057

787 51 4
                                    

🍦

"Vanilla.. okay na,"
bulong ko sa sarili ko
at huminga nang malalim.
Mag-isa ako sa classroom
namin at.. ang sakit-sakit pa rin.

"Ano ba 'to." Ilang beses
kong ginugusot ang mga
mata ko dahil walang
tigil ang pag-iyak ko.
Tatlong araw na..
at parang may tumutusok
sa puso ko.

Ganito ba?

Ganito ba ang masaktan?
Nakakasakit ang mga
sinabi niya saakin. Naiinis
ako sa sarili ko.

"Ice cream?" Umangat
ang paningin ko at nasa
harapan ko ang kaibigan
ni Bluemoon. Ang pagkakaalam
ko, si Arch ito.

Umiling ako. Wala
akong gana.

"Kainin mo nalang
para saakin." Napayuko
siya sa sinabi ko kaya
napabuntong hininga ako.

"Ikaw ang kaibigan ni
Bluemoon diba? Anong
ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Napapansin kasi kita na
hindi ka na sumusunod
kay Bluemoon. May nangyari ba?"
seryoso niyang tanong.
Thank you dahil may
nagtanong saakin.

"Sinabihan niya akong
bobo. Oo. Wala akong alam.
Pero hindi ko inexpect
na mula sakanya manggagaling
'yun.." sabi ko kaya nalungkot
siya. Pinagmasdan ko ang
ice cream nantutunaw pababa
sa kamay niya.

"Negative thinker si Bluemoon.
Kaya sorry in behalf sakanya."
Alam ko. Ilang beses
akong tumango.

Hindi ko na kailangan ng
paliwanag. Kilala ko na si
Bluemoon.

Pero..

"Kasi malayo na siya sa
dating siya." Pagkasabi ni
Arch nun ay nasagi ko ang
notebook ko. Agad kong
kinuha 'yun. Pagkabalik ko ay
lumapit lalo saakin si Arch
na ikinagulat ko at tiningnan
kung ano ang nasa balikat ko.

"Bakit may pangalan ka ni
Bluemoon sa likod mo?"

Hindi ako nakapagsalita at
ang daming salita na sumasaksak
sa utak ko. Simula kung saan
ako nanggaling at kung
ano ang misyon ko kaya andito ako.

Tama.

"Sana itago mo ang lahat
ng sasabihin ko sa'yo," sabi ko
at agad siyang tumango.

"Hindi ko masabi kung saan
ako nanggaling.. pero andito
ako sa mundo ng mga tao.
Pinipilit kong nasa tabi ako
ni Bluemoon.. para maging
okay na siya."

Napanganga siya.

"Kapag naging okay na siya,
bumalik na sya kung sino
siya, mawawala ako." Hindi
na maipinta ang mukha ni
Arch at hindi ko rin maintindihan
ang mga mata niya.

Ngumiti ako.

"Anghel ka.."

Natawa ako sa sinabi niya.
At the same time tumatango
nang ilang beses.

"Sana anghel ako."
Tumawa pa ako at
pinunasan ang mata ko.

"Vanilla, Bluemoon
needs your help..."

Seryoso ko siyang tiningnan
dahil nasasaktan siya sa
sinasabi niya saakin.

".. because right now, he's not him."

Aeon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon