Deciphered -=ViceRylle=-

By iShare

138K 4.2K 806

How can they be together when they can't even change their reality? More

Deciphered -=ViceRylle=-
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 13.2
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18

Chapter 9

6.9K 272 37
By iShare

Dahil sa pagsasalita ni Vice sa media tungkol sa kanila ni Karylle, abot-tenga naman ang galit na tinamo niya sa kanyang manager. Sobrang biglaan kasi ang lahat. Hindi man lang pinag-isipan. Walang alam ang iba sa ganoong pangyayari at hindi maiiwasang masangkot na siya sa isyung hindi nabigyan ng paliwanag tungkol kina Karylle at Yael.

Pinagsabihan din ang dalawa ng mga head producers ng Showtime. Hindi sumasagot si Vice sa mga sermon sa kanya. Hinahayaan na lang niya dahil naiintindihan naman niya na maaapektuhan ng husto ang career niya dahil sa mga desisyon na ginawa nila ni Karylle. Kaya lang dahil sunud-sunod na galit na ang tinanggap niya sa buong araw hindi na niya maiwasan masira ang mood niya. Sa sofa, habang commercial break ng Showtime, nakahiga si Vice sa binti ni Karylle at tahimik lang na tumitingin sa instagram.

Teddy: Tahimik ka, Vice ah. *tapik sa binti nito*

Hindi nag-react si Vice. Tumagilid lang siya. Si K naman normal lang. Nakikipag-usap pa rin sa lahat.

Vhong: Uyy, Vice. *hinawi ang paa nito* Paupo naman.

Tinupi lang ni Vice ang tuhod niya para makasingit si Vhong pero hindi pa rin ito nagsasalita.

Vhong: Ano bang problema mo at ganyan ka?

Karylle: Galit siya sa 'kin. *tumingin kay Vice*

Vhong: LQ agad? *hinawakan sa binti si Vice* Viceral, di kami sanay na ganyan ka eh.

Anne: Oo nga.

Inabot ni Vice ang kamay ni Karylle at dinikit sa dibdib niya.

Anne: Di ko akalaing clingy ka palang partner.. Haha.

Wala pa ring reaction si Vice. Naglaro na lang siya sa cellphone.

Pagkatapos ng Showtime, sabay na umuwi sina Vice at Karylle. Magkaholding hands silang naglakad sa lobby. Kaliwa't kanan ang tinginan ng mga tao sa kanila kaya naman nailang si Karylle kaya bigla itong bumitaw kay Vice. Napatingin si Vice sa kanya. Nauna ng naglakad si Karylle.

Pagkarating sa condo ni Karylle, hindi na tumuloy si Vice sa loob.

Karylle: Oh bakit?

Vice: Bukas na lang. Sunduin kita bago pumasok.

Karylle: Pero sabi mo kanina nagugutom ka na. Kumain ka muna dito.

Vice: Kakain na lang ako sa bahay o kung sa'n na lang diyan.

Karylle: Mine, may problema ka ba talaga?

Vice: Wala. *hinalikan sa noo si Karylle* Sige na. Magpahinga ka na.

Lumakad na palayo si Vice. Medyo nanibago si Karylle.

Kinabukasan nagpa-exclusive interview na si Vice sa The Buzz. Hindi iyon alam ni K.

Toni: Vice. Bumati ka muna sa mga nanonood ng The Buzz.

Vice: *todo ngiti* Magandang hapon po sa lahat ng nakatutok ngayong episode na 'to. Nadadama ko trending na naman ito. Nakakaloka. *hinawi ang bangs*

Toni: Oo. Iba ang pasabog mo ngayon eh. Sabi ko nga sa 'yo kanina sa dressing room, first time kitang iinterviewhin na parang di ko alam ang gagawin kong approach.

Vice: Hahaha. Okay lang ako, Toni. Sasagutin ko lahat ng mga tanong na kaya kong sagutin. Kapag hindi kaya, hindi ko rin pipilitin.

Toni: Sige umpisahan na lang natin kasi di ba noong Yahoo Awards, nakita kita do'n kasama mo si Karylle tapos kayo ang nanalo as Celebrity Love team yata of the year.

Vice: Oo. Grabe... parehas kaming natatawa sa award na 'yan pero dahil nagsakripisyo ang mga Babies namin ni K, sobrang nagpapasalamat kami.

Toni: Marami talagang natutuwa sa love team niyo, ano?

Vice: Palagay ko. Mukhang dumarami na nga sila. 'yong mga anak namin. Hahaha. Ansabe ng mga anak namin!!!

Toni: Kung maka-anak ka nga hahaha. Pero teka, tingin mo bakit may kilig factor 'yong loveteam niyo ni Karylle despite na alam ng lahat na bakla ka tapos si Karylle babaeng babae?

Vice: Hindi ko rin alam. Haha. Di ko alam kung bakit kilig na kilig sila sa amin.

Toni: Ito na lang, Vice. Few months ago, lumabas ang balita tungkol sa naudlot na kasalan nina Karylle at Yael. Both parties, hindi na nagbigay ng pahayag. Pero bago pa mangyari 'yon, nagkaroon din ng balita na nagkaroon kayo ng di pagkakaunawaan nina K at Yael. And then nito lang, after ng Awards night, sinabi mo sa media na totoong girlfriend mo na si Karylle. Nagulat ang lahat at nagkaroon na nga ng mga conclusion na, ikaw ang naging dahilan ng paghihiwalay ng dalawa.

Vice: Ahmm... *nag-isip* Toni, kasi medyo komplikado kung sisimulan ko 'yan sa nangyari sa kanila. May mga tao kasing wala naman sa showbiz na maaapektuhan. May taong mahuhusgahan. May taong masasaktan. Siguro ganito na lang... No'ng nagsisimula pa lang sa Sine Mo 'To, sa Showtime, ang Vicerylle okay pa. Katuwaan lang. Masaya lang. Trip-trip lang. Hanggang sa kami ni Karylle sobrang naging malapit sa isa't isa. Araw-araw kaming magkasama. On-cam at minsan kahit sa labas ng trabaho kasama ko na siya pero madalas naman no'n kasama rin si Yael. Kaming tatlo, wala namang naging problema. Hanggang dumarami ang moments namin ni K sa Showtime. Naging sweet kami sa isa't isa. Siguro... Siguro... Lumampas kami sa limitasyon ng pagiging isang kaibigan. Mayroong nahulog ang loob.

May ilang tao sa studio noon ang napatili.

Toni: Okay linawin natin 'yan ha. Dahil sa loveteam, naging malapit kayo sa isa't isa ni Karylle at may na-develop sa inyong dalawa. Sino ang unang na-develop?

Vice: Palagay ko hindi naman na importante kung sinong nauna. Basta no'ng napag-usapan namin ang tungkol doon, we remain to be good friends. Gano'n lang.

Toni: Walang namagitan?

Vice: *Umiling.* Wala. I was in a relationship that time pa, Toni. Tapos siya, seriously committed din kay Yael.

Toni: Ano ng nangyari? Paano na naging kayo?

Vice: *natawa* Nanuno yata kaming dalawa haha. Pero kidding aside, medyo biglaan kasi walang ligawan na nangyari... Nagsimula kami na komplikado ang sitwasyon kaya siguro kahit kami naguguluhan. Basta lang ang sigurado kami ngayon, masaya kaming dalawa. Walang halong showbiz.

Toni: Vice, ano ang tunay na sitwasyon kina Karylle at Yael?

Vice: Ayokong magsalita para sa kanila.

Toni: Kung naamin mong kayo na ni Karylle, siguro wala na rin talaga sina Yael at K. Hindi ba mahirap ang sitwasyon niyo, Vice? Para kasing magulo. Sorry pero mahirap kasi talagang maintindihan ang nangyari sa inyong tatlo.

Vice: Oo. Mahirap talagang maintindihan. Siguro Toni, may mga bagay na kami na lang ang dapat makaalam. Kung hindi man matanggap ng iba, hindi ko naman sila mapipilit.

Toni: Kung sa bagay sa nakikita ko naman, masaya ka na sa kung anuman ang meron kayo ni K. Vice, siyempre ngayon na kompirmadong kayo talaga ni Karylle. Ano na bang mangyayari? Magpapakalalake ka na ba?

Vice: I'll try.

Sa harapan ng TV okay lang si Vice. Kahit offcam sinisikap niyang maging okay pero sa totoo lang hindi siya masaya sa mga nangyayari. At nahihirapan siya dahil parang mag-isa lang siyang humaharap sa lahat. Sa tuwing uuwi siya sa bahay, laging tahimik lang siya. Pinupuntahan niya si Karylle sa bahay nito pero hindi pa rin nagkukwento si Vice sa kanya tungkol sa kung anuman ang nararamdaman niya. Habang nanonood sila ng TV, sa News Break, balitang bumalik na ng bansa ang bokalista ng Spongecola. Hindi naging komportable si Vice kaya tumayo siya at bumalik sa kwarto.

Nakaramdam na si Karylle na apektado ang boyfriend niya kaya sumunod ito.

Karylle: *dahan-dahan pumasok sa kwarto* Mine?

Nakita niyang nakatayo si Vice.

Karylle: Vice... Can we talk?

Vice: Umuwi na si Yael.

Karylle: Yan ba ang gumugulo sa 'yo these past few days?

Vice: *tumingin kay K* Issue na naman.

Karylle: Yael won't give any comment. Kung mainterview siya... he will remain silent.

Vice: *natawa* Silent.

Karylle: *lumapit kay Vice* Hey... I know there's something bothering you. Lately... parang iba ka. Kahit sa akin cold ka. Anong problema?

Vice: Wala. *umiwas kay Karylle*

Karylle: Vice.

Vice: K, kapag nainterview si Yael hindi siya magsasalita. Kapag nainterview ka, no comment ka rin. Sa lahat ng batikos sa ating dalawa, tahimik ka rin. Ako ang humaharap. Pinagtatakpan ko kayo. Ilang tao na ang nagalit dahil nagsasalita ako. Ilang sermon na ang tinanggap ko. Ngayong umuwi si Yael... paano na naman? Ako na naman? 

Karylle: Vice, the more we talk, the more we create controversy.

Vice: Mahal mo ba talaga ko?

Karylle: Oo.

Vice: Siguro dapat patunayan mo naman 'yan sa kin.

Karylle: Na boyfriend kita? Tapos mapapanood ng pamilya ni Yael?

Vice: Pamilya ni Yael? All this time... siya pa rin ang iniisip mo?

Karylle: Vice, that's not what I mean. Ayoko lang magcause pa ng damage sa mga taong nasaktan ko. Wala silang kinalaman sa nangyari.

Vice: Wala akong pakialam! *nagtaas na ng boses* Wala akong pakialam kung masaktan na sila!

Natigilan si Karylle.

Vice: Karylle, boyfriend mo 'ko. Ako, kaya kong balewalain lahat ng batikos wag ko lang ideny na girlfriend kita. Kasi mahal kita, K. Pero ikaw... Sinasabi mong mahal mo 'ko pero bakit hindi mo 'ko mapanindigan?

Karylle: Vice, hindi sa gano'n. *hinawakan sa braso si Vice* Gusto ko lang manatiling pribado ang personal nating buhay.

Vice: *tumingin kay K* Ito lang ang gusto ko, K... Sinasabi ko naman sa 'yo, walang problema sa akin na maging private tayo pero sana naman patunayan mo rin na mahal mo 'ko. Kasi kahit anong gawin nating dalawa, hindi tayo mauubusan ng intriga.

Hindi na umalma si Karylle. Niyakap lang niya si Vice.

Dalawang linggo na ang nagdaan simula nang maibalitang nakabalik na ng bansa si Yael. Wala pa ring sinasabi si Karylle. Sa hindi maiiwasang pagkakataon, magpopromote ng bagong single sa Showtime ang Spongecola.

Direk Bobet: Karylle, alam ko hindi okay na mage-guest ang Spongecola dito.

Tumingin si Karylle kay Vice at hinawakan ito sa kamay.

Vice: Ayos lang 'yan, Direk.

Tumingin lahat kay Vice.

Vice: *umakbay kay K* Nag-usap na kami ni Karylle tungkol diyan.

Anne: Kami na lang po mag-iinterview kina Yael, Direk.

Habang nasa dressing room ang mga showtime hosts, kasalukuyan namang nag-aayos sa backstage ang banda. 

Gosh: Pare, ayos ka lang ba talaga?

Yael: Oo naman.

Armo: Alam mo dapat hindi muna dito eh.

Yael: Kailangan natin 'to.

Gosh: Hindi mo pa nakikita si Karylle?

Yael: I doubt if she'd show up. *kinuha ang gitara*

Ted: *tinapik sa braso si Yael* Kanta lang 'to, Tol.

Yael: Tama. Kanta lang ng kanta. Para sa bagong single.

Maya-maya lumapit sina Direk Bobet at Kuya Mel.

Direk Bobet: Yael... *nakipagkamay* Kamusta?

Yael: Okay lang po, Direk.

Kuya Mel: You look good... Bagay sa 'yo 'yang bago mong gupit.

Yael: Haha. May nakita kong bagong barbero malapit sa 'min. Ayos gumupit.

Kuya Mel: Dalhin mo nga ako diyan minsan.

Yael: Sige.

Direk Bobet: Yael, hindi ko gustong maging personal pero sa ikabubuti niyong tatlo sina Anne na lang muna mag-iinterview sa inyo mamaya ha.

Yael: I understand, Direk. Walang kaso sa 'kin 'yan.

Direk Bobet: Salamat.

Ilang minuto pa ang nagdaan, inintroduce na nina Anne at Vhong ang Spongecola. Tahimik ang buong studio. Patagong nanood sa gilid si Karylle.

Intro pa lang ng gitara, nagreact na ang audience. Napahawak din sa dibdib si Karylle.

Yael:

Sana maulit muli...

Ang mga oras nating nakaraan

Bakit nagkaganito?

Nagbago na ba ang pag-ibig mo?

...Ito ang tanging nais ko

Ang ating kahapon

Sana maulit muli...

Naramdaman ng lahat ang emosyon ni Yael sa parte ng kantang iyon. Naluha si Karylle pero dahil ayaw niyang may makahalata, pasimple niya itong pinunasan. Si Vice naman nakatingin lang kay Karylle mula sa kabilang dako ng stage.

Yael:

...mahal pa rin kita

O giliw...

Pagkatapos ng kanta, isa-isa ng lumapit ang mga hosts. Sina Billy, Anne at Vhong at para i-cover sina Vice at Karylle sumama na rin sina Jugs at Teddy. Nagpromote na sila ng bago nilang single plus mall shows and night gigs. Iwas intriga ang interview para wala ng pag-usapan pa.

After ng guesting sa Showtime ng Spongecola, umalis na rin agad sina Yael dahil may show pa silang pupuntahan sa Pampanga. Hindi na nagkita si K at Yael. Samantala, hanggang sa matapos ang show pinilit maging kalmado ng lahat. Pagkatapos ng programa, naunang umalis si Karylle na hindi man lang nagpapaalam kay Vice. Hinayaan na lang ni Vice ang ganoon at pinilit maging okay kasama sina Billy.

Gabi ng mag-aya si Vice mag-bar kasama ng mga kabarkada niya outside showbiz. Dahil sobrang stressful sa kanya ng araw na 'yon kinailangan niyang uminom at makarinig ng ingay kung hindi ay mababaliw na siya sa kung anuman ang totoong nararamdaman niya. Habang nasa party si Vice, tinatawagan naman na siya ni Karylle pero hindi nito nasasagot.

Donna: Meme, sagutin mo na nga 'tong cellphone mo. Kanina pa nagva-vibrate.

Vice: Sino bang tumatawag?

Donna: Ano? *di marinig si Vice dahil sa sobrang ingay*

Vice: *lumapit na sa lamesa at kinuha ang cellphone* Ako na.

Pagtingin ni Vice, five missed calls na from Karylle. Lumabas na muna siya para tawagan si K.

Vice: Hello.

Karylle: Hello. Ba't ngayon ka lang nagparamdam? Nasa'n ka?

Vice: Guilly's. Kasama ko tropa ko.

Karylle: Bakit di ka nagsabi?

Vice: Biglaan lang naman eh.

Karylle: Pupuntahan kita.

Vice: Malayo sa 'yo 'to. Hassle pa. Hayaan mo na muna ko.

Karylle: Are you with guys again?

Vice: K... pwede ba... Wala akong planong lumande, okay. Gusto ko lang uminom... magwala... Kahit ano. Sige na babye na. Matulog ka na. Tetext na lang kita kapag nakauwi na 'ko.

Pinatay ni Vice agad ang linya. For few seconds, nakatitig lang siya sa cellphone niya. Pagkatapos noon ay bumalik na siya sa loob ng bar.

Halos dalawang oras na ang nakakalipas ng magkausap sina Vice at Karylle sa telepono. Tuloy lang ang chikahan nina Vice at mga kabarkada niya. May ilan din sa bar na nakikipagkilala sa kanila at nag-eenjoy naman si Vice kausap ang mga ito. Kaunti pa lang naman ang naiinom niya. Walang humpay na nakakabinging ingay nang biglang lumapit si Karylle sa lamesa nina Vice.

Vice: K?!!

"Wow, girlfriend alert!!! Lagot ka. Sinusundo ka na," pang-aasar ng mga kaibigan ni Vice.

Vice: Anong ginagawa mo rito?

Karylle: Pwede na ba tayong umuwi?

Vice: K, magkaiba naman tayo ng bahay na inuuwian.

Karylle: Well then, talk to me at least.

Vice: Ano bang pag-uusapan natin?

Karylle: Wag dito.

Vice: Ano bang mali dito?

Karylle: Please?

Binaba ni Vice ang hawak niyang baso. Kinuha ang gamit niya sa lamesa. Nag-abot ng pambayad sa kaibigan niya at saka hinawakan ang kamay ni Karylle. Lumabas na sila sa bar.

Sa kotse ni Karylle, siya na ang nagmaneho dahil nakainom na si Vice.

Vice: So, bawal na ba 'kong magparty ngayon?

Karylle: Hindi. Bakit mo nasabi 'yan?

Vice: Sinundo mo 'ko eh.

Karylle: About Yael, Vice... *tumingin sa katabi*

Hindi nagreact si Vice, tumingin lang siya sa bintana.

Karylle: Vice... Kausapin mo naman ako. *itinabing saglit ang sasakyan*

Vice: Siya ang gusto mong pag-usapan?

Karylle: I'm sorry.

Vice: Hanggang kailangan ka magsosorry sa mga taong nasasaktan mo? K, masaya ka pa ba?

Karylle: Bakit?

Vice: Kasi ako... hindi ko na alam.

Karylle: Anong sinasabi mo, Vice? *medyo nag-alala*

Vice: Umpisa pa lang, K... Hindi ka dapat na-in love sa akin. Di dahil bakla ako, kung hindi dahil magiging komplikado lang tayong pareho.

Karylle: Ako lang ba talaga ang may gusto nito? Di mo ba talaga ko minahal?

Vice: Di minahal? Wow!!!

Karylle: Mahal kita, Vice.

Vice: Talaga?

Karylle: Hindi ka naniniwala?

Vice: Kapag ba si Yael ang nasa harap mo ngayon, sasabihin mo pa rin sa kanya na ako ang mahal mo?

Karylle: *napayuko* You know I can't do that.

Vice: Inasahan ko na 'yan.

Tinanggal ni Karylle ang seatbelt niya para makalapit kay Vice at mahawakan ang mukha nito.

Karylle: Can I stay with you tonight?

Nabigla si Vice.

Karylle: I just want to be with you. Tonight.

Vice: K...

Sinuot na ulit ni Karylle at seatbelt at nagmaneho ulit papunta sa bahay ni Vice.

Pagkarating nila, hindi pa rin lubos maintindihan ni Vice ang inaakto ni Karylle pero hinayaan na lang niya. Tumuloy siya sa kwarto at saka sa banyo para maligo at magbihis. Paglabas niya, nandoon na rin si Karylle. Hindi siya sanay na may ibang tao sa kwarto niya lalo pa at babae. Medyo worried siya pero sa pagkakataon na 'yon siya ang lalaki. Parang hindi pa siya handa sa ganoon dahil nga babae na ang kasama niya.

Karylle: Parang ang emo ng atmosphere ng kwarto mo.

Vice: This is me in reality. *nilapag ang twalya sa kama*

Karylle: Malungkot?

Vice: *tumango lang* At mag-isa. *nag-ayos na ng kama para matulog na*

Karylle: Hey... *flirty ang tono at tumabi kay Vice* Wag ka muna matulog.

Vice: *biglang hinatak ang kumot at binalot sa katawan niya* 'Yong totoo K, anong plano mong gawin ngayong gabi?

Karylle: *natawa* Ang dumi ng ulo mo, Viceral!!! *pumasok na rin sa kumot at biglang niyakap si Vice* Ito lang ang gusto ko. Mayakap at makasama ka ulit. *sumiksik kay Vice* Namimiss na kasi kita. Hindi mo ko kinakausap ng maayos. Hindi mo rin ako hinahawakan. Alam ko di ka masaya sa akin. Pero mahal na mahal kita. Sana alam mo 'yon.

Napatingin lang si Vice kay Karylle at yumakap na rin sa kanya.

Vice: Pakiramdam ko lang... Siya pa rin ang mas mahal mo kahit na ako ang kasama mo.

Pagtingin ni K kay Vice, naluluha na ito.

Vice: Minsan iniisip ko, kung natuloy kaya ang kasal niyo mas masaya ka kaya ngayon? Hindi ko kasi alam ang gagawin ko, K. Hindi ko alam kung paano ko tatanggalin 'yang guilt sa puso mo. Sana makahanap ako ng paraan para ako naman... ako na lang ang laman niyan.

Karylle: All we need is time, Mine. But for now, it's just the two of us.

Pinunasan ni Karylle ang mata ni Vice. Dahan-dahan lumapit ang mukha niya sa mukha ni Vice at unti-unting nagdikit ang mga labi nila sa isa't isa. Mahigpit na yumakap si Vice. Parehas nilang kinailangan ang isa't isa sa mga oras na 'yon na hindi na inisip kung ano na naman ang haharapin nila kinabukasan.

Continue Reading

You'll Also Like

88.8K 3.5K 126
Nang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-ye...
8.7K 468 26
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
2.6K 596 132
Park Jimin- a.k.a- Jess/jass Min Yoongi- a.k.a- Red Kim taehyung- a.k.a- Fatima Jeon Jungkook-a.k.a- Luigi Kim Namjoon- a.k.a- Neil Kim Seokjin- a.k...
93.9K 4.2K 68
Darlentina AU. :)