Dumating ang pari. Tinuonan ito ng espada ng punong kawal kaya lahat ng sinasabi nito ay sinusunod.
Binuksan ng dalawang kawal ang kulungan na kinaroroonan ko at pilit na hinila palapit sa pinagkulungan nila ni Victor.
"Bitiwan ninyo ako!" pero mahigpit ang pagkakahawak nila sa akin.
"Simulan mo na." utos ng punong tagapayo sa pari.
Nagsimula na ito sa seremonyas ng pag-iisang dibdib hanggang sa tinanong na nito si Victor.
"Tinatanggap mo ba si Martinni bilang iyong magiging kabiyak?"
Matalim na tingin ang ipinukol ni Victor sa punong kawal.
"Sagot!" singhal nito.
"Hindi sa ganitong paraan..." parang nagbago ang boses ni Victor habang nakatingin sa akin. Nag-aalala, nag-aalinlangan.
"Umo-o ka."
"Wag niyong ipilit..."
Kumuha ng espada ang punong kawal at itinapat iyon sa pisngi ko.
"Wag mo siyang sasaktan!"
"V-victor..."
"Oo! Tinatanggap ko! Pero hindi sa ganitong paraan!" sigaw nito na parang gustong wasakin ang rehas.
"Ikaw Martinni, tinatanggap mo ba ang hari upang maging kabiyak?"
Tumulo ang luha ko. Makakaisang dibdib ko nga siya ngunit sa ganitong paraan pa. Ang bigat sa loob.
"Oo." mahina kong sagot. "Tinatanggap ko."
Hindi ko na pinansin ang mga sumunod na sinabi nito. Binuksan nila ang pinto ng pinagkulungan ni Victor at itinulak ako papasok.
"You two, produce an heir."
Saka lumabas na sila doon.
Walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko.
"Victor..." hindi ito tumitingin sa akin. "Victor...ano ba ang kasalanan ko? Bakit kahit anong gawin ko hindi ko nararamdaman ang pangmatagalang kasiyahan?"
Hindi ito umimik.
"Victor...sabihin mo. Ano ba ang nagawa ko? Kung hindi nalang sana kita minahal. Kung nanatili nalang siguro akong isang tagapagsilbi malamang maayos pa ang lahat. Masaya pa ang lahat. Buhay pa sana si Giuseppe. At ikaw, marahil hindi ka maghihirap ng ganito."
"Martinni..." sa wakas nagsalita na ito. "Wag ka nang umiyak. Ayokong nakikita kang nasasaktan. Wag kang mag-alala. Makakalabas ka dito. Ilalabas kita dito."
"Nawawalan na ako ng pag-asa."
"Ngayon ka pa ba mawawalan? Andami na nating napagdaanan."
"Nakakapagod na kasi. Ayaw tayong pagpahingahin ng pagkakataon. Nakakatakot sumaya kahit sandali dahil bukas makalawa may mangyayari na namang hindi maganda na parang binabawi ang naramdaman mong saya. Nakakapagod, Victor. Nakakapagod."
"Ssshhh..." lumapit ito sa akin at yumakap. "What they did is unforgivable."
Umiyak lang ako ng umiyak. Walang katapusang pagdurusa ito. Nakakapagod na. Nasagad na ang pasensya ko. I can't take more. I'm at my limit.
Matatapos pa ba ito? Sana man lang malaman ko para may hihintayin ako sa dulo kasi kung wala mas mabuti na sigurong mamatay nalang.
"Martinni?"
Napatingin ako kay Victor.
"I'm sorry. I'm sorry for making you suffer. But I promise you this. I will end this. I will take the kingdom back from those traitors!"
"Paano? Wala ka ngang magawa ngayon, hindi ba?"
Hindi ito umimik at bahagyang nagulat sa tinuran ko.
"For now. And I'm sorry for that."
Hindi na ako nagsalita pang muli at ganoon din ito. Hindi ko alam kung anong oras na. Kung umaga na ba o gabi basta nakaramdam nalang ako ng antok at saka nakatulog.
Pagmulat ko sa mga mata ko ay ako nalang mag-isa sa kulungan. Medyo may kaibahan ang paligid. Madilim. Wala akong makita ngunit ang kulungang kinalalagyan ko ay maliwanag. Tahimik rin ang paligid.
"Victor?" I called his name but I only heard echoes of my voice.
Nagulat ako ng mayroong ahas na pumulupot sa isang rehas kaya napaatras ako.
"Sssssaoirse."
Napalinga-linga ako kung saan nanggaling ang nakakapangilabot na boses na tumawag sa akin.
"I can help you get out of this cage."
"Sino 'yan?"
"In front of you."
Napatingin ako sa ahas.
Ito ba ang nagsasalita?
"I can help you."
Dagdag pa ng boses na hindi ko sigurado kung sa ahas nga nanggagaling dahil hindi naman bumubuka ang bibig nito. Lumalabas lang ang dila paminsan-minsan pero ang mga mata ay direktang nakatingin sa akin.
"I can help you get out of here. I can save you."
Hindi ako nakapagsalita dahil mayroong biglang pumasok sa isip.
"I will help you ease your sufferings."
"Hindi ka ba nagbibiro?" tanong ko dito. Ngayon pa ba ako magdadalawang isip kausapin ang isang ahas? Sa daming nangyari, ngayon pa ba?
"Yesss."
"Paano?"
"All you have to do is trussst me."
"Mapagkakatiwalaan ba kita?"
"Trussst me."
"Okay."
"Close your eyes then tell me your wisssh.The one thing your heart desires."
I close my eyes and I saw Victor's face. The kingdom and my daughter. The fallen soldiers and the face of the late King. King Giuseppe.
"Tell me...what your heart desiresss. Asssk and you ssshall receive."
Sumikip ang puso ko sa naalala. I caused this tragedy to Pria. We were so selfish. Hindi namin naintindihan ang pinagdadaanan ng dating hari. We cursed him. Hate him. Insult him. We didn't saw the bigger picture.
"Can I really ask anything?"
"Anything after making a pact with me."
"What pact?"
"Something that would equal the worth of your heart's desire."
"Then, can you help me save Victor and the kingdom?"
"Easy. Yesss."
"Can you also give life back to the late King?"
"That, I cannot."
Parang nainis ako sa sinagot nito. Akala ko ba kahit ano kaya?
"But I can bring his soul to the human realm for at least a day ."
"Nagsasabi ka ba ng totoo? "
"Yesss."
Sapat na iyon upang magkausap sila ni Victor. Kailangang gumaan ang pakiramdam nito. Laking pagkabigla kasi nito ng mabasa ang sulat.
"Okay. My heart desires to ensure the safety of my child, save Victor, the Kingdom and bring the late King's soul so they can have a talk. They both need to heal."
"Is that all? "
Tumango ako.
"Basic. Now for the pact...tell me what you can offer."
"My life."
"So basic. Not enough." then he whispered me something that froze me. Something I cannot attempt to do to Victor. "And...I want you to serve me in hell for all eternity."
--------------------------
To be continued...