060

710 40 4
                                    

  
  
 
👤

"Bakit kailangan mo akong
akbayan? Para makatsansing ka?"
inis na tanong ni Crimson
habang inaakbayan siya ni Tyrian
para maitago ang mukha nila.
Nasa likuran sila ni Bluemoon na
kaharap si Vanilla at wala pang
nagsasalita sa kanila.

"'Wag kang maingay.. makikita
tayo ni Vanilla," sabi pa ni Tyrian
na busy sa pakikinig sa magiging
usapan nila Vanilla.

"Langya. Ang tagal," bulong ni
Tyrian at yakap-yakap ang
leeg ni Crimson. Nagmumukha
silang magsyota sa pwesto nila
para magdisguise at makichismis
kina Bluemoon.

"Pwedeng kumain muna akoㅡ"

"May sasabihin sana ako." Tinakpan
ni Tyrian ang bibig ni Crimson nang
magsalita si Bluemoon.

"I'm sorry."

Natahimik silang lahat lalo
na si Vanilla na walang kaalam-alam
sa nangyayari.

"Ha..?" parang binging tanong ni
Vanilla pero agad siyang nakarecover
nang ilang beses na pinalo niya ang
ulo niya para gumana.

"Bluemoon.. hindi mo kailangang
mag-sorry," sabi ni Vanilla habang
pinapanood ang ice cream niyang matunaw.

"Wala kang kasalanan saakin.
Pero malaki ang kasalanan mo sa sarili mo."
Napanganga sila Tyrian sa sinabi ni Vanilla.

"Oo, wala akong alam tungkol sa'yo.
At ang dahilan kung bakit ganito
ka kalungkot. Pero, Bluemoon..
nararamdaman ko ang sakit na
nararamdaman mo.. naiintindihan
kita kahit wala pa akong alam. Alam ko
kung gaano kasakit," dagdag niya.

"Ohshh. Bawal siyang umamin!"
pabulong na sigaw ni Crimson at
akmang aalis sa bisig ni Tyrian nang
ibalik siya ulit kung ano ang pwesto niya.

"Umamin saan?" tanong ni Tyrian.

"Lahat tayo may sakit na
nararamdaman. Kahit iba-iba ang
dahilan, sakit parin ang nakahighlight
sa buhay natin kahit maraming
magandang nangyari sa buhay..."

"...nga pala. Ako ang kailangang
magsorry dahil sa sobrang
kamangmangan ko. Sorry kung
wala akong kaalam-alam. It's just,
wala akong maalala noong
pagkagising ko dati. Kasi
Bluemoon, ang alam ko lang
ay may misyㅡ"

"Oh! Hi Vanilla! Hi Bluemoon!
Andito pala kayo!" bati ni Crimson
pagtayo niya para makita siya nila Vanilla.

"Crim? Anong ginagawa mo rito?"

"Date." Nagulat silang lahat
nang tumayo rin si Tyrian at
napakamot ng batok.
Ano raw? Date? Nasa isip ni Crimson.

"Date? Ohㅡ"

"Yep. Kami na. Kakarating
lang namin dito," sabi ni Tyrian at
inakbayan ulit si Crimson.

Nagpalitan sila ng tinginan at
sinasabi sa mga mata ni Tyrian na
tinulungan niya si Crimson para
hindi maituloy ni Vanilla ang
sinasabi niya kay Bluemoon.

"Oo. Kami na."

Yuckkk! Nasa isip nilang
dalawa habang nakangiti
kina Vanilla at Bluemoon.

Aeon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon