ng dalawang basong iced tea at iniwan si Jaeger na nag-pipigil sa pag-tawa.




(Fast Forward)

Natapos na ang kainan naming apat at napag-pasyahan na naming umuwi




"Shao, sa apartment ka ba tutuloy?"


"Yup." 


"Paano ba yan Czar... Bro, mauna na kami ni Shao-shao ko. Ingat sila sa inyo. Bye." Nag-mamadaling wika ni Steven.




Mabilis na umalis ang dalawa. Naiwan kaming dalawa ni Jaeger at nag-titigan kami sa isa't-isa ng napag-pasyahan na rin ni Jaeger na umalis.




"Paano ba iyan, aalis na ako. Ihahatid ko pa itong mga prutas kay Pei."


"Ah... sige... Paalam..." Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. 




Nag-umpisa ng mag-lakad si Jaeger at naiwan akong nakatayo habang pinag-mamasdan siyang mag-lakad palayo.




"Jaeger!"




Huminto si Jaeger sa pag-lalakad at nilingon ako. Sinamantala ko na ang pag-kakatao na iyon upang tumakbo papunta sa kanya.




"May kailangan ka?"


Tiningnan ko sa mga mata niya si Jaeger at tinanong ang tanong na gusto kong itanong sa kanya. "Galit ka pa ba sa akin?" 


"Naiintindihan na kita." Tumingin siya sa mga mata ko at ngumiti.


"Ano?"


"Parehas lang tayo."


"Ha?" naguguluhang tanong ko.


"Czarina, sadyang kailangan mag-tago ka ng lihim para sa ikabubuti ng iba."


"Hindi ko maintindihan."


"Isipin mo na lang na may mga taong nag-lilihim upang sa ikabubuti ng iba o ng lahat. At may mga tao rin na hindi pa dapat pag-sabihan nito dahil hindi pa dapat iyon ang tamang oras."


"Ano?"


He began patting my head. "Kahit kailan Pagong ka talaga. Ang slow mo."


Napanguso ako nang dahil sa sinabi niya. "At kahit kailan Mahangin ka pa rin."




Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil tumalikod na si Jaeger at nag-lakad. Nag-wave na lang ito ng kamay ng hindi lumilingon sa akin.




"Bye Pikon na Pagong... Na-miss kita... sobra."




Matapos sabihin iyon ni Jaeger ay itinigil na niya ang pag-wave niya ng kamay at ipinasok ang pinang-wave niya na kamay sa kanyang bulsa dahil yung isa niyang kamay ay may hawak itong basket na may lamang mga prutas.



Continue Reading

You'll Also Like

129K 2.8K 42
Nagbago ako dahil sa pangyayari. Madaming nawala na mahahalagang tao para lang iligtas ako. Anu ba ang meron ako. Dahil sa nangyari naging Miss Nobod...
113K 653 5
Ano nga bang gagawin mo kung sakaling makapasok ka sa isang Unibersidad na kabaliktaran ng lahat nang positive vibes na iniisip mo? Anong gagawin mo...
84.1K 2.6K 41
Paaralang hindi ordinaryo. Iba't ibang ugali, hindi natin alam kung totoo ang mga nakakasama natin. Maraming mukha ang nakatago sa maskara. Paaralang...
2.8M 53.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...