062

608 39 7
                                    

👤

It's been weeks.

At si Bluemoon ay hinihintay si Vanilla
sa labas ng classroom nila.

Maraming mata ang pumapako
sakanya lalo na ang mga babae
dahil nabibighani sila sa kagwapuhan
ng isang Bluemoon.

"Vany, saan ka kakain?" tanong
ng kaklase ni Vanilla at nakita
na ni Bluemoon ang nakangiting Vanilla.

Napatalikod saglit si
Bluemoon dahil namangha
siya sa kagandahan ni Vanilla.
Napahawak siya sa dibdib niya
dahil parang nahuhulog ang puso
niya sa sobrang kaba.

Bakit ba ako kinakabahan?
tanong ni Bluemoon at
unti-unti siyang kumalma
nang maramdaman ang kamay
ni Vanilla sa braso niya.

"Hala! Hinintay mo ako, Bluemoon?"
May pumipigil kay Bluemoon
na iangat ang mga gilid ng
labi niya. Hindi niya maipakita
na masaya siyang makita
si Vanilla pero puso niya
lumulundag ito dahil sa kaunting
sayang tumatakas sa malungkot
niyang puso.

Ilang araw na niya itong
nararamdaman.

"Hinintay mo talaga ako?"
tanong ulit ni Vanilla habang
sinusundot-sundot niya
ang tagiliran ni Bluemoon.

Tumango nalang si Bluemoon
kaya napatili si Vanilla.

Napatigil sila sa paglalakad
at pinanood niya si Vanilla na
napatakip ng bibig at gulat na gulat
sa nalaman niya. Halatang
kinikilig sa ginawa ni Bluemoon.

I really like her smile.
bulong ni Bluemoon sa
isipan niya. At naalala niya
bigla noong birthday niya na
hinalikan siya ni Vanilla sa pisngi.

Namula ang buong mukha
niya kaya nagtaka si Vanilla.

"Bakit Bluemoonㅡ"

"Halika na." Hindi namalayan
na kamay na ni Vanilla ang
hinawakan niya sa paghila
para mapadali ang paglalakad nila.

Aeon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon