043

881 52 1
                                    

🍧

"Bluemoon?"

Napatingin siya saakin.
Na may luha ang mga
mata niya.
Napaupo rin ako kung
saan siya nakatago.
Nasa ilalim siya ng
teacher's table.
Parang siyang batang
nawawala.

"Pati ba naman ikaw,
imagination ko lang.."

Bulong niya at nagtago
sa mga bisig niya.

Narinig ko ang mahina
niyang paghagulgol.

Ano raw? Produkto lang ako
ng imahinasyon niya?

"Bluemoon.. totoo ako."

Nanlambot ako nang
tiningnan niya ako.
Ang layo-layo sa Bluemoon
na kilala kong seryoso
palagi ang mukha.
Ang lungkot-lungkot niya at
para siyang babasagin na paso
na maaaring mabasag kung
dinampi mo ang dulo
ng daliri mo.

"Hindi. Nababaliw na ako."

Hinila ko siya palabas sa
ilalim ng teacher's table
at pinaupo sa pinakamalapit
na upuan. Hindi
ko maintindihan si Bluemoon.
Natatakot ako.

Nilapit ko ang pisngi ko sa
pisngi niya at dahan-dahan
siyang niyakap. Ramdam ko ang
bigat na paghinga niya. Kaya
hinawakan ko ang buhok
niya para suklayan.

"Morning.."

Napayakap din siya
saakin pabalik.

Napakunot ang noo
ko sa bulong niya.

"Hapon na.."

Bulong ko rin at narinig
ko ang tawa niya.

Agad akong napahiwalay
sakanya para tignan siya na
tumatawa at napangiti agad
ako nang makita ang ngiti niya.

Kahit napatawa siya at
isang karangalan na bilang
isang nilalang na mapatawa
ang isang Bluemoon Morales.
Pero lumungkot naman siya
kaya nalungkot narin ako.

"Pangalan niya,
Morning."

"Nino?"

Sobrang kakaiba ng pangalan.
Pero maganda!

"Kambal ko. Nasa ibang
school siya ngayon."

Hindi ko alam pero hindi
ako nagulat! 'Yun ang pinagtataka
ko at pakiramdam ko, alam ko
ang bagay na 'yun pero
wala akong maalala.

Hindi ko maintindihan.

"May kambal ka.."

Tumango siya.

"Gusto ko siyang makilala at
makita," dagdag ko at tumango
ulit siya. Parang gustong-gusto
ko siyang makilala dahil mukhang
mabuti siyang tao.

"Soon."

Aeon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon