Sir, You're Mine. FINISHED

By Lee__Miyaki

1M 13.5K 1.5K

PG13. Nagsimula ang RIOT nang may isang babae ang nagsabing, "Sir, You're Mine." | Sir, You're Hot Book 2 | N... More

Prologue
1: Conflict
2: Next Step
3: Flashbacks
4: New Chapter
5: Tuesdays With Chloe
6: Arrangement
7: Meet Rye
8: Milk Tea
9: The Battle
10: The Start
11: Contestant #6
12: Ehem.
13: Dare
14: Stay
15: Yes or No?
16: Challenge Accepted
17: Jael
18: Revenge
19: This Damn Heart
20: Kiss
21: Her Other Side
22: Past
23: Two Sides of Story
24: Switch
25: Railey Medrana's Way
26: Rose
27: Level Up
28: Sweetness
29: Revenge?
30: Twist of Fate
Bonus Trivia
31: Hot Kiss
32: Love's Other Sides
33: What's Next?
34: Obsessed
35: Sort of...
36.1: Complicated?
36.2: From?
37.1: Attempt
37.2: Stay
38: That Question
39: Reconciliation
40: Talk Dirty
41: Good Bye
42: Guilty
43: That Girl
44: Tease Her Not
45: Rare Revelations
46: Four Ways
47: Cheat With Me
48: Almost and Really
49: Moving On
50: Nagbabalik-loob.
Part 2: Prologue
52: Si Railey?
53: Chase
54: Akin ka lang
54: Second Day
Sir, You're Mine 55: Isang Linggo

51: Naughty Railway

8.6K 185 27
By Lee__Miyaki

Part 2

Dedicated to Sheele for her unstoppable na pangungulit sa update. :) 

Chapter 51: New Life?

 

Rebecca’s POV

After several months…

Kung yayaman lang ako sa bawat paghabol ni Rye, siguro yumaman na ako. Kaya lang, hindi e. Nakailang beses na akong nagsabi sa kanya na ayoko na. Pero, weird e. Kahit nasaan ako, inaasahan ko, deep inside, na magkasalubong man lang kami. Pero, the heck. Yoko na.

“Ma’am, dito po,” pag-guide sa akin ng isang babae sa in-apply-an kong school. Tanggap na ko. Salamat kay Mama na may connections sa lahat ng school na pwedeng tumanggap sa akin. Ang dami kong in-apply-ang school, pero ni isa, wala lang pumansin sa akin. ‘Di pa kasi lumalabas ‘ung result ng board exam ko. Isa pa, halos lahat ng grades ko sa TOR, may something na iniiwasan ng mga employer. Oo, naiinitindihan ko naman sila. Kahit ako, ‘di ako tatanggap nang may ganitong TOR.

                Naisip ko lang. Basehan ba ang grade sa pagkatao ng tao? Pwede namang magbago e. Malay natin, mas bumuti na ‘yung mga taong may bagsak na grades noon.

                “Thanks,” sagot ko sa kanya. Nakapusod ang buhok niya. Si Ate ata ‘yung teacher aide dito. Nasa school ako ngayon. School na bago kong papasukan. Nakaka-amaze.

                Binuksan ko ‘yung pinto ng kwartong itinuro niya sa akin. Pagbukas ko, isang grupo ng maliliit na bata ‘yung bumungad sa akin. Isang colorful na kwarto ang nasilayan ko.    

                Walang duda. Pre-school nga talaga ang bagsak ko. Private school. Kaya natanggap ako.

                “Good morning, Miss?” bati ng bagong babaeng sumalubong sa akin. I’m Teacher Joy,” sagot niya.

                “Hi, Teacher Joy,” sagot ko. “Rebecca Canlas po,” dugtong ko. Wala na akong choice. Kaya dito na ako nag-apply. Pre-school. Good luck sa pasensya ko. Err.

                “Class, say good morning to Teacher Rebecca,” sabi niya sa mga bata. “Today she’ll be observing you. She’ll be your new teacher in C.L.E.” Ito ba talaga ang subject na ipapaturo sa akin? “Aside from C.L.E., she’ll be teaching Language and Reading. Please be good to your new teacher, okay?” mabagal nitong sabi sa mga bata.

               

Aww. Ang gulo ng buhay ko. Parang bawat araw, bagong chapter na ‘yung kinakaharap ko. Tulad nito. May isang batang lalaki ang nakatingin sa akin. Para siyang naiiyak. Para siyang naiiyak. Wait. Wait. Iiyak na ata siya. “Umiiyak ata siya ate,” banggit ko sa teacher aide na sumalubong sa akin kanina. Nagwawalis kasi siya sa may likod na bahagi ng room.

“Si Josh talaga, naihi na naman,” may dismaya sa tono ng boses niya pero nakangiti pa rin siya at kinuha ang bata at inilabas. Sana may gano’n rin akong pasensya.

Natapos agad ang klase. Three hours lang naman kasi ang klase ng kinder 1. So, mabilis lang ang araw nila. Nakaupo pa rin ako sa likod habang nagninilay kung totoo na ba ‘tong kinalalagyan ko ngayon.

                Maya-maya, niyaya ako ni Teacher Joy malapit sa table niya. Ito lang ang mataas na table sa loob ng makulay na room na ito. Ang mga table ng bata ay mabababa rin. Siguro, 24 silang lahat sa loob ng room. Umupo na ako sa harap ni Teacher Joy. Siya rin ‘yung isa sa mga teacher na nanuod nung nag-demo ako eh.

                “Buti na lang teacher, nag-apply ka. Na-terminate kasi ‘yung contract ng previous teacher na papalitan mo. May problema kasi sa pamilya. Buti nga napayagang umalis.” banggit niya. “Bale, itong klase niya ang hahawakan mo. Itong room na ‘to ay room mo. Mamaya, ililipat ko na ‘yung gamit ko sa kabilang room. Dun talaga ako.”

                “Good luck na lang talaga sa akin at sa mga bata, teacher,” my goodness. Hindi ko alam kung tama bang tanggapin ko ang job offer na to. Hindi ko naman lubos maisip na magiging pre-school teacher ako. Knowing myself, ako ‘yung pinakawalang pasensya na tao sa mundo.

                “Eh, ano bang natapos mo?” tanong nito. “Educ, major in English po,” sagot ko.

                “Kaya ka pala magtuturo ng Reading at Language. Kailangang-kailangan talaga kaya ka siguro natanggap.” sabi niya habang inaayos niya ang ilang folder sa table nito.

                “Paalala ko lang, ang oras ng klase mo ay alas-otso hanggang alas-onse. Pagdating ng alas-onse, uwian na ng mga bata. May lobby d’yan na paghihintayan ng mga sundo nila. 11 to 12 noon ang break mo. 1:00pm-4:00pm naman ang next class ng new set of kids. Ayos ba?”

                Tumango-tango ako.

                “In case na may naihi, na-alam-mo na, at umiyak, ‘wag ka mahiyang humingi ng tulong kay Ate, ‘yung sumalubong sa’yo kanina? ‘Yun talaga ang trabaho niya.

                Tumango ulit ako.

                “Isa pa. Bawal ma-late. Bawal um-absent without any formal leave or valid reason. Walang ibang hahawak ng bata mo kundi ikaw lang. So might as well, pag-igihan mo.”

                Nagpaalam siya sandali bitbit ang ilang mga folders na inayos niya kanina.

                Iginala ko naman ang mga mata ko sa loob ng classroom. Ibang-iba ito sa nakasanayan kong classroom noong college at high school ako. Maraming charts na nakadikit sa pader. May mga Alphabets sa itaas ng black board. May nakadikit na poster ng Animals, Persons, at Body Parts ang nakikita ko ngayon. Airconditioned ang room. Ayaw ata nilang mapawisan ang mga bata. At isa ko pang napansin, may cross sa gitna ng room. Nakasabit ito sa gitnang bahagi ng classroom.

                Catholic school ang pagtuturuan ko.

                Bawal ma-late.

                Kailangan ng unlimited na pasensya.

                Tanong, makakatagal kaya ako?

Dahil sa inip na rin sa paghihintay kay teacher Joy, tumayo ako at lumabas muna sa kwarto. Napansin ko na may katabi pang room ang room ko. Bale, may tatlong room. Isa siguro kay teacher Joy, isa sa akin, at may isa pa. ‘Di ko nga laang alam kung kanino.

                Bukas, magsisimula na ako. Walang matagal na orientation. Biglaan kasi ang pagkaka-hire sa akin. Biglaan lahat. Lahat na lang ata ng napupuntahan ko, second option lang ako. Ang lungkot. Isa ako sa ‘walang choice’ na kung tawagin.

                Habang naglalakad sa may hallway ng school, natanaw ko nang pabalik na si Teacher Joy. Wala na ‘yung folder na hawak nito. Nakita niya ako at ngumit siya sa akin.

                “Teacher Rebecca, bukas, pang-teacher na ‘yung suutin mo ah? Hindi na pwede ‘yung maong pants at ‘yang sleeveless mong damit. Formal na, gets?” sounds nanay ko siya nang sabihin niya ‘to.

                Tumango ako. Minsan, isang technique ang pagtango para hindi na dumami ‘yung sasabihin ng kausap mo.

                “Sa’n po pala kayo galing? Pawis po kayo,” tanong ko. Kita na kasi ‘yung butil-butil na pawis ni teacher sa noo niya kahit nasa malamig na room na kami.

                “In-orient ko lang rin sa kabilang room ‘yung bagong teacher. Dalawa kayo, if you don’t know. Lalaki nga lang siya. Mukhang bata. Kaya, natagalan kaming mag-usap. Ewan, parang kahit medyo 40s na ‘yun edad niya eh kinikilig pa rin siya.

                “Ah, bale tayo pong tatlo ang maghahandle ng pre-school division?” tanong ko.

                “Exactly. Nakuha mo. By the way, baka kilala mo na ‘yung isang new teacher? Baka nakasabay mo siyang mag-apply dito. Kasi, parang kilala ka niya eh. Pinapapunta ko nga dito. Ayaw naman,” sabi niya.

                “Wala po akong napansin na kasabay ko mag-apply. Baka ibang araw po siya nag-apply at nag-demo.” Ito naman ang sabi ko. Lalaki na naman.

                “Siguro nag ‘di mo kilala, pero sabi niya, ang pangalan niya raw ay… teka, nakalimutan ko. Nagsisimula sa letter… J… R… E? Hindi ko matandaan ‘yung name niya. Pero, ang napansin ko lang, manipis ang pink niyang labi at maputi siya. Pinagalitan ko nga, kasi brush-up ang buhok.”

                Um-oo na lang ako. Clueless.

                “Feeling ko, sounds like naughty… rainy… railway. Ah basta. Papakilala ko na lang sa’yo ‘pag may time ka.”

                “Sino kaya siya?” tanong ko kahit may clue na ako kung sino. Sa totoo lang, baka yumaman na ko.

Continue Reading

You'll Also Like

753K 26.7K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2M 60.3K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
7.4M 207K 45
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...