068

564 38 17
                                    

"Hello?"

"Hello Bluemoon?"

"Hiiiiiii."

"Hellooooooo?"

"Anong nangyari sa araw mo?"

"Ha?"

"Kwentuhan mo ako. Gusto kong malaman."

Napahawak ako sa dibdib ko
dahil ang lakas ng kabog
ng puso ko. Pwede na akong
magcollapse sa sobrang kilig.
Baka makakaihi na ako.

"Ha?"

Sorry. Bingi lang.
Plus slow.

"Wala namang nangyaring
masama ah?"

"Good. Magandang pangyayari
ang ikwento mo saakin."

Napakagat ako ng labi ko.
Ang sarap sa pakiramdam.

"Nagquiz kami kanina at
nakaperfect ako! Naloloka
ako sa mga classmate ko
kasi nakikicopy nalang sila sa
mga katabi nila. Buti nalang
nakapagbasa ako kanina.
Naawa ako sa iba. Baka kasi
masanay sila at wala silang
natutunan pagkatapos ng klase.
Sayang tuition na binabayad
sakanila.."

"Pero at the same time,
naiintindihan ko sila.
Concern lang ako. Paano
kung maabutan sila?"

"Ayy! Nakakita pala
ako ng aso kanina!
'Yung canine? Ang laki niya,
Bluemoon! Ang cute-cute
tapos ang talino!"

"Tapos inabot saakin ni
Arch ang pinapabigay mong yogurt!"

"Tapos. Ayun lang.
Ikaw? Kamusta ka?"

"Nothing new."

"Sorry kung hindi na ako
nangangamusta sa'yo. Hays.
Kasi kung kamustahin kita baka
negative ang sabihin mo at
tuluyan kang magbreakdown.
Kaya dinidistract kita
para baka sakaling
makalimutan mo at
sumaya ka saglit."

". . ."

"Para kang si Simon."

"Oww. Hehehe."

". . ."

"Bluemoon?"

"Hmm?"

"Nasaan parents mo?"

"Busy sa work. Ikaw? Nasaan parents mo?"

"Uhm.. wala na sila."

I'm sorry.
I lied.

"Ow. I'm sorry."

"Okay laaang."

". . ."

". . ."

"You should sleep. Goodnight."

"Blue."

"Hmm?"

"Gusto kita. Goodnight."

Pinatay ko ang tawag
at tumili nang malakas.

Aeon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon