Be Nice to The Setter, The Qu...

By CydneyChing

492K 11.3K 1.7K

becoming a parent doesn't change you. it makes you realize that the little people that you created deserve th... More

My Dearest
Day I
Day 2
Day 3
Day 4
Day 5
Day 6
Day 7
Day 8
Day 9
Day 10
Day 11
Day 13
Day 14
Day 15
Day 16
Day 17
Day 18
Day 19
Day 20
Day 21
Day 22
Day 23
Day 24
Day 25
Day 26
Day 27
Day 28
Day 29
Day 30
Day 31
Day 32
Day 33
Day 34
Day 35
Day 36
Day 37
Day 38
Day 39
Day 40
Day 41
Day 42
Day 43
OKAY
Special Chapter
My Dearest

Day 12

9K 230 66
By CydneyChing

" I can't believe you've done this, of all people na pwedeng paglihiman nyong dalawa, kami pa talagang magulang nyo? " dismayadong wika ng Daddy ni Deanna

Dumating ang Parents ni Deanna sa mismong araw kung kailan dumating ang Parents ni Jema, napagdesisyunan ng mga magulang nilang dalawa na pag usapan ang problema at nandito ngayon sila nagtipon sa sala ng Apartment na tinitirhan ni Jema

Hindi nakapagsalita si Deanna dahil naunahan siya ng takot

" Answer me Izabella! " utos niya sa anak

" I'm sorry Dad " nakayukong sagot niya sa Ama

" you are such a disappointment  " mapait na sabi pa ng Daddy niya

" akala ko magiging masaya kami pag nalaman naming magkakaapo na kami, pero bakit imbes na maging masaya kami bakit kami nasasaktan ngaun? " may hinanakit na wika naman ng Ina ni Jema

" ako na lang po ang pagalitan nyo wag na po si Margarett " biglang wila ni Deanna

" Hubhub" pag pigil ni Jema sa asawa

" Okay lang " sabi ni Deanna sabay hawak sa kamay ni Jema

" ano ba kami sa inyo? for God's  sake we are your parents! karapatan naming malaman lahat lahat ng nangyayari sa inyong dalawa dito sa manila " tumaas na ang boses ng Daddy niya

" naiintindihan namin kung hindi nyo masabi sa ibang tao na buntis ka pero samin? Jema sa samin pa tlaga ng Papa mo? " sumbat ng Mama ni Jema sa kanya

" Mama pasensya na po tlaga, naghahanap lang po ako ng tamang oras para sabihin sa inyo to eh " naiiyak na wika ni Jema

Dinaluhan naman siya ni Deanna at pilit pinapatahan ang asawa

" Sino ang nag desisyon na wag sabihin samin ang pagbubuntis mo Jema? " seryosong tanong ng kanyang Ama sa kanya

" Papa "

" Jema sumagot ka, sino sa inyo ni Deanna ang nagdesisyon? " ulit pa ng matanda

Aamin na sana si Jema pero agad nagsalita si Deanna

" Ako po " pag amin niya

Sabay napatingin sina Mafe at Jema sa kanya

" bakit mo yun ginawa? " may inis sa boses ng Ama ni Jema

" akala ko po kasi makakabuti po samin yun ni Margarett, na itago po muna ang pagbubuntis niya sa inyo pero hindi po pala. Sorry po " pagsisinungaling niya

" alam nyo ba ang ginawa nyong dalawa? muntik nyo ng ipamahak ang apo ko " galit na wika pa ng matanda

" mabuti na lang walang masamang nangyari sa bata " sabat naman ng Mama ni Jema

" Hindi na po mauulit Papa " hinging paumanhin ni Jema

" tlagang hindi na mauulit kasi sasama ka samin sa Laguna " sabi ng matanda dahilan para mapatingin sa kanya lahat ng taong naroon

" Ano po? " d makapaniwalang tanong ni Jema

" wait lang po hindi naman po pwede na ilayo nyo sakin si Margarett at ang baby namin " protesta ni Deanna

" wala namang may magandang nangyayari sa inyo dito ehh.. puro kayo away na dalawa at muntik pang mapahamak ang apo ko " sagot naman ng matanda

" Yun pag aaway po namin kahapon pa po yun, okay na po kami ngaun dba wifewife? " nagsimula ng maluha si Deanna

" kaya mo ba tlagang maging asawa at ina dito sa mag ina mo Deanna? " tanong ng Papa ni Jema sa kanya

" Kaya ko po " matapang na sagot ni Deanna

" kaya mo? pero bakit may nangyayaring ganito? " boses ng Ina ni Jema

" kung sinabi nyo samin agad ang pagbubuntis ng anak ko hindi ako magdedesiyon ng ganito Deanna, hindi mo kami nirespeto bilang kami ang magulang ni Jema " mapait na sabi pa ng matanda

" Papa wag naman kayong ganyan kay Deanna " pagpapatigil ni Jema sa sinasabi ng kanyang Ama

" bakit?! totoo naman yun dba? wala syang Respeto samin ng Mama mo! kasi kung nirerespeto niya kami sasabihin niya samin ang kalagayan mo, at ang nangyayari dito " galit na sabi pa ng matanda

Nakayukong nagpupunas si Deanna ng luha niya habang pinapakinggan ang mga sinasabi ng Ama ni Jema

" Papa hindi naman kasalanan ni Kuya Ate eh " tanggol ni Mafe kay Deanna

" Isa kapa Mafe! matagal mo na palang alam na buntis itong kapatid mo wala ka mang lang sinabi skin? " si Mafe naman ang pinag initan ng matanda

" wala naman po ako sa lugar na sabhin sayo yun Papa kasi ayokong makialam sa relasyon nina Ate " pagdahilan ni Mafe

" Kahit na! Kapatid mo pa rin si Jema at anak kita kaya may karapatan kang sabihin sakin lahat ng nalalaman mo kasi nakatira lang kayo sa iisang bahay " paliwanag niya sa anak

Lumapit si Jema sa kanyan Ama

" Papa naman " sabay hawak sa kamay ng Ama niya

" Mag impake kna? uuwi na tayo sa Laguna " utos niya kay Jema

" Papa Please wag nyo naman ilayo sakin ang asawa ko " umiiyak na hiling ni Jema sa Ama

"please po wag nyo naman sanang gawin to " si Deanna naman ang nagsalita na hindi na natigil ang luha sa pagtulo

" Maayos ang pinag usapan natin Deanna, na sa oras na mag buntis itong anak ko sasabhin mo sakin pero may sinabi kba? " madiin na wika ng matanda

Hindi nakapagsalita si Deanna, nananatili siyang walang imik at tanging hagolgol lang ng iyak nila ni Jema ang naririnig sa loob ng apartment

" Kaya hayaan mong dalhin ko ang anak ko pauwi ng Laguna, kung gusto mo silang makasama puntahan mo ang Mag ina mo dun, pero hindi ko maipapangako sayo na pakikitunguhan kita ng maganda, sa oras na pumunta ka dun " dagdag pa ng Ama ni Jema na labis na ikinasama ng loob ni Deanna

" please naman po wag naman ganito " pag mamakaawa nya

" tinuturuan lang kita ng leksyon Deanna! pano mo ipapaliwanag samin na mas nauna pang nalaman ng ibang tao at media ang tungkol sa pagbubuntis ng anak ko? pano?! magulang kami at masakit samin ang ginawa mong pagtatago sa kalagayan ng anak namin.. Intindihin mo naman kung san kami nanggagaling " matigas na wika ng Papa ni Jema

Humahangos na pumunta si Deanna sa kinaroroonan ng Parents niya

" Dad, Dad please help me " umiiyak na wika niya sa Daddy niya

" Mom please.. do something " iyak niya sa tabi ng Ina

" Tama ang Papa ni Jema anak.. you should learn from your mistakes.. hindi dahil marunong na kayong tumayo sa sarili nyong mga paa balewala na kaming magulang nyo sa inyo " malungkot na wika niya sa umiiyak na anak at niyakap ito ng mahigpit

" Mafe ayusin mo na gamit ng Ate mo " walang emosyong utos ng matanda

Nakita ni Jema na nakayakap si Deanna na umiiyak sa Mommy niya, hindi niya kayang panuorin nasasaktan ng ganito ang asawa kaya minabuti niyang sundan si Mafe sa taas

Habang nag aayos ng gamit si Mafe ng kapatid ay pumasok si Jema sa loob ng kwarto

" Bat hindi mo sabhin ang tooto? " tanong ni Mafe sa kapatid na makia niya ito sa loob ng kwarto

" anong totoo? " walang ganang tanong ni Jema

" Na ikaw naman tlaga ang may ayaw ipaalam ito kina Papa dba? " singhal ni Mafe sa nakakatandang kapatid

" Natatakot ako sa galit ni Papa " napapikit na sagot ni Jema

" pero hindi ka takot na malayo kay kuya Ate? " mapait na tanong ni Mafe

" pwede wag ngaun Mafe? marami ng nangyari mula pa kahapon pagpahingain mo muna ako sa problema " nanghihinang hiling niya sa kapatid at umupo sa kama

" kung hindi ba kasi matigas ang ulo mo at nakinig ka lang sakin hindi mangyayari ito.. hindi uuwi dito si Papa at hindi niya ilalayo kayong dalawa kay Kuya Ate " bulyaw niya sa kapatid

" Nangyari na ang dapat mangyari, kaya wala na tayong magagawa! " at nag umpisa na namang umiyak si Jema

"Hindi kba naaawa sa asawa mo? iyak na iyak dun makonsensya ka naman " malungkot na tugon ni Mafe

" palibahasa hindi ikaw ang nakagawa ng kasalanan kaya madali lang sayo ang magsalita " sagot ni Jema habang nagpupunas ng luha

" mas gugustuhin ko na ako ang magsuffer kesa makita kong nagssuffer yung taong mahal ko sa kasalanan na ako naman tlaga ang may gawa " madiin na wika ni Mafe

Natigilan si Jema sa sinabi ng kapatid, naalala niya ang pinag usapan nila ni Deanna dati tungkol sa pagsasabi sa parents nilang dalawa na buntis na sya, ngunit pinigilan niya ang plano ni Deanna na pagsasabi sa parents nila, kung hinayaan niya lang ang asawa hindi mangyayari ito hindi sila magkakalayong mag asawa at hindi malalayo ang anak nila sa Mama niya

Biglang tumayo si Jema

" Tama ka " mahinahong tugon niya

Natigil sa ginagawa niya si Mafe nang biglang magsalita ang kapatid

" walang kasalanan si Deanna, kaya dapat ako..dapat ang magsuffer hindi sya " at mabilis na naglakad palabas ng kwarto

Nadatnan niyang inaalo ng Parents ni Deanna ang asawa niya habang tahimik naman nakasamid sa kanila ang sariling mga magulang

" Papa " tawag niya sa kanyang Ama

Umangat ng tingin si Deanna ng marinig ang boses ng asawa, nagkatinginan silang dalawa sa isa't isa

"tapos kna ba mag impake? " tanong ng kanyang Ama

Ibinalin ni Jema ang tingin sa Ama

" Papa may ipagtatapat po ako " kinakabahang wika ni Jema

" Ano yun? " seryosong tanong ng matanda

Napalunok muna si Jema bago nagsalita ulit

" ang totoo po ako--- "

" Siya po ang may gustong sabihin sa inyo yun, pero pinigilan ko lang po sya " si Deanna ang nagtapos ng sasabhin niya sana sa Papa niya

" Deanna naman " saway niya sa ginawa ng asawa

Malungkot na ngumiti si Deanna sa kanya

Bumaba si Mafe dala ang bag ni Jema, pero bago pa tuluyang makalabas si Jema sa main door ay bigla siyang hinatak ni Deanna pabalik sa loob ng apartment at pumasok sa loob ng banyo

" Hubhub " sambit ni Jema pagkapasok nila sa loob

Agad siya niyakap ng asawa

" Hindi ako masasanay na hindi kita makikita o makakausap man lang ang anak natin " malungkot na wika ni Deanna habang nakayakap ito sa asawa

" sabihin na kasi natin ang totoo na ako ang may kasalanan " naluluhang sabi ni Jema

Bumitaw sa pagkakayakp si Deanna at hinarap ang asawa, hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi

" hayaan mo na sakin na sila magalit wag lang sayo " sabay punas ng luha ni Jema sa pisngi habang malungkot na nakatingin sa mukha nito

" pero hubhub " bago pa ipagpatuloy ni Jema ang sasabihin niya ay pinatahimik na siya ng labi ni Deanna

Tumagal ng sampung segundo ang halikan nilang dalawa sa loob ng banyo

Naririnig nila ang mga katok ng mga taong nasa labas ng pintuan ng banyo, at pilit silang pinalalabas ng mag asawa ngunit hindi nila ito pinansin

Pagkatapos ng halikan nilang dalawa ni Jema ay yumuko si Deanna para kausapin naman ang anak nila

" Baby...sumama ka muna sa mommy mo ha? hindi ka muna makakausap ni Mama ng matagal pero promise gagawin ni Mama lahat ng powers niya para magkasama tayong ulit tatlo, wag mong papahirapan si Mommy ha? Mahal na mahal kita... Mahal na Mahal ko kayong dalawa" lumuluhang hinalikan niya ng sampung beses ang tummy ni Jema

Umayos siya ng tayo at si Jema ang naman ang kinausap niya

" Ma mimiss kita.. Mahal na Mahal kita wifewife " at muling hinalikan ang labi ni Jema

Pagkatapos ng pag uusap nila sa banyo ay lumabas na sila at hinayaan na ni Deanna ang asawa niyang dalhin ng Ama nito pauwi ng Laguna

Nagpaalam na rin ang Parents ni Deanna sa kanya at pinayuhan siya ng mga ito na wag gagawa ng kahit na anong bagay na makakadagdag sa galit ng parents ni Jema.

Hindi pa rin umaalis si Deanna sa kinatatayuan niya kahit wala na sa paningin niya ang sasakyan na sinakyan ng kanyang mag ina

" Yan ang napapala mo sa kakasunod mo sa gusto ng asawa mo, ngaun ano na plano mo sa buhay mo?mag isa ka na naman " paninisi ni Mafe sa babaeng katabi niya

" Dating gawi " malungkot na sagot ni Deanna

" Dating gawi? " kunot noong tanong ni Mafe

" School Training Dorm " at nag simula naman syang maluha

" Punasan mo nga yang luha mo, nakakainis kang tingnan na umiiyak ka, mas sanay akong nagpapatawa ka eh " sabay bigay panyo kay Deanna

Pagkabigay niya ng panyo ay tumalikod na si Mafe at maglakad papasok ng Apartment

" Mafe " tawag nya sa kapatid ng asawa

" Oh " sabay lingon ni Mafe

Naglakad si Deanna papunta sa kinatatayuan ng babae

" Thank you " at bigla niya itong niyakap

Ngumiti si Mafe at gumanti ng yakap kay Deanna

" Babalik rin yang si Jema dito sa manila, hindi ka matitiis nung kapatid kong yun " pag alo niya kaibigan

" pwede ka ba maging Ate ko? ang galing mo kasi ehh " sabi pa ni Deanna

Bumitaw sa pagkakayakap si Mafe at hinarap si Deanna

" para ano? sakit sa ulo kaya kayong dalawa ng kapatid ko, kaya thank you next sa offer mo pero hindi ko talaga papatulan, masyado akong bata para pasanin yung problema nyong dalawa " sabay irap ni Mafe

" kailan ka ba kasi maggirlfriend? mukhang ready kna eh" tanong pa ni Deanna sa kanya

" Girlfriend tlaga? Hindi ba pwedeng Boyfriend? " hysterical na sabi ni Mafe

" Boyfriend tlaga? Hindi ba pwedeng Girlfriend? " panggaya ni Deanna sa tono ng pagkakasabi ng babae

" Eiiii kuya Ate naman ehh " sabay padyak pa niya kanyang paa

" Loko lang " nakangiting tugon ni Deanna sabay gulo ng buhok ni Mafe

" Sandali " biglang wika niya

" Bakit? " tanong ni Deanna

" Ngiti ka lang " sabay kuha ng phone sa pocket niya, at pinicturan ang nakangiting si Deanna

" Ano ba yan? ang awkward ng ngiti mo kuya Ate haha.. pero okay na ito mapapasaya mo na Kapatid ko sa ngiti mong to " natatawang wika ni Mafe

" Esesend mo yan kay Margarett? " inosenteng tanong ni Deanna

Tumango si Mafe bilang sagot

" gusto ko yan, damihan mo pa ang pagkuha ng pic na nakangiti ako para mapanatag naman siya na okay ako " at ngumiti na naman si Deanna

Habang kinukuhanan ni Mafe si Deanna ng picture ay para itong baliw na tawa ng tawa dahil sa mga out of this world pose ni Deanna

Matapos ng ilang shots ay pinakita niya kay Deanna ang mga kuha niya sa cellphone niya

Habang tinitngnan ni Deanna ang picture niya sa phone ni Mafe ay hindi niya mapigilan ang matawa

" Grabe tlaga pagmamahal mo sa kapatid ko, kahit ang sagwa ng mga pose mo dyan ginagawa mo pa rin.. ibang iba ka na sa Deanna Wong na nakilala ko " komento ni Mafe sa ginawa ni Deanna

" Buntis si Margarett at dapat lang masaya siya, gusto ko kahit malayo kaming dalawa mapasaya ko pa rin siya, maramdaman niya Mahal na Mahal ko sila ng baby namin " at tipid na ngumiti

Inakbayan siya ni Mafe

" Kapit lang, kumapit nga si Baby sa kabila ng ginawa ni Jema dba? kayo pa kaya ni Ate? Distansya lang yan, pamilya kayo. gayahin nyo ang baby nyo na sa sobrang strong niya kumapit tlaga siya kay Jema. hindi niya kayo iniwan, dapat ganun ka rin ka strong para sa sitwasyon nyo ngayon dalawa ng kapatid ko " advice niya sa katabi

Narealized niya ang sinabi ni Mafe

" Tama ka, distansya lang to " sang ayon ni Deanna

Lumayo siya kay Mafe, at huminga ng malalim bago sumigaw ng malakas

" wifewife humanda ka! babawiin ko kayo ng baby natin! Pangako ko yan, ibabalik ko kayo dito sa manila! " sigaw ni Deanna

Natatawang binaba ni Mafe ang hawak na phone at pinuntahan si Deanna

" para kang baliw dyan na nagsisigaw, pumasok na nga tayo " sabay hila kay Deanna papasok ng Apartment

-

Nagpaiwan si Jema sa loob ng kotse habang ang parents niya ay bumaba para bumili ng kakainin nila sa byahe

Nang biglang tumunog ang phone niya, tamad niya itong kinuha

" Asawa mo na boboang na 😏🙄 " Mafe

Pnlay ni Jema ang video na sinend ng kapatid

" wifewife humanda ka! babawiin ko kayo ng baby natin! Pangako ko yan, ibabalik ko kayo dito sa manila! " rinig niyang sabi Deanna, nakatalikod ito sa video pero alam nyang asawa niya ang nagsasalita

Naluha si Jema ng marinig ang sinabi ni Deanna sa video.Pnlay nya ulit ang video para iparinig sa baby nila ang sinabi ni Deanna sabay haplos sa kanyang tyan

" Baby narinig mo yung sinabi ng Mama mo? nag promise siya baby, kaya alam ko tutuparin niya yun. babalik tayo ng manila, uuwi tayo sa Mama Deanna mo at magkakasama ulit tayong tatlo " emosyonal na wika ni Jema sa sanggol na nasa loob ng kanyang sinapupunan

-

Samantala sa apartment naman ay minabuti ni Deanna na tumambay muna kasama si Mafe kesa sa umuwi ng dorm, nagsimula na kasi niyang ma miss ang asawa. Habang nakikipag kwentuhan kay Mafe ay bigla na lang may na received syang text message galing kay Bea

The School President wants to see you in his office first thing tomorrow morning " - Captain Bea

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 32.4K 58
"W-what did I do to you? W-why are you torturing me L-like this?" -Marzena Perez. She just want to Have a peaceful life, But it Seems that Destiny is...
197K 5.9K 30
Every family has a story to tell, welcome to ours.
31.8K 2K 40
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
8.6K 272 17
AshMatt fanfic