072

631 45 30
                                    

8:53PM

Bluemoon:
Date tayooooo! ❤

Vanilla:
Sige SIGEEEEE
Saan?

Bluemoon:
Somewhere above the road!
HAHAHHAHA

Vanilla:
SA KALYEEEE?

Bluemoon:
HAHAHAAHAHA
Wait isip ako
Uhh
Saan ba?

Vanilla:
Wala akong maisip!
Sa Simbahan?

Bluemoon:
Bakit hindi ko 'yan naisip.
SIGE!
Pakilala kita kina Mom and Dad.

Vanilla:
WHAT
HALA HINDI AKO READY
SIGE SIGE!

Bluemoon:
Day Off nila pag-Sunday.
Diretso date ha? Hihihi

Vanilla:
Yesss ❤

_____________________________________

"Arch, hindi mo ba talaga
alam kung nasaan si Bluemoon?"
tanong ko kay Arch mula sa tawag.

"Hindi ko alam, Vanilla.
Asan ka ngayon?"

"Nasa plaza sa tabi ng
simbahan. Magsisimba sana
kami ngayon pero iniwan
niya ako kasi nakatanggap
siya ng tawag. Sabi niya
babalikan niya ako pero
nagsimula na ang misa,
wala parin siya!"

Nagpapanic ako. Ayos pa
naman siya kanina ah?
Masaya siyang kinuha
ako sa bahay namin. Date
namin ngayon pero bago
kami pumasok sa simbahan
ay may tumawag sakanya
at sinabi niyang babalik agad
siya at tumakbo palayo.

"Wait langㅡOh Shit! May
nangyari Vanilla. Puntahan
ko muna si Bluemoonㅡ"

"Arch! Nasaan si Bluemoon?
Please naman oh! Kanina
pa ako naghihintay sakanya!"

"Sorry Vanilla, hindi
ko pwedeng sabihinㅡ"

"PLEASE ARCH!"
sigaw ko.

"Nasa ospital siya."

Pinatay niya agad ang
tawag at sinubukan ko
ulit siyang tawagan pero
naka-off na ang phone
niya. "Arch naman! Saang
ospital!? Anong nangyayari?!"
sigaw ko habang sinusubukang
tawagin si Bluemoon pero
patay din ang phone niya.

Ospital.

Bakit Divine Mercy Hospital
ang una kong naiisip?

Napakagat ako ng thumb ko.
Ang layo ng ospital na 'yun!

Hindi na ako nag-aksaya
ng oras at agad naghanap
at sumakay ng taxi. Buti
nalang sobra ang dala
kong pera at kasya ito
hanggang doon.

Habang malalim ang iniisip
ko kung ano ang ginagawa
ni Bluemoon sa ospital,
hindi ko namamalayan na
dumaan na kami sa school
namin.

Nanginginig ang mga labi ko.
Iba ang pakiramdam ko.

Sobrang kaba na ang
nararamdaman ko.

Sa sobrang lutang ko hindi ko
namalayan na nasa ospital na
ako. Pagbigay ko ng bayad ko.
"Miss. Ito po sukli niyoㅡ"

Hindi ko na kinuha ang
sukli ko nang makita si
Bluemoon na kabababa
palang ng jeep at tumakbo
papasok ng entrance ng
hospital. Sinundan ko siya
hanggang sa nakasakay siya
ng elevator. Wait! Hindi niya
ako pwedeng makita!

No choice akong gamitin
ang hagdanan ay hindi ko
iniintindi ang pagod ko
at pinatuloy ang pag-aakyat
hanggang sa tumigil ako
sa 5th floor. Bakit kusa
akong tumigil?

Nakita kong kalalabas palang
ni Bluemoon sa elevator
at tumakbo hanggang harapin
niya ang isang kwarto. Bubuksan
niya sana ang pinto nang
bumukas ang pinto at
lumabas ang isang lalaki at
isang babae. Teka. Mom at
Dad ito ni Bluemoon ah?

Isang malutong na sampal
ang natanggap ni Bluemoon
mula sa Mom niya kaya
napatakip ako ng bibig ko.

"Bakit hindi mo sinabi saamin!?"
sigaw ng Mom niya at
pinipigilan siya ng Dad ni
Bluemoon. Kitang-kita
ko ang galit ng Mom niya.
Gusto pa niyang sampalin si
Bluemoon pero ang Dad
naman niya ang humarap sakanya.

"Nakakadismaya, Bluemoon.
Isang malaking kasalanan
ang ginawa mo," matigas
na sinabi ng Dad niya at
napahagulgol ang Mom niya.

Napayuko nalang si Bluemoon
at lumabas ang doktor
mula sa kwarto.

"Buti nalang lumaban pa
ang pasyente. Naging normal
ulit ang tibok ng puso niya
at wala pang senyales kung
magigising ang pasyente
pero malaki ang tyansa
na bumitaw siya. Dasal
nalang ang kailangan para
gumising ang pasyente,"
sabi nito. Kaya naiyak
na ang Mom at Dad ni Bluemoon.

"Mauna na po ako," paalam
ng doktor. Naiwan silang tatlo roon.

"Kung sinabi mo saamin
nang maaga ay hindi kami
magagalit, Bluemoon. Pero
pinatagal mo bago namin
malaman. Kung hindi
kami tinawagan ng mga
doktor dahil kritikal na
pala ang kalagayan niya."
Napailing ang Dad niya at
inalalayan niya ang Mom
niya palayo kay Bluemoon.

Pinanood ko kung paano
nagbreakdown si Bluemoon at
umupo sa upuan doon. Napatakip
siya ng mukha kaya pinuntahan
ko na siya. Umupo ako sa
harapan niya at sumilip siya
para tingnan ako.

"Vanilla.."

".. hindi ko pwedeng ituloy
ang nararamdaman ko sa'yo."

Dumagdag ang sakit na
binigay niya saakin dahil sa
sinabi niya.

"B-Bakit?"

Napayuko siya at tumayo.
Tumayo rin ako. Sinundan ko siya
hanggang sa loob ng kwarto.

"Siya ang dahilan kung bakit
hindi ako makangiti. Siya ang
dahilan kung bakit sinasaktan
ko ang sarili ko. Siya rin ang
dahilan kung bakit ako
nagkakaganito. Siya ang dahilan
kung bakit hindi kita
pwedeng magustuhan,"
sabi niya at umupo siya sa
upuan doon at hawakan
ang kamay ng babaeng
nakahiga roon.

Comatose.

"Sabi mo dati, hindi
lahat ng tao ay magkaparehas.
Pero hindi Vanilla. Parehas
na parehas kayo. Kaya
pakiramdam ko kung
kasama kita ay parang
minumulto ako ng kasalanan
ko."

Unti-unting tumulo ang
mga luha kong dapat kanina ko
pa inilabas.

Masakit na..

"Vanilla, siya pala ang
kambal ko. Si Morning..."

"... Aeon Morales."

Aeon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon