Aeon (COMPLETED)

By pandauthot

73.2K 4.2K 726

In Lieu Series #3 "He's not him." More

Aeon
001
002
003
004
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
049
050
051
052
053
054
055
056
057
058
059
060
061
062
063
064
065
066
067
068
069
070
071
072
073
075
final

074

673 54 44
By pandauthot


🍨

[ Now Playing: Let Her Go ]

Pinakamasakit
na nakikita ko?

Ang makitang masaya
na si Bluemoon.

"Mom, Dad, Morning,
si Vanilla Gleam,"
pagpapakilala saakin ni
Bluemoon at kumaway
ako sa kanila.

"Hala! Kamukha mo siya,
Morning! Hello Vanilla!"
Medyo nakakahiya dahil
ang Mom nila ang lumapit
saakin para yakapin ako.

"Opo nga. Vanilla, for
sure mahilig ka sa ice cream,"
sabi niya kaya tumango
ako.

Umupo sa tabi ko
ang Mom nila at inayos
ang buhok ko. Nakakatunaw
ng puso. Ano kayang
feeling kung may inang
nagmamahal sa'yo?

Sunusuklay niya ang
buhok ko nang lumapit ang Dad ni
Bluemoon. "Vanilla, alam ko
kung ano ka."

Nawala saglit ang ngiti ko
at kinabahan ako sa sasabihin
ng Dad niya.. alam niya?

"Sasakyan nila."

Natahimik kaming apat.

"Tanong mo muna
kung bakit," parang bata
niyang sabi kaya nagtanong
nalang ako. "Bakit po?"

"Kasi.. Van nila. Van.
Sasakyan diba? HAHAHAHAHAH."
Wala akong lakas para
humalakhak pero parang
nakahinga ako nang maluwag.
Kakaiba rin ang Dad nila.
Tinatawanan ang sariling joke.

"Dad. Waley," singit ni
Bluemoon at natawa sila
nang hinila siya ng Dad
niya para makaupo sa hita
niya na parang bata.

"Ikaw Bluemoon ah.
Andito lang bebe mo,
parang hindi ka na ang
baby namin na palaging
tumatawa sa joke ko," sabi ng
Dad niya kaya natawa ako sa
reaksyon ni Bluemoon.

Nahihirapan na ako.

"Dad naman eh!"

"Bluemoon.." bulong ko
at nag-iba ang ekspresyon
niya sa kalagayan ko.
Sobrang nanghihina na
talaga ako. Pakiramdam
ko hindi na ako makakalakad.

"Vanilla, okay ka lang ba?"
nag-aalalang tanong ng
Mom nila saakin pero
umiling ako. Nanginginig na
ang mga labi ko.

"Gusto mo ba munang
magpahangin sa rooftop?"
nag-aalalang tanong ni Bluemoon
kaya tumango ako.

Inalalayan nila akong tumayo.
"May masakit ba saiyo?
Bakit hinang hina ka?"

"Pinagod ka ba ni
Bluemoon?" tanong ng Dad
niya. "Dad!"

Nang binuhat na ako ni
Bluemoon, tumulo ang
luha ko. Oh. Hindi nila ako
pwedeng makitang umiiyak!

"Mauna na po ako.
Thank you po!" paalam ko at
nabibingi na ako. Hindi ko na
maangat ang mga kamay ko.

"May problema ba, Vanilla?"

"Sa rooftop nalang tayo.
Kailangan ko ng hangin."

Walang nagsalita saamin
hanggang sa makarating kami
sa rooftop at pinaupo ako ni
Bluemoon sa upuan doon.

"Tama ka, Vanilla. Magiging
okay ang lahat kung positibo
ka lang sa buhay," sabi niya at umupo
siya sa tabi ko.

Hindi ko na kaya.

Napasandal ang ulo ko sa
balikat niya at napaiyak.

Ayokong iwan ka Bluemoon.
Pero hindi ko na kaya.

"Bluemoon.." pahina nang
pahina na rin ang boses ko.

Kaunting lakas lang po..
gusto ko pa po siyang makasama.

"Vanilla. Ang saya ko."

Please 'wag mong sabihin 'yan..
Parang pinapatay mo ako..

"Ang saya-saya ko dahil
hindi mo ako iniwan."

Bakit ba ayaw kong makitang
masaya si Bluemoon?

Kasi ayoko pang umalis.
Ayoko pang mawala.
Masaya siya.
Nasasaktan ako dahil
mawawala na ako sa tabi niya

Kaunting lakas pa po..

Magpapaalam na po ako..

Kahit hirap na hirap ako,
humiwalay ako sakanya at
hinarap siya.

"May isinulat akong kanta
para sa'yo.."

"Talaga?"

Tumango ako.

"Pumikit ka muna.." bulong
ko at tinakpan ang mga
mata niya. "Bakit?"

"Isipin mo 'yung
una mo akong nakilala."

"'Yung ano? 'Yung OC Dawgs EXB?"
Natawa siya habang ako
nagluluha. Pinipigilan kong 'wag
humikbi.

"Isipin mo ang masasaya
nating alaala. 'Yung panahong
pinapasaya kita. 'Yung palagi
kitang sinusundan."

"Vanilla.. bakit mo 'to
pinapagawa?" kinakabahang
tanong niya pero nakangiti
lang siya.

"Masakit na Bluemoon.."
sinandal ko ang noo ko sa
noo niya at tuluyang napahikbi.
"Vanilla?" Sinubukan niyang alisin
ang kamay ko sa mga
mata niya.

"'Wag. Ayokong makita
mo akong umiiyak ngayon.."
kada patak ng luha ko ay
naglalaho na ako.

"I love you Bluemoon.
Thank you."

Paghalik ko sa noo niya
ay nakaramdam ako ng
malamig na hangin na tumangay
saakin palayo sa lalaking
pinakamamahal ko.

---

It's time to say goodbye
I Thank him for all the time
I Thank him, he changed himself
She's now awake for your price.

I saw him cried for joy
Atlast his sister woke up
Thanking God for this
I'm glad he's alright now

He should not find me
I'm done with all my task
I know this is hard
But goodbye Bluemoon, my love

---

👤

"Vanilla?" tanong ni
Bluemoon habang nakatakip
ang mga mata niya gamit ang
mga kamay niya.

"Vanilla? Hindi nakakatuwa."

Nang tinanggal niya ang
kamay niya ay wala na si
Vanilla sa harapan niya.
Napatayo siya at hinanap si
Vanilla sa buong rooftop pero
sa pagtingin niya sa langit ay
namangha siya sa maraming
bituin.

Napangiti siya nang
mawala ang alaala niya
kasama ang babaeng
mahal niya.

And you let her go.

At sa gabing iyon, wala nang
nakakakilala kay Vanilla.

Continue Reading

You'll Also Like

184K 6.9K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...
22.5K 664 51
Layla Dali Maranda is quite used to hiding her emotions. Maybe it was her own fault anyway for she fed people with the thought that she doesn't fear...
3M 145K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
2.8M 80.3K 60
He bought me, but I didn't know that I was more than a hundred billion worth.