Just If (What If It's Love, P...

By SiMarcoJoseAko

19.8M 401K 38.5K

Published Under Summit Media, Pop Fiction. (What If It's Love) A story where forever doesn't exist. #BSS3 More

Bachelor Stories Series 3: Just If
Chapter One
Chapter Two
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Epilogue
Author's Note

Chapter Three

516K 10.3K 527
By SiMarcoJoseAko

THREE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"I will not tolerate this anymore, Heena. You guys are just highschool students yet you both know how to do it?!" Galit na galit na sabi ni Daddy. I could see disspointment written all over his face.

"Dad! Wala kaming ginagawang masama ni Axcel! It's not what you think!" Mariing sabi ko. Wala naman talaga kasi kaming ginagawa ni Axcel at hindi namin ginawa kung ano bang iniisip nilang ginagawa namin.

"Shut your mouth, young lady! Do not talk when I am talking. If you can resist your Mom, you can't resist me, Heena. Hindi ko hahayaang umiral na naman 'yang katigasan ng ulo mo at pagiging spoiled mo sa Mommy mo! Hindi mo man lang ba inisip kung ano ang magiging reaksyon namin ng Mommy mo kapag nalaman namin na ginagawa n'yo ang bagay na hindi n'yo naman dapat na ginagawa?!" Sabi ni Daddy. Napahawak na siya sa sentido niya tanda na sumasakit ang ulo niya nang dahil sa akin. Napayuko naman ako dahil kahit ano ang gawin kong paliwanag, ayaw pa rin nila kaming pakinggan.

Kinausap nila kami ni Axcel pagkatapps ng party. Sinadya nila iyon para sa tingin ko ay mas masigawan nila kami. Tinignan ko naman ang walang kwentang si Axcel sa gilid na nakasimangot na rin tulad ko at parang walang pakielam sa nangyayari sa paligid niya.

"I already talked to my son, Crisosmo. I won't also tolerate this too. Masyado pa silang bata para gawin ang mga ganoong bagay." Kalmadong sabi ni Tita Freen.

"Mom! I said, we didn't do what were you thinking!" Reklamo ni Axcel, but just like mine. Wala rin iyong silbi.

"Don't raise your voice to your Mom, Axcel." Maawtoridad na sabi ni Tito Levinn.

"Sorry, Mommy." Sabi ni Axcel.

"I have a plan, Crisosmo." Bigla naman kaming natigilan ng magsalita si Tita Freen.

"What is it?" Tanong ni Daddy.

"If you will agree, why don't we engage them? Tutal naman kilala natin ang isa't isa at alam kong malapit din sila sa isa't isa." Sabi ni Tita Freen. Biglang nanlaki ang mata ko.

"No! Hindi pwede, ayoko!" Mariin kong reklamo. Agad naman akong tumingin kay Axcel pero katulad kanina, wala man lan siyang  naging reaksyon sa sinabi ng Mommy niya.

"Dad, no! Ayokong matali sa unggoy na 'yan!" Sabi ko. Wala na akong pakielam kung magalit pa sa akin si Tita Freen o si Tito Levinn sa pagtawag ko na unggoy sa anak nila. Basta ang akin, ayokong matali sa Montemayor na 'yan!

"I agree. Let's engage them." Sabi ni Daddy. This time napatayo na ako.

"No Dad! You are just kidding, right? You are not going to do this to me, right?" Halos magmakaawa kong sabi.

"I am tired because of you, Heena. I don't want to talk about this anymore. Let's go home." Sabi ni Daddy. Nagtagis ang mga bagang ko at walang sabi-sabi akong tumayo at hinatak si Axcel palabas ng bahay nila. Hinatak ko siya sa may pool area nila.

"Wala ka man lang bang gagawin para mapigilan ang sinabi nila?!" Singhal ko sa kanya.

"Wala." Kaswal niyang sagot.

"Ayokong makasal sa'yo!"

"Ayoko rin naman." Bored na sabi niya.

"At bakit wala ka man lang ginagawa para mapigilan ang engagement?!" Sigaw ko sa kanya. Iniinis talaga ako ng Montemayor na 'to eh.

"Look, Heena. It's just a stupid engagement. We don't need to take it seriously. Mga bata pa lang tayo at sa ngayon, binabalot sila ng galit dahil sa akala nilang ginagawa natin. Makakalimutan din nila iyon 'pag malaki na tayo." Sabi niya. Bigla naman akong napaisip. He is right, he is really right.

"Minsan pala ginagamit mo rin 'yang utak mo 'no? Yes, you are right. May point ka." Sabi ko sa kanya.

"As what I've said, we don't need to take it seriously but we need to act like we are serious on it." He said.

"Okay deal, we need to act like we are serious on it pero sa harapan lang nila. Knowing how stupid and manyak you are." Sabi ko na ikisinimangot niya lang muli.

***

"Sabi ng hindi 'yan pwede! Ipapalunok ko sa'yo 'yan, makikita mo." Inis na suway ko kay Axcel. Paano, nilagyan ng upo ang cart at sabi niya ang cute raw. Bilhin daw namin.

"Sungit nito." Saad naman niya.

"Paano ako hindi magsusungit, kung pinapairal mo 'yang katangahan mo. Simpleng pag gogrocery na nga lang hindi mo pa alam, pag prito na nga lang ng itlog hindi mo pa magawang ayusin. Paano na lang kapag wala ako sa tabi mo? Ang laki mong tanga." Masungit na sabi ko sa kanya.

"Grabe ka naman sa akin, parang hindi mo naman ako fiancée niyan." Sabi niya habang itinutulak ang push cart. Kumuha naman ako ng dalawampung fit 'n right at inilagay iyon sa cart. Mahilig kasi siya uminom ng ganoon at minsan ako rin.

"Hindi nga ako makapaniwala na may tanga akong fiancée eh." Sagot ko naman sa kanya.

"Kukuha rin ako ng beer ah." Sabi niya. Kumuha naman siya ng sampung beer can at inilagay iyon sa cart.

"Bakit ayaw mong mag boyfriend, Heena?" Tanong niya sa akin.

"Gugustuhin ko pa bang mag boyfriend kung lahat na ng oras ko na sa'yo. Hindi ko nga magawang makapaggala dahil sa bawat araw na ginawa ng diyos, inaalala ko ang katangahang gagawin mo." Walang kakurap-kurap na sabi ko sa kanya. Suminangot naman siya na parang bata. Nakasuot siya ngayon ng white v-neck shirt at jersey shorts at mayroon din siyang cap na patalikod niyang suot. Lumalabas tuloy ang pagiging mestizo niya.

"Lagi mo na lang akong sinasabihang tanga, nakakarami ka na ah! Matalino naman ako ah!" Mariing wika niya.

"Aba, bakit? May reklamo ka? Kung ganoon ka naman talaga ano'ng magagawa ko?" Sabi ko sa kanya na sinabayan ko ng pagtaas ng kilay.

"Puriin mo naman ako kahit isang beses lang. Sabihan mo naman ako kahit cute lang." Sabi niya.

"Di ka aso para sabihan ko ng cute."

"Di kahit pogi, gwapo, macho o magandang lalaki man lang." Sabi niya. Hindi ko siya pinansin.

Naglagay ako ng beef, pork at chicken sa cart at ilang delata. Para kung sakaling magutom siya, bubuksan na lang niya. Kumuha rin ako ng noodles at pagkatapos ay isang dosena ng itlog. Para sa susunod na buwan na siya ulit mag grocery.

"Kapag siguro natuto ka na, baka puruhin pa kita." Sabi ko sa kanya.

"Asawahin na lang kaya kita?'' Sabi niya sa akin. Napataas naman ang kilay ko.

"At bakit?' Tanong ko sa kanya.

"Para hindi na ako mahirapan, tsaka aanakan na lang kita ng marami. Tutal naman sigurado na future mo sa akin." Sabi niya sa akin.

"Ngayon pa nga lang hirap na ako sa'yo, paano pa kapag nagpakasal ako sa'yo? Kaya isang malaking ayoko ang sagot ko." Sabi ko sa kanya.

"Bakit? Gwapo naman ako ah!"

"Ano'ng gagawin ko kung gwapo ka nga, wala naman alam 'yang utak mo kung hindi mga katangahan sa buhay. Huwag mo akong itulad sa mga babaeng nakakasalamuha mo, mas maganda na ang maging practical sa buhay. Kung pipili na lang ako ng lalaking mamahalin at pagtutuunan ko ng oras at pagod, iyon ay sa lalaking mahal ako at may alam din sa mundo. Aanhin ko ang mga tulad mong gwapo kung mangmang naman?" Sabi ko sa kanya.

"Lagi mo na lang ako inaaway, maging mabait ka naman sa akin kahit minsan oh. Tsaka hindi ako mangmang, nagkataon lang na hindi ko alam ang mga pambabaeng ginagawa mo. Tsaka lagi ka namang nasa tabi ko, hindi ko na kaylangang aralin pa 'yon." Sabi niya.

"Hindi sa lahat ng oras, nasa tabi mo ako. Darating din ang araw na aalis ako o iiwan mo ako dahil makakakita ka na ng babaeng pakakasalan mo. Sa ngayon, nandito lang ako sa tabi mo at wala pang babaeng dumarating sa tabi mo na pakakasalan mo. Iiwan mo rin ako at aalis naman ako." Sabi ko sa kanya.

"Di hindi ako maghahanap ng ibang babae para hindi ka umalis sa tabi ko. At tsaka kapag natuto talaga ako ng mga ginagawa mo, hindi kita papansinin." Bulong niya na narinig ko naman.

"Di 'wag, pakielam ko ba sa'yo. Parang ikamamatay ko naman kapag hindi mo ako pinansin. At pumila ka na sa counter, bayaran mo na 'yan." Mataray na sabi ko sa kanya. Wala naman siyang nagawa kung hindi ang sumunod.

It's been almost seven years since my father and his family declared that we are engaged. I thought it would be a hard time for me, dahil baka hindi ko na magawa ang nagagawa nang mga normal na teenager dahil sa mayroon na akong fiancée. For almost seven years, nariyan ako lagi sa tabi niya. Kapag nakikipag-away siya at naooffice, ako 'yong unang susundo sa kanya at ako ang unang manenermon sa kanya na bakit pa niya kaylangang makipag-away. Para ano? Para mapatunayan na lalaki siya? O hindi naman kaya hahanapin niya ako at pagagawin ng project niya, dahilan niya. Responsibilidad daw ng isang fiancée na tulungan ang kanyang mapapangasawa sa mga bagay bagay. Ako naman itong tanga noon na nagpapauto sa kanya. But those things are treasure for me. Kahit pa na sabihin na hindi kami seryoso sa engagement. The memories are still there, I won't ever forget every fight we had, every laugh we shared and every day I am with him.

I won't ever forget him.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


Continue Reading

You'll Also Like

8.1M 14K 5
According to a myth, we were born with a pair - a person we're destined to fall in love with. The gods tied a red cord to each person's little finger...
28.6K 2K 28
Masaya namumuhay si Deina Roberta Lincoln bilang Manager ng isang Crestview Enterprise Company isang kilalang malaking Kompanya sa buong mundo. Hindi...
17.9M 37.4K 7
#StanfieldBook3: Sage Steele Shakyra Noelle Lagdameo wants to know the memories her brain had refused to re...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...