069

589 46 13
                                    

  
  
  
🍨

Naghihintay nanaman
si Bluemoon sa labas ng
classroom namin.

"Bluemoon?" tawag ko at
lumingon siya saakin.

Ang daming nangyari.

Pero parang hindi lang siya
nabother na gusto ko siya.

Bakit palagi na niya akong
hinihintay sa labas ng classroom at
kung saan pa.

Hindi ba niya nahahalata na
mas lalo akong nahuhulog?

Nakatingin lang ako sakanya
habang naglalakad kami sa hallway.
As usual, nakasimangot siya.
Pero hindi na tulad dati na
sobrang bigat ng aura niya.

Balak ko sanang magsalita
pero napalakas ang buntong hininga ko
imbis na palihim lang.

Napatigil siya sa paglalakad
kaya napatigil din ako.
Umangat ang tingin ko dahil
napatingin siya saakin.

Agad kong binawi ang tingin ko
at hinawakan ko ang kamay ko.

Bakit ako kinakabahan?

"U-uhm. Mauna
nalang ako sa pag-uwi."
Ako tuloy ang naawkward
sa sitwasyon namin.

Umamin ako, pero
wala lang sakanya!

Dalawa lang ang
ineexpect ko.

Una, aamin din siya
saakin (which is imposible
na mangyari.)

Pangalawa, ireject
niya ang feelings ko.

Bago pa ako makaalis ay
hinawakan niya ang kamay ko
at hinila niya ako. Hindi
na ako umangal dahil
nabibighani ako sa nararamdaman
kong bulate sa tiyan ko at nakikiliti
ako kahit walanh kumikiliti
saakin.

Ang lambot kasi
ng kamay niya.

"Ang lamig ng kamay mo,"
sabi ko sakanya.

"'Wag mo akong iwan."

Kaya ayun. Ang mga
salitang 'yun ang tumahi
ng bibig ko at buong biyahe
at pasyal ay tahimik lang kaming
dalawa.

____

Nasa park kami ngayon
at nakaupo sa swing.

Walang may balak na
magsalita saamin.
Parang nakakamatay na
ang katahimikan eh.

Ilang beses akong napapabuntong
hininga hanggang sa napatingin
ako kay Bluemoon na nakatitig
saakin. Agad niyang binawi ang
tingin niya at napatingin sa langit.

Umiwas din ako ng tingin.

"Bluemoon. Kailangan kong
itigil ang nararamdaman ko sa'yo
bago pa 'to lumalim," sabi ko.
Literal akong kinakabahan at
ang lakas ng loob ko!

"Mas mabuti kasing maging
magkaibigan lang tayo. Baka
masaktan kita." Kailangan ko nang
maging maingat. Nakapasensitive na
tao ni Bluemoon. "Baka masaktan mo ako.."
bulong ko at umiwas ng tingin.

"Dapat, pinagsabihan ko
ang sarili ko bago ako mahulog
sa'yo," bulong ko at nagulat ako sa
sinabi niya.

"Don't."

Bumalik ang tingin ko sakanya.

"Tinatanggap ko ang
nararamdaman mo saakin.
Ipatuloy mo lang."

What?
Ha?

"At tanggapin mo rin ang
nararamdaman ko kung makaalis
ako sa bangungot na 'to."

WHAT?

"Hihintayin mo ako diba?"

Napangiti ako at nakita kong
napangiti rin siya.

"Oo."

Aeon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon