My Ex-boyfriend's girl

Par sointoyou06

2.9M 58.5K 7.1K

Frances Montejar was determined to win back her childhood ex-boyfriend, Miguel "Migs" Fuentabella. But when M... Plus

Author's note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Epilogue

Chapter 42

41.7K 813 238
Par sointoyou06

Frances P.O.V.

Pagkatapos ng isang oras na pagstay sa hospital ay sa wakas ay hinayaan na din ako ni Migs na makauwi sa amin, pinahatid ako ng Mom nya sa driver nila.

Habang nasa byahe ay pumikit muna ako, hindi ko na tuloy namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay namin.

"Ma'am nandito na po tayo."

Dumilat ako at saka luminga linga. Nagpasalamat muna ako kay Kuya driver bago ako bumaba ng sasakyan.

Sinalubong ako ni Mommy pagpasok ko.

"How's Migs iha?"

Humalik muna ako sa kanya "He's ok Mom, he's already in the process of recovery."

"I heard he has amnesia?"

"Yes po, pero selective lang daw po sabi ng Doctor."

"Oh, poor Migs, tomorrow i'll visit him bago man lang siya lumabas ng hostipal."

"Ok po, aakyat na po ako, gusto ko na po magpahinga." paalam ko saka humalik ulit sa kanya.

Pagdating sa kwarto ay agad kong tinawagan si Louise.

isang ring lang ay sinagot nya na agad ito.

"Mine ang tagal mo." reklamo nya.

"Kakauwi ko lang Mine" sagot ko habang humihiga sa kama.

"Miss na kita..."

Napangiti ako "Ilang oras pa lang miss na agad?"

"Lagi ka na lang dun sa mokong na yun." halata ang selos sa boses nito.

"Mine...napag usapan na natin diba? Bukas pupunta ulit ako dun kasama si Mommy."

"Wala ka na time sa akin." this time nagtatampo naman sya.

"Promise ko kapag Ok na si Migs, babawi ako sayo. But this time please understand me." pakiusap ko sa kanya. Nahihirapan na din ako sa situation ko, pakiramdam ko ay nasa gitna ako ng naguumpugang bato.

Saglit natahimik si Louise sa kabilang linya.

I checked my phone kung naka call pa ba siya o nawala na siya sa kabilang linya.

"Mine?"

"Mine stay ka lang sa line hanggang makasleep tayo." sabi nya sa malambing na boses.

"Ok...I love you so much Louise." napangiti ulit ako, buti naman hindi na sya nagtatampo.

"I love you too.."

Unti unti ng bumibigat ang mata ko dahil na din siguro sa pagod at hindi ko na namalayan na nakatulog na ako habang hawak pa yun phone ko.

***************

Pag gising ko kinabukasan ay tinignan ko agad yun phone at nakita ko na lowbat na ito. Kinuha ko yun charger saka ito kinargahan.

Inaantok pa ako na naglakad papunta ng bathroom at saka naligo.

Pagkatapos maligo at magbihis ay bumaba na ako, naabutan ko yun parents ko na nag aagahan.

Lumapit ako sa kanila at saka humalik. Bago nagpaalam na papasok na.

"Hindi ka na kakain?" tanong ni Dad.

"Sa school na lang po." sagot ko at saka lumabas na. Sa school na ako mag breakfast kasabay ng girlfriend ko.

And speaking of Louise ay kinuha ko yun phone saka sya tinext na magkita kami sa may parking area para sabay ng kumain sa may cafeteria.

Pinagbuksan ako ng pintuan ng driver ko saka ako pumasok.

Narinig ko na tumunog yun phone ko at may reply galing kay Louise.

"I'm on my way..see u soon Mine. I love you." reply nya.

Nakasmile na tinago ko na yun phone ko sa bag.

Wala pang 15 minutes ay nasa loob na kami ng parking area. Hindi ko na hinintay pagbukas pa ako, bumaba na ako at saka sinalubong na naghihintay na si Louise.

As usual may dala ulit syang food at mabilis nya akong hinalikan sa pisngi ng makita nya ko.

Hawak kamay kami nagpunta ng cafeteria at masaya namin pinagsaluhan ang food na dala nya.

"Mine kailan na daw makakalabas si Migs sa hospital?" tanong nya habang kumakain na kami.

"Hmmm i think this week, pinayagan na kasi siya ng doctor na sa bahay na lang sya magpagaling."

Nakita kong natuwa sya sa narinig "Yes sa wakas hindi ka na maoobliga puntahan sya sa hospital." todo ngiti sabi ng gf ko habang nakatingin sa akin.

Natawa ako sa reaction nya, napansin ko na may naiwang sauce sa labi nya kaya mabilis ko itong pinunasan ng tissue.

"Kahit kailan talaga para kang bata." natatawang sabi ko.

"Hmmmp. But you love me." parang nagtatampo na sabi nya, nakapout pa ang lips.

Napangiti ako saka hinawakan ang kamay nya na nakapatong sa hita nya.

"Oo naman...sobra sobra.."

Nakita kong napangiti sya sa sinabi ko at alam ko na gustong gusto nya akong halikan ng mga sandali na yun.

Kaso dumating na naman ang mga pasira ng moment namin......sina Tiff.

"Eheeem stop eye fucking each other girls, hindi pa ba kayo tapos sa stage na yan." natatawang bulong nya sa amin.

Mabilis akong napalingon, kasama nila ang buong tropa. Natatawang umupo sila sa table namin. Mahaba naman kasi ang table dito sa cafeteria kaya kasya kaming 7 dito.

Inirapan ko lang sila. Kahit kailan talaga lagi na lang panira ng moment oh, napilitan tuloy ako bitiwan ang kamay ni Mine ko.

Nakita naming may dala na silang tray ng food, ibig sabihin kanina pa pala sila dito. Ganun na ba kami kabusy ni Louise kanina at hindi namin sila napansin?

"Frances dadalaw ka ulit kay Migs mamaya?" tanong ni Tracy habang kumakain na sila, habang kami ni Louise ay malapit ng matapos.

"Yeah, kasama ko si Mommy."

"Kailan na daw siya lalabas sa hospital?" tanong naman ni Enzo habang nilalantakan ang isang slice ng pizza.

"I think this week."

"Nice, dalawin ulit natin si Migs. Nakakamiss na din kasi yung mokong na yun." sabi naman ni Nathan.

"Oo nga eh, sana mabilis yang makarecover para makabalik na ulit siya dito sa school" si Amanda.

Kaya yun napagkasunduan nila na sumabay na sa akin mamaya pagpunta ng hospital. Napansin ko na tahimik lang si Louise.

"Sasama ka ba sa amin mamaya?" tanong ko sa kanya.

"Hindi na, may gagawin ako and beside mukhang Ok na naman siya." walang interes na sagot nya. Hanggang ngayon alam kong inis pa din sya sa sitwasyon namin at pilit lang nya iniitindi.

Pagtunog ng bell ay sabay sabay na kaming pumasok ng classroom. Tahimik pa din si Louise pero hinayaan ko na lang sya, mamaya ko na lang sya kakausapin after ng klase namin. Nagconcentrate na lang ako sa lessons namin. Lalo na at may quiz at project kami next week. Kailangang pagbutihin ko na ang pag aaral ko lalo na at graduating na ako.

Pagdating ng lunchbreak ay niyaya ko si Louise na kumain kami sa labas, actually bawal sa school ang lumabas ng lunchtime. Pero dahil anak ako ng may ari ng school ay isa sa perks ko ang makalabas dito anytime I want.

Niyaya ko si Louise kumain sa isang bagong bukas ng restaurant, hindi kalayuan sa school namin para mabilis lang din kaming makabalik.

Gusto ngang sumama nina Amanda kaso sinabihan ko na lang sya na next time na lang sila sumama. Syempre naintindihan naman nya na gusto ko muna magsolo kami ni Louise lalo na at dito na lang sa school ang time natin na magkasama.

Mabuti na lang at tinulungan ako ni Bessie na magpalusot kina Tracy kung bakit hindi sila pwedeng sumama sa amin.

Pagdating namin sa resto ay sabay na kaming bumaba at pumasok sa loob. Pinili ko yun pwesto sa may gilid para magkaroon kami ng privacy.

Pagkaorder ng food ay umalis na din yung waitress. Tumayo ako saka tumabi ng upo sa kanya.

"Mine ang lalim ng iniisip mo." pukaw ko.

Napatingin sya sa akin "Iniisip ko lang kasi yung pagkagraduate natin, Mine sana magkasama tayo sa isang university. Parang hindi ko na kayang malayo pa sa iyo."

Natigilan ako ng marinig ang sinabi nya at napaisip ako. Kahit naman ako hindi ko kayang magkalayo pa kami, dahil kapag ibang school pa papasukan namin baka hindi na kami masyadong magkita at magkasama.

"Mine....saan mo balak magcollege?" tanong ko.

"Sabi ni Dad sa States na daw ako mag college but I declined, mas gusto ko dito....kasama mo."

"Mine please wag ka papayag na dun ka mag aral ha?" kinakabahang sabi ko, bigla akong nakaramdam ng takot ng marinig yung sinabi nya. Paano kung igiit ng dad nya na sa US na siya mag aral?

"Don't worry kahit anong sabihin ni Dad, hindi naman ako papayag na babalik ulit ako doon." pagaassure nya.

Nakahinga ako ng maluwag, hinawakan ko ng mahigpit yung kamay nya. Alam ko na marami pa kaming problemang pagdadaanan ni Louise lalo na kapag nalaman ng parents namin yung totoong relasyon namin. Pero kahit anong mangyari hinding hindi talaga ako papayag na paglayuin kaming dalawa.

Dumating na yung order namin kaya binitawan ko muna yung kamay nya saka mabilis kaming kumain. 1 hour lang kasi ang lunchbreak namin bago yun sunod na klase.

Pagkatapos kumain ay mabilis na akong nagbayad, namilit si Mine na magbayad pero naunahan ko na sya kaya wala na din syang nagawa kung hindi sabihin na next time sya naman ang magtreat sa akin.

Mga 1:10 na kami nakabalik sa school, buti na lang wala pa yung teacher pagpasok namin sa loob ng klase.

Pagdating ng uwian—

"Mine tawagan mo na lang ako later pag uwi mo sa inyo." sabi sa akin ni Louise ng nasa parking na kami, talagang pinanindigan nya na hindi siya sasama.

Malungkot lang akong tumingin sa kanya "Ok Mine..." saka ko sya hinalikan sa pisngi.

Tig isang sasakyan pa sina Tiff and Tracy, habang sa akin naman sumabay si Amanda. Tig isang sasakyan din sina Nathan at Enzo.

Pagdating sa hospital ay sabay sabay naman kaming pumunta ng room ni Migs.

Pagbukas ng pinto ay naabutan namin ang Mommy ko at Mommy ni Migs sa loob, habang si Migs naman ay natutulog.

"Iha nandito na pala kayo." sabi ni Tita Martina (Migs' mom).

Humalik sa kanilang dalawa. Bumati din sina Tiff sa Mommy ko at kay Tita Martina.

"Oh nandito din pala kayo, salamat at lagi nyo dinadalaw ang anak ko. I'm sure makakatulong ito sa mabilis na pagrecover nya." baling naman ni Tita Martina kina Tracy.

"Walang anuman po Tita, sa totoo namimiss na po namin si Migs. Sana nga po gumaling na sya para makapasok na ulit siya." sagot naman ni Tiffany.

"O sige lalabas muna kami para makausap nyo si Migs, maya maya ay gigising na din siya." tumayo na silang dalawa saka lumabas.

Umupo muna kami nina Tiff, Tracy at Amanda, habang yung dalawang boys ay lumapit sa tulog na si Migs.

"Bro gising na ui, nandito na mga gwapong bisita mo dinadalaw ka." biro ni Nathan habang nakaupo sa chair sa tabi ng bed ni Migs.

"Hey wag kayong ganyan hayaan nyong magpahinga ang pasyente." awat naman ni Amanda.

Kaso huli na dahil nagising na si Migs, dahan dahang dumilat sya saka napangiti ng malaki nang makita kami.

"Guys! Nandito na pala kayo? Kanina pa kayo? Bakit hindi nyo ako ginising agad." tuwang tuwa sabi nya, inalalayan pa sya nina Nathan para makaupo ng bahagya.

"Sarap kasi tulog mo bro, lakas pa nga hilik mo eh." natatawang sabi naman ni Nathan.

Nakita kong nagblush si Migs saka napatingin sa akin.

"France....nandito ka din pala."

Napatingin sa amin si Amanda saka bumulong sa akin "Hindi nya na talaga naalala yung nangyari bago ang aksidente no."

Nakwento ko na sa kanya ang naging sanhi ng pagkaaksidente nito.

"Yeah..." hindi ko na naman maiwasang malungkot. Kailangan ko naman kasi magpretend sa harap nya at wala akong magagawa doon dahil kailangan nya makarecover agad.

Tumayo ako saka lumapit sa kanya, mabilis nyang inabot ang kamay ko..

"France sabi ng doctor pwede na daw ako lumabas bukas, sana nandito ka bukas...mas matutuwa ako.." sabi nya habang mahigpit na nakahawak sa kamay ko.

"Bro nandito pa kami, mamaya na kayo magloving loving ni Frances." sabi naman ni Nathan at saka mabilis naman dinagukan ni Tiffany kaya nanahimik agad sya.

Ilang minuto lang nanatili sila nanatili sa hospital, maggagabi na din kasi. Hinatid ko pa sila sa labas ng hospital bago ulit ako bumalik sa loob.

Papasok na sana ako ng marinig ko ang usapan nina Mommy at Tita sa loob, kahit ayokong makinig sa usapan ng iba ay hindi ko naiwasan dahil narinig ko nabinangit nila ang pangalan ko.

Nanlaki ang mata ko sa narinig, sabi nila ay magpapakasal daw kami ni Migs pagkagraduate namin ng college at titira na daw ako sa kanila after ng kasal.

Biglang dumagundong ang kaba sa dibdib ko, seryoso ba sila sa pinaguusapan nila?

Pasimple kong binuksan ang pintuan at kunwari ay hindi ko narinig ang usapan nila. Biglang natahimik sina Tita at Mommy nang makita na akong pumasok.

"Frances wag ka na pumasok sa school mo bukas, tatawagan ko na lang si Stephen (principal namin) bukas." sabi ni Mommy ng makaupo na ako sa tabi nya.

"Pero Mommy may exam kami bukas.." protesta ko, ayokong umabsent bukas dahil hindi ko makakasama si Louise.

"Ako na ang bahala, sasabihin ko na lang kay Stephen na bigyan ka ng special exam." final na sabi ni Mommy kaya wala na akong nagawa kung hindi manahimik at maghimutok.

Maaga daw kasi iuuwi si Migs bukas at gusto nila na kasama ako hanggang makarating sa bahay nila. Kainis, ang dami dami naman nila bakit kailangan pa akong isama. Hindi ko mapigilang magngitngit habang nakaupo malapit sa bed ni Migs.

Halos dalawang oras pa kami nagstay sa hospital, doon na kami kumain ng dinner at nag order na lang si Tita Martina ng pagkain sa restaurant.

Pasimple tuloy ang text ko kay Louise lalo na at lagi akong nasa tabi ni Migs, paano panay request sa mga Mommy namin na lagi daw akong tumabi sa kanya. Kahit tuloy ayaw ko ay nakakaramdam na ako ng inis sa kanya.

Kaya laking tuwa ko ng mag paalam na si Mommy na uuwi na daw kami at medyo late na din. Around 8am daw ay babalik ulit kami sa hospital.

Pagsakay namin sa sasakyan ay hindi ko mapigilang magusisa kay mommy tungkol sa narinig ko kaninang pinagusapan nila ni Tita Martina.

"Mommy ano po ba yung narinig ko kaninang pinaguusapan nyo ni Tita regarding sa pagpapakasal namin ni Migs after kong makagraduate ng college?"

Nakita kong natigilan si Mommy.

"Anak, si Migs kasi ang gusto kong mapangasawa mo. I'm sure papayag din ang Daddy mo kapag nalaman nya ito." seryosong sagot nya.

"No, hindi nyo naman po ako tinanong kung sya nga ang gusto ko mapangasawa. Saka hindi po ba ang bata ko pa para magpakasal." sabi ko na nagtatampo, hindi man lang nila inisip kung gusto ko din ba ang ideya na yun. Para kasing fixed marriage ang mangyayari kapag nagkataon.

"Yung ikabubuti mo lang naman ang iniisip ko, mabuti ang pamilya nina Migs kaya I'm sure maging maayos ang buhay mo sa kanya."

Hindi na ako sumagot sa sinabi ni Mommy at nanahimik na lang ako, pero deep inside ay nagrerebelde ang puso ko. Hindi ako makakapayag na pakasalan ko si Migs balang araw, si Louise lang ang gusto ko makasama at wala ng iba.

Pagbaba ko ng sasakyan ay patakbo na akong nagpunta ng kwarto ko, nagmamadali kong kinuha yung phone sa bag at tinawagan si Louise.

Ilang ring pa bago nya sinagot ang tawag ko.

"Hello Mine." Halatang kakagising lang ang boses nya.

"Mine..." malungkot ang boses ko kaya mabilis nya itong napansin.

"Bakit parang ang lungkot ng boses mo? May nangyari ba?" napalitan ng pag aalala yung boses nya.

Mabilis kong binalita sa kanya ang narinig ko kanina sa hospital at pinagusapan namin ni Mommy kanina.

Saglit syang nanahimik pagkatapos ko makwento ang nangyari.

"Mine paano na?" namumublemang tanong ko...saglit lang ang 4 years sa college, after nun ay baka wala na akong magawa sa kagustuhan ng parents ko.

"Hindi ko pa din alam Mine, pero kapag dumating na yung time na yun kahit yayain kita magpakalayo layo, sasama ka ba sa akin?"

"Oo naman, kahit saan..."

"Good to hear that Mine, ok for now mag rest ka na muna at wag ka na masyadong mag isip. Ok?"

Pagkatapos namin mag usap ay nahiga na din ako sa kama ko at pumikit. Tama si Louise, sa ngayon ay wala pa kaming magagawa pero kung dadating yung time na yun ay magpapakalayo layo na lang kaming dalawa at pupunta sa lugar na walang makakakilala sa amin.

Makakatulog na sana ako ng maalala ko na hindi ko pa pala nasabi kay Louise na hindi ako papasok bukas. I texted her na lang, I'm sure mababasa naman nya yun bukas. Pagkasend ay pumikit na ulit ako para matulog.

*****************

Kinabukasan ay maaga pa lang ay nasa hospital na kami ni Mommy, pagdating namin doon ay nakaayos na yung lahat ng gamit nila at si Migs ay sinasakay na sa wheelchair. Hindi na masyadong visible yung ibang sugat at mga pasa nya, pero meron pa din bandage na nakaikot sa ulo nya. Ang gwapo nya pa din kahit ganun, nakasuot na sya ng polo shirt at jeans.

Nakita kong napangiti siya nang makita ako "France mabuti nandito na kayo ni Tita, papaalis na kami. Doon ka muna sa bahay ha samahan mo ako." narinig kong sabi nya.

Tumango lang ako at hindi na nagsalita. Tutal ay wala din naman ako magagawa.

Sa van kami sumakay, bale dalawa van yung dala nila. Doon sa isa nakalagay yung mga gamit nila at dito sa kabilang van kami nakasakay nina Migs, Mommy ko at si Tita. Nasa States pala ang daddy ni Migs ngayon kaya hindi namin kasama.

"Uuwi si Marla next month, remember her?" kwento ni Migs habang nasa byahe na kami habang sina Mommy at tita Martina ay busy din sa paguusap nilang dalawa.

Napangiti ako...si Marla, yung nakababatang kapatid ni Migs...yung kala kalaro din namin noong mga bata pa kami. Syempre hindi ko sya nakakalimutan.

"Really? Of course paano ko makakalimutan si Marla, I'm sure dalagang dalaga na sya now."

"Oo ang dami na ngang naging boyfriend nun sa States." balita pa nya.

"Talaga ha? Naunahan pa nya ako..." hindi ko mapigilang matawa, may pagka boyish kasi si Marla, hindi ko tuloy maimagine na sangkatutak na ang naging boyfriends nya.

"Ako nga rin eh, akala ko dati matutuluyan na siya maging lesbian."

Halos maubo naman ako sa sinabi ni Migs.

Nag aalalang napatingin siya sa akin, pati Mommy ko at si Tita.

"Anak ok ka lang ba?" tanong ni Mommy.

Pinilit kong ngumiti "OK lang po..."

"Balak nga nya sa Brentwood na din mag aral next year. Aayusin nya muna daw yung mga papers nya para sa next school year ay dito na sya mag aaral."

"Good to hear that, sayang nga lang graduating na tayo. Hindi na natin sya magiging schoolmate."

"Haha ewan ko ba dun bakita biglang nagpumilit mag aral ulit dito, namimiss daw nya mga kaibigan nya."

Pagdating sa bahay ay tinulungan ng driver nila si Migs para sumakay ng wheelchair. Doon kami dumaretso sa garden nila para kumain ng breakfast. Nakita ko ang napakadaming pagkain na pinahanda ni Tita, akala mo tuloy ay may okasyon. Pero sabi ni Tita ay handa nya daw ito dahil sa pagpapasalamat nya na nakaligtas si Migs sa aksidente.

Kahit badtrip ako dahil hindi ako pumasok ngayon ay nag enjoy din naman ako sa masayang kwentuhan namin nina Migs. Maya maya pa din ay may mga dumating na iba pang mga kamag anak nila. Sinalubong sila ni Tita at saka nila kinamusta ang kalagayan ni Migs.

Biniro pa ako ng isang Tito ni Migs "Naku iho ito ba si Frances, anak ni Mayor? Napakagandang bata pala nya. Kung ako sa'yo ay wag mo na pakalawalan pa."

Pinilit ko na lang ngumiti at hindi sumagot sa sinabi nya. Habang si Migs ay halatang tuwang tuwa naman at abot tenga ang ngiti.

Nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko "Opo Tito Rey hinding hindi ko sya pakakawalan." sagot niya saka tumingin sa akin.

Gusto kong higitin ang kamay ko kaya lang ay ayoko din naman mapahiya si Migs lalo na sa harap ng mga kamag anak nya.

Napansin ko na dumating na pala sina Tiff, Tracy, Amanda at yung mga guys.

Mabilis na hinanap ng mata ko si Louise...kasama ba sya?? Hindi ko na kasi nacheck ang cellphone ko mula kanina, baka nagalit na sya sa akin.

Binati at humalik ako sa mga friends ko saka ako bumaling kay Amanda.

"Wala si Louise?" malungkot na tanong ko.

Nakita kong ngumiti si Bessie "Wag kang malungkot girl, nasa labas lang siya may naiwanan ata sa kotse."

Biglang nagliwanag ang mukha ko at nagpaalam ako sa kanila para puntahan si Louise sa labas.

Nasalubong ko sya na papasok na sa may gate at mabilis ko syang nilapitan.

"Louise.." patakbong sabi ko saka ko sya niyakap ng mahigpit.

Napangiti sya nang makita ako saka gumanti din ng yakap.

"Wow mukhang may nakamiss sa akin ha."

"Oo sobrang namiss kita, buong araw kaya tayo hindi nagkita." sabi ko habang nakayakap pa din sa kanya. Wala na akong pakiaalam kung madaming tao dito ngayon.

Sabay na kami pumasok ng bahay "Tara Mine kain ka na, I'm sure gutom na mga alaga mo." pagbibiro ko.

Nagtwinkle ang mga mata ng girlfriend ko nang makita ang sangkatutak na pagkain sa mesa. Still PG pa din kasi sya, hindi na ata mawawala sa kanya yun. Hindi ko mapigilang mapangiti.

Punong puno ang plato nya ng umupo na kami sa table nina Amanda.

"Saan mo dinadala ang kinakain mo?" biro ko sa kanya, kasi naman kahit malakas sya kumain sobrang sexy pa din.

"May anaconda ako sa loob." biro nya din saka sumubo na.

Masaya kaming nag usap at kamustahan nina Amanda habang kumakain sila. Nabanggit nila ang balak na out of town gimik pagdating ng Christmas vacation. Excited ako syempre kasama kaming dalawang ni Louise doon.

Tumayo muna si Louise pupunta muna daw ng CR. Naiwan ako sa table na nakikipagkwentuhan pa din sa mga friends ko.

Pagbalik ni Louise ay napansin kong madalim ang mukha nya na parang may kaaway.

"Louise ok ka lang?" tanong ko agad pagkaupo nya.

"Tara punta muna tayo doon." tumayo sya naglakad papunta sa direksyong ng pool. Nagpaalam ako kina Amanda at naguguluhan man ay sumunod ako sa kanya.

Pagdating doon ay tinanong ko sya ulit kung ano ba ang nangyari.

"Kanina kasi ng papasok na ako nakasalubong ko si Migs."

"Tapos..?"

"Wala syang amnesia Mine, gawa gawa nya lang yun para makasama ka lagi."

"Ha?" Totoo ba 'to? Kahit alam kong hindi magsisinungaling si Louise sa akin ay hindi pa din ako makapaniwala na magagawa ni Migs yun.

"Yeah inamin nya sa akin, galit siya sa akin. Sabi nya kapag hindi daw kita hiniwalayan at isusumbong ka nya sa parents mo."

Biglang nag init ang ulo ko sa narinig. How dare he?? Kailangang makausap ko si Migs, anong kalokohan ba yung pinagsasabi nya.

"Kakausapin ko si Migs." seryosong sabi ko at I'm sure madilim na din ang mukha ko.

Kapal din nya para pagbantaan ang girlfriend ko at lalong ang kapal nya para magsinungaling sa amin, lalong lalo na sa Mommy nya. Alam kong mahal nya ako at nagawa nya yun dahil sa akin pero mali naman na manloko pa sya ng ibang tao.

Hindi ko na talaga mapapatawad si Migs.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

1.4M 43K 72
[UNEDITED] She saved me from the kidnappers and she's my new bodyguard slash pervert bodyguard but she has a secret, her real Identity..... ◀ ◀ ◀ ◀...
Sa Ilalim Ng Buwan Par lorie

Roman pour Adolescents

24.3K 1.1K 35
"May mga bagay tayong hirap na maintindihan sa buhay, marami tayong katanungan na hindi natin nahahanapan ng sagot, at may mga pangyayare tayong hind...
4.2M 92.4K 48
"Sige na Madison gawin mo na para matapos na ang problema mo sa ex mo na stalker" tulak sa akin ng bestfriend kong si Alyana palapit sa popular table...
315K 15.2K 71
"We all lie and that's the truth. No one's perfect. Remember that" Sa Mundong punong puno ng kasinungalingan, kanino ka maniniwala? Or may paniniwal...