Close Your Eyes, Ciem

By TianaVianne

148K 5.6K 2.6K

|| Published under PSICOM || Ciem suffers from a chronic and irrational fear of sleep. She stays awake as lon... More

Published under PSICOM
Close Your Eyes, Ciem
Prologue
Chapter One
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Epilogue
Special Chapter

Chapter Two

5.8K 187 211
By TianaVianne

#CYECChapter2


"W-WHO'S in there?" kinakabahang sabi ko.

Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko habang naglalakad ako papalapit sa aparador. Kanina pa ako may naririnig na kaluskos mula roon at ayaw akong patahimikin nito.

Nang makalapit ako sa aprador ay ipinikit ko ang mga mata ko. Mabilis ang kabog ng dibdib ko at gustong-gusto kong buksan 'yong aparador pero nangingibabaw ang takot ko. Paano kung may makita na naman akong . . . f*ck. Bakit ba? Ano ba ang kinatatakutan ko? Sa ganitong mga oras ay kailangan kong magpakatatag para protektahan ang sarili ko. Wala akong ibang kakampi kundi ang sarili ko. Walang ibang tutulong sa 'kin kundi ang sarili ko. Sarili ko lang.

Akmang bubuksan ko na sana 'yong aparador pero natigilan ako nang may marinig akong umiiyak mula sa likuran ko. Nagpigil akong magpakawala ng malalim na hininga dahil ayaw kong mabakasan niya ako ng kahit kaunting takot.

Unti-unti akong lumingon sa likuran ko at mabilis akong napaatras nang makita ko ang isang babaeng umiiyak doon sa kabilang sulok ng kuwarto ko.

Hindi ko makita ang mukha niya dahil natatabunan ito ng mahaba niyang buhok pati ng mga braso niyang nakayakap sa kanyang mga tuhod.

Nagsimula akong umiyak nang makita ko ang dugo sa sahig ng kuwarto ko at mabilis akong umakyat sa kama ko para umiyak.

"P-Please, go away!" basag na boses kong sigaw. Paulit ulit na lang na nangyayari 'to sa 'kin at napapagod na ako. Nahihirapan na rin akong huminga dahil sa sobrang sikip ng dibdib ko.

Kailan ba matatapos ang lahat ng 'to?

Kailan ko ba mararanasang maging payapa ang buong araw at gabi ko?

"Go away!" sigaw ko pa ulit.

Gulat akong napabangon mula sa pagkakahiga. Naghabol ako ng hininga at dahan-dahang iginala sa paligid ang paningin ko. Maliwanag na sa labas at pumapasok na rito sa kuwarto ko ang sinag ng araw.

F*ck.

F*ck no.

No f*cking way.

F*ck. I fell asleep.

I f*cking fell asleep!

Paulit-ulit akong napamura sa isip ko nang mapagtanto kong nakatulog ako. I shouldn't have slept! Those f*cking nightmares felt real and I hate it! God, I hate it! I hate it so much!

I cried for hours because I couldn't accept the fact that I've fallen asleep.

No'ng mapagod ako kaiiyak ay tumayo na ako mula sa kama at nag-ayos ng sarili. I still have to go to work despite all the sleepless nights. I have no choice but to earn money and support myself financially. Wala namang ibang gagawa no'n para sa 'kin dahil ako na lang mag-isa.

I wore my navy-blue shirt paired with a high waisted pants. Ito ang uniporme ko sa trabaho.

Kahit nakatapos naman ako ng kolehiyo ay wala akong makuhang matinong trabaho. Palagi akong natatanggal sa trabaho dahil palagi rin akong wala sa sarili. And that proved me that life's f*cking unfair after all.

I'm a graduate of Business Administration major in Financial Management, worked for three different companies in a year but ended up getting fired over and over again. So here I am, working as a bookseller in a small bookstore located near my house. Ito na ang pinakanagtagal sa 'kin na trabaho at nakakatatlong buwan na ako rito.

Pagkapasok ko sa Paria, isang maliit na bookstore dito sa Briena town, binati ako nila Chas at Sandro pero wala ako sa mood makipag-usap kaya tumango lang ako at dumiretso na muna sa customer service area para iwan 'yong bag ko sa desk ko.

For the whole day, I am processing purchase payments, recommending and locating books for customers, receiving and displaying inventory, and organizing book shelves and tables. Sometimes, I am also involved in placing, receiving and following up on special orders for customers, in person, online, or over the phone.

Chas is the Customer Service Representative and Sandro is the Bookstore Manager who hired me. Mabait si Sandro at hindi rin marunong magalit, kaya siguro nagtagal ako rito sa Paria. Madalas nga ay nag-aalala pa siya kapag wala ako sa sarili. Ibang iba si Sandro sa lahat ng boss ko na nakilala ko.

Dalawang taon lang naman ang tanda ni Sandro sa 'kin at magkaedad naman kami ni Chas kaya hindi gano'n kapormal ang pakikitungo namin sa isa't isa. Kaming tatlo 'yong tumatao sa branch ng Paria Bookstore dito sa Briena. 'Yong main building kasi ng publishing company ng Paria ay nasa Sendan city at medyo malayo iyon mula rito. Marami ng branch ang Paria Bookstore sa iba't ibang lugar tulad ng Vera city, Vera town, Trima town, De Grande town, Sendan city, Realgorez, Belle Ville at iba pa. Ang alam ko nga ay malalawak ang mga Paria Bookstore doon kumpara sa Paria Bookstore dito sa Briena. Lahat ng Paria Bookstores ay hawak ng Paria Publishing Company na nasa Sendan city. Hindi pa ako nakakapunta roon pero sana ay mapuntahan ko rin ang lugar na 'yon kung sakali. Nagsasawa na rin kasi ako minsan dito kay Chas at Sandro dahil kaming tatlo lang ang nagkikita araw-araw.

To be honest, I think this job suits me really well. As a bookseller, I am expected to be an early bird which is not a problem because most of the time, I don't get to sleep. I get to be in the store an hour or two before opening. I can organize the shelves, catch up on setting up a couple displays, and enjoy the peace and silence that comes with not having to play music over the sound system. Pero minsan may mga araw din na nauunang pumasok sina Chas at Sandro tulad ngayong araw dahil nakatulog ako kagabi. Kapag nakakatulog kasi ako, madalas ay medyo nahihirapan akong gumising dahil kinatatakutan na ng katawan kong lumipas ulit 'yong buong araw at makatulog na naman ako sa gabi. Ayaw ko talagang nakakatulog ako, pakiramdam ko ay palaging may masamang mangyayari sa 'kin.

Lumipas ang buong araw ko at wala namang bago. Gano'n lang ulit. Gano'n lang paulit-ulit. Naging abala lang ako sa trabaho. Minsan nga ay kinatatamaran ko na 'yong pag-aayos ng shelves at mga mesa dahil nagugulo lang din naman palagi lalo na kapag maraming customer at hindi nila mapagdesisyunan mabuti kung ano ang librong kukunin nila.

"Uuwi ka na agad?" tanong sa 'kin ni Sandro.

"Oo. Maglalaba pa ako, eh," sagot ko.

"Sumama ka na muna sa 'min ni Chas, maghahapunan kami sa Buono."

Napakunot ang noo ko. "Buono na naman? 'Di ba kayo nagsasawa do'n?"

"Paano kami magsasawa? Ang sarap kaya."

Sa bagay, tama naman siya. Masarap naman talaga lahat ng pagkain sa Buono. Minsan ay doon ako bumibili ng hapunan eh.

"Ano, tara? Treat ko," aya niya pa ulit sa 'kin kaya napaisip ako. Libre niya raw, eh. Sinong 'di mapapaisip kapag gano'n, 'di ba?

"Sige," mabilis na pagpayag ko. Narinig ko naman 'yong biglaang pagtawa ni Chas habang nagliligpit siya ng mga gamit niya.

"Basta talaga libre, sasama ka eh 'no?" pang-aasar sa 'kin ni Chas at malapad siyang ngumiti. Hindi ako nagsalita at nagkibitbalikat na lang.

Sometimes, I simply miss the old times. Lalo na 'yong panahong mayaman pa kami at nabibili ko lahat ng gusto ko. Ngayon kasi ay palagi akong nagtitipid dahil hindi naman gano'n kalaki ang kinikita ko.

Pagkatapos naming magsara ng bookstore, naglakad na kami papunta sa Buono Restaurant para kumain. Napakasarap ng pasta roon pati pizza and wings.

Tulad ng dati, medyo marami din ulit ang tao sa Buono kaya natagalan din bago na-serve sa 'min 'yong foods and drinks. Nag-order din ng beer sina Sandro at Chas.

"Ikaw, Ciem? Beer?" tanong sa 'kin ni Chas at malapad siyang ngumiti. Natigilan ako dahil sa ngiti niya. Minsan ay parang exaggerated 'yong ngiti niya pati 'yong ibang reaksyon niya. Hindi ko alam, pero hindi ko talaga gaanong gusto 'yong aura niya. May kakaiba kasi talaga.

"Ayaw ko. Baka makatulog ako," sagot ko. Baka mahirapan na naman akong huminga. Baka atakihin na ako sa susunod. Sa sobrang takot ko ay hindi ko na rin maintindihan ang sarili kong nararamdaman. Ang hirap ng ganitong sitwasyon. Napakahirap.

"Isa lang naman, 'di ka naman agad aantukin do'n," natatawang sabi ni Sandro pero umiling lang ulit ako. Hindi nila ako mapipilit. Wala naman silang alam sa nararamdaman ko.

"Isa lang, Ciem. Dali na," pilit sa 'kin ni Chas.

Napabuntonghininga ako. Sa totoo lang ay gusto kong magpakalasing ngayong gabi. Pero sa tuwing maiisip ko na ayaw kong antukin o makatulog, talagang napapaatras ako kapag alak na 'yong pinag-uusapan.

Tatanggi na sana ulit ako sa kanila pero natigilan ako nang may isang pamilyar na lalaking biglang huminto sa gilid ko. Katabi ko kasi 'yong glass wall kaya napalingon ako sa gilid ko at halos lumundag 'yong puso ko mula sa dibdib ko dahil may lalaking nagsasalamin sa tabi ko.

Pamilyar 'yong mukha niya. Saan ko nga ba siya nakita?

Napakunot ang noo ko nang maalala ko kung sino siya. Siya rin 'yong weird na lalaki na nagsalamin sa harap ko no'ng nasa convenience store ako nitong nakaraan lang.

Bakit ba kung saan-saan ko siya nakikita? At bakit ba tuwing makikita ko siya ay tinitingnan niya lagi 'yong repleksyon ng sarili niya?

"Ang guwapo, jusko," kinikilig na sabi ni Chas habang titig na titig doon sa lalaking nananalamin sa tabi ko.

Napairap ako. Guwapo nga, guwapong-guwapo naman sa sarili.

Irita kong kinatok 'yong glass wall sa tabi ko kaya natigilan siya sa ginagawa niya at kunotnoong tumingin sa 'kin. Nang maaninag niya ang mukha ko ay napataas ang kilay niya. Naalala niya rin siguro ako.

"Ciem, ano na? Beer ka rin ba?" pag-uulit ni Sandro.

Napataas ang kilay ko nang may maisip akong magandang ideya. Agad akong tumango. "Limang beer," sagot ko kay Sandro kaya parehas na namilog ang mga mata nila ni Chas.

"Seryoso? Akala ko ba ayaw mo?" natatawang sabi ni Sandro pero imbis na sagutin ko siya ay tumayo ako at nagmadaling lumabas ng Buono para lapitan 'yong lalaking guwapong-guwapo sa sarili.

Napasinghap siya at natawa ng mahina. "Small world, huh. Ikaw na naman," umiiling na sabi niya.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at mabilis kong kinuha ang kamay niya kaya gulat siyang napatingin sa 'kin. Bakas sa mukha niya ang pagtataka, pero wala akong panahon para magkaroon ng pakialam sa kung ano man ang nararamdaman o iniisip niya.

"Sleep with me," seryosong sabi ko. Ilang segundo siyang napatulala pero maya-maya lang ay agad siyang tumawa.

"Are you drunk?"

"No, but I want to get drunk," diretso kong sagot sa kanya.

Napatitig siya sa 'kin nang sabihin ko iyon at agad na nawala 'yong ngiti sa labi niya. "Are you serious? You really want to sleep with me?"

Agad na nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko na ang pangit palang pakinggan no'ng sinabi ko.

What the fuck, Ciem? Bakit naman gano'n ang sinabi mo sa kanya?

"I didn't mean it that way. Ang ibig kong sabihin, you have to entertain me the whole night."

Napataas ang parehong kilay niya.

What? May mali na naman ba a sinabi ko?

"You have to make sure that I won't fall asleep," I clarified.

"Ah . . ." He nodded slowly like he just finally got what I meant. "And why would I do that? I don't even know you," bigla niyang sabi kaya napakunot ang noo ko.

Paano ko ba mapapapayag 'to? Gusto ko man siyang irapan ay hindi ko na magawa dahil may kailangan ako sa kanya.

"Please? I just really need someone to keep me up all night," desperada kong sabi.

Nakipagtitigan ako sa kanya, nakikiusap ang mga mata ko na pumayag siya sa pabor na hinihingi ko. Sana ay may kabutihang loob siya kahit papaano.

Crossing his arms above his chest, he leaned on the glass wall. "I need something in return."

I blinked. 'Yon lang? "Okay. Tell me," mabilis kong sagot.

His lips curved into a smile and said, "Just not now." Before I could even say anything, he already entered Buono and sat across my workmates.

"The audacity of that guy." I groaned in disbelief.

Agad akong sumunod sa kanya sa loob at umupo sa tabi niya. "May boyfriend ka pala?" tanong sa 'kin ni Sandro at agad naman akong umiling.

"Hindi ko siya kilala. Ano ngang pangalan mo?" baling ko sa katabi kong guwapong guwapo sa sarili.

"Hope," he replied before calling the waiter to take his order.

"Hope?" natawa ako ng mahina. "Bakit hindi Self? Mahal na mahal mo naman sarili mo."

Biglang natahimik sina Chas at Sandro dahil sa sinabi ko, at humalakhak naman si Hope. "Malapit ko nang palitan pangalan ko. Update kita kapag okay na."

Napaawang ang labi ko at napatitig sa kanya. "God. I was just kidding! Seryoso ka talaga?"

Napahalakhak ulit siya. "And you are?" pag-iiba niya ng usapan.

"Ciem," tipid kong sagot pero agad na umeksena si Chas para kunin 'yong atensyon ni Hope.

"Hi! I'm Chas!" bati niya saka siya ngumiti ng malapad. Lagi na lang 'to ngumingiti ng gano'n. May kakaiba talaga sa ngiti niya, hindi ko alam kung ano.

Ngumiti naman si Hope at nakipagkamay sa kanya. Bakas sa mukha ni Chas 'yong nag-uumapaw na kilig kaya napailing na lang ako.

"Sandro," pagpapakilala naman ni Sandro at nakipagkamay din kay Hope.

Hinintay naming dumating 'yong order ni Hope saka kami sabay-sabay na kumain. Habang abalang magkuwentuhan sina Chas at Sandro tungkol sa trabaho, kinausap naman ako bigla ni Hope.

"Why me?" tanong niya sa 'kin.

"Why not? I mean—I don't know. Siguro dahil walang hiya ka kaya bakit naman ako mahihiya sa 'yo? 'Yon ang unang pumasok sa isip ko," pagsasabi ko ng totoo saka ako sumubo ng pesto.

"Wow," hindi makapaniwalang sabi niya saka siya natawa.

"May girlfriend ka?" tanong ko sa kanya.

"Sa tingin mo papayag ako sa gusto mo kung may girlfriend ako?"

Napataas ang kilay ko. "Sa bagay, may point ka naman."

"You really have to use your brain, Ciem."

"And you really have to remove your eyes, Hope. Masyado kang guwapong guwapo sa sarili mo," pagganti ko sa kanya.

"Guwapo naman talaga ako. Bakit? Hindi ba?" nakangising sabi niya.

Shaking my head, I rolled my eyes. Mukhang malabo ngang antukin ako kapag siya ang kausap ko dahil kumukulo ang dugo ko tuwing sasabihin niyang guwapo siya.

Wala na ba akong ibang maririnig mula sa bibig niya? Talagang kailangan 'yon na lang palagi?


___

Jusko, Hope. Nakaka-stress kang kausap. Char. Hahaha!

Add/follow me on Facebook: Tiana Vianne Isidoro

Continue Reading

You'll Also Like

6K 57 2
ALASKA SERIES # 1 Liana Delgado, a BS Nursing student, hasn't always had it easy, but she never made an excuse to stop reaching her goals in life. Sh...
688K 30.3K 32
Wanderlust. Summer love. And a whiff of chocolate. ----- Special Summer Story for Candy Stories. New Adult | Romance
1.4K 307 112
[EPISTOLARY | COMPLETED] Tanya Elisha Ong believes that Lawrence Castañeda is the man of her dreams. That fate and the stars coincided to make their...
2.1M 54.2K 57
To transform her family's life from rags to riches, Cari is determined to focus on her studies and set the idea of love aside. But upon meeting the m...