Not Like In The Movies (COMPL...

By LushEricson

90.1K 1.7K 48

May dalawang pangarap ang stand-up comedian na si Beauty: ang maging isang sikat na personalidad at ang mapan... More

Walang Himalaaa!
Kung Ikaw Ay Isang Panaginip (Wenn Deramas)
Sabeeel... This Must Be Loooveee
Romcom Moments
Bona (Lino Brocka)
Romcom Moments
You're nothing, but a second rate...
Akala mo lang wala! Pero meron, meron, meron!
One More Chance (Cathy Garcia Molina)
Sabeeel... This Must Be Love... 2
Kaya kong Abutin ang Langit (Maryo J. Delos Reyes)
Bona 2 (Lino Brocka)
Kung saan at paanong labanan, magpasabi ka lang. Hindi kita uurungan
You're My Boss (Antoinette Jadaone)
Hindi ko kailangan ng tissue, I don't need tissue, don't judge me!
Every Romcom Ending Ever

Katarungan para kay Ka Dencio!

5.4K 102 8
By LushEricson


MALAKAS ang kabog ng dibdib ni Beauty habang nakapila para sa audition ng leading lady ni Gavin Acosta. Patuloy siya sa pag-practice ng iba't-ibang facial expressions.

Ipinasama sa kanya ni Queen Laki-faah ang kapatid nitong si Sashing, na tulad din nitong berde ang dugo, para raw umalalay sa mga kailangan niya. In fairness kay Sashing, tinutulungan talaga siya nito. Ito ang humuhusga kung convincing ang mga facial expression niya. At mas maganda pa ito sa kanya. Napapalingon dito ang ilang mga lalaki na crew ng gagawing pelikula. Kung hindi lang ito kaboses ni Basil Valdez, malamang ay super insecure na siya rito.

"Kinakabahan ako, girl," sabi niya kay Sashing, pinapaypayan ang mukha. "Ang gaganda ng mga ka-kompetensiya ko."

That was true. Hindi niya inaasahan na gigising ang mga diyosa mula sa lungga ng mga itong puno ng narra, balete, acacia o whatever para mag-audition kasama niya. Sa kutis pa lang ay matatalbugan na siya ng mga ito. Mapuputi ang mga ito. Magaganda ang korte ng legs, walang varicose veins. Ang mukha ng mga ito, leading leady material talaga. 'Yong tipong masarap panoorin sa movie screen.

Sabi sa kanya ni Valyena, idaan daw niya sa star power ang labanan. Ibig sabihin, gawin niyang unique ang suot niya. Gusto raw kasi ng masa ng unique na leading lady. Kaya may fascinator siyang korteng manika sa ulo, blouse na may mga nakadikit na CD's at pagkataas-taas na sapatos. Para tuloy siyang impersonator ni Lady Gaga. Pero, okay 'yon. At least takaw-pansin siya.

"Kaya mo 'yan, girl," pang-e-encourage sa kanya ni Sashing. "Pangarap mong maging artista, 'di ba? Pangarap mo si Gavin Acosta. Susuko ka ba dahil mas maganda sila sa 'yo?"

"Tingin mo ba talaga kaya ko?"

"Kayanin mo."

Ngumiti siya. Pinapasok na sila sa isang malaking kuwarto ang mga mag-o-auditon. Literal na kuwarto lang 'yon dahil wala kang makikita kundi ang mesa at mga upuan ng mga casting direktors na manghuhusga sa kanila. Sa harap ng mesa ay ang pader na dinikitan ng malaking tarpaulin ni Gavin.

Napahiwalay na sa kanya si Sashing dahil pinabukod na ang mga mag-o-audition sa kasama ng mga ito.

"Magsisimula na ba?" narinig niyang tanong ng isa sa mga casting directors. Katabi nito ang direktor mismo ng pelikula na kasama rin sa mamimili ng pasableng leading lady.

"Hinihintay pa si Gavin," sabi ng tomboy na assistant na nagpapila sa kanila. "Na-traffic lang daw. Pero malapit na daw siya."

As if on cue, bumukas ang malaking pinto ng kuwarto. Naroon na si Gavin, mag-isa lang, iginala ang paningin sa lugar. Nagtilian bigla ang mga diyosa sa paligid niya ng makita ang lalaki. She could not blame them, really.

Gavin was breathtakingly handsome. He was wearing red t-shirt with navy green colored jacket. Nakasuot din ito ng faded jeans at puting rubber shoes. He was also wearing dark sunglasses. Naglakad na ito palapit sa mesa na pinagkakatipunan ng mga staff ng pelikula.

She could not believe what was happening. Ang walang buhay na litrato sa kuwarto niya, ngayon ay narito na, naglalakad at humihinga. Gusto niyang takbuhin ang lalaki, hawakan sa pisngi, para malaman niya kung totoo ba ito. Napakaguwapo nito. Napakatangos ng ilong nito at nakakaakit ang mga labing tamang-tama lang ang kulay. Hindi masyadong maitim at hindi masyadong mapula. His brows were sexy too. Makapal iyon pero naka-arko pa rin. She wished she could see his eyes...

Tinititigan nito ang mga mag-o-audition. Mukhang hindi naman ito interesado dahil hindi nagtatagal ang pagtitig nito sa mga 'yon. Nang malapit na ito sa kanya ay napahinto ito. Biglang kumunot ang noo nito. Kahit naka-sunglasses, alam niya na nakatitig ito sa kanya.

Dahil ba 'to sa suot ko? Dapat yata hindi ako nakinig kay Valyena!

Hindi siya matigil sa paglunok, nakatitig lang din sa guwapong mukha ni Gavin. Humakbang ito ng dahan-dahan palapit sa kanya kaya ginusto na niyang kumaripas ng takbo.

Huminto ito sa tapat niya. Mas lalo na rin niyang nalalanghap ang pabango nito kaya parang nanlalambot ang mga tuhod niya. Mukhang naiirita ito sa kanya, base sa pagkakakunot ng noo nito. Para siguro siyang lumilipad na ipis sa mata nito.

He suddenly removed his sunglasses. At napasinghap siya ng tuluyang makita ang mga mata nito. They were light brown, and they were beautiful. Mata iyon ng mga lalaking laging may kapilyuhang naiisip. Pero hindi iyon ang dahilan kaya siya suminghap. There was a spark on his eyes. A spark she would like to call amusement.

Nawala na ang pagsasalubong ng kilay nito at biglang gumuhit sa mga labi nito ang isang makalaglag-pangang ngiti. "You're cool," sabi nito, parang humahanga talaga ang tinig. "Aabangan ko ang pagsalang mo." Pagkatapos sabihin iyon ay ibinalik na nito ang sunglasses sa mga mata nito at muli siyang inalayan ng ngiti. Inggit na inggit ang mga naggagandahang babaeng katabi niya.

O, ha? Ano kayo ngayon?

"Let the audition begin!" maya-maya pa ay sigaw ng direktor.

Eh di magsimula na. Ngayon ay confident na siya na may laban siya, kahit plain and simple lang siya.


MATAMANG nakikinig si Beauty habang ipinapaliwang ng casting director kung ano ang gagawin nila. Kailangan nilang umarteng jowa ni Gavin sa pamamagitan ng paglalambing sa pagkalaki-laki nitong tarpaulin na nakasabit sa pader. That way, nalalaman daw ng mga casting director kung sino sa kanila ang may chemistry kay Gavin.

Nagsimula na ang audition. Mukhang disappointed and direktor sa mga magagandang babaeng nag-audition. Masyado kasing generic ang mga ito. Iyong tipong pare-pareho ang mga facial expressions. Takot siguro ang mga itong magmukhang pangit kaya ang masayang mukha ng mga ito ay parang matamlay. Nare-reject tuloy ang mga ito. Meron pang nag-eskandalo dahil na-reject, kulang na lang maglambitin sa tarpaulin ni Gavin.

All the while, Gavin was just yawning while staring at the girls. Nag-slouch pa nga ito sa upuan nito na parang tamad na tamad itong panoorin ang mga babae. Madalas din niyang napapansin na sumusulyap ito sa direksyon niya. Pero hindi naman makapal ang mukha niya para isipin na nagagandahan ito sa kanya. Ipinagpalagay lang niya na dahil lang 'yon sa weird na suot niya.

"Beauty Molina."

Sa wakas ay siya na ang sasalang. Lumapit siya sa tarpaulin ni Gavin at tumingin sa mga manghuhusga sa kanya.

"Hello, ako si Beauty Amoranto Molina. I'm twenty-six years old. Living somewhere in Manila and my favorite color is yellow. My most embarrassing moment is—"

Nahinto siya sa pagsasalita. Gavin was chuckling. Mula sa pagkaka-slouch ay umayos ito ng upo, hinubad ang sunglasses at pinanood siya. Like he was so interested in her. His eyes had this weird ability to melt her bones, making her feel like a jittery puppet.

"Please proceed, Beauty," wika ng direktor na mukhang hindi siya type.

Pero hindi niya ito sinunod at nag-speech muna siya. "Sana po, hindi ako ma-discriminate dahil hindi ako gano'n kaganda. Panahon na para gisingin ang Pilipinas na mas mahalaga ang kakayahan ng isang artista na i-deliver ang isang script na may emosyon kaysa sa magandang mukha niya. Marami tayong magagandang artista na waley naman umarte. Kahit malungkot, mukhang masaya. Kapag umiiyak mukhang tumatawa. Marami din tayong magagaling na artista pero plain lang ang hitsura kaya ginagawa nating abusadong yaya. O inggitterang best friend—"

"Sister Beauty, please proceed!" sarkastikong sabi ng direktor.

"Yes, Father."

Napahalakhak na si Gavin. Inirapan tuloy ito ng direktor at sumenyas na magsimula na siya. Hinarap na niya ang tarpaulin ni Gavin at sinumulan na ang pag-arte niya. Ihinanda na niya ang script niya kanina pa. "Hello, penoy. May sasabihin ako sa 'yo."

"Niloloko ba niya tayo?" narinig niyang sabi ng direktor.

"'Wag ka nang ma-weirduhan sa tawagan natin. Ang tagal ko kayang pinag-isipan 'yon. Cute naman, 'di ba? Unique. At okay maging unique. Mas may dating," sabi niya, pagpaparinig na rin sa direktor.

Nang wala na siyang narinig na nag-react, hinaplos niya ang pisngi ni Gavin sa tarpaulin. "You're a star. Tapos, ordinaryong tao lang ako. Sa totoo lang, nakontento na naman ako na tinatanaw lang kita, eh. Kaya laking tuwa ko na napansin mo ako kahit simple lang ako. You would always be the brightest star for me. You will never lose your glow. Please don't stop shining for me, penoy..."

Kahit weird ang napili niyang endearment sa script niya, idineliver naman niya ang mga linya niya nang nasa isip niya si Gavin. Ibinuhos niya lahat ng emosyon niya para rito. In-imagine niya na hindi tarpaulin ang kinakausap niya, kundi si Gavin mismo. Maybe it worked, because her words of admiration for Gavin flowed like the sea.

Nang matapos siya ay bumaling ulit siya sa mga nanonood sa kanya. Mukhang namatayan ang ekspresyon ng lahat ng mga manghuhusga sa kanya maliban kay Gavin. He was grinning.

"A-ano po'ng masasabi niyo?" kinakabahang tanong niya.

Ang direktor ang sumagot sa tanong niya. Umiling na lang ito bigla. "Hindi ka tanggap. I'm sorry."

Pakiramdam niya ay bumagsak ang buong kisame sa balikat niya.

Continue Reading

You'll Also Like

3M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.7M 1.3K 2
Paano kung dumating ang araw na ang lahat ng nasa iyo ay bigla na lang nawalan ng saysay sa buhay mo? At ang tanging asam na lang ng iyong puso ay ma...
12.1M 13.5K 5
She loves Dominic and he has no idea at all. Stephanie grew up loving her brother's best buddy, Dominic Saadvera. Despite his status in society and n...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...