Just If (What If It's Love, P...

By SiMarcoJoseAko

19.8M 401K 38.5K

Published Under Summit Media, Pop Fiction. (What If It's Love) A story where forever doesn't exist. #BSS3 More

Bachelor Stories Series 3: Just If
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Epilogue
Author's Note

Chapter One

844K 12.8K 2.4K
By SiMarcoJoseAko

ONE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"Kapag hindi ka bumangon sa loob ng isang minuto, sinisigurado kong hindi ka na talaga babangon diyan kahit kailan." I crossed my arms and looked at him, the sleepy birdy jerk.

"Hmmmn, six  more minutes." Inaantok na sabi niya sabay taklob ng unan sa mukha niya.

Sinusubukan talaga ako ng Montemayor na 'to eh. Ang aga-aga kong gumising para lang dalhan siya ng pagkain dito sa unit niya sabay ganito lang ang dadatnan ko?

We are now both in fourth year college. He's taking Business while I am taking Accountancy. He is my fiancé since we were in highschool and we don't take it seriously. Wala naman akong pakielam doon, kaartehan lang 'yon ng mga magulang namin at akala ay nasa 19th Century pa kami. He could do whatever he wants to do. Basta ba ay hindi siya mambababae harap-harapan. Ipinagkasundo ako ng mga magulang ko sa kanya dahil baka raw hindi na ako mag-asawa kung puro paglalakwatsa at school lang ang iniitindi ko. I am now twenty-one years old at isang taon na lang, graduate na ako. Siya na ang nakasama ko sa lahat ng bagay at masaya ako roon. He is my savior kapag nasasangkot ako lagi sa gulo. But I know it won't last for a lifetime. Wala naman kasing forever at tsaka alam kong ititigil din namin ang kahibangan naming ito. Pero sa ngayon, I am going to enjoy his accompany. Minsan nga lang ang hirap niyang i-handle dahil napaka isip bata niya. Ayaw umaktong matanda!

"Tumayo ka na diyan! Tignan mo nga 'tong condo mo dinaig pa lungga ng daga sa sobrang dumi!" Sabi ko at tsaka ko hinatak ang unan niya. Hindi ko nga alam ang irereact ko ng pagpasok ko ay sumalubong sa akin ang mga nagkalat na basyo ng beer at mga pinagkainan niya. Wala ba sa katawan niya ang maging malinis man lang kahit isang araw? Kahit kaylan talaga, burara ang mga lalaki at isang malaking patunay na si Axcel Vinn Montemayor, the little birdy.

"Heena naman! I am still sleeping, napuyat ako kagabi!" Reklamo niya.

"At bakit? Nambabae ka na naman, ano?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Eh ayaw mo namang makipag sex sa akin. Di sana hindi na ako nambababae!" Dahilan pa niya kaya walang sabi-sabi ko siyang binatukan.

Nagkasundo kami na ayos lang na mambabae siya basta huwag siyang mag-uuwi nang babae sa condo niya, kung hindi puputulan ko siya.

"Gusto mo bang putulan kita diyan?! Itahimik mo 'yang bastos mong bibig. Sinasabi ko sa'yo Montemayor, mawawalan ka ng pagkalalaki." Banta ko sa kanya.

"Kung umasta ka parang kasal na tayo ah! Ni hindi pa nga kita riyan sinasagot." Sabi niya at tsaka siya tumayo. Boxer brief lang ang suot niya kaya naman bakat ang dapat bumakat. Wala na namang kaso sa akin iyon dahil nakita ko na siyang hubo't hubad. Iyon nga lang, hindi pa siya tuli noon.

"Bakit ka ba nandito?" Tanong niya sa akin pagkatapos niyang magsuot ng shorts.

"Dinalhan kita ng food." Sabi ko sa kanya sabay turo sa plastic sa may lamesa.

"Ang sweet naman ng future wife ko." Sabi pa niya.

"Hindi ako sweet nagkataon lang na naalala kong tamad ka kaya dinalhan kita ng pagkain." Sabi ko sa kanya. Ibinaba ko ang bag kong Jansport sa may lamesa at sinimulan na ayusin ang mga kalat sa may sala.

"Huwag na, ako na mag-aayos niyan mamaya." Sabi pa niya.

"Kumain ka na lang diyan at ikaw maglilinis? Oh, you are just telling me na pwede pala ihalo ang mantika sa tubig." Sabi ko sa kanya.

"Okay. Hindi naman ako mapapagod, pero kung gusto mo mapagod pwede naman kitang pagurin sa ibang paraan nga lang." Sabi niya sabay kindat sa akin na sinamahan pa niya ng nakakalokong ngiti.

"Itigil mo 'yang bibig mo. Pasalamat ka at nandito ako sa tabi mo. Paano na lang kapag nawala na ako sa'yo? Sino na lang ang gigising sa'yo tuwing umaga? Sino na lang ang magluluto para sa'yo? O maglilinis ng marumi mong unit? Aba, ang swerte mo nga at dumating pa ako sa buhay mo." Sabi ko sa kanya habang isa-isang pinupulot ang mga basyo ng beer.

"Di 'wag mo akong iwan." Seryoso niyang sabi. Bigla ay natigilan ako.

"Hindi naman kita iiwan, baka nga magulat na lang ako isang araw. Ikaw pala ang mang-iwan." Sabi ko at tsaka ako ngumiti. Ano ba 'tong pinag-uusapan namin? Para kaming mga sira.

"Have you eaten?" He suddenly asked, I just shook my head.

"Tara tabihan mo ako dito, hindi naman kita kakainin. Basta pag sinabi mo lang." Sabi niya at tsaka niya sinabayan ng nakakalokong tawa.

"Sira ka talaga eh 'no?" Sabi ko nang medyo natatawa na rin. Tumabi naman ako sa kanya.

"Heena, paano kung ituloy na lang natin ang engagement?" Tanong niya sabay kagat sa tinapay na dala ko.

"Ayoko nga, di parang nagpukpok ako ng malaking bato sa ulo ko kapag pinakasalan kita." Sabi ko sabay higop sa kape niya. Isa lang kasi ang binili ko.

"Isipin mo Heena, kapag pinakasalan mo ako. Maaanakan kita! Masarap kaya gumawa ng bata." Bigla ko siyang sinubuan ng tinapay sa bibig pagkasabi niya 'non. Ayaw tumigil eh.

"Nasa harap tayo ng pagkain! Kung anu-ano nalabas diyan sa bibig mo!"

"Pero seryoso, ayaw mo talaga? Malaki naman itong—ARAY!" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng bigla ko siyang batukan.

"Di ba sabi ko itikom mo 'yang bastos mong bibig? Makikita mo pipitikin ko 'yang sinasabi mong malaki!" Sabi ko sa kanya.

"Itong condo ko 'yong malaki! Ano bang iniisip mong malaki?" Bigla niyang tanong. Nag-iwas naman ako ng tingin. Minsan hindi ko na alam ang mga iniisip ko kapag kasama ko 'tong lalaking 'to eh. Nagiging bastos na rin ang utak ko.

"W—Wala! Kumain ka na nga lang diyan!" Sabi ko sa kanya.

"Ikaw ha! Kung anu-ano ang iniisip mong malaki ah." Natatawa niyang sabi.

"Magtigil ka Montemayor, papatayin kita diyan." Sabi ko sabay irap sa kanya.

"Sa sarap ba? Sure, why not!" Tumawa ulit siya ng nakakaloko.

"Bakit hindi mo maitigil 'yang bastos mong bibig?" Naiinis kong tanong sa kanya.

"Aba, magaling manromansa 'tong sinasabi mong bastos kong bibig. Want to try?"

"Kung tahiin ko kaya 'yan ng magtigil ka? It's a good idea, isn't it? Para naman hindi na ako napapagod sa kakasaway sa'yo." Sabi ko sa kanya. Nawalan naman ng dugo ang buo niyang mukha.

"Heena, bakit hindi mo subukang pumasok sa isang relasyon?" Bigla naman akong napatigil sa tanong niya.

"Masaya na ako sa'yo, bakit pa ako maghahanap ng iba? Kahit na isip bata ka, makulit at bastos. Masaya na akong kasama ka, tsaka sinusulit ko lang ang mga panahong kasama kita."

"Paano kapag iiwan na kita?"

Ngumiti ako bago sumagot sa tanong niya. "Huwag kang mag-alala, sa oras na iiwan mo na ako. Alam kong magiging masaya ako, dahil alam kong iiwan mo lang ako kapag masaya ka na. Sa piling ng iba." Seryoso kong sabi sa kanya.

Ngumit naman siya ng pagkaluwag-luwag. "Huwag mo akong iiwan ah? Gagahasain kita kapag iniwan mo ako." Sabi niya.

"Ayokong magahasa kaya hindi kita iiwan." Sabi ko sa kanya.

***

"Hoy bata bakit ka nakahubad?" Tanong ko sa maputing bata na naliligo sa may malaking swimming pool. Wala siyang suot na kahit anong saplot. Bigla akong napatawa ng dumako ang mga mata ko sa birdy bird niya.

"Why are you laughing?!" Nakasimangot nitong tanong sa akin.

"Bata, kita kasi si birdy mo." Natatawa kong sabi. Tinakasan ko kasi sina Mommy and Daddy at dito ako napunta.

"Ano naman ngayon?! Malaki naman!" Pagmamalaki pa niya. Mas lalo akong napatawa.

"Maliit kaya." Sabi ko sa kanya.

"Malaki 'yan! Hawakan mo pa eh!" Giit niya sa akin.

"Yuck! Kadiri ka, bakit mo pahahawak sa akin 'yan eh dirty 'yan." Sabi ko sabay irap sa kanya.

"Ang sungit mo di ka naman maganda." Sabi niya.

"Hoy batang may maliit na bird! Maganda ako!" Sabi ko sa kanya.

"Sus, nasaan? Ang liit liit mo nga eh, pangit pa!" Sabi niya sa akin.

"Ikaw 'yon! Ang liit nga ng bird mo eh!" Sabi ko sa kanya. Sumimangot naman siya.

"Kapag lumaki 'to, ipapakita ko sa'yo 'to tapos hahabulin ka n'yan!" Sabi niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Bakit may ilalaki pa ba 'yan? Eh baka nga lumiit pa 'yan!" Sabi ko sa kanya.

"Oo, lalaki pa 'yan! Hintayin mo lang, hahabulin ka n'yan pag lumaki 'yan kaya matakot ka na batang pangit!" Sabi niya.

"Magtatago ako kapag lumaki 'yan! Tsaka isusumbong kita kay Mommy!"

"Magsumbong ka, samahan pa kita eh!" Sabi pa niya. Magsasalita pa sana ako ng may biglang matabang babae na lumapit sa kanya.

"Axcel! Naku, ikaw talagang bata ka pinapahirapan mo ako! Sabi kong 'wag kang aalis at papaliguan pa kita eh!" Sabi noong matabang babae sa batang tinawag niyang Axcel.

"Eh, gusto ko mag-swim. Tsaka Mamita sabi niya maliit daw 'yong birdy ko." Sabi niya sabay turo sa akin.

"Naku, kayo talagang mga bata kayo, oo! Tara na at maliligo ka pa, magagalit na naman ang Mommy mo n'yan!" Sabi ulit noong matabang babae at tsaka siya hinawakan sa kamay. Umalis na sila pero lumingon ulit 'yong batang maputi.

"Tandaan mo, lalaki pa 'to!"  Sabi niya sabay kindat sa akin. Sumimangot lang ako. I won't forget that name.

Axcel, the little birdy.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


Continue Reading

You'll Also Like

762K 26.9K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
10.5M 188K 36
Nalasing si Lana isang gabi at pagkagising niya ay nasa tabi na siya ng isang lalaki! She slept with a stranger named Dylan Guevarra! What's worst? L...
2.1M 143K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.3M 36.3K 56
(Story Completed) How do you get over with someone who meant the world to you when she was gone so suddenly? How much are you willing to sacrifice fo...