070

589 42 4
                                    

  
  
  
--

He's deep like an ocean.
He's cold like it's frozen.
He's filled with arcane.
Full of strange sensation.

Staring his blank eyes.
Starting to realize.
His unknown once.
For him is a sad one.

--

"Nagsulat ka ng kanta?"
Tumango ako sa sinabi ni Tyrian
habang nagddrive siya. Hindi ko
alam kung saang lugar kami
pupunta pero hinahanap ako nila
Crimson.

Bakit kaya?

"Para kay Bluemoon."
Nag-okay sign ako kaya
natawa siya.

"Sana all."

"Saan ba tayo pupunta?"
tanong ko pero tumigil kami
sa isang hardin malapit sa park.

Napatingin ako sa kalagitnaan
at nakaputi sila ni Rike. Agad
akong bumaba sa sasakyan
at tulalang nakatingin sakanila.
For a second, nagsituluan ang mga
luha ko.

Nakangiti lang silang dalawa
at lumiwanag lalo kaya tumakbo
ako palapit sakanila pero bago ko pa sila
nahawakan ay nawala silang dalawa.

Kaya napaupo ako sa sahig
at napatingin sa itaas.

Nang maisip ko kung ano
ang nangyayari, parang
wala na akong lakas na tumayo.
Hindi rin mawala ang alaala na
nagpapakita sa isipan ko kasama
silang dalawa. Ang mga tawanan
at asaran.

Bakit ang bilis ng pangyayari..

"Rike.. Crimson.."

Wala na sila.

"Bakit niyo ako iniwan?!!"
sigaw ko at hindi ko kayang
itaas ang mga kamay ko para takpan
ang mukha pero hinayaan ko nalang
na bumuhos ang luha ko.

Hinanda ko na ang sarili
ko sa ganito diba? Dapat hindi
na ako umiyak at masasaktan..

"May pinapabigay sila."
Binigay niya ang isang capsule na
pinainom din nila dati para bumalik ako
sa normal.

"Masaya na ang taong binabantayan
nila. At alam ko kung ano kayo."
Ngumiti siya at hinimas ang likuran ko.
Napabuntong hininga ako.

"Inexplain saakin ang lahat ni Crimson.
Vanilla, hindi ka maglalaho tulad
nila kung maging okay si Bluemoon."

"Anong mangyayari saakin?"

Bakit hindi ko 'to alam?

Hindi siya sumagot.

"Malalaman mo rin."

Napabuntong hininga ako
at napahigpit sa paghawak ng
capsule. Pag-ininom ko 'to,
mawawala ang sakit at makakalimutan
ko ang sakit.

"Alam mo na ba kung ano
ang ireregalo mo kay Bluemoon
kung bumalik siya sa normal?" Tanong
niya kaya napatingin ako sa itaas.

"Hindi ko pa alam."

--

Make him happy
Before I'm gone
Make him delighted
Before I leave
Feel to him that he's worth it
Before I get lost
Save him please

--

Aeon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon